Reincarnation

Mga usapan tungkol sa paranormal at iba pang di pangkaraniwan.

Moderator: canis lupus fidelis

User avatar
Ka Martin
Batingaw
Posts: 1819
Joined: Sun Feb 10, 2002 10:57 pm
Location: Nuestro Perdido Eden
Contact:

Postby Ka Martin » Fri Sep 05, 2003 11:22 pm

Este... Bakit, nararamdaman mo ba ang pagkakaugnay sa isang reyna ng matandang Israel? :lol:

Ang isa pang pagkakahawig ko sa karakter na lumabas sa hula tungkol sa aking diumano'y nagdaang buhay ay ang ako'y hindi tumatanggi sa mga anyayang makipag-inuman kung may bakanteng oras din lamang ako, bagama't hindi ako lasenggo.
Last edited by Ka Martin on Tue Sep 26, 2006 9:31 pm, edited 1 time in total.
If I act insane, would that I am not ridiculed, for I am merely reflecting the realities of this age.

User avatar
mayumi
kaTinig
Posts: 824
Joined: Thu Aug 14, 2003 8:00 pm
Location: Manila

Postby mayumi » Sun Sep 07, 2003 8:33 pm

amremollino wrote:Este... Bakit, nararamdaman mo ba ang pagkakaugnay sa isang reyna ng matandang Israel? :lol:


Hindi ko masabi na kumpletong oo at hindi rin buong hindi... mahirap tukuyin lalo na kung hindi ako gaanong mapagmasid sa aking sarili.

Pero mas mabuti na rin malamang sa past life regression ako ay asawa DAW ng hari... kesa malaman kong ako pala ay kaluluwa ng butiki... tsk, tsk, tsk... :lol:

User avatar
blitz
kaTinig
Posts: 1370
Joined: Fri Dec 12, 2003 4:15 am

....

Postby blitz » Tue Mar 09, 2004 6:44 am

hihihihihihhi..... butiki...

CommonHouseBoy
Bagong kaTinig
Posts: 5
Joined: Thu May 05, 2005 4:59 pm
Location: cavite
Contact:

Postby CommonHouseBoy » Tue May 17, 2005 2:56 pm

hmmmm.. reincarnation.. disagree ako dito..

sa aking pagkakaintindi... ganito... ang sabi ng mga hindu everytime na mare-reincarnate ka sa panibagong uri ng katawan, binabase sa naging performance mo nung past lifetime kung ano ang next mong anyo. iba iba ang level. may oso, tuko, aso, pabo, pusa, hipon, pulgas, kabayo at shempre ang pinakamataas sa lahat, ang tao.. ang pagka-reincarnate daw ng 7 sunod na beses bilang tao ay ang pinaka super saiyan mode sa lahat. ibig sabihin nito santo ka na. nirvana ang tawag sa 7th consecutive reincarnation bilang human.

kontradiksyon... kung susuriin ang populasyon, dumadami ng dumadami ang tao. ibig sabihin tumataas ang level ng karamihan tuwing nare-reincarnate. kaya nadadagdagan ang listahan ng mga endangered species dahil narereincarnate ang mga hayop na ito bilang tao??? hmmmm.... hindi ba't pasama ng pasama ang mga tao ngayon kumpara sa past? kung totoo ang reincarnation ba't ganun, continious pa rin ang paglobo ng populasyon ng tao habang dumadami naman ang makasalanan?

isa pa, naniniwala ako sa Diyos.
these could be the best days of our lives but i don't think we've been living very wise...

User avatar
Taga Lupa
kaTinig
Posts: 116
Joined: Fri Jul 01, 2005 6:04 pm

Postby Taga Lupa » Mon Jul 04, 2005 4:22 pm

Marami talagang hindi maipaliwanag dito sa mundo natin. Pero naniniwala ako sa reincarnation.

User avatar
vaughne
kaTinig
Posts: 448
Joined: Wed Apr 02, 2003 5:20 pm
Location: Tamarind Ville
Contact:

Postby vaughne » Mon Jul 04, 2005 11:54 pm

sa palabas ngayon ng GMA... ung sugo...
may reincarnation dun... yung tungkol sa isang alagad ng isang tribo na sumasamba kay "agaw buhay"... i dont remember his name basta Apo ang tawag sa kanya...
kapag nananalaytay sa dugo mo ang dugo nung lagad na yun... tapos kapag nagkaanak ka... kapag girl dapat i alay or patayin.... kapag boy... yun ang sugo or ang pagkabuhay nung "Apo"
dare to dream, to sore, to excel, to shine because dreams will soon come true
and i'm a living proof... http://www.vonne.tripod.com

User avatar
Ederic
Supremo
Posts: 2068
Joined: Sun Feb 10, 2002 6:47 pm
Contact:

Postby Ederic » Mon Sep 25, 2006 1:40 am

Weird, isa sa mga paboritong topic ko ito pero wala akong post.

Noong nasa college ako, ang paper at talumpati ko ay tungkol sa reincarnation. Sinabi kong hindi ito incompatible sa Christian teaching on the afterlife.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. --Andres Bonifacio

User avatar
Edmund Dantes
kaTinig
Posts: 1644
Joined: Tue Jun 01, 2004 11:56 am
Contact:

Postby Edmund Dantes » Sun Oct 08, 2006 1:20 am

hindi nga compatible, but that doesn't negate the possiblity of reincarnation..... perhaps only for christians. :D
I am sane enough to know when to give in to insanity. So please bear with me, for I am actually more lucid when insane.

http://audrim.com

Gatilyo
kaTinig
Posts: 78
Joined: Thu Oct 04, 2007 6:25 am

Re: Reincarnation

Postby Gatilyo » Sun Oct 07, 2007 7:00 am

Ka Martin wrote:Pag-usapan naman natin ang reincarnation. Ito ay ang proseso kung saan ang isang kaluluwa ay nalalagay sa isa pang katawan matapos na ang dati nitong katawan ay mamatay. Samakatwid, muling pagkabuhay sa ibang katawan.

Naniniwala ba kayo rito? Bakit? Bakit hindi?

Kung naniniwala kayo rito, may mga karanasan ba kayo sa past life regression? Sino raw kayo noong nagdaan ninyong buhay?


Hindi. It is appointed for man to die once, after that the Judgment.

DIWA_ta
kaTinig
Posts: 49
Joined: Sat Oct 06, 2007 12:57 am

Re: Reincarnation

Postby DIWA_ta » Thu Dec 06, 2007 11:49 am

ako rin hindi naniniwala... choice rin naman ng tao kung ano paniniwalaan... kung may reincarnation nga bakit palaki na palaki population ng tao? question lang din pala kung ang tao ay pwede maging hayop, ang hayop (originally) ba pwede ring maging tao kung naging mabuti syang palaka? kasi kung hindi, lahat pala ng living things dito sa mundo ay tao at walang "hayop"... hmmm.... :? ... pagpasensyahan nyo na kung magulo pero sana naintindihan nyo...hehe! di rin naman ako ganun ka knowledgeable sa reincarnation...
"Sometimes the greatest journey is the distance between two people..." -- The Painted Veil

User avatar
Ederic
Supremo
Posts: 2068
Joined: Sun Feb 10, 2002 6:47 pm
Contact:

Re:

Postby Ederic » Wed Nov 26, 2014 4:17 am

Actually, ang sinabi ko sa paper ay hindi incompatible kung hindi maaaring magkaibang interpretasyon sa iisang konsepto.

Gaya kasi ng purgatoryo, itinuturing ding purification ang reincarnation.

Si Ka Martin nga pala ang nagsimula ng topic na ito...



Edmund Dantes wrote:hindi nga compatible, but that doesn't negate the possiblity of reincarnation..... perhaps only for christians. :D
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. --Andres Bonifacio


Return to “May Himala”

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest