Tinig.com Forums

May gusto ka bang sabihin?
It is currently Thu Jul 29, 2010 11:47 pm

All times are UTC + 8 hours




Post new topic Reply to topic  [ 1 post ] 
Author Message
 Post subject: tulong lang po about sa tula ni jose corazon de jesus
PostPosted: Tue Feb 13, 2007 3:26 pm 
Offline
Bagong kaTinig
User avatar

Joined: Tue Feb 13, 2007 2:53 pm
Posts: 4
Location: manila
gusto ko lng pong malaman kung ano po ang pagsusuri ninyo sa tulang "ang pagbabalik" ni jose corazon de jesus,

kailngan ko lang po kasing malaman kung anong ibig sabihin ng bawat stanza ng tulang ito... maraming salamat po sa mga magrereply

ANG PAGBABALIK
NI: JOSE CORAZON DE JESUS a.k.a. HUSENG BATUTE

Babahagya pa lamang sa noo�y nahagkan,
Sa mata ko�y luha ang nangag-unahan,
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Ng siya�y iwan ko sa tabi ng hagdan,
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamamatay ako, siya�y nalulumbay.

Ng sa tarangkahan ako�y makabagtas,
Pasigaw na sabing, �Magbalik ka agad�,
Ang sagot ko�y, �Oo, hindi magluluwat�…�
Nakangiti akong, luha�y nalalaglag,
At ako�y umalis, tinunton ang landas,
Na biyak ang puso�t naiwan ang kabiak.

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama�y ibig ng magningning,
Naka-orasion na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayong lupain,
Kuwagong nasa kubo�t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naroong tahana�y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob,
Kumain ng kunti�t natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw ng tumibok,
Ang kawikaan ko, �Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako�y talaga ng kulog!!�

Ng kinabukasan, araw ay magningning,
Sinimulan ko na ang dapat gawin,
Ako�y nag-araro, naglinang, nagtanim,
Ng magdedeciembre tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na�t sa irog dadalhin.

At ako�y umuwing taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas,
Bulaklak ng damo sa gilid ng landas,
Ay pinopol ko na�t panghandog sa liyag,
Ng ako�y umalis siya�y umi-iyak,
Oh, marahil ngayon, siya�y magagalak.

At ako�y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong amin, meron pang musiko,
Nagkakagulo ang maraming tao,
�Salamat sa Dios� ang nasabi ko,
At nalaman nila na darating ako….

At ako�y tumuloy, ng ako�y pumanhik,
Mata�y napapikit sa aking namasdan,
Apat na kandila ang na-nga-babantay,
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
Mukha�y nakangiti at ng aking hagkan,
Para pang sinabing, �Irog ko, paalam!!!� :lol2: :lol2:


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 1 post ] 

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
Powered by phpBB © 2000, 2002, 2005, 2007 phpBB Group