Mga Tanong kay Noynoy Aquino (Matapos ang Kanyang Deklarasyong Tatakbo Siya sa Pagkapangulo sa 2010)

Sumumpa kang ipagpapatuloy
“ang laban para sa bayan.”

Nasaan ka nang ang mga naghahatid ng asukal
sa inyong laging-saganang hapag-kainan
ay walang-pakundangang paulanan ng punlo
dahil hiningi nila ang talagang kanila?
Nasaan ka habang pinaghahati-hatian ng mga dayuhan
ang mga biyaya ng ating lupain at karagatan?
Nasaan ka habang paulit-ulit na pinupunit
ng mga unipormadong halimaw na banyaga
ang bandilang “lukob ng dayong bandila”?
Nasaan ka habang palaki nang palaki ang mga butas
sa bituka’t sikmura ng mamamayang nakararami?

Naghahanap ng sagot ang mga tanong na ito
at ang hinahanap ay hindi matagpu-tagpuan
sa sumpa mong itutuloy “ang laban
para sa bayan.”

Alexander Martin Remollino

Alexander Martin Remollino is Tinig.com's associate editor. He is a poet, essayist, and journalist, and has also written some short fiction.

You may also like...

1 Response

  1. dexter tan says:

    ituloy ang laban ng? nino? alin? kanino? saan? sino ang kalaban? kelan? anong laban pinagsasabi nyo? magbago na tayong mga pilipino. tapos na ang laban. matagal na patay si marcos tama na aquino. manahimik ka na! wag mo na kami iamay sa kagaguhan nyo. puro kayo demokrasya. la naman nangyari satin dyan sa demokrasya na yan ha. lalo lang umabuso mga tao. nawalan tayo ng disiplina. talagang hindi na tayo aasenso. kaya mga kapwa kong pilipino. magising na kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>