Kabataan para sa Bayang Progresibo

Teksto ng aking talumpati sa kongreso ng Association of Political Science Organizations of the Philippines na ginanap sa University of Makati, Marso 1, 2008.

Iba na raw ang moralidad ng kabataan ngayon. Ayon sa McCann Worldgroup Philippines, tatlo sa bawat sampung kabataan ay naniniwalang hindi mali ang paggamit ng ilegal na droga at pagtataksil sa kasintahan.

Apat sa sampu naman ang nagsasabing walang masama sa pagkuha ng isang bagay na hindi nagbabayad, pagbebenta at pamimili ng ilegal na droga, pagmamaneho ng lasing, suicide, hindi pagbabayad ng buwis, pagtataksil sa asawa, hindi pagpasok ng trabaho o paaralan, hazing, casual sex, paggamit ng dahas sa isang relasyon at pakikipagrelasyon sa taong may asawa.

Lima sa bawat sampu ang may paniniwalang hindi naman mali ang pre-marital sex at sex sa TV. Walo sa bawat sampu ang nagsasabing walang masama sa pagkakaroon ng mga patalastas tungkol sa birth control.

Noong 1992, aabot ng 70 percent ng kabataan ang naniniwalang mali ang abortion. Noong 2000, ito ay bumaba sa 60 percent. Noong 2005, 40 percent na lang ang may negatibong pagtingin sa abortion.

Pinakaliberal daw ang mga kabataan ng Mindanao. Pinakakonserbatibo naman ang mga kabataan ng Luzon.

Nagbabago ang moralidad ng kabataan; paano naman kaya ang aktitud ng kabataan sa pulitika? Saan pumapanig ang kabataan? Pero hindi pa nga kung saan pumapanig ang kabataan ang isyu eh. Ang tanong ng marami, nasaan na ang kabataan? Bakit hindi pumapanig ang kabataan sa mga isyung pampulitika?

Mahalaga ang impormasyon o edukasyon sa pagbabago ng pananaw ng kabataan. Nagiging liberal ang marami dahil tumataas din ang kaalaman ng mga kabataan. Ang mga mito, superstition ng matatanda ay unti-unting naisasantabi.

Pero kung totoo na namamayagpag ngayon ang tinatawag nilang “reality generation,” bakit kakaunti ang may interes sa pulitika? Pwedeng sabihin na informed at educated ang mga kabataan; pero sila ba, kayo ba ay empowered?

Suriin natin ang isyung ito sa isa pang perspektiba.

Malakas ang kultura ng indibidwalismo sa mga kabataan. Halos nawawala ang sense of collective solidarity. Masyadong nagpopokus sa kompetisyon imbes na bayanihan. Nawawasak ang mga panlipunang institusyon na nagbubuklod sa mga indibidwal.

Halimbawa, hiwa-hiwalay ang pamilyang Pilipino dahil ang mga nanay at tatay ay nangingibang-bayan. Karamihan sa mga kabataan ay hindi batid ang kahalagahan ng pag-uunyon. Palibhasa uso ngayon ang mga trabaho sa service sector tulad ng mga call center company na bawal ang pag-uunyon.

Sa paghina ng mga batayang institusyon tulad ng pamilya, unyon at kooperatiba, naaapektuhan din ang pulitikal na pananaw ng mga tao. Wala nang komunidad, mga indibidwal na lamang. Wala ng sama-samang pagkilos, sariling diskarte na lamang ang uso.

Pati ang teknolohiya ay naging kasangkapan para pahinain ang pulitikal na pakikisangkot ng kabataan. Makikinig na lang ako ng mga kanta sa aking ipod. Maglalaro ng portable PlayStation. Mag-i-Internet at pupuntahan ang Friendster. Ika nga nila, ito ay MySpace.

Malaki ang epekto nito sa pulitikal na kamalayan ng kabataan. Bukod sa nahahatak ang mga kabataan na maglaan ng oras sa mga ganitong aktibidad, tinuturuan din nito ang mga tao na pwede ang mapayapang paglahok sa pulitika kahit nasa bahay lamang.

Bakit ako pupunta ng rali sa Ayala eh pwede naman ako manood ng ANC o makinig sa DZRH? Mapapanood ko pa ang buong programa, may aerial view pa. Malalaman ko pa ang agad na reaksiyon ng iba’t ibang panig. Pwede ako mag-internet, basahin ang breaking news sa Inquirer. Puntahan ang website ni Pangulong Arroyo o blog ni Manolo Quezon. Bakit pa ako sisigaw sa kalye; gagawa na lang ako ng podcast kung bakit ayaw ko kay Gloria.

Nagiging spectacle na lang ang pulitika para sa marami. Parang sports yan: may mga propesyunal at amateur. Nanonood tayo ng tennis o football; hinahangaan ang mga propesyunal na manlalaro. Hanggang panonood na lang ang ating ginagawa. Hindi tayo nangangahas na maging propesyunal na manlalaro.

Ganun din sa pulitika. Hinahayaan natin ang mga propesyunal na maging dominante sa pulitika. Tayo ay nagkakasya na lamang sa pagiging amateur dahil ayaw natin makisawsaw sa pulitika. Tayo ay may mga pulitikal na opinyon pero ano ang ginagawa natin para baguhin ang uri ng pulitika sa bansa?

Nahaharap ulit sa krisis ang bansa. Ano ang gagawin natin? Kayo ang sasagot niyan. Pero ako ay may pakiusap. Pwede ba, huwag naman natin sobrahan ang paghahanap ng katotohanan. Lahat na lang ng tao at grupo gustong mahanap ang katotohanan.

Ano pa bang katotohanan ang gusto nating makita o marinig? Hindi pa ba sapat ang pag-amin ng pangulo na may anomalya sa NBN-ZTE? Baka naman hanggang ngayon may nagdududa pa rin sa inyo kung sino si Ma’am sa Hello Garci.

May mga ilang mungkahi lang ako. Una, tama ang mga obispo. Kailangan ng communal action. Kailangan ng new brand of people power. Simple lang ang kahulugan nito: sama-samang pagkilos. Basta may tao, basta may adhikain, basta madami ang kumikilos. At sinisimulan na natin ito.

May mga noise barrage sa mga paaralan, prayer rally, unity walk, piket, vigil, zero remittance day, democracy walk, walk-out, teach-in, candle lighting, marathon, boykot, strike, fluvial parade, pagdidikit ng mga stiker, paglaladlad ng mga streamer, at mga malakihang martsa.

Ituloy ang panonood ng ZTE scandal sa you tube, magforward ng mga subersibong text joke, magcontest kung paano lutuin ang Ben’s Burjer, mag-email ng transcript ng mga testimonya ng mga whistleblower sa senado, magdownload ng “she is evil” ringtone, magblog tungkol kay First Gentleman, gumawa ng mga kanta para hikayatin si Sec. Romulo Neri na ibunyag na ang lahat ng kanyang nalalaman, gumawa ng icon sa facebook tungkol sa moderate your greed,” pumirma sa online petition para sa pagbibitiw ni Arroyo, magdasal para sa kapayapaan.

Huwag lang kakalimutan ang sama-samang pagkilos sa lansangan. Taas kamao, kapit-bisig, iisa ang sinisigaw. Yakapin, itaguyod ang people power. Ito ang ating sandata laban sa korupsiyon. Ito ang ating kasangkapan para ipagtanggol ang demokrasya. Huwag tayo matakot sa people power. Walang problema kung mabigo. Wala namang pormula ang totoong people power. Nadedebelop ito sa pagdaan ng panahon.

Mayroon tayong dapat bantayan. Popular ang mensaheng ito: Baguhin muna ang sarili bago ang lipunan. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating mga puso. Tama naman ito. Pero kung lahat ay abala sa kani-kanilang mga sariling buhay, sino ang magtitiyak sa kagalingan ng komunidad? Pansinin din natin na kahit ang mga masasamang lider o diktador ay ganito rin ang kanilang mungkahi.

Baguhin ang sarili pero baguhin din ang lipunan. Baguhin ang sarili nating mga gawi at pag-iisip. Pero baguhin din natin ang liderato ng bansa. Sino ang papalit? Tayo ang pipili. Mapag-uusapan ‘yan. Pero sa ngayon, alisin muna natin ang evil at bitch sa Malakanyang: si Gloria Arroyo at wala ng iba pa.

Mong Palatino

Activist, blogger, and political journalist. Visit him at mongpalatino.com or email him at mongpalatino[at]gmail[dot]com.

You may also like...

27 Responses

  1. divina mae says:

    kung mapaparesign ba si Gloria Arroyo ay merong bang makakapalit na mas hindi korakot na pangulo? sa tingin ko ay wala. pare-pareho lang silang lahat.
    at sa tingin mo ba maraming mga kabataan na nanainindigan para sa lipunan?
    sa ngayon ay masasabi kong hindi ang pagkakaroon ng people power ang sulosyon sa lahat ng ito. mas maiging magkaisa tayo patungo sa pag-unlad. magdadagdagan lamang ng maraming kaguluhan kapag magkakaroon ng people power kahit na sabihing magandang paraan ito upang maging malaya at umunlad.

  2. Macario Sakay says:

    hindi issue ang kung sino ang ipapalit na less evil at bitch kaysa kay gloria… ang issue ay papayag ka ba na ang naka-upo sa Malakanyang ay pekeng presidente… mandaraya… sinungaling…

    may mga kilala akong kabataan na may paki-alam naman…

    kapangyarihan ng nagkakaisang sambayanan ang magpapatino sa mga kawatan sa lipunan… kung sama-sama lang tayong kukundinahin ang kalokohan nila…

    halika at sama-sama nating paunlarin ang sambayanan… at isabay na natin ang pagkundina at pagpapalayas sa mga mandarambong na nasa Malakanyang…

  3. MARITES says:

    Para sa akin bilang kabataan, kailangan natin ng maganda at maunlad na bansa, hindi dapat tayo mag sa walang kibo na lang sa isang tabi, habang ating ginagalawan ay puro kaguluhan. Kung ako ang tatanungin kung mapaparesign si pangulong Gloria Arroyo, mas pabor ako kung sya ay mapapalitan mas lalaung hihirap ang bansang pilipinas kung mananatili pa syang na kaupo, marami pa na pwedeng pumalit sa kanya, hindi natin kailangan pag basihan ang mga ginagawa niya, bagkos mas magandang maging positibo ang lahat para sa pani bagong pangulo.

  4. jovell says:

    astig nakakuha aku ng clue sa gagawin n talumpati…

  5. mr.yoso12 says:

    mrami p rn nmang kabataan ang may pkialam s mga nangyayari ngaun. hndi lng sila kumikilos kasi maxado lng mapangahas ang mga isue ng ating bansa. ang isa pa eh hndi lng cla pkikinggan ng mga matatanda.

  6. levy says:

    1.Ano ang kontribusyon ng mga kabataan sa ating lipunan?
    ( mapagbibigyan ba tayo ng ating Gobyerno upang gawin ang ating kontrbusyon sa ating lipunan).
    2.Bilang kabataan ano ang dapat na gawin para sa magandang pagbabago?
    (kung meron man susuportahan ba tyo ng ating Gobyerno upang gawin ang magagandang bagay ukol sa pagbabago ng ating bayan).
    3.Kung mapapalitan ba an gating pangulo sa ngayon?Mapapalitan ba o mababago ba ang sitwasyon o patakaran ng Gobyerno?
    (di kaya lalong lumala ang patakaran ngayon sa ating bansa).

  7. sabas says:

    maraming salamat po sa mga talumpating ito na kanapi paste ko..nakakupit pa aq ng ng 10 pesos dahil sa bilis kong nakakuha ng mga talumpati sa net at xempre dahil sa inyo…hahaha.. sabwatan na to!

  8. Pedro Jay Guttierez says:

    Gaga yan si gloria…tama lang na patalsikin siya..!!
    walang ginawa kundi mag churva at mangurakot
    Kaya
    Gloria!!…Alis dyan..
    mabuti pa ako ang pumalit..hahahhaha

  9. edward says:

    tnx… may project na ako!!! yehey!!!

  10. edward says:

    yehey!!! may project na ako!!!

  11. sheila may says:

    maraming salamt po dahil itoy dagdag kaalaman para sa aming mga kabataan..
    ang totoo’y naghahanap ako ng magandang paksa para sa aking talumpati tungkol sa kabataang pilipino noon at ngayon at isa pa ngre-research din po ako kung anu-ano ang pwede kong ipaloob sa aking talumpati kaya thankful ako na meron kang ganitong talumpati dahil bilang kabataan nakakarelate din po ako!
    sana mabigyan ninyo ako ng isang talumpati o kahit paksa lang tungkol sa mga kabataan……
    pwede po ba?
    ito email ad ko ..
    athena_felicity@yahoo.com
    next week na po kasi namin gagawin ang talumpati!
    kaya sanay dinggin ninyo kahilingan ko!
    maraming salamat po!

  12. xielo mae says:

    alm nmn nating walang balak umalis si gloria.., kaya cguro dapat taung mga kabataan nah ang kumilos,, hndi nmang pwedeng iwan ni gloria lahat sting henerasyon ung mga kahirapng pnpdanas nia, lalo n sa finansial n problema ng pilipinas,, sa ngaun,, cguro dapat nating panindigan nah ang kabataan ang pag-asa ng bayan,, sana sa mga kabataang my pangarap n maging isa sa mga tao sa palasyo,, sana sa panahong tau nah mismo ang my karapatan,, wag nang sundan ung mga ngyari ngaun, kc kung hndi ung mbababang tao ang mhi2rapan,, pati tau,, at sa mga magiging ank din naten malalaglag laht ng un, kya sana mging aral sa ating lahat ung mga nangyyre ngaun sa ating bansa, mgkaisa lagi,, isiping mabuti lahat ng ggwin,, kung mkakabuti b ito para sa ating bansa. aun lng….magagawa nating lahat yhan,, sabi nga nila,,.. kung gusto my paraan kung ayaw my dahilan.. tayo lng ang tunay na pag-asa… nakukuha yan s pagaantay,, hndi pedng bsta bsta tau sumsagot sa mga gan2,, pwd taung mglabas ng sloobin,, pero ang lumaban hndi,, tau din ang mpphamak,, kya,, ms mabuting mgantay..,,
    …..comment daw ehh, ayn mhbng comment…..

    ,,,xie’naine,,,

  13. xielo mae says:

    .. isa pah hndi nmn lht ng kabataan my bisyo,, hnd lahat walang malaskit sa mgi2ng kabiyak nia,, at isa pah,, hnd lahat ng kabataan pabay, jan kau nagkkmali,, ipngtatanggol ko lng ung pra sa aming mga maayos at hnd amn ngppkalunong sa bisyo at ngppbaya sa pagaaral,,. cguro ung iba ganun,, dahil,, my kulang sa buhay nila,, hnd naman kc lahat ng gingawa cguro nila dahil lng sa kagustuhan nila,, cguro hnd p cla kuntento o nkakaramdam ng pagmmhal at mlaskit sa mgulang nila,, lalo n nga ngaun n ibang iba n ang moralidad,, khit 14 yrs old lng aq,, sobrng lawak n ng icp q,, lalo n sa mga karanasang pang kabataan,, sa mga teenagers cguro natural nalng n nakikita natin cla o kame n ngyoyoc,, pero lht ng yun ang sb nga ng kaibigan q,, mas mahal nia ang yoc sa magulang nia, kc ang yosi lging nnjan mahal sia,, pero ang mgulang nia,, kulng nlng isubsob ung muka sa pgttrabho..,, naiintndhn q sia kht hnd aq gnun,, pero syempre sa side ng mgulang ,, para sa anak nia un kya mas ngfofocus sila sa pgwowork, pero nkakaagw ng atention,, 2lad nlng ngaun, madaming mgulng ang wlang trabaho,, kinakailangan png mgnakaw o pumatai,, mangutang tpos hnd bbyaran, kya sa mga ank n hnd mxwdong nppncn ng mga mgulng pero nppgarl at nppkain nmn kayo,, wag kayong mgrebelde,, hnd maganda,, pogi lng,, piss,,

    ,, mgpakatino para sa kinbukasan,,,

    . pahabol

  14. russette says:

    hay nako kahit sino naman ang maging pangulo natin ganan at ganan parin…
    sana nga may pumalit kay pangulong arroyo dahil parang bagsak na bagsak na ang pilipinas kumpara sa ibang bansa sabi nila mayaman daw ang bansa natin totoo yun kaso puro pangungurakot ang nangyayari….kelan kaya gaganda ang bansa natin at maipagmamalaki sa ibat ibang bansa pare parehas lang tayo nahihirapan dahil halos lahat din tayo ang may kagagawan ngunit sana bilang pangulo sya ang pumapatnubay sa ati…..halos iilang bayan,barangay nalang ang nag kakaisa…

    09108383613

    russette bicoy

  15. kimjoy says:

    bahala kEo Xa gU xto nyo..!

  16. sarah says:

    yun ohHhh tnx sxa talumpati hahah

  17. jaja says:

    haii….bkit??kylangan nteng hmantong sa gnito??…khit pa2anu nman ea gs2 din nmen mk2long sa pgayos ng ateng BANSA..ngunit sa bawat slita nman nmen ai puro mga ngbibingi-bingihan lng cla??…paanu n kme??kme ang su2nod na generation ng bansa gs2 nmen mkatulong sa pgpa2gnda ni2…sna kau din ai mkiisa saamen…!!!!!!!!!!!!!

  18. lyka says:

    wala lang!!!!!!!!!ahaha uhm…..

  19. jam says:

    …whhaaa..bahala na kau jan bxta aq i hate P.S

  20. tine says:

    pwede poh bang humingi ng reaksyon nyo tungkol sa “paninindigan ng kabataan ngayon laban sa pre marital “please..kelangan lang poh talaga.

  21. renzo says:

    :-p mga penching niyo.!! kunyare pa keu eh andame niyo nmn.. aminin niyo na. natu2kso din kayo.. nasasarapan panga kung minsan .. DIBA>?! ohaa.. plag ka pa? .. isa ka rin aman diba.! xP ALAM NIYO YAN>!!

  22. sheniatz says:

    tnx at may idea na ako kung pano ko makakasulat ng talumpati tungkol sa edukasyon…hehe

    •ang masasabi q lng ay pabor aq na mpatalsik c madam president…pwo tnx 2 her pa rin sa mga n.contribute nya sa bansa natin…well any way kahit naman
    cno ang maging pangulo natin der be a possble na mangungurakot xa… :lol:

  23. Axl Merk says:

    wag nyo namang maliitin ang mga kabataan tulad ko dahil hindi po kami tulad ng iba dyan na hindi nakapag-aral.cguro ung iba nagkakaganyan dahil na rin sa kahirapan ngayon ang daming problema na hindi masolusyunan

  24. firefox says:

    pabayaan nlang natin ang mundo….

  25. joy,... says:

    ..tama!!!!pero ngayong napalitan na ang president natin,.makakasiguro ba tayong magiging mabuting pangulo nga siya.?..hmmm,.tingnan natin dahil lahat nga tao ay bahong itinatago..mahirap talaga umasa :..kaya,kailangan lang na sa atin magmula ang pagbabago,.

  26. jar says:

    halam nio ang dapat diyan ay magtulungan yan kasi ang PINKA KULANG SA ATIN EH ANG TULUNGAN kung ang law ng gobyerno ay mag patupad ng curfew pag hindi sumunod ay may latapat na parusa at ang mga school public man or private ay may rules na susundin pag na late kaylangan may parusa pag nag cutting klase may parusa din at may mga mahihigpit na rules at kaylangan din ang mga magulang ay tumulong din kaylangan din nila disiplinahin mga anak nila wag palalakihin sa palo kung hindi sa ang mga magulang ay maging magandang modelo sa kanilang mga anak at sumunod din sa mga batas yan ANG DAPAT pag napatupad yan 10 years or 5 years later iba na ang society natin dahil masasanay sila sa mga rules eh di ba………. hehehe kabataan din ako eh haha weird ako pero kung puede lang mamuno eto ang gagawin ko pls. po tulungan po tau yan ang dapat nating baguhin ang pagiging HARDWORKING AND TULUNGAN yan lng poh :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>