|
MAIKLING
KWENTO
Delta Transit
Ni Vladimeir Bautista
Gonzales
SO GANITO yung
nangyari: Sumakay yung ale dun sa bus, maraming upuan pero okupado
na lahat. Maluwag pa yung ano, ano bang tawag dun sa tinatayuan?
Yung parang aisle, a hindi, aisle talaga! Dun siya pumuwesto.
E di yun na
nga, lumalakad na siya papunta sa likod, kasi ayaw niya sa harap,
e biglang nag-break yung driver. Aba, nag-rolling attack yung
ale! Parang si ano, yung sa Street Fighter, si Blanka ba yun?
Ayun, nagpagulong-gulong siya, patalikod pa nga e kaya hindi nga
rolling attack yun kundi reverse rolling attack kasi pabaligtad
kaya reverse, kahit si Blanka hindi kaya yun.
Para siyang
bola, parang basketball, hindi, bowling ball, hindi, para siyang
ferris wheel na tao kaya hindi talaga ferris wheel kasi tao nga
siya na umiikot-ikot, parang bola, ayun, ganun. Sinubukan niyang
kumapit sa mga upuan pero laging dumudulas lang yung kamay niya
at yun na nga, napabalik yung ale dun sa harap ng bus, tapos bumagok
yung ulo niya sa salamin, yung likod ng ulo niya ha kasi reverse
rolling attack nga yung ginawa niya kasi pabaligtad. Tapos yun,
sumabog yung ulo niya kasi nabagok nga kasi nag-rolling attack
siya na pabaligtad kaya reverse rolling attack. Tumilapon yung
utak niya. Natalsikan nga yung konduktor saka yung driver, tapos
tumalsik pa yung mata ng ale, hindi naman lahat--yung isa lang.
Parang cannonball yung mata ng ale, ang lakas saka ang layo ng
pagkakatilapon.
Nakain nga
ng isang pasahero yung mata, kasi nakanganga yung pasahero kasi
natawa siya sa joke ng girlriend niya. Actually, corny yung joke
ng babae, e baka ma-offend kung hindi tatawa yung lalake, kaya
ayun, nakain niya yung mata ng ale. Masarap nga raw e, parang
manok, hindi yung manok na luto kasi hindi naman luto yung mata
ng ale. Parang manok na hilaw daw, pero masarap pa rin--parang
Ovaltine, wala na ngang gatas, wala pang tubig, pati asukal wala
na pero masarap pa rin. Ganun yung mata ng ale, masarap, parang
manok na parang Ovaltine pero hilaw yung manok tapos yung Ovaltine
walang tubig saka walang gatas saka walang asukal. Parang Ovaltine
na manok flavor, o manok na Ovaltine flavor, ganun, ganun yung
mata ng ale.
Pero hindi
pa yun yung kuwento ko, kasi hindi pa ako sumasakay sa bus na
yun nung nangyari yun. Nasa Wendy's ako, yung Wendy's sa may EDSA,
kumakain kami ng mga kaibigan ko, si Glenda saka si Al. Kumakain
kami kasi nagugutom kami, at saka nagse-celebrate kami dahil katatapos
lang ng People Power 2 rali e kasama kami sa rali na yun, tapos
mabilis yung pagkain namin kasi nagmamadali si Glenda kasi hinihintay
siya ng nanay niya sa Glorietta. So wala pa kami sa bus. Actually,
kami lang ni Al ang sasakay sa bus, dun sa bus na sinakyan ng
ale, kasi nga si Glenda aalis kasi hinihintay siya ng nanay niya
sa Glorietta. So yun, umalis kaagad si Glenda pagkatapos niyang
kumain kasi nga nagmamadali siya. Iniwan nga niya kami ni Al kasi
kami ni Al di pa tapos kumain, kasi malaki pala yung Big Classic
sandwich ng Wendy's, e umorder pa ako ng baked potato kaya mas
napatagal ang kain namin. Naasar nga ako kay Glenda kasi ako yung
nanlibre tapos iniwan niya kami, pero okey lang kasi hinihintay
na siya ng nanay niya saka lagi naman kaming nagkikita sa school,
at saka masungit yung nanay nun. Actually lahat sila masungit--yung
kuya niya, yung ate niya, yung nanay niya, yung ate niya, yung
ate niya, saka yung ate niya. Nasabi ko na bang masungit yung
ate niya? Yung tatay niya, ewan ko kasi hindi ko siya kilala kasi
ano, basta, sikret.
Hindi. Hindi
ko sasabihin yung sikret. Hindi na. Wag na. Hindi.
So yun, natapos
din kaming kumain ni Al. Wala na si Glenda kasi sinabi ko na kanina
kaya hindi ko na sasabihin uli, hindi ko na sasabihin na umalis
siya kaagad kasi hinihintay na siya ng nanay niya. Ayun, nasabi
ko rin uli yung hindi ko sasabihin, whatever, shet. E di naghihintay
na kami sa labas ni Al, nag-uusap tungkol sa ginawa naming pakikibaka
noong mga nakaraang araw habang nag-aabang ng sasakyan, pero bago
kami mag-abang ay bumili muna ako ng Andok's liempo, dalawang
order yun ha, para sa tatay ko kasi kinabukasan ay aalis na siya
pabalik sa Saudi. Sa Saudi kasi nagtatrabaho ang tatay ko, hindi
sa Pilipinas kasi sa Saudi nga tapos nagbakasyon lang siya dito
pero isang buwan lang pero nagpa-extend naman siya pero tapos
na yung extension niya kaya babalik na siya kaya bumili ako ng
liempo kasi pasalubong ko yun sa kanya kasi babalik na nga siya
sa Saudi kasi dun siya nagtatrabaho.
E di yun
na nga, tapos na akong bumili ng liempo, dalawang order yun. Sabi
ko kay Al, mag-aircon bus na lang kami kasi gusto ko. Ayaw talaga
ni Al sumakay ng aircon bus kasi hindi niya gusto e ako gusto
ko e mas malaki ako sa kanya kaya wala siyang magagawa kahit ayaw
niya kaya pumayag siya. Yun nga, nakita ko yung bus na sinakyan
ng ale, pero hindi ko alam na sinakyan yun ng ale kasi kumakain
pa kami nung sumakay siya. Sinabi ko kay Al na dun na lang kami
sumakay kasi biyaheng Tungko na yung bus, diretso na sa amin,
sa bahay namin. So bale didire-diretso talaga yung bus hanggang
sa loob ng bahay namin, dun siya paparada tapos dun din makikitulog
yung driver saka yung konduktor. Pinara ko yung sasakyan, huminto
naman. Wala na yung aleng nabagok ang ulo, tinapon na siguro sa
basurahan kasi masamang magtapon ng basura sa kalsada. Puno na
rin yung parang aisle na aisle talaga, so talagang tayuan na.
May bakanteng upuan naman, pero nasa likod tapos pang-isang tao
lang, pero sabi ng konduktor lima pa raw ang kasya dun, e naniwala
ako kaya dun kami naupo ni Al, pero ayaw niyang maupo dun pero
mas malaki ako sa kanya kaya wala siyang nagawa kaya naupo na
nga kami. Naupo na kami. Sa upuan. Sa upuan ng bus. Naupo kami.
Ako. Saka si Al. Naupo kami.
E di umandar na nga yung bus. Nagtaka ako kay Al kasi bigla siyang
nanahimik, hindi yung nanahimik na na-stroke tapos naospital tapos
na-coma tapos namatay tapos nailibing tapos nakalimutan ha, nanahimik
na hindi lang nagsasalita, yung parang ayaw akong kausapin, yung
parang hindi niya ako kilala, yung parang basta, yung ano, basta.
Hindi naman siya talaga madaldal pero basta, hindi siya talaga
nagsasalita habang nakasakay kami. Basta, ang weird ng ugali niya
sa bus. Basta. Kahit na nagjo-joke ako ayaw niyang mag-react,
e dati naman wala pa nga yung punch line ko e nauutot at naiihi
na sa kakatawa yung kaibigan kong yun, kaya ko nga kinaibigan
yun e kasi natatawa siya sa mga jokes ko, di tulad ni Glenda na
graduate yata ng Taray-tarayan & Galit-galitan University,
hindi lang basta graduate kundi with honors pa. Basta. Pero kunwari'y
wala akong pakialam kay Al kahit hindi siya nagsasalita, so nagkuwento
ako nang nagkuwento para maaliw siya, at walang anu-ano ay bigla
siyang nagsalita, nagulat nga ako e kasi talagang na-surprise
ako sa pagkagulat sa kanya. Basta, nagsalita siya. Basta.
"Mag-e-FT na ako!!!" (Talagang marami ang exclamation
point, for emphasis. Yun lang. Basta)
FT? Hindi ko alam kung ano ang FT. Pinag-isipan ko kung ano ang
ibig sabihin ng sinabi ni Al, yung FT, yun ngang sinabi ni Al,
yung FT nga, sinabi ni Al, FT. FT
hmmmm
..FT
.hmmmmm
.Fisikal
Therapist? Forna Tolentino? Finiritong Talong? Fuke at Titi? Finilakang
Tabing? Fink na Tigre? Futo at Taho? Fita at Tsaa? Falakfak at
Tumbling? FT
hindi ko alam ang FT. Hindi. Hindi ko alam.
Wag na. Hindi.
Ikalawang
pahina
|