Isang Panawagan

SSS daw noon kabalikat ng bayan,
Dito sa Korea SSS ngayon kinatatakutan,
Pano ang pera na ating pinaghirapan,
Gusto nilang kunin nang ganun-ganon lang.

Maawa naman sana kayo sa amin,
Perang pinaghirapan wag ninyong agawin,
Nakita ba ninyo mga pasakit namin?
Nadama ba ninyo lahat ng aming hilahil?

Pano kami magtitiwala sa inyong kompanya?
Gayong sa SSS maraming anomalya,
Pano nakasisiguro na munti naming pera,
Hindi mapupunta sa bulsa ng iba.

Siguro po ay dapat na ninyong palitan,
Pagkat SSS iba na ngayon ang kahulugan,
Para po sa aming nasa ibang bayan,
SSS sa ngayon Susmaryosep Sobrang Swapang.

Nananawagan po kami sa kinauukulan,
Nais ng SSS wag po ninyong payagan,
Kaming mga bagong bayani wag ninyong nakawan,
Hirap at pighati wag na sanang dagdagan.

Ang akda ko po ay isang panawagan,
Isang panawagan para sa kinauukulan,
Kami po ay umaasang di ninyo papayagan,
Kaming mga Bagong Bayani maiwang luhaan.