|
Tuloy ang
Laban
Ni Mao Ocson
NITONG NAKARAANG
ika-20 ng Enero, taong kasalukuyan ay muling sinariwa ng sambayanang
Pilipino ang isang tagumpay ng bayan sa pagpapatalsik sa dating
pangulong Joseph Estrada.
Ang mga kabataan
ay kasama sa libu-libong mamamayang nagtungo sa EDSA, sa Mendiola
at iba pang lugar sa Pilipinas upang ipakita ang kanilang paghahangad
ng pagbabago. Subalit sa kabila ng mga pangyayaring iyon ay nawalan
ng saysay ang kanilang pagkilos. Oo nga't nabago ang pamunuan
subalit ang pumalit naman ay hindi naglilingkod para sa kagalingan
ng sambayanang Pilipino.
Si Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo ay walang iniintindi kung hindi ang magpapogi
sa militar, simbahan at ilang faction ng naghaharing uri. Hindi
man lamang niya naisip na mas malaki ang utang niya sa sambayanang
Pilipino. Imbes na pagtuunan ng pansin ang problema sa edukasyon,
sahod at iba pang pangserbisyong sosyal ay bising-bisi siya sa
paglalakbay sa ibang bansa.
Ang mga obserbasyong
ito sa panunungkulan ni GMA ay lubos na nakakapagpababa ng aking
pagtingin sa kanya bilang pangulo sa bansa.
Bilang isang
kabataang naging bahagi ng dakilang pag-aalsa, ako'y lubos na
nalulungkot sa walang katuturang nangyayari sa ating pamahalaan.
Subalit hindi dito nagwawakas ang laban ng ng bawat kabataang
gaya ko, sapagkat patuloy na magpupunyagi ang bawat kabataan at
lalaban sa anumang pang-aabuso sa pamalaan.
Si Mao
Ocson ay kasapi ng Anakbayan at kasama sa staff ng Center
for Media Freedom and Responsibility.
For comments
and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|