recent commercials...

There's no business like show business, wika nga. Halina't magpaka-showbiz.

Moderator: dennis

User avatar
Sherbien
kaTinig
Posts: 271
Joined: Fri May 17, 2002 11:08 am
Location: Philippines

Postby Sherbien » Fri Aug 22, 2003 7:23 pm

naku di ang f4 na patalastas ang tinutukoy ko a... yung maraming tao.....

maganda rin yung sa drypers, ang cute ng tatlong batang nagsasalita...

da best ang fita commercial, very transparent ang message na pinapahiwatig nito....

maganda rin yung mismo ng coke....
Deprivation gives you something to fight for, it makes you morally superior, it makes you serious. - THE MEN'S CLUB by Leonard Micheals

User avatar
Ka Martin
Batingaw
Posts: 1819
Joined: Sun Feb 10, 2002 10:57 pm
Location: Nuestro Perdido Eden
Contact:

Postby Ka Martin » Fri Aug 22, 2003 8:59 pm

mario/zack,

Ang balitang 'yan e sa mga sirkulo ng taga-media nanggagaling. Hindi pa masyadong detalyado ang mga nakukuha natin, pero malamang na meron diyang talagang may nalalaman.

Pero nang makatanggap ako ng gano'ng balita, naisip ko ring maaari nga, dahil malabong gawin nina Rom at Noel 'yon, pareho nga ng sabi n'yo. Maaaring nagkamali tayo sa pag-aakalang isa sa kanila ang nagbenta n'on.
If I act insane, would that I am not ridiculed, for I am merely reflecting the realities of this age.

mario
kaTinig
Posts: 484
Joined: Wed Jul 09, 2003 3:22 pm

Postby mario » Mon Aug 25, 2003 5:17 pm

sana nga...

sana nga...

:ayaw:

mario
kaTinig
Posts: 484
Joined: Wed Jul 09, 2003 3:22 pm

Postby mario » Mon Aug 25, 2003 5:20 pm

ah.. oo. yung mga bampirang nagpaparty, hhehehe...

kool yun.

parang anime, hehehe.

User avatar
pula
kaTinig
Posts: 377
Joined: Thu Feb 20, 2003 6:47 pm

Postby pula » Sun Sep 07, 2003 12:01 am

Para sa mga nakipagdiskusyon tungkol sa Kanlungan na ipinatugtog ng McDo sa kabilang thread at nagpatuloy sa thread na ito:

Sana kahit papano magkaron na tayo ng kongkretong impormasyon hinggil doon... dahil nagdududa na ako kay Noel Cabangon. Naalala kong sinabi ni Alex minsan na hindi na nakikita sa mga mob si Cabangon (o kabaliktaran? baka lang ka ko may problema ako sa returnsweep) at lately, nakikita na siya sa Media. Napanood ko siya minsan sa ABC 5, Kool On Cam.... Komersyalisadong komersyalisado na... Hindi na nga alternatibo. Baka hindi niya intention pero he has taken advantage of the McDo's Soundtrack.

mario
kaTinig
Posts: 484
Joined: Wed Jul 09, 2003 3:22 pm

Postby mario » Sun Sep 07, 2003 4:03 pm

i share ur feelings pula...

duda na rin ko matagal kay noel. di ko lang masabi kay alex kasi siya itong nasa manila eh.

pero, antagal nang komersyalisado ni noel eh. mas sa SD na siya kapit ngayon.

Kaya nga out si Rom sa pinagdududahan ko eh...... tsk.

User avatar
silakbo
kaTinig
Posts: 460
Joined: Wed Jun 04, 2003 2:37 am
Location: nagbabagang lupa

Postby silakbo » Sun Sep 07, 2003 11:37 pm

Hindi ako masyadong impormado tungkol sa ganitong mga bagay, pero may ibabahagi lang ako ukol kay Noel Cabangon...

Siguro nga totoong "commercialized" na siya, kasi dun sa mga channel na may mga text-text, nakita ko na naka-post yung mga gig nya, at sa kung saang lugar. Ewan ko kung tama ba akong isipin ang ganoon tungkol sa kanya at kung komersiyalisasyon ba iyon. Basta...yun lang.

User avatar
pula
kaTinig
Posts: 377
Joined: Thu Feb 20, 2003 6:47 pm

Postby pula » Mon Sep 08, 2003 5:29 pm

Off topic (sa thread, hindi si flow ng forum):

Sukatan siguro ang paglitaw niya sa mainstream... Hindi naman masama, pero isang bagay tungkol sakanya ay ang usap-usapang hindi na siya collectivized (sunog! :wink: ). Binanggit na nga noon ni Alex na hindi siya nakikita sa mga mob (malamang mula ng madisband ang Buklod) at sinabi ni Mario na SD ang linya niya. Kung tutuusin, may koneksyon parin to sa pagkakagamit ng McDo sa awit a Kanlungan. Ang kanyang pagsang-ayon. (Na pinasinungalingan din naman umano)..

mario
kaTinig
Posts: 484
Joined: Wed Jul 09, 2003 3:22 pm

Postby mario » Mon Sep 08, 2003 6:19 pm

sabagay, bilang artista, big break sa kanya ang ganun.

ala naman sana kong tutol dun. sumikat siya ok lang. kaya lang, sa lahat ba naman ng kanta... grrr.

pambabastos yun sa matapat na bulto ng mga tengang matamang nakikinig sa kantang yan. tsk.

ngapala, '97 pa ay nakikita ko na syang kumakanta sa 70's Bistro.. ewan ko kung komersyalisado na siyang maituturing pag ganun.

User avatar
Ka Martin
Batingaw
Posts: 1819
Joined: Sun Feb 10, 2002 10:57 pm
Location: Nuestro Perdido Eden
Contact:

Postby Ka Martin » Mon Sep 08, 2003 10:00 pm

Kung '70s Bistro lang, hindi komersiyalisado 'yon. Venue nga 'yon para sa mga artist na ayaw tumugtog sa Haro Rock Cafe at Virgin Cafe.

Nando'n din ang The Jerks, at do'n pa rin si Joey Ayala na nagbalik na sa indie recording.

Pero kung ang isang musikero'y hindi na gaanong nagsasaalang-alang sa sinasabi ng kanta at ang kinakanta na lang ay kung ano ang mabenta (may sinasabi man o wala), dito masasabing talagang komersiyalisado na siya.

Labas diyan ang The Jerks at sina Joey Ayala at Gary Granada. Bagama't nakapasok sila sa mainstream, hindi sila nagpalunod sa dikta ng kulturang popular. Kaya nga hindi nila naabot ang naabot ng Power Boys, at mabuti na rin dahil ayaw ko silang makitang maglunoy sa kailaliman ng poso negro. (Tiyak ko ring hinding-hindi nila gagawin ito.) Ang ginawa nila'y mas pagtatangka lang na abutin ang isang mas malawak-lawak na audience para mas marami ang maabot ng kanilang mga mensahe. Sa bandang ito, may nagawa naman sila.

Nga pala, pula, bumalik ako sa mga lumang thread, at ang nasabi ko pala'y hindi miminsang nakita si Noel Cabangon sa mga rali laban sa giyerang US-Iraq, ibig sabihi'y hindi lang minsan kundi madalas siyang makita roon.

Pero ang mga sinalihan niya'y ang mga protestang malapad, y'ong hindi esklusibo sa alinmang bloke. Sa mga broad action na talaga siya nakikita ngayon, y'ong tipo ng rali sa Quirino Grandstand noong February 28. Kung magkakaroon ng Edsa IV, pihong makikita natin siya roon.

Noong isang taon, nang mamatay si Doreen Fernandez (na hanggang nang mamatay ay kasapi ng Concerned Artists of the Philippines), binigyan siya ng parangal na organisado ng Bayan, at isa si Noel sa mga nagtanghal doon.

Pero tama ang balitang hindi na siya konektado sa Bayan. Wala rin akong nadaluhang aktibidad ng Bayan na kung saan imbitadong magtanghal si Noel magmula nang parangalan si Doreen Fernandez.

Samantala'y madalas din siyang mabalitaang nagtatanghal sa mga aktibidad ng SD.
If I act insane, would that I am not ridiculed, for I am merely reflecting the realities of this age.

User avatar
pula
kaTinig
Posts: 377
Joined: Thu Feb 20, 2003 6:47 pm

Postby pula » Fri Sep 12, 2003 10:53 pm

aah... kagaya nga ng sinabi ko sa huli kong mensahe, hindi nga naman masama ang paglitaw sa mainstream. Pero may nabalitaan nga akong hindi na siya collectivized. Well, salamat Alex at malinaw pa sa mineral water. :)
Last edited by pula on Sun Sep 14, 2003 8:23 pm, edited 1 time in total.

mario
kaTinig
Posts: 484
Joined: Wed Jul 09, 2003 3:22 pm

Postby mario » Sat Sep 13, 2003 4:52 pm

o nga. nagconcert sya dito sa naga.

sd ang sponsor.

User avatar
Sherbien
kaTinig
Posts: 271
Joined: Fri May 17, 2002 11:08 am
Location: Philippines

Postby Sherbien » Sun Oct 19, 2003 11:10 pm

yung pangkawkaw na commercial pala ni kc (yung anak ni sharon, hindi ang boyfriend ni geneva kasi wala pa namang pangkawkaw sa lalaki na commercial), ang prod designer daw nun ay ang prod designer ng moulin rouge kaya pala nagmukhang mamahalin ang isang pangkawkaw na commercial
Deprivation gives you something to fight for, it makes you morally superior, it makes you serious. - THE MEN'S CLUB by Leonard Micheals

User avatar
Sherbien
kaTinig
Posts: 271
Joined: Fri May 17, 2002 11:08 am
Location: Philippines

Postby Sherbien » Sun Oct 19, 2003 11:10 pm

yung pangkawkaw na commercial pala ni kc (yung anak ni sharon, hindi ang boyfriend ni geneva kasi wala pa namang pangkawkaw sa lalaki na commercial), ang prod designer daw nun ay ang prod designer ng moulin rouge kaya pala nagmukhang mamahalin ang isang pangkawkaw na commercial
Deprivation gives you something to fight for, it makes you morally superior, it makes you serious. - THE MEN'S CLUB by Leonard Micheals

User avatar
mayumi
kaTinig
Posts: 824
Joined: Thu Aug 14, 2003 8:00 pm
Location: Manila

Postby mayumi » Mon Oct 20, 2003 1:10 pm

sherbien: ano po yung 'pangkawkaw'? :roll:

pansin ko lang... ang mag-inang KC at Sharon ang panay na modelo sa commercials... medyo masakit na sa mata... wala na bang iba?! :?

User avatar
pula
kaTinig
Posts: 377
Joined: Thu Feb 20, 2003 6:47 pm

Postby pula » Thu Oct 23, 2003 10:17 pm

si sherbien ang tinanong mo pero susubukan kong sagutin... kung mali ako o kulang, ehehe... parang napakakumplikado no? anywayz. ang pangkawkaw ay salitang ilocano. Malinaw sa paggamit ni sherbien kung ano ito. Kung medyo nakakalito parin.... well, ganito yun.. ang produkto ni KC na mag-isa lang siya? yung PHcare, ay isang uri ng pangkawkaw. hmm... ganun nga.
They come in different brands :lol:

User avatar
mayumi
kaTinig
Posts: 824
Joined: Thu Aug 14, 2003 8:00 pm
Location: Manila

Postby mayumi » Fri Oct 24, 2003 10:33 am

oh, i see... pasensya na po... purong manile?a kasi kaya hirap makaunawa sa malalalim na salita... paumanhin sa kamangmangan. :)

Pero aminado akong maganda ang commercial ng PhCare... lalo ng yung nilubog ang kalahati ng mukha sa tubig nang hindi nasira ang make-up... kakaiba. Parang yung MTV ni Madonna na lumulubog sya sa tubig.

User avatar
Sherbien
kaTinig
Posts: 271
Joined: Fri May 17, 2002 11:08 am
Location: Philippines

Postby Sherbien » Sat Oct 25, 2003 2:03 pm

ilokano ka ba pula. ang Pangkawkaw in simplier words ay panghugas ng kwan...... kawkaw is the most befitting word.
Last edited by Sherbien on Mon Oct 27, 2003 11:20 am, edited 1 time in total.
Deprivation gives you something to fight for, it makes you morally superior, it makes you serious. - THE MEN'S CLUB by Leonard Micheals

User avatar
pula
kaTinig
Posts: 377
Joined: Thu Feb 20, 2003 6:47 pm

Postby pula » Sun Oct 26, 2003 11:57 pm

tumpak.. yun nga rin ang pagkakaintindi ko. Hindi lang ganun ang eksaktong paliwanag ko.

At hindi.. hindi ako ilokano. Narinig ko lang ang salitang yan (na ginamit sa pangungusap) sa kaklase ko nung grade six. Siya ang ilokano :)

User avatar
mayumi
kaTinig
Posts: 824
Joined: Thu Aug 14, 2003 8:00 pm
Location: Manila

Postby mayumi » Wed Oct 29, 2003 12:48 pm

Ngayon kumpirmado ko na: ang pangkawkaw ay panghuas ng 'kwan'

Salamat sa impormasyon Sherbien at Pula! :wink:


Return to “Sine, Radyo, Telebisyon at Tanghalan”

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest