v 11.0
Pebrero 25 , 2002  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

President Gloria Macapagal-Arroyo's February 8 Statement About Balikatan Exercises

(Second part of the President's Opening Statement delivered on February 8 at the Ceremonial Hall, Malacañang Palace
Source: Official Website of the Government of the Republic of the Philippines, President's Speeches section)

ANG PANGALAWANG aking pahayag naman ay tungkol din sa Mindanao.

Tayo ngayon ay naglalayag sa isang dakilang pakikipag- sapalaran sa kasaysayan ng ating bansa. We are now embarked on a great and grand adventure in the history of our nation.

Sa pulo ng Basilan at sa iba't-ibang dako ng Pilipinas ay nagsasanay ang mga magigiting na kawal ng dalawang dakilang bansa na may mahabang kasaysayan ng pagtutulungan at pagkakaibigan.

Sa loob ng anim na buwan ay magtutulungan ang dalawang hukbo sa pagpapalakas ng kapasidad at galing ng sarili nating Armed Forces of the Philippines, ang tagapagtanggol ng bansang Pilipinas sang-ayon sa ating Konstitusyon.

Sa loob at pagkatapos ng anim na buwan, lalong lalakas ang ating hukbo.lalong bubuti ang kanilang galing sa siyensya ng depensa at salakay. Lalong lalakas ang kanilang armas sa tema ng makabagong eroplano, barko, tangke, riple at iba pang kagamitan ng military.

Sa madaling salita, magkakaroon tayo ng makabagong Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. At the end of this exercise, we shall have a new, improved and stronger Armed Forces of the Philippines.

At dahil dito ay lalong lalakas ang seguridad ng Pilipinas. Lalong lalakas ang katatagan ng bansa laban sa mga kaaway sa loob at mga kaaway sa labas. at kung malakas at matatag ang ating kaligtasan, kung malakas ang peace and order lalong bibilis ang ating kaunlaran.

Lalo nating mapapabilis ang ating kampanya na umunlad ang ekonomiya, magtatag ng maraming negosyo, lumikha ng maraming trabaho, pataasin ang sahod ng manggagawa, bawasan ang kahirapan at itaas ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Lalong bibilis ang pagbagsak ng mga bandidong Abu Sayyaf at bibilis ang
pagbabalik ng katahimikan sa Basilan, Sulu at Mindanao. At dahil dito ay lalo nating matututukan ang pagpapalusog sa agrikultura at industriya sa Mindanao. Ang pagpapatayo ng maraming planta at pabrika. Ang paglikha ng maraming hanapbuhay sa mga lungsod, bukid at karagatan.

At lalong lalakas ang pagbalik ng tiwala ng mga negosyante sa ating bansa.
investors' confidence in our economy and in our stability will grow and prosper.

Sino ang tutol sa pagpapalakas ng ating hukbong sandatahan? Sino ang laban sa alok na tulong at kaligtasan ng taong-bayan?

Hindi ka Pilipino kung salungat ka sa kapakanan ng sarili mong kawal. Hindi
ka Pilipino kung tutol ka sa tulong na inaalok ng isang kaibigan. At hindi ka Pilipino kung tutol ka sa katahimikan at kaunlarang pangako ng Balikatan 2002.

Kung hindi ka Pilipino ay sino ka? Isang protektor ng mga terorista. Isang
kasosyo ng mga mamamatay-tao. Isa kang Abu Sayyaf lover. Mas mahal mo ang mga terorista kaysa sa sarili mong kawal na nagtatanggol sa iyo. Mas mahal mo ang bandido at kampo ni Osama Bin Laden kaysa sa isang bansa ang hanap ay tulungan ka.

Panahon na para malaman kung sino ang nasa panig ng kaligtasan, kapayapaan at kaunlaran ng Pilipinas, at kung sino ang gustong mamalagi ang Abu Sayyaf at magpatuloy ang gulo sa Basilan at Mindanao.

Panahon na para makilala kung sino ang kampi ng demokrasya at pagtutulungan ng mga malayang bansa, at kung sino ang kampi ng terorismo at sa paghahari ng puwersa ni Osama Bin Laden.

Dapat makilala kung sino ang nasa panig ng kalayaan at kung sino ang nasa panig ng pananakot. Walang puwedeng miron lamang. You are either for or against democracy, freedom and prosperity. There can be no bystanders.

Nagpapasalamat ako na napakarami ang sumusuporta sa Balikatan at sa pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika laban sa terorismo. Kayo'y nasa panig ng katwiran. Kayo'y nasa tamang landas ng kasaysayan.

Hindi tayo mabibigo. Hindi mabibigo ang taong-bayan. Pagkaraan ng anim na buwan magkakaroon tayo ng isang bago at malakas na armed forces na mas may malakas na kapasidad na durugin ang mga kaaway at ipagtanggol ang bansang Pilipinas.

As your President, I will not stop until the last of the Abu Sayyaf members is captured dead or alive.

Malaki ang aking tiwala kung tayo lamang ay magkakaisa at magtutulungan, maililibing natin ang perwisyong Abu Sayyaf.

At sa oras na magpaalam na tayo sa galamay ng terorismo, magbabalik ang mga kapitalista at investors na ngayon pa lamang ay unti-unti ng bumabalik sa Pilipinas. Lalong dadagsa ang mga turista. Uunlad ang ekonomiya. Sisigla ang negosyo. Dadami ang hanapbuhay. Ang ating ekonomiya na lumakas ng 3.7 percent noong nakaraang taon sa kabila ng global economic downturn ay lalong magiging masagana at malusog.

At iyan ay dahil sa bagong rehimen ng pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika, at iba pang ating mga kaibigan, sa tulong ng ating Kongreso, sa tulong ng civil society, sa tulong ng simbahan, at sa tulong ng mas maraming nakakarami sa ating taong-bayan.

Sa inyong lahat lalung-lalo na yung mga local government units, yung mga outstanding local government units natin, yung mga umaakyat dito, halos lahat kilala ko sila. Outstanding sila sa ginagawa nila. Pero alam ko rin na sila ay sumusuporta sa ating patakaran tungkol sa Balikatan.

Kaya sa inyong lahat na nakakuha ng awards itong araw na ito,
Congratulations! At maraming salamat sa inyong tuloy na suporta.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com

EDITORYAL
Magpakatotoo, Huwag Magpakatuta!

Waiting
Ni Annelies Mariano

How Washington Hypnotizes Us Through Hollywood
By Julius G. Matibag

Tapatang Kano at Abu
Ni Dennis Aguinaldo

Taking the Challenge
By Michelle Licudine

Gloria Macapagal-Arroyo: Dakilang Lider
Ni Julio Dimaano

Isang Ka-ekekan sa Araw Ni Valentino
Ni Guerera
MGA KWENTONG PEOPLE POWER 2
Ang Tunay na Pagbabago
By Jamaica Pascual

PITAK
Don Claro
Ni Alexander Remollino

Filipino Youth Say RP Needs US to Defeat Abu Sayyaf
By Alfred A. Araya Jr.

Be a Court-appointed Special Advocates Volunteer
By Judge Nimfa Vilches


MAIKLING KUWENTO

Bakit Wala si Tatay?
ni Vlad Gonzales

A Soldier's Chronicle
By Arriance Angela Solis


TULA

Stargazing
Ang Palaboy
Maaari Pala
Ang Aking Nakaraan
"Rather"
Double Wedding
The Wave


PLUNDERWATCH
Justice Sacrificed for Political Expediency
Stop Erap’s escape and the Betrayal of PP2


LETTERS / STATEMENTS

UP RAGE: No to Balikatan 02-1!
Covenant of Student Leaders for Peace and Sovereignty

TXTPOWER
TXTPower Opposes SIM Card Listing


YuPeace
What is YUPeace?
YuPeace Lambasts Bush, Launches 1 M Signature Campaign


Announcements
UP Journalism Club Alumni Homecoming
UP Mountaineers Talikasan

Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved