Ang
kakaibang titulo
Ng binabasang korido,
Di karaniwang numero
Pagkat lucky number ito.
Si Chavit
ang nag-umpisa
Jueteng iskandal ni bwaya
Daang milyon, tinamasa
Kayat sya ay nagpasasa.
Pangulong
kayraming asawa
Sina Loi, Laarnit Guia.
Di rin mabilang ang mansyon,
Galing sa jueteng koleksyon.
Taoy
di na nakatiis.
Erap, resign or be impeached!
Nagka-aksyon sa kongreso
Si Villar ay instant hero.
Impeachment
trial ni Erap
Nagmistulang soap opera:
Showing daily sa enado
Sinubaybayan ng tao.
Erap as
Jose Velarde
Lead star dito ang pangulo.
Guilty! usig ni Joker.
Not guilty! kay Estelito.
Ito ay nakakainip.
Itoy pagkahaba-haba
Pero effective si Miriam,
Lahat ay napatawa nya.
Isang araw,
may dumating.
Pinagkaguluhang sobre,
Sa bangko ito sininop,
Tawag ay second envelope.
Ngunit
ayaw namang buksan
Ng labing-isang senador.
Nagdebate at nagdiskurso,
Nag-away ang anti at pro.
Nang manalong
labing-isa,
Nagsasayaw si Oreta.
Parang sayaw ni Salome
Sa tao, syay walang paki.
Resultay
di na hinintay
Impeachment, di na tinapos.
Taumbayan ay nagmartsa
Silay nag-text hanggang Edsa.
Nag-resign
ang prosecution
Sa
may Shrine, nakipagtipon.
Dumami ang nagprotesta
Naging 1.8 million na.
Marami nang
bumaliktad.
Kumonti na ang pro-Erap.
Pati si Nora, sumama
Pero ang El Shaddai, wala.
Sa dami
ng pangyayari,
Nag-isip ang military.
At nagmistulang last supper
Ang long table meeting ni Sir.
Sa ilalim
ng estatwa
Walang mayaw ang ralyista.
Mr. Anaconda, baba!
Oust Erap! kanilang ngawa.
Nung
Sabado ng umaga,
Taoy nagpa-Mendiola na.
Alis Erap and family!
Sinigaw hanggang tanghali.
Ang Edsay
dinagsa muli,
Umalis man siya o hindi,
Heto nang bagong pangulo!
Sabi ni Sin sa mga tao.
At nag-oath
taking na nga sya
Ang anak ni Macapagal.
Buong bansa ay masaya.
Yon ang Sabado de Gloria!
Pahabol:
Ngunit ang totoong natuwa
Dahil malaking kinita:
Mga may-ari ng Globe, Smart
At Robinsons Galleria.