|
TULA
Ang Aking
Nakaraan
Ni Rodel Mayores
Musmos pa lamang
ako ay iningatan na kita sa aking puso
Murang gulang pa lamang ay alam ko nang ikaw ang tinatangi ko
Inalagaan kita, ginawang inspirasyon sa aking mga leksyon
Sa kabila ng katotohanang ikaw ay kaagaw ko sa mga rekognisyon
Lumipas ang
mga araw, ang mga taon ay kasama ring nalagas
Nagtapos tayo ng elementarya na parehong nakamit ang karangalan
Masaya ako na magkasama tayo ng pareho sa taas ng entablado
Parehong nagbibigay ng ng kanya-kanyang talumpating nakalaan
Sa parehong
paaralan, mapalad na nagkasama tayong muli
Sa iisang mataas na paaralan tayo ay muling nagtunggali
Sa pagkakataong ito, di lamang tayong dalawa ang nag-aagawan
Maraming iba pa na maituturing na nakahihigit sa ating kakayahan
Sa pagkakataong
ito, di na tayo naging magkalaban
Bagkus tayong dalawa ay boung pusong nagtulungan
Di mo lamang alam na may damdaming sa 'yoy nakalaan
Na sa paglipas ng mga panaho'y tila hindi napaparam
Ngunit di sinasadya,
tila hinihingi ng pagkakataon
Na ang ating landas ay maghiwalay at magkalayo
Sa ibang lalawigan ako ay napadpad
Ngunit ang aking damdamin ay sayo pa rin nakalaan
Muling lumipas
ang panahon, na para bang kaylan lang
Natapos ko ang aking pag-aaral na matagal ko nang asam
Muli akong nagbalik sa lugar na ating pinagmulan
Upang gulatin ng isang balitang di ko inaasahan
May asawa ka
na; may pamilya nang inaalagaan
At ang yong ganda'y bahagya na ding kumupas
Kinapa ko ang aking damdaming matagal ng iningatan
Upang sabihing ika'y bahagi na lang ng aking nakaraan.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|