4 responses to “Trillanes: Pag-asa ba ng mga Manggagawa?”

  1. charito lopez

    hindi masamang isatinig ang hinaing, pero sana dapat lang laging nakasalig ang mga pagkilos sa kagalingan ng mga nakararami. papano nga ba natin mararating ang ating minimithing kaunlaran kung panay nalang kaguluhan? ito ba ang ating ipamamanang lipunan sa susunod na henerasyon ng mga kabataan? ano ang ating maasahan sa mga batang pinalaki natin sa kultura ng karahasan? ano din ang ating makikita sa mga batang iminulat natin sa mga kaguluhan. tatlo o limang taon mula ngayon huwag na tayong magulat kung mismong ang ating mga anak ay tatayo sa ating mga tahanan at sisigaw ibagsak ang ating mga magulang. huwag na rin nating asahang matututo silang rumespeto, dahil tayo mismong mga matatanda sa kasalukuyan ay hindi natin maipakita ang konsepto ng respeto. tandaan po natin ang respeto ay isa lamang konsepto, hindi ito nakikita, hindi nahahawakan. makikita at mauunawaan lamang ito ng ating mga anak kung ang respeto ay makikita sa ating mga katandaan. kaya hindi ba dapat na tayo ang unang magpakita ng ehemplo ng respeto sa ating mga kabataan?

  2. benjamin saavedra

    kagyat na wakasan ang kaguluhan at karahasan sa mundo kung saan ang nagdaang dalawang pandaigdigang digmaan ang pinakamarahas at ang mga localized wars sa bawat bansa at rehiyon. pero hindi ito maaring maglaho hanggat naghahari ang mga mapagsamantala at mapang-aping uri. isang ilusyon din kung aasa tayo na magbabago ang uring kapitalista at kusang bababa sa kapangyarihan.

    tama lamang na turuan natin ang ating mga anak ng diwa nga kapayapaan, pagmamahalan, pagtutulungan at selflessness. subalit ang sistemang kapiralismo na naghahari sa mundo ay kabaliktaran ang mga itinuturo at iba ang nakikita ng kabataan sa kanilang kapaligiran. kaya para makamit ang tunay na kapayapaan at tunay na pagtutulungan ng sangkatauhan, kailangang ibagsak ang kapitalismo sa mundo na walang ibang layunin kundi tubo, tubo at tubo…

  3. TALIBA

    Ang mga pangyayari sa Manila peninsula (tulad din ng Oakwood Mutiny) ay ilan lamang sa mga maituturing ng simtomas ng isang malubhang sakit na minana ng ating kasalukuyan pamamahalaan. Malubhang sakit na itinanim ng mga kolonyalista sa ating lupain. Ang sakit na ito ay sinikap bigyan ng kalunasan ni Gat Bonifacio, ngunit siya ay nabigo. Siya rin malubhang sakit na minana ng tinagurian nating Unang Republika ni Hen Aguinaldo. At minana rin ng mga pamahalaan sumunod dito.

    Sa kasalukuyan, ang nagsisilbing pinakamatinding mga simtomas ng sakit na ito ay ang rebelyon itinataguyod ng CPP-NPA at ng seccessionist movement sa Mindanao (MNLF/MILF/ASG, atbp). Ang mga ito’y maiuugnay sa iisang dahilan – ang walang katarungan pagsamsam ng mga banyaga (at mga sumunod pang nagharing-uri) sa mga yaman ng bayan at ng mga ninuno ng lahi, na siyang naglagay sa mga salinlahi sa pagkakasadlak sa pagkaalipin at kahirapan.

    Isang di makatarungan at imoral na sitwasyon, kung saan ang traydor sa kanilang Lahi (collaborators) ay nagtampisaw sa kasaganahan, samantalang ang mga bayani ng lahi at ang kanilang mga magigiting na salinhi sa henerasyon ito ay patuloy na naaapi at nayuyurakan ang puri.

    Bayan, hanggat hindi nalulunasan ang “malubhang sakit” na ito, patuloy tayong makakakita ng mga pagaalsa. Ngunit, ang lunas ay hindi makukuha sa pamamagitan ng pagpapatayan ng mga magkakalahi. Isipin natin ang mga naglalabanan mga tauhan (mandirigma ng bawat panig) ay mula rin sa mga salinlahi ng mga magigiting na bayani ng lahing nagbuwis ng buhay laban sa mga noo’y mga kolonista at mga nagharing-uri. Kailangan lang ipaunawa sa lahat ang buong katotohanang ito sa kasaysayan ng Lahi.

    Ang Inang Bayan ay nananangis at nakikitang ang kanyang mga magigiting na anak ay nagpapatayan. Sa kaguluhan at pagpapatayan ng mga magigiting na anak ng bayan, ang mga kasalukuyang naghaharing-uri (politikong ganid, atbp.) ay walang pakialam! Dahil ang mahalaga sa kanila ay ang kanilang kapangyarihan at kayamanan!

    Hindi ang mga banyagang ideyoloheya (kapitalismo, komyunismo, atbp.) ang kalunasan sa malubhang sakit na ito, kundi ang pagtanaw sa ating pinagmulan. Ang paghanap ng lunas batay sa diwa ng mga ninuno at bayani ng Lahi na nagbuwis ng buhay para sa pagbabago at inaasam na magandang kinabukasan para sa mga susunod pang salinlahi ng Dakilang Lahing Kayumanggi.

    Ito’y aming inaasam. Nawa’y dumating ang panahon na lahat tayo’y magkaunawaan. Mabuhay ang Lahing Kayumanggi!

  4. annie guinto

    Tama lang at wasto at ginawa nila Lim at Trillanes at mga kasapi ng grupong Magdalo, para sa akin sagot sa lahat ng kahirapang dinaranas ng sambayanang pilipino ay Civil War…..Pareho din ang nangyayayri unti unti din tayong pinapatay ng kahirapan…….kawawa ang mga mahihirap lalong naghihirap…….kahit anong kayod sa buhay ang gawin ay hindi maka ahon sa karampot na sweldo at ang kapalit ay mataas na bilihin……Kaya panahon na para isulong ang armadong pakikibaka!

Leave a Reply

:) :lol2: :lol: :sad: :mad: :galit: :D :o :eek: :shock: :? 8) :taray: :ayaw: :mad: :-p :oops: :cry: :drool: :roll: More smilies »