February 26, 2008 | Tula
Moralidad ng Pagmumura nang Minsan (Sa Ganang Palagay Ko Lamang)
Noel Sales BarcelonaImoral daw ang magmura.
Ang magsalita ng “Putang Ina ka!”
Ang magsabing “Napakawalanghiya mo!”
Hindi raw maka-Kristiyano.
Labag sa moralismo.
Hindi katanggap-tanggap sa tao.
Ngunit,
Alin nga ba ang mas imoral:
Ang nakawan ang Bayan
O ang murahin ka –
Ikaw na nasa Malakanyang –
Kahit minsan lang?
Putang Ina Mo, Animal ka!
Sa kangkungan ka pupulutin, walanghiya!
Barangay Obrero, Lungsod Quezon
Pebrero 26, 2008





tamang tama ang lutong at bagsak…sa pagmumurang may kahalong damdamin,kahit demonyong sumapi sa taong pinag-ukulan ay mahihiya…He-He-He!