Akala ko'y hindi
maaaring makahanap
ng perlas sa putikan,
ng ilang-ilang sa gitna
ng mga damong matataas pa sa tao,
ngunit maaari pala,
sapagkat sa gitna
ng kayraming humahalik at humihimod
sa mga paa ng diyus-diyosang salapi
ay mayroon ding isang tulad mo
na nagagawang salubungin ng tingin
ang ningning sa mukha
ng palalong diyus-diyosang ito
nang hindi nilulusaw ng pagkasilaw
ang mga mata.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
E-mail
us to contribute articles, pictures, or art works for the
next issue of Tinig.com