v10.1
Enero 27 , 2002

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

 

MULA SA PATNUGOT
Happy Anniversary!

MALIGAYANG ANIBERSARYO ang pagbati ng Tinig.com--na ang pagkakabuo ay nakasandig sa prinsipyo ng People Power 2--sa inyong lahat!

Isang taon na mula nang tayo'y magtipun-tipon sa EDSA at mag-marcha papuntang Mendiola upang patalsikin si dating Pangulong Joseph Estrada.

Naniniwala tayo noon, hanggang ngayon, na ipinaglaban--at ipinagtagumpayan--natin ang demokrasya, katotohanan at katarungang ipinagkait sa atin ng labing-isang mga senador na kaibigan ni Erap.

May aral na hatid ang People Power 2, lalo na sa ating mga kabataan. Naipakita natin na sa kabila ng karaniwang expectations sa ating henerasyon, kaya rin nating kumilos at magkaisa alang-alang sa bayan. Medyo heavy ang dating, pero totoo.

Ngayon, isang taon matapos ang pakikibaka at pakikigimik, kumusta na? Happy anniversary ang pagbati namin dahil nagtagumpay ang People Power, at dapat natin itong ipagdiwang. Ngunit matapos ang masayang tagumpay, kumusta na nga bang talaga?

Tinipon natin sa mga pahina ng Tinig.com ngayong isyu ang mga alaala, larawan, at kuru-kuro tungkol sa People Power 2 at sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan--at hindi lahat ay masaya ang ipinipinta ng mga artikulong ito, lalo na sa performance ng bagong Pangulo na iniluklok ng pag-aalsa.

Pansinin ang madalas na pagtukoy kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa mga nagawa at hindi niya nagawa. Kailangan ang focus na ito, sapagka't matapos ang People Power 2, nangako tayong hindi lamang ihahatid sa kulungan si Erap, militante rin nating babantayan si Ate Glo.

Si Pangulong Arroyo, kung ibabase sa kakayahan at pagsisikap, ay higit na mabuting Pangulo kaysa kay Erap. Nakikita natin ang kanyang katalinuhan, katapangan (o minsa'y katarayan), kasipagan sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Subalit ang talino, kasipagan at katapangan ay hindi sapat upang maging mabuting Pangulo, gaya ng gusto niya. Sa kanyang mga desisyon nakasalalay ang pangkalahatang takbo ng bansa. At sa paggawa niya ng mga desisyong iyon, may mga bagay na tila hindi maganda ang kauuwian.

Sa isyung ito ng Tinig.com, isinatitik ng mga kapwa natin kabataan ang mga usapin kung saan ang mga desisyon ng Pangulo ay mukhang hindi makabubuti para sa bansa.

Minsan, nawawalan ng saysay ang mga ipinakita nating katangian sa People Power 2, gaya halimbawa ng pagkamakabayan. Ang obvious na pagiging "little drummer girl" ng United States ni Ate Glo, halimbawa, sa tingin natin, ay panlalait sa nasyonalismo.

Sa susunod na isyu ng Tinig.com, tatalakayin natin ang pagdating sa bansa ng may 660 sundalong Kano sa ilalim ng "war agaisnt terrorism" campaign ng US, na sa ating pagtingin, ay insulto sa kasarinlan ng Pilipinas. (Magandang balita: isang malawak na alyansa ng mga progresibong grupo sa buong political spectrum ang kabubuo pa lamang upang hamunin ang gobyerno sa usapin ng US military presence. Abangan natin ito.)

Ngunit bago iyon, i-enjoy muna natin ang pagbabasa ng mga ibinahagi ng mga kontributor ng Tinig.com sa isyung ito. Sana, magbahagi rin kayo ng inyong mga articles.

Kita-kits at happy anniv ulit.

Huwag sanang magmaliw ang dalit ng apoy ng People Power 2 sa ating mga puso.


Ederic Peñaflor Eder
Patnugot
Tinig.com


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved

MULA SA PATNUGOT
Happy Anniversary!

KOLUM
Paggunita at Pagsasabuhay ng People Power 2
Ni Mong Palatino

SA ISYUNG ITO
Remembering Just Another Ordinary Day
By Herbert Villalon Docena
Tuloy ang Laban
Ni Mao Ocson
Aftershock
Ni Jayson Bernard Santos
Looking Back at EDSA
By Gari R. Lazaro
Betrayal of EDSA Promises
By Amie Dural
It's Payback Time!
By Page Reyes
Ang Pangitain
Ni StarGazer
Bagong Taon
Ni Rodel Mayores
Mind over Hunger
Ni Alym G. Escultura

NEWS FEATURES
Marred by Irony: People Power 2 Reunion Draws Mixed Reactions
People Power 2 Anniv: Mendiola Rally Celebrates Estrada’s Ouster, Condemns Arroyo’s Policies

MAIKLING KWENTO
Delta Transit

Ni Vladimeir B. Gonzales

Waiting By Gollum
Bintana Ni Peaches

MGA KUWENTONG PEOPLE POWER 2
A People Power 2 Journal
By Dennis A.S.Aguinaldo
Edsa 3: Tanaw mula sa Loob
Ni Ronald A. Atilano
Narito pa ang Bayanihan
Ni Alexander Remollino
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

MGA PATAWA AT ALAALA NG PEOPLE POWER 2
Huling Paalam ni Jose Velarde
Oh la la, Oreta P--- ka!
People Power 2 Links
At iba pa

TULA
01212001
Sa Kalyeng Itim
Jack and Jill (Filipino Version)
Dalawang Koridong Pasahero ng Delta Transit, Magkatabi Ngunit Di Nagpapansinan
Bagong Maghapon
A Dove in the Midst of the Storm
an interruption
Wait for Me
Pasko sa Looban