Home
About Us
In this Issue
News
Special Features
Literary Page
Announcements
Links
Downloads
Feedback
Guestbook
 

Isyu 1.0
Isyu 1.0a
Pebrero 23, 2001

 

Welcome to Tinig 1.0a, our pre-launch issue.

Isang online magazine ang Tinig.com na ia-update dalawang beses sa isang buwan.

Layunin nitong maging venue kung saan maipapahayag ang sentiments ng mga kabataang Pilipino sa iba't ibang usapin. Mababasa ng mga site visitors ng Tinig.com ang mga opinyon at personal essays ng mga contributor tungkol sa maraming isyu, maging personal man o panlipunan. Parehong gagamitin ang mga wikang English at Filipino sa Tinig.com.

Napapanahon ang paglabas ng Tinig.Com. Nasa yugto tayo ng kasaysayan kung saan naipakita nating mga kabataan ang kahandaang maging involved sa mga national issue. Sa katatapos lamang na People Power II, naipakita nating hindi tayo tatahimik lamang. Iba na ang ating panahon. Tumayo tayo at nagpahayag--na siya rin namang ini-expect na gagawin natin ulit sa national elections ngayong Mayo.

Pero sa gitna ng mga pambansang usapin, may mga personal stuff tayo sa ating mga bagahe. Pwedeng love life, pakikipagkaibigan o family concerns. Tatalakayin natin iyan sa bawat isyu ng Tinig.com.

Sa mga susunod na isyu ng Tinig.com, magdadagdag tayo ng iba pang features sa site kagaya ng mga pambansang balita na iko-contribute sa atin ng Philippine News and Features. Bibigyan din natin ng space ang mga announcement at maglalagay tayo ng links papunta sa ibang sites, ganoon din ang mga downloads.

We invite the Filipino young netizens to join us at Tinig.com. Mag-contribute kayo at sama-samang nating i-discuss ang mga isyung tungkol sa atin.

Hayaan ninyong marinig ang inyong Tinig. Tatanggapin namin ang inyong mga artikulo tungkol sa anumang topic na gusto ninyong isulat upang mailabas ng Tinig.com.

Speak up!

Tinig.Com


IN THIS ISSUE:

Tinig ng Generation txt
Ni Ederic Peņaflor Eder

(Unang lumabas sa Pinoy Times noong Peb. 8, 2001)

KAMI ang generation txt. Malaya, masayahin, malikot, makulit, masipag, malakas, makabayan, matapang, may direksyon, at may paninindigan. Itinatatwa namin ang kanluraning konseptong Generation X na pilit na ikinakabit sa amin ng pandaigdigang kulturang komersiyal. Ang GenXers ay sinasabing lito, malabo, walang direksiyon, at palaasa ngunit mapaghimagsik. [more]

There in EDSA
Ni Noel Pascual

UNDERSTAND that we are not hate mongers. All that ruckus we carried out during the revolution at EDSA; our shouting, marching, rallying, even our cussing of Estrada and the 11 senators do not mean we revelled in finding conflict and reason in abasing such negligent officials. Rather, we each found, in ourselves, reasons to congregate in EDSA and the dozens of other places where the throng voiced out the singular call of the people. Was it a calling that made us all go there? [more]

Pogi ako!
Ni Noli Pasco

MAHIRAP talaga kung ang pogi points ay mataas.

Hindi ko alam kung kailan o saan nag-umpisa ang paggamit sa terminong pogi points bilang sukatan ng kagwapuhan ng isang lalake. Alam ko lamang na noong kalagitnaan ng dekada nobenta, ang ilan sa aking mga kamag-aral at kapitbahay na babae ay nag-umpisa sa gabi-gabing pagtawag sa aming bahay (na kinainis naman ng aking mga magulang at dalawang nakatatandang kapatid na babae dahil hindi raw makatawag ang anilang mga syota). [more]


More articles sa aming first issue.

 

 

 

E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the first issue of Tinig.com