TULA
Ang Palaboy
Ni Ronald Atilano
Anim na oras
pa bago ang susunod na biyahe.
Wala na siyang planong iwan ang terminal.
Nadaragdagan ang mga pasahero.
Nababawasan ang mga pasahero.
Iniisip niyang nakaupo siya sa ibabaw ng buwan.
Ang daang pabalik ay pinamumugaran ng mga halimaw.
Maliwanag na
gabi sa aking tabi.
Malumanay na dagundong sa lupa.
Sumisilaw ang ilaw ng mga sasakyan.
Naglalaho ang ilaw ng mga sasakyan.
Palayo sa lugar ng kanyang mga kababata.
Palayo sa magulang, kapatid, kaibigan.
Iniisip niyang
mali ang mga nabasa niya.
Na nagbibiro lang si Jules Verne.
Na nasa panganib ang buhay niya.
Na nagpuputik ang paa niya sa loob ng sapatos.
Na bahagya nang umaambon sa labas.
Iniisip niyang
mabuti kung paano siya nakarating dito.
-----------------
Mahilig sa mga solo trips si Ronald kapag umaabsent siya sa trabaho.
Gawain niyang matulog sa ilalim ng mga sikat na monumento.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|