v 11.0
Pebrero 25 , 2002  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

Isang Ka-Ekekan sa Araw Ni Valentino
Ni
Guerera

VALENTINE'S DAY na. Eto na naman ang isa sa mga nakaka-torture na araw sa buhay ng isang nilalang na tulad kong di pa rin nabibiyayaan ng isang papa. Papa, as in boyfriend or asawa...

Kung puwede lang sanang mag-hibernate at matulog ng buong araw, para
hindi ko na lang nararamdaman ang nakakainis na kalungkutan kong ito.

Sabi ng mga friends ko na wala ring mga kapareha, okey lang daw yun.
Masyado raw akong obvious na apektado sa aking pagiging malaya.
Hello??

Hindi okey yun no! Ayaw ko namang maging impokrita sa aking sarili
at sa aking kapwa. Sasabihin kong masaya ako at hindi sinasamaan ng pakilasa eh ang katotohanan, ramdam ko na parang kinayod ang loob ng puso ko, hungkag at walang lama!

Bakit ba naman kasi inimbento pa ang Valentine's day?

Teka, bago ang malulupit nyong reaksyon, ito ay isang sentimyento ha? Kaya pabayaan ninyo akong sabihin ko ang damdamin ng isang taong nangungulila.. (sus mio, ako nga ba ito?) At saka hindi lang naman ako ang nagha-harbor ng ganitong saloobin no? Saka, wala namang masama kung sasabihin ko ang laman ng aking kalooban

Hay naku, nakakaloka talaga!

Tulad ng isang ka-opisina ko, naiisip na pumunta sa flower shop at bumili ng bouquet of roses. Ipapadala raw sa sarili nya at saka ilalagay sa card na "from an anonymous admirer" saka ipagngangalandakan dito na may natanggap sya... Bongga nga pero juice ko day! Sinong niloloko nya, eh di sarili nya... kahit pa rumampa sya dala ang dose-dosenang bulaklak na iyon, wala pa rin, dahil sa kanya mismo yun galing.. tsk.. tsk.. Sabagay, napadaan ako sa may flower shop kanina papunta sa opisina, gaganda ng mga bulaklak! Hay.... nakaka-temp nga naman!

Style naman ng iba, papahanap ng blind date--kaibigan ng kaibigan ng kaibigan, pinsan ng kaibigan ng kapatid ng kumare, best friend ng girlfriend ng kuya ng ka-opisina ng pinsan, ah ewan--basta may maka-date lang! Ang masaklap, kung ang nasa isip mo eh isang makisig na binata, gwapo at matalino. Akala mo kasi kamukha ni Brad Pitt o ni Leonardo diCapprio... sa huli, pinabagsak lang ang expectations mo. Ewan ko na lang sa mga di mapili pero para sa mga tipikal na mahilig sa gwapo, pagtiisan mo yan mare, sa araw lang naman mo ito sya makaka-date eh...

Sa labas, maraming mga heart decorations.. kahit saan ka luminga,
marami kang makikita nun. Kahit nga sa sari-sari store ni Aling Epang, may
mga cut-outs ng kartolinang pula. Dun nga sa parlor ng mga bakla kanina,
kita ko, lahat sila naka-pula, with matching red lipstick at mapulang blush
on.. Hehehehh, buti pa sila, lahat yata may "fafa"!

Gusto ko sanang magdala ng ear plugs pagdating sa opisina. Ayaw kong
marinig ang broken record tuwing sasapit ang araw na ito:"Sinong
ka-date mo mamaya?", "Saan date nyo?" Huuuu! Ngiti ako to the ears kunwari eh sumasakay lang at ipinagpapalagay na nagbibiro lamang ang mga dyaskeng nagtatanong na ito samantalang di nila alam na ang puso ko eh mahihiya ang pincushion na walang palaman! Na-imagine mo ba?

Hanggang panaginip na lamang ba sa akin ang dinner with candle light, isang bouquet ng puting rosas. Tapos may box of chocolates, (pero ok lang kung wala). At syempre ang pinaka-importante eh yung magbibigay ng mga iyon.

Nasaan na kaya ang Romeo ng buhay ko? Di ka naman mahihirapan
dahil di mataas balkonahe ng bahay namin.

Si Sir Lancelot na sakay ng puting kabayo? Wala naman akong chastity belt na tulad ni Queen Guinevere?

Legolas, sabay tayong magtirintasan ng ating mga buhok kahit mas maganda ka kaysa sa akin. At turuan mo na rin akong pumana ng mga orcs. hehehe!

Hay naku! Bakit kasi nagkaka-trangkaso si Kupido tuwing maaatasan na
magpana ng isang puso para sa akin? Kelan kaya ako magkakaroon ng
ka-HHWW? O may susubuan ng french fries at sasadyaing lagyan ng
ketsup ang ilong? O may kakagatin sa braso sabay tanong na "masakit ba?"

Kailan ako magkakaroon ng balikat na masasandigan habang nakikinig ng senti music; ng buhok na hahaplusin at aamuyin at sasabihan ang may-ari ng "teka, may dandruff ka sweetheart.."; ng mga tengang makikinig sa aking kantang sa tono'ymahihiya ang trend sa cardiograph wave; ng isang bisig na sasambot at magkukulong sa akin kapag sinusumpong ng pagkalampa; ng isang boses na magsasabing "honey.. alam mo kahit iyakin ka,
love na love kita..."

(Singhot...) Enough... enough... tissue nga!

----------------
We hope na by this time, tapos nang magmarakulyo si Guerera.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com

EDITORYAL
Magpakatotoo, Huwag Magpakatuta!

Waiting
Ni Annelies Mariano

How Washington Hypnotizes Us Through Hollywood
By Julius G. Matibag

Tapatang Kano at Abu
Ni Dennis Aguinaldo

Taking the Challenge
By Michelle Licudine

Gloria Macapagal-Arroyo: Dakilang Lider
Ni Julio Dimaano

Isang Ka-ekekan sa Araw Ni Valentino
Ni Guerera
MGA KWENTONG PEOPLE POWER 2
Ang Tunay na Pagbabago
By Jamaica Pascual

PITAK
Don Claro
Ni Alexander Remollino

Filipino Youth Say RP Needs US to Defeat Abu Sayyaf
By Alfred A. Araya Jr.

Be a Court-appointed Special Advocates Volunteer
By Judge Nimfa Vilches


MAIKLING KUWENTO

Bakit Wala si Tatay?
ni Vlad Gonzales

A Soldier's Chronicle
By Arriance Angela Solis


TULA

Stargazing
Ang Palaboy
Maaari Pala
Ang Aking Nakaraan
"Rather"
Double Wedding
The Wave


PLUNDERWATCH
Justice Sacrificed for Political Expediency
Stop Erap’s escape and the Betrayal of PP2


LETTERS / STATEMENTS

UP RAGE: No to Balikatan 02-1!
Covenant of Student Leaders for Peace and Sovereignty

TXTPOWER
TXTPower Opposes SIM Card Listing


YuPeace
What is YUPeace?
YuPeace Lambasts Bush, Launches 1 M Signature Campaign


Announcements
UP Journalism Club Alumni Homecoming
UP Mountaineers Talikasan

Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved