v 11.0
Pebrero 25 , 2002  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

Liham sa Pangulo Ngayong Araw ng mga Puso
Ni Armando Sinaglahi

Pebrero 14, 2002

Kagalang-galang na Pangulo,

Maligayang Araw ng mga Puso. Batid kong masaya ang inyong pagdiriwang sa kaganapang ito. Tiyak na punung-puno ng palamuti at mga pagkain ang inyong hapag-kainan ngayon, at maraming kaibigan ang bumabati sa inyo at dumadalo sa inyong handaan.

Maligayang Araw ng mga Puso, kahit na kaming mga kababayan mo'y tinitiis ang sakit ng buto't laman upang mapanatiling buhay ang aming mga sarili; kahit na marami sa ami'y walang masilungan lalo na kapag umuulan; kahit na marami sa amin ang nagkukulang ng pagkain sa pang-araw-araw na pamumuhay; kahit marami sa amin ang ipinagbibili ang katawan at kaluluwa matugunan lamang ang pangangailangan ng aming mga kamag-anak, kaibigan, o kung sinumang malapit sa aming puso.

Maligayang Araw ng mga Puso, kahit nangangamba kaming ipinagbibili ninyo ang inyong katawan, kaisipan, at kaluluwa upang matugunan ang kagustuhan ng iilang mga hangal na wala namang nagawa upang mapagbuti ang kalagayan ng lupang ating kinatatayuan ngayon. Ipinagbibili ninyo ang inyong sarili upang makamit ang kaligayahang panandalian lang naman--ang walang kapantay na kapangyarihan.

Maligayang Araw ng mga Puso, kahit na nangangamba kaming ipinagbili mo na ang aming mga kaluluwa sa nakapangingilabot na apoy ng demonyo na siyang tunay na namumuno ngayon sa daigdig na ito.

Ipinagbibili mo kami kay Tiyo Samuel, isang taong ipinagbili na rin ang kanyang kaluluwa sa Demonyo sa pamamagitan ng pangangamkam ng mga yaman ng iba't ibang bansa sa matagal na panahon, sa pamamagitan ng Balikatan, na ayon sa inyo'y isa lamang pagsasanay ng mga kawal na Amerikano't Pilipino, ngunit aming pinangangambahang isang totohanang digmaang mananalanta hindi lamang ng mga itinuturing na kalaban ni Tiyo Samuel kundi maging mga taong walang kinalaman sa labanan, batay na rin sa naitalang pagkakapatay sa 3,500 sibilyan sa Afghanistan.

Maligayang Araw ng mga Puso, kagalang-galang na Pangulo. Batid kong talagang masaya ang inyong pagdiriwang ng kaganapang ito.


Sumasainyo,
Armando Sinaglahi


-----------------
Ayon kay Armando, siya ay ang pinakapinagpalang nilalang pagdating sa
kaanyuan.

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.


E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com

EDITORYAL
Magpakatotoo, Huwag Magpakatuta!

Waiting
Ni Annelies Mariano

How Washington Hypnotizes Us Through Hollywood
By Julius G. Matibag

Tapatang Kano at Abu
Ni Dennis Aguinaldo

Taking the Challenge
By Michelle Licudine

Gloria Macapagal-Arroyo: Dakilang Lider
Ni Julio Dimaano

Isang Ka-ekekan sa Araw Ni Valentino
Ni Guerera
MGA KWENTONG PEOPLE POWER 2
Ang Tunay na Pagbabago
By Jamaica Pascual

PITAK
Don Claro
Ni Alexander Remollino

Filipino Youth Say RP Needs US to Defeat Abu Sayyaf
By Alfred A. Araya Jr.

Be a Court-appointed Special Advocates Volunteer
By Judge Nimfa Vilches


MAIKLING KUWENTO

Bakit Wala si Tatay?
ni Vlad Gonzales

A Soldier's Chronicle
By Arriance Angela Solis


TULA

Stargazing
Ang Palaboy
Maaari Pala
Ang Aking Nakaraan
"Rather"
Double Wedding
The Wave


PLUNDERWATCH
Justice Sacrificed for Political Expediency
Stop Erap’s escape and the Betrayal of PP2


LETTERS / STATEMENTS

UP RAGE: No to Balikatan 02-1!
Covenant of Student Leaders for Peace and Sovereignty

TXTPOWER
TXTPower Opposes SIM Card Listing


YuPeace
What is YUPeace?
YuPeace Lambasts Bush, Launches 1 M Signature Campaign


Announcements
UP Journalism Club Alumni Homecoming
UP Mountaineers Talikasan

Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved