What's wrong with Philippine movies?

There's no business like show business, wika nga. Halina't magpaka-showbiz.

Moderator: dennis

User avatar
Taga Lupa
kaTinig
Posts: 116
Joined: Fri Jul 01, 2005 6:04 pm

Postby Taga Lupa » Tue Jul 19, 2005 3:38 pm

Kokonti na ang masasabi mong may matitino at malalalim na istorya na pwedeng panglaban sa mga film fest sa ibang bansa.

baognapluma
kaTinig
Posts: 95
Joined: Sun Nov 21, 2004 11:49 am
Location: Pinas
Contact:

Postby baognapluma » Sun Jul 24, 2005 5:56 pm

Meron ba sa inyong nakadalo sa CCP o UPFI para sa Cinemalaya?

Grabe, ilang araw na akong todo ngiti dahil alam na alam kong malaki na ang pag-asa ng pelikulang Pinoy :)

User avatar
BendettaJoy
kaTinig
Posts: 1065
Joined: Tue Feb 08, 2005 3:46 pm
Location: Manila
Contact:

Postby BendettaJoy » Sun Jul 31, 2005 3:11 am

Pasencia na Baognapluma hindi ako nakapanood sa CCP o UPFI para sa Cinemalaya. Medyo abala kasi sa dami ng trabaho. Malaki ang ipinagkaiba ng pelikulang pinoy kung ikukumpara ito sa mga kano. Sa tingin ko, masyado iniisip ng mga pinoy kung magkano ang kikitain nila sa pelikula queza sa ikakagaganda ng pelikula. Kung tutuusin, medyo sablay din ang mga pelikula ng mga kano nun dekada 70. Andyan na yun nagsasayawan sila pagkatapos ng bakbakan pero napag aralan nila kung paano maging kaaya-aya ang bawat pelikula sa pamamagitan ng pagpili ng mga gaganap, tamang equipment, kwento, theory, philophy at director. Kaya nilang pahirapan or bigyan ng mahirap na palaisipan ang mga manonood at tagasubaybay na hindi kayang gawin ng karamihan sa mga pinoy dahil kailangan mababaw lang ang labanan dito lalo na kung pang masa ang target ng mga producer para kumita.
REMEMBER: The TOES You Step On Today May Be Attached To The ASS You Will Have To Kiss Tomorrow

Follow Christ. Serve the people.

Juan
kaTinig
Posts: 70
Joined: Fri Jun 24, 2005 6:02 pm

Postby Juan » Wed Aug 10, 2005 7:36 pm

Sa palagay ko, ang mga films ng mga Kano kc, talagang sinu-subsidize ng kanilang Gobyerno... isa din itong malaking propaganda (pangguguyo sa Third World countries lalo na), maliban pa sa napakalaki ng market nila...

Sa Pinas, kung totoong independente ang Gobyerno malaki ang magagawa nito para sa propaganda sa mga programang pangkaunlaran, makabayan na mga kaisipan.

User avatar
aika19ph
kaTinig
Posts: 1342
Joined: Sat Mar 23, 2002 5:27 pm
Location: tamarind village
Contact:

Postby aika19ph » Wed Aug 10, 2005 8:56 pm

What's wrong with Philippine movie? Kulang sa suporta.:)

madami naman tayong magagaling na moviemakers. kaya lang, di masyadong nasusuportahan. go indie films!:D
ok lang yung walang tulog, kesa naman sa walang gising! x__x

aika.tinig.com

User avatar
BendettaJoy
kaTinig
Posts: 1065
Joined: Tue Feb 08, 2005 3:46 pm
Location: Manila
Contact:

Postby BendettaJoy » Fri Aug 12, 2005 9:28 pm

Juan: Kung naiintindihan kita sa sinabi mo na "makabayan na pag-iisip" ay lubos ako sumasang ayon sa iyo. Napansin ko nga basta american film lagi may national flag nila na nakasingit sa isang eksena. Sana ganun din tayong mga pinoy :sad:

aika19ph
Tama, kulang nga sa suporta. Mas sinusuportahan pa natin foreign films. Medyo aminado ako dyan :oops:

Hindi naman siguro suporta maitatawag dun? Nagkakataon lang na yun ang ni rent ng utol ko :lol2:
REMEMBER: The TOES You Step On Today May Be Attached To The ASS You Will Have To Kiss Tomorrow



Follow Christ. Serve the people.

Juan
kaTinig
Posts: 70
Joined: Fri Jun 24, 2005 6:02 pm

Postby Juan » Tue Aug 16, 2005 7:24 pm

To: aika19ph

You're right, in the wrong way! (joke lang - usapang showbiz naman eh)

Ganito ang tingin ko: pumunta ka sa megamall para manood ng sine; ang alam ko halos P100 bucks na ang ticket kong dko namamali plus 'snacks' mo pa, more or less 200 bucks per person ang malalagas sa pitaka mo. Ngayon, maraming pelikula -- meron foreign films (FF) meron din mga local films (LF), mamimili ka ngayon siempre (may pagpipilian e ) sa mga 'FF' magaganda talaga - mapa-drama, action, comedy, science fiction dahil alam natin na ginastusan ito ng milyones dolyares. Samantala ang mga 'LF' na halos alam na natin ang takbo ng istorya, tipid pa sa badyet ang produksyon nito -- kahit kapa maka-Pinoy dahil sa tawag ng 'quality' (not 2 mention d'worth of ur hard earned bucks) tiyak yun! sa quality films ka na papasok... kung tutuusin pasalamat pa nga ang mga local film makers na marami pa ring Pinoy ang may pagka 'bakya mentality' (sori) -- kaya kahit papano may sumusuporta parin naman (kahit ako), lalo na pag mga beteranong artista ang gumaganap - kagaya ni Manoy (E. Garcia) atpb. pang magagling na artistang Pinoy... totoong marami tayong magagaling na film makers (FM), kaso nga limitado ang badyet karamihan ng ating mga producers (FM) -- maliban pa na kailangan din kumita ng mga FM, malaki ang nagagawa ng 'unlimited funds' (UF) para sa ikagaganda ng isang pelikula.
... at maaaring ma-tap ang 'international market' kung may UF's lang ang ating mga FM's kagaya ng ginawa/nagawa ng mga Hongkong FM's dahil karamihan sa Pinoy magagaling mag-english (pwede rin e-dubbing).

Kaya kagaya ng ibang industriya at sektor ng lipunan --- kakulangan ng PONDO parin ang problema. :(

User avatar
BendettaJoy
kaTinig
Posts: 1065
Joined: Tue Feb 08, 2005 3:46 pm
Location: Manila
Contact:

Postby BendettaJoy » Wed Aug 17, 2005 1:03 am

Kailangan ba talaga na malaking salapi ang gugulin para sa ikagaganda ng isang pelikula? Hindi ba pwedeng kahit yun gaganap na lang ang magdala at kwento? :roll:
REMEMBER: The TOES You Step On Today May Be Attached To The ASS You Will Have To Kiss Tomorrow



Follow Christ. Serve the people.

etangjuana
kaTinig
Posts: 86
Joined: Fri Aug 12, 2005 4:10 pm
Location: sa bayan ni juan dela cruz

Postby etangjuana » Mon Aug 22, 2005 1:53 pm

hindi ko kasi alam sa mga pinoy kumbakit ang tingin nila sa mga pelikulang pilipino ay puros korni na lang...meron rin nmang magaganda na dapt tangkilikin... hindi kailangang gumastos ng mahal para gumanda ang isang pelikula... tingnan na lang natin ang ga indie films... :lol2:
nakakatawa...pero nakakaiyak

User avatar
Dream
kaTinig
Posts: 39
Joined: Tue Feb 27, 2007 9:02 pm
Location: Cavite
Contact:

Postby Dream » Wed Feb 28, 2007 7:02 pm

Palagi akong niyayaya ni mommy na manood ng pelikula, karaniwan gawang Filipino. Tumatanggi ako kasi alam kong puro love story lang yon. Hindi ko naman kailangang kiligin. Ang gusto ko nga sa mga klase ng pelikulang pinapanood ko yung may matututunan ako kahit papano, yung mapapagpaisip sakin.

:D

May ganon pa ba ngayon?
Nahihirapan akong makakita.
O baka kasi hindi lang ako tumitingin.

Gatilyo
kaTinig
Posts: 78
Joined: Thu Oct 04, 2007 6:25 am

Postby Gatilyo » Tue Oct 09, 2007 3:44 am

Siguro naman nakapanood na kayo ng Cinemalaya films...

Magaganda di ba?

Isa pa magaganda rin ang movies ni Lino Brocka...

Kaya magaganda pa rin ang Filipino Movies.
8)

ultradust
Bagong kaTinig
Posts: 14
Joined: Wed Oct 17, 2007 6:21 am

Postby ultradust » Wed Oct 17, 2007 6:32 am

predictable and phil movies. un lng. :D

DIWA_ta
kaTinig
Posts: 49
Joined: Sat Oct 06, 2007 12:57 am

Postby DIWA_ta » Wed Oct 17, 2007 11:58 pm

maiba naman sagot ko... pansin ko lang ang saikat ng "loveteam" chuva dito sa Pilipinas... yan tuloy parang nakulong na yung mga artista sa cycle na forever na nilang katambal ang ka-loveteam nila though may iba naman talagang magaling na artista at nag survive na wala ang ka loveteam...
at oo madalas predictable ng storya at paulit ulit na lang ang mga artistang gumaganap kaya medyo nakakasawa din pero in fairness marami naman talagang magandang Pinoy films... isa pa atang problem eh mashadong commercialized ang dating ng films. medyo safe gumawa para lang maraming manood kaya nakakalimutang may iba pa naman kuwento na magandang gawing movie pero hindi lang yata papatok sa karamihan...
"Sometimes the greatest journey is the distance between two people..." -- The Painted Veil

eden valen
Bagong kaTinig
Posts: 3
Joined: Thu Sep 06, 2007 2:17 am

Postby eden valen » Thu Oct 18, 2007 1:52 pm

karamihan ng mga pelikula ngayon ay walang lalim at minsan pa ay hawig sa mga pelikula ng mga taga ibang bansa.

jeffry_macadaeg
Bagong kaTinig
Posts: 1
Joined: Thu Dec 06, 2007 7:08 pm

Re: What's wrong with Philippine movies?

Postby jeffry_macadaeg » Thu Dec 06, 2007 7:13 pm

gusto mo bang manuod ng philippine movies, abs-cbn, gma, cinema one at madami pang ibang channel na mapapanuod, live telecast poh kung anu pinapalabas dito sa pinas ganun din nyo mapapanuod, chat mo ako sa kayje_rey@yahoo.com yahoo messenger Id ko. thanks

pinay_ako
Bagong kaTinig
Posts: 2
Joined: Tue Nov 11, 2008 9:46 am

Re: What's wrong with Philippine movies?

Postby pinay_ako » Tue Nov 11, 2008 2:28 pm

:( sa totoo lang mga ka-tinig kya naman ng mga Pilipinong gumawa ng mga pelikulang may magandang tema at may katuturan... kaso ang pkiramdam ko sigurista ang mga gumagawa nito. gusto nila na siguradong patok sa masa at talagang tatalingkilikin. ayun... puro LOVE STORY ang kinalabasan.

ika nga sa sinulat ko rin sa tinig...
"parang "Lutuing Pinoy" ang ating pelukila, parang adobo iba't-ibang klase nga lang ng luto pero adobo pa rin, ang masama lang dito may mga manonood na naghahanap n ng ibang putahe.. iyong bago sa panlasa at dadagdag sa knilang kaalaman.

:cry:

lambselect
kaTinig
Posts: 27
Joined: Tue Dec 09, 2008 9:37 pm

Re: What's wrong with Philippine movies?

Postby lambselect » Tue Dec 09, 2008 9:53 pm

pinay_ako wrote:"parang "Lutuing Pinoy" ang ating pelukila, parang adobo iba't-ibang klase nga lang ng luto pero adobo pa rin, ang masama lang dito may mga manonood na naghahanap n ng ibang putahe.. iyong bago sa panlasa at dadagdag sa knilang kaalaman.

:cry:


Saktong-sakto. Ang naiisip ko ay kaya naman ng Pinoy na gumawa ... kaya lang ang mga tipong pelikula na ganun ay 'di masyadong nakakaabot sa masa. :ayaw:

atorni
Bagong kaTinig
Posts: 8
Joined: Wed Sep 29, 2010 7:24 am
Location: Obando Bulacan
Contact:

Re: What's wrong with Philippine movies?

Postby atorni » Wed Sep 29, 2010 8:34 am

Philippine movies just suck. no offense but it really do. movie industries here just want money from us they don't do serious movie (even if they did the ratio off a good movie to a bad one will be 100:1) and thats the sad truth im not being a hater, i know all of you guys see it also, our films just revolve on comedy, drama, stupid comedy, stupid drama, maybe a horror film but with poor graphics then back on drama and comedy again. and we cant do a thing about it because for the guys in the top, they will just continue doing it.


Return to “Sine, Radyo, Telebisyon at Tanghalan”

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest