Aktibismo, Internet, at Cellphone

Talk about the Internet, celfon & txting and network games.

Moderators: Edmund Dantes, canis lupus fidelis

User avatar
Ka Martin
Batingaw
Posts: 1819
Joined: Sun Feb 10, 2002 10:57 pm
Location: Nuestro Perdido Eden
Contact:

Aktibismo, Internet, at Cellphone

Postby Ka Martin » Tue Mar 12, 2002 11:36 pm

Isa sa magagandang bunga ng paglaganap ng Internet at ng mga cellphone ay ang pagdami ng mga paraan ng paglahok sa mga panlipunan at pampulitikang kampanya. Kasabay halos ng paglaganap ng mga ito ang pagsilang ng pirmahan ng mga petisyon sa pamamagitan ng email at text message.
If I act insane, would that I am not ridiculed, for I am merely reflecting the realities of this age.

User avatar
dennis
kaTinig
Posts: 206
Joined: Thu Apr 04, 2002 8:50 am
Location: Lungsod Makati, Pilipinas
Contact:

text

Postby dennis » Sun Apr 07, 2002 3:48 am

oo nga. kahit ang mga site tulad nito e isang mahalagang komponent sa pag-unlad ng kaisipan, kamalayan, at bubuo o iimpluwensya (sana positibo di ba?) sa pagkilos. teknolohiya rin ang sandigan nito.

dati rin,nuong nagkaruon ng typewriter, nagkaruon ng kapangyarihan ng kababaihan dahil naging bahagi sila ng work force, kahit sekretaryal lamang. ito ang lagusan na tila prerekisito sa kalayaan sa pagboto ng babae at sa oposrtunidad sa edukasyon.

mabuti rin ito dahil masarap kasing malaman na hindi ka nag-iisa sa mga iniisip at pinapanaginip mo. nakakapagpataba ng puso at nakakalakas sa loob.

User avatar
Ka Martin
Batingaw
Posts: 1819
Joined: Sun Feb 10, 2002 10:57 pm
Location: Nuestro Perdido Eden
Contact:

Text at Internet Pa Rin

Postby Ka Martin » Sun Apr 07, 2002 7:22 am

Tama ka riyan. Malamang pa nga itong maging daan sa pagpapalawak ng saklaw ng aktibismo dahil may paraan nang makisangkot ang mga nag-aakalang hindi ukol sa kanila ang magmartsa sa lansangan.

Bukod pa riyan ay nakapagpapabilis nga ng pag-unlad ng kaisipan ang mga ganito dahil higit na maraming naabot na tao sa loob ng higit na maikling panahon.
If I act insane, would that I am not ridiculed, for I am merely reflecting the realities of this age.

tonyocruz
kaTinig
Posts: 52
Joined: Wed Aug 28, 2002 12:31 am
Location: sa langit
Contact:

text at aktibismo

Postby tonyocruz » Wed Aug 28, 2002 12:42 am

rekisitos:
1. cellphone
2. tumpak na linyang pampulitika at/o panawagan

nakita na natin 'yan nung edsa dos.

User avatar
pula
kaTinig
Posts: 377
Joined: Thu Feb 20, 2003 6:47 pm

aktibismo at teknolohiya

Postby pula » Thu Feb 27, 2003 5:09 pm

lumawak ang aktibismo sa tulong ng cellphone at internet.
Sa pamamagitan nga nito, madaling makabahagi at dinig ng pananaw mula sa hilaga na parang katabi lang ng taga timog.

another thing, through email nalang ngayon magdisseminate ng invitations ang NUSP, CEGP, LFS, Anakbayan at GY for National Assemblies. :wink: mas mura

User avatar
layla
kaTinig
Posts: 121
Joined: Thu Feb 27, 2003 11:28 am
Location: sa silangan, kung saan nagmumula ang sikat ng araw...
Contact:

Postby layla » Sat Mar 01, 2003 11:07 am

mabisa sa komunikasyon ang text messaging 'wag lang magpapaloko sa nagkukuwanring taga costum na mag-ooffer ng phone swap to 7650 sa halagang P8000 isasama ka pa hanggang opisina pero denggoy lang pala. ingat kayo!
"a person who competes is a person who doesn't know who she is... a person who feels jealous is a person who doesn't know what he has..." DAS ENERGI by Paul Williams

User avatar
cabron
kaTinig
Posts: 1919
Joined: Mon Nov 25, 2002 2:09 pm
Location: Idem Terra Firma
Contact:

:)

Postby cabron » Mon Mar 03, 2003 12:55 pm

balita ko yung mga taga SMART, salary deductible yung 7650. :drool:
"hayaang mamukadkad ang libu-libong bulaklak;hayaang magtagisan ang libu-libong kaisipan..."

LJ
Bagong kaTinig
Posts: 5
Joined: Mon Mar 03, 2003 5:59 pm
Location: L.C.

Postby LJ » Mon Mar 03, 2003 6:44 pm

oo nga wag kayong magpapadengoy sa mga nagkukunwaring sa costum daw nagtatrabaho ang tatay nila kung ayaw nyong mawalan ng cel... mahirap pa naman walang cel sa rali... nagkakawalaan.

User avatar
liwayway
kaTinig
Posts: 84
Joined: Fri Jan 24, 2003 6:18 pm
Location: paraiso sa panaginip

Postby liwayway » Tue Mar 04, 2003 9:36 pm

layla wrote:mabisa sa komunikasyon ang text messaging 'wag lang magpapaloko sa nagkukuwanring taga costum na mag-ooffer ng phone swap to 7650 sa halagang P8000 isasama ka pa hanggang opisina pero denggoy lang pala. ingat kayo!



hehehehe. Layla, parang knowing ko kung cno yun. Shit! dami tlaga manlo2ko sa mundo. Dami pa rin mga lumpen-proletariat... huh!
at sa muling pagbuhos ng ulan
ating mamamasdan ang mga larangan
malayang sisikat ang araw sa silangan
wala nang hahadlang sa kalayaan....

User avatar
liwayway
kaTinig
Posts: 84
Joined: Fri Jan 24, 2003 6:18 pm
Location: paraiso sa panaginip

Postby liwayway » Tue Mar 04, 2003 9:38 pm

LJ wrote:oo nga wag kayong magpapadengoy sa mga nagkukunwaring sa costum daw nagtatrabaho ang tatay nila kung ayaw nyong mawalan ng cel... mahirap pa naman walang cel sa rali... nagkakawalaan.


Cyanga po, nakakarelate po ako.
hehehe
at sa muling pagbuhos ng ulan

ating mamamasdan ang mga larangan

malayang sisikat ang araw sa silangan

wala nang hahadlang sa kalayaan....

User avatar
Ka Martin
Batingaw
Posts: 1819
Joined: Sun Feb 10, 2002 10:57 pm
Location: Nuestro Perdido Eden
Contact:

Postby Ka Martin » Wed Mar 05, 2003 11:16 am

Letseng customs scam 'yan. Tinangka akong biktimahin niyan noong 2002. Pero, hehehe, uubra ba naman sila rito?
If I act insane, would that I am not ridiculed, for I am merely reflecting the realities of this age.

nc16
kaTinig
Posts: 95
Joined: Mon Aug 25, 2003 9:35 pm
Location: Manila

Postby nc16 » Mon Aug 25, 2003 9:48 pm

malaki ang naging papel ng texting sa naganap na People Power II

sana mas maganda at makabuluhang papel pa ang ganapan nito sa mga susunod pang pagkakataon na kakailanganin ang tulong ng mga Pilipino, lalo na ang mga estudyante

weirdo
kaTinig
Posts: 133
Joined: Wed Jul 30, 2003 3:19 pm
Location: pakalat-kalat lang po

Postby weirdo » Wed Sep 24, 2003 5:19 am

it connects the "sangkatibakan" :lol2:
a woman's place is in the struggle...

lambselect
kaTinig
Posts: 27
Joined: Tue Dec 09, 2008 9:37 pm

Re: Aktibismo, Internet, at Cellphone

Postby lambselect » Tue Dec 16, 2008 8:17 am

Ang napakagandang bunga ay pinaliit ng mga sites na gaya ng Friendster, Myspace at 24Ever ang mundo, ginawang mas madali ang pakikilahok at paghahanap ng mga taong kapareho ang interes at mas lalo pang pinadali ng Twitter ang pagpapalaganap ng impormasyon.


Return to “Generation Tech”

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest