|
Dumaan
ang bus sa EDSA
at muli kong naalala
ang aming pakikibaka
sa walang'yang si Estrada
Hindi
ko malilimutan
ang aming puyatan,
mga mahabang lakaran,
mga cheer, kanta't kodakan.
Hanggang
ngayo'y suot ko pa
ang itim kong kamiseta--
ang kulay ng pag-aalsa,
tiket sa libreng meryenda.
Ang
walk-out sa paaralan,
ang pagtakas sa magulang,
ang iba't-ibang tindahan--
tanging EDSA ang dahilan.
Dumaan
ang bus sa EDSA
At ako'y lubhang sumaya;
hindi ko na naalala
ang magbayad at pumara
|
Sumuka
ang batang akay
ng kanyang dugyuting ina,
sabay sa tulo ng laway
ng kanyang tulog na ama.
Bantot
ng suka'y humalo
sa hanging puno ng karbon.
Bawat sulok ay pinuno
ng nakahihilong amoy.
Motor
at buzzer na sira,
mga saradong bintana
at air freshener na luma--
Yan ang 'sinuka ng bata.
at di
na kayang itago
ng tiket nitong konduktor
ang init, lagkit at baho
ng motor, suka at karbon.
Umiyak
ang batang akay
ng kanyang namalong ina
Suka lamang ang karamay
dahil tulog pa ang iba.
|