Pinag-usapan
natin ito noon-
Isang matipunong kabalyerong
may makinang na baluti,
makislap na titig
at nakasisilaw na ngiti
(mga tagapagdulot
ng kakaibang kiliti);
manggagaling siya
mula sa buwan
at sa iyo'y ibibigay
ang sanlibutan.
Pinagtawanan kita
(isang walang kuwentang panaginip!)
pero ang totoo,
hinihiling ko rin sa mga bituin
ang pagdating
ng iyong knight in shining armor,
ang pagpasyal mo sa buwan
at palasyo sa kalawakan.
Oo,
sa maniwala ka't sa hindi'y
gusto kong mahanap mo
ang iyong kabalyero
kahit na sigurado ako,
siyento porsyento,
siya'y hinding-hindi
magiging ako.
6 Nobyembre 2001
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
E-mail
us to contribute articles, pictures, or art works for the
next issue of Tinig.com