Isang pag-aaral nina Paolo Alcantara, Elaine Caluag, Marielle Medina, Denise Nery, Maan Obillo, Carlo Palce, Robin Carlo Reyes, Alyssa Ridao, at Charisse Santos ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Layon ng pag-aaral malaman ang damdamin, pananaw at kaalaman tungkol sa pamumuhay at kahirapan ng anim na pamilyang Pilipinong naninirahan sa tabi ng riles ng tren.

Kinapanayam ng mga mananaliksik ang ang anim na piling pamilyang na kasalukuyang naninirahan sa tabi ng riles sa Dapitan, Maynila.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na alam ng mga respondent ang lagay ng kahirapan sa Pilipinas, ang mga problema at mga karampatang solusyon dito; masaya at hindi nababahala sa mga darating na demolisyon; mayroon silang maayos na trabaho at sapat ang kinikita; at sapat lang ang ginagawa ng gobyerno hinggil sa kahirapan sa lugar nila.

Kabilang sa mga rekomendasyon ng mga mananaliksik ang pagbibigay-pansin ng pamahalaan sa mga hinain at damdamin sa mga pamilyang nasama sa relokasyon at demolisyon at maglaan ng hanapbuhay para sa kanila at ang pagpapatuloy ng iba pang mga guro at mag-aaral ng pagsasagawa ng mga pag-aaaral para magsilbi itong “pangmulat ng mata sa mga taong hindi napapansin ang kahirapan ng bansa.”

I-download and PDF copy ng pananaliksik.

Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, balita at lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba...

Join the Conversation

1 Comment

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.