v10.1
Enero 27 , 2002

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

 

Sa Kalyeng Itim
Ni killerpogi

Mahaba ang daan ng kalyeng dinaraanan
Ng mga anitong doon ay naninirahan
Ang yabag ng mga maligno ay nakaririndi
Tuwing nagtatakbuhan sa dilim ng gabi

Minsan sa kalye ang mga anito ay nag-alsa
Dahil ang punong Diablo raw ay nagwawala
Hindi matanggap na ninanakawan sila
Ng harap harapan ng isang pinunong lisya

Sa Kalyeng Itim ang lahat ay nagtipon
Lahat ay sumisigaw na ang Diablo ay itapon
Ibagsak! Ang sigaw nila ay ibagsak
At ang lahat ay bumuga ng apoy na nakasisindak

Di naglaon nagpakita sa lahat ang isang Bruha
At nagbigay pag-asa sa mga anitong naniniwala
Bumubula ang kanyang bibig sa pagbibigay
Ng matatamis na pangako na nakauumay

Lalong nagkagulo roon sa Kalyeng Itim
Dahil ibig iluklok ang Reyna ng Dilim
Humiyaw ng Bruha! Bruhang mukhang luya!
Ipalit, ipalit sa namumunong tanga!"

Bumaliktad ang malignong may dal'wang mukha
Nakiaanib sa krusada ng mga anitong gala
Sumama na rin ang relihiyosong may sungay
At sa Bruha ay nagpakita ng pakikiramay

Dahil sa dami ng anitong nagsidalo
Alumpihit ang Diablo sa pagbaba sa trono
Kahit na kapit tuko ito sa pamumuno
Tila ang lakas niya ay biglang nanlumo

Hindi naglaon ang Bruha ay nagwagi
Bumaba na sa trono ang Diablong sawi
nagdiwang ang tanan sa lahat ng pangyayari
Dahil ang pag-asa raw ay nakikitang muli

Ang anitong may maraming mata'y nagsilayag
Ngunit patuloy sa pagtitig sa Bruhang pinalad
Ang Kalyeng Itim ay muling naiwang naghihintay
Ng pagdayo ng mga anitong langkaylangkay

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved

MULA SA PATNUGOT
Happy Anniversary!

KOLUM
Paggunita at Pagsasabuhay ng People Power 2
Ni Mong Palatino

SA ISYUNG ITO
Remembering Just Another Ordinary Day
By Herbert Villalon Docena
Tuloy ang Laban
Ni Mao Ocson
Aftershock
Ni Jayson Bernard Santos
Looking Back at EDSA
By Gari R. Lazaro
Betrayal of EDSA Promises
By Amie Dural
It's Payback Time!
By Page Reyes
Ang Pangitain
Ni StarGazer
Bagong Taon
Ni Rodel Mayores
Mind over Hunger
Ni Alym G. Escultura

NEWS FEATURES
Marred by Irony: People Power 2 Reunion Draws Mixed Reactions
People Power 2 Anniv: Mendiola Rally Celebrates Estrada’s Ouster, Condemns Arroyo’s Policies

MAIKLING KWENTO
Delta Transit

Ni Vladimeir B. Gonzales

Waiting By Gollum
Bintana Ni Peaches

MGA KUWENTONG PEOPLE POWER 2
A People Power 2 Journal
By Dennis A.S.Aguinaldo
Edsa 3: Tanaw mula sa Loob
Ni Ronald A. Atilano
Narito pa ang Bayanihan
Ni Alexander Remollino
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

MGA PATAWA AT ALAALA NG PEOPLE POWER 2
Huling Paalam ni Jose Velarde
Oh la la, Oreta P--- ka!
People Power 2 Links
At iba pa

TULA
01212001
Sa Kalyeng Itim
Jack and Jill (Filipino Version)
Dalawang Koridong Pasahero ng Delta Transit, Magkatabi Ngunit Di Nagpapansinan
Bagong Maghapon
A Dove in the Midst of the Storm
an interruption
Wait for Me
Pasko sa Looban