v 11.0
Pebrero 25 , 2002  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

MULA SA PATNUGOT
Magpakatotoo, Huwag Magpakatuta


 

BAGO ANG lahat, hindi po kami Abu Sayyaf lovers. Hindi kami kampi sa mga terorista. Kinasusuklaman din namin sila.

Pero ayaw rin namin sa Balikatan exercises. Sa tingin kasi namin, ang paghingi ng tulong sa US upang magpadala ng 660 Amerikano sundalo rito--kahit pa 160 lamang ang mananatili sa Basilan kung saan nagkukuta ang tinatayang 80 terorista--ay isang malaking katatawanan.

Magpakatotoo
Bakit hindi muna natin tingnang mabuti kung bakit sa kabila ng libu-libong sundalo natin na naitalaga upang lipulin ang Abu Sayyaf ay buhay pa ang mga buhong? Hindi kaya may problema nga sa hanay ng ating tanggulang pambansa? Magpakatotoo tayo. Aminin nating mukhang dapat nating pakinggan ang tinig ni Padre Cirilo Nacorda at ng iba pang residente ng Lamitan na nagsasabing nagkaroon ng sabwatan.

Huwag manloko
Kaduda-duda ang basehan ng Balikatan. Noong una, mismong ang mga taga-gobyerno ay nagkakagulo sa pagpaliwanag kung ano ba ang basehan nito. Sa huli, napagkasunduan nila na ang Visiting Forces Agreement na lang ang batas na nagpapahintulot ng Balikatan, na naglalayong masanay ang ating mga sundalo upang labanan ang terorismo, partikular ang Abu Sayyaf.

Pero teka lang. Di ba't ang VFA, kung di kami nagkakamali, ay siyang pinaka-implementing rules ng Mutual Defense Treaty? At di ba't ang MDT ay siyang magbibigay sa atin ng suporta kung mayroong external threat sa ating bansa?

Huh, Abu Sayyaf, external threat? Kasi linked kay Osama bin Laden? Duh! Wala namang lokohan, o!

Itaguyod ang Kasarinlan
Ang problema sa Abu Sayyaf ay usaping panloob. Dapat hayaan nating harapin ito nang walang pakikialam ng US, lalo na sa mga panahong naririnig natin si US President Bush na nagbabanta "If they will not act, America will" or something to that effect. Aba e, maghunos-dili tayo sa pagpapasok ng tropang Kano rito. Baka akalain nilang di tayo kumikilos (dahil sa sabwatan?) ay mas mapadali ang pagkilos nila. Pag nagkataon, magkakalasug-lasog sa pagyasak ni Uncle Sam ang tinatawag nating kasarinlan.

Masamang epekto
Hopeful si Ate Glo na dahil sa Balikatan, malulutas ang tinatawag na Mindanao problem. Pero sa totoo lang hindi magiging ganoon kadali ang lahat. Ilang ulit na itong nasabi, parang inuulit lang natin, na hanggat nariyan ang kahirapan, may pagpupugaran ang rebelyon. At ang rebelyon, kapag nawalan ng direksiyon, ay nanganganib na maging terorismo.

Sana'y makinig si Ate Glo sa mga tunay na kagalang-galang na mga lider gaya nina dating Senador Bobby Tañada at dating Senate President Jovito Salonga na nagpapahayag ng pagsalungat sa Balikatan. Sa isang panayam, nagpahayag ng pagkabahala si Senator Tañada na sa halip na malutas ng Balikatan ang problema, ay lalo itong magpalaki sa problema. Baka ito aniya ay parang pagbubuhos ng gaas sa naglalagablab na apoy.

Matagal nang sinasabi ni Ate Glo na ang komokontra lang daw sa Balikatan ay ang mga komunista. Sina Tañada at Salonga, mga komunista? Bwahahaha, very funny!

Pakinggan din sana ang tinig ng mga kababaihan at mga nagtataguyod ng kalikasan. Base sa karanasan, alam na natin ang mga dahilan sa kanilang pagtutol sa Balikatan.

Lumingon
Samantala, ang mga alipores ni Ate Glo ay nagmamarakulyo sa pagsasabing bakit daw madalas ungkatin ng mga tutol sa Balikatan ang mga pangyayari noong panahon pa ng digmaang Amerikano-Pilipino. Napakatagal na panahon na raw iyon at dapat nang kalimutan.

Paalala lang, Secretary Golez, hindi po laging ang lumilingon sa pinaggalingan ay nadadapa. Mas tama po ang sabi mga matatanda, ang hindi raw lumingon sa pinanggalingan, ay hindi nakakarating sa paroroonan.

Ano kamo? Mas mahalaga ang pakikipagkaibigan sa ibang mga nasyon? Totoo naman po. Pero wag lang kayong umasa na si Juan ay ituturing na pantay na kabarkada ni Uncle Sam. Tandaan natin kung gaano karaming Pilipinong Kristyano at Muslim ang pinatay ni Uncle Sam noon.

Kung nagawa niya iyan noon upang maisulong ang nais niya, bakit hindi ngayon?

Wag magpakatuta!
Sobrang talamak na ang colonial na pag-iisip, na sa aming palagay ay nakakatulong sa malawakang pagtanggap ng nakararami nating kababayan sa isinasagawang Balikatan.

Nakadaragdag pa ang mga estupidong pahayag gaya ng "Kung tutol ka sa Balikatan, ikaw ay hindi Pilipino--Abu Sayyaf lover ka" sa excitement ng marami sa pagdating ng ga GI Joe. Pero naman, halatang kopya lang ito ng isa pang katangahang "You're either with us or with the terrorists!"

Kung mga ganito kababaw na mga pahayag ang magkukumbinsi sa atin na sumang-ayon na lang tayo sa Balikatan ay magdadalawang-isip tayo.

Siyanga pala, bakit nga ba nagkaroon ng Balikatan exercises sa Mindanao? Ayon kay Pangulong Arroyo, nag-volunteer si Bush na magpadala ng US forces dito upang tumulong sa pagpuksa sa mga Sayyaf. Payag naman agad si Ate Glo. Wag lang daw sa aktwal na labanan. Mabuti iyon. Pero open arms talaga niyang tinanggap ang ayon sa kanya'y mga kaibigan ng Pilipinas.

Ngunit nakakatakot nga lang dahil sa takbo ng mga pangyayari ngayon, mukhang higit pa sa anim na buwan ang Balikatan. Mukhang may iba pang gustong gawin ang US.

Hindi masamang mag-idolo o makipagkaibigan. Pero ang magpakatuta at sumunod na lamang sa gusto ng dating mananakop ay kalabisan na.


E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com

EDITORYAL
Magpakatotoo, Huwag Magpakatuta!

Waiting
Ni Annelies Mariano

How Washington Hypnotizes Us Through Hollywood
By Julius G. Matibag

Tapatang Kano at Abu
Ni Dennis Aguinaldo

Taking the Challenge
By Michelle Licudine

Gloria Macapagal-Arroyo: Dakilang Lider
Ni Julio Dimaano

Isang Ka-ekekan sa Araw Ni Valentino
Ni Guerera
MGA KWENTONG PEOPLE POWER 2
Ang Tunay na Pagbabago
By Jamaica Pascual

PITAK
Don Claro
Ni Alexander Remollino

Filipino Youth Say RP Needs US to Defeat Abu Sayyaf
By Alfred A. Araya Jr.

Be a Court-appointed Special Advocates Volunteer
By Judge Nimfa Vilches


MAIKLING KUWENTO

Bakit Wala si Tatay?
ni Vlad Gonzales

A Soldier's Chronicle
By Arriance Angela Solis


TULA

Stargazing
Ang Palaboy
Maaari Pala
Ang Aking Nakaraan
"Rather"
Double Wedding
The Wave


PLUNDERWATCH
Justice Sacrificed for Political Expediency
Stop Erap’s escape and the Betrayal of PP2


LETTERS / STATEMENTS

UP RAGE: No to Balikatan 02-1!
Covenant of Student Leaders for Peace and Sovereignty

TXTPOWER
TXTPower Opposes SIM Card Listing


YuPeace
What is YUPeace?
YuPeace Lambasts Bush, Launches 1 M Signature Campaign


Announcements
UP Journalism Club Alumni Homecoming
UP Mountaineers Talikasan

Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved