Bagong
Maghapon
Ni
Jing Zorilla
Pilit isinasara
ang matang
saksi sa bago kong maghapon.
Di pa rin ako bisitahin ng antok.
Pilit ibinablangko
ang isipan.
Pero paulit-ulit
na parang kislap ng kamera
na sumasagi
ang kalagayang nakita sa kalsada;
mga mag-aaral na tinutusta ng araw
may tumutula sa entadladong trak
ang iba'y kumpol kumpol na nag-uusap
at ang ila'y may hawak na placard
naging last song syndrome
ang kanilang sigaw
na hindi matakpan
ng paborito kong lovesong.
Tulog na ang
aking katawan.
Ito'y di masamang
panaginip
na gumigising sa
nahihimbing kong kamalayan
For comments
and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|