Sun Cellular

Talk about the Internet, celfon & txting and network games.

Moderators: Edmund Dantes, canis lupus fidelis

tonyocruz
kaTinig
Posts: 52
Joined: Wed Aug 28, 2002 12:31 am
Location: sa langit
Contact:

Sun Cellular

Postby tonyocruz » Fri May 23, 2003 2:41 am

Nung nagsimulang mag-offer yung Sun Cellular, tinapon (serious!!!) ko yung backup kong Talk N Text SIM. Trip ko kasi yung P150 callcard nila. Matipid lalo na't pang-backup lang naman.

Dun sa mga nagswitch din sa Sun, ano masasabi niyo?

User avatar
aika19ph
kaTinig
Posts: 1342
Joined: Sat Mar 23, 2002 5:27 pm
Location: tamarind village
Contact:

Postby aika19ph » Thu Jun 19, 2003 7:34 pm

balak ko na ring magpalit kasi maz mura daw.pero sayang yung sim ko.hehe
ok lang yung walang tulog, kesa naman sa walang gising! x__x

aika.tinig.com

tonyocruz
kaTinig
Posts: 52
Joined: Wed Aug 28, 2002 12:31 am
Location: sa langit
Contact:

Postby tonyocruz » Sun Nov 09, 2003 5:45 pm

Nag-Sun ako nung Sept. Okey naman at mas mura talaga.

Pero heto ang ilang feedback:

1. Parang 2nd or 3rd class citizen ako sa texting capital. Hindi kasali ang Sun sa lahat ng TV or radio programs na may downloads/chat/contest.

2. Mahina ang signal sa maraming lugar sa Metro Manila.

3. Buwisit minsan ang mga nagmamarunong at nagmamagandang Customer Care assistants nila sa Hotline at Sun Shops.

Kung magpapatuloy ito, I doubt na magiging major player sila.

User avatar
hiraya
kaTinig
Posts: 203
Joined: Mon Nov 03, 2003 6:31 pm
Contact:

Postby hiraya » Wed Nov 12, 2003 6:32 pm

ayoko mag sun-cellular.. mahirap ang signal. actually kararating ko lang dahil sinamahan ko ang blockmate kong magpapa-sim swap dapat sa SM. di pala nagpapa-swap ang smart ng sun. :-p
signature

User avatar
MALIGNO
kaTinig
Posts: 45
Joined: Sat Aug 21, 2004 3:09 pm

Postby MALIGNO » Thu Oct 21, 2004 6:09 pm

Im Smart...

User avatar
deejay_emgie
Bantay ng Tinig.com
Posts: 1188
Joined: Thu Feb 14, 2002 11:40 am
Location: Singapore

Postby deejay_emgie » Tue Feb 08, 2005 7:02 pm

My sun na ako last year pa!! hehe. Dalawa gamit ko na sim ngayon, smart at sun. Parang lanline ko kasi ang sun eh, puro tawag lang, dahil sa 24/7 na feature nito.
"The one who loves the least, controls the relationship." Robert Newton Anthony

User avatar
Ka Martin
Batingaw
Posts: 1819
Joined: Sun Feb 10, 2002 10:57 pm
Location: Nuestro Perdido Eden
Contact:

Postby Ka Martin » Thu Feb 10, 2005 4:43 pm

Kung sa kamurahan lang ng gastos, mukhang praktikal talaga ang Sun Cellular. Pero mukhang mas tama ang ginagawa ni deejay emgie na may iba pang SIM bukod sa Sun Cellular.

Noong Enero, dapat ay makikipagkita ako sa isang kaibigang dumalaw sa kanyang mga kamag-anak sa Lipa, mula sa Australya. Bihirang magawi sa Pilipinas yaong tao.

Sun Cellular ang gamit niya sa Pilipinas. Napansin kong kaytagal-tagal niyang sumagot ng text. Kung minsa'y tinatawagan ko siya at wala siyang signal.

Hindi kami nakapagkita dahil dito.
If I act insane, would that I am not ridiculed, for I am merely reflecting the realities of this age.

User avatar
Ederic
Supremo
Posts: 2069
Joined: Sun Feb 10, 2002 6:47 pm
Contact:

Postby Ederic » Fri Feb 11, 2005 10:47 am

May Sun din ako. Nagtu-24/7 pa nga pag may pera. Pero problema talaga sa signal. Tapos mahirap tumawag. Pero kung sa gastos, hindi maitatangging mas matipid.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. --Andres Bonifacio

User avatar
Ederic
Supremo
Posts: 2069
Joined: Sun Feb 10, 2002 6:47 pm
Contact:

Postby Ederic » Sat Mar 19, 2005 5:51 am

Parang sumama na ang quality ng Sun ah!
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. --Andres Bonifacio

User avatar
marvse
Bagong kaTinig
Posts: 20
Joined: Mon Apr 11, 2005 6:23 pm
Location: Philippines

Postby marvse » Mon Apr 11, 2005 6:42 pm

hehe! may sun din ako.. but paminsan2 lng.. globe talaga me!
"I am a witness to the sufferings of my struggling people and I shall bear witness to their liberation."

cathy_girl69
Bagong kaTinig
Posts: 4
Joined: Wed Sep 10, 2008 5:29 pm

Re: Sun Cellular

Postby cathy_girl69 » Fri Sep 12, 2008 2:32 pm

ang aking masasabi, dapat inisip mo muna kung dapat mo bang itapon ang luma mong sim o hindi,tulad ngayon maraming ng subscribe ng ibat-ibang cellsites.pero nawala n e wala na tayong magagawa.
Ang sa akin dalawa ung sim ko smart and sun cellular,ang smart para sa pamilya ko kasi ang gamit nila ay smart,ang sun naman ay sa mga friends ko at mga kaklase ko para hindi ako mahirapan.
yun lang ang aking opinion

lambselect
kaTinig
Posts: 27
Joined: Tue Dec 09, 2008 9:37 pm

Re: Sun Cellular

Postby lambselect » Wed Dec 10, 2008 9:50 am

Masasabi ko lang ... tipid talaga ang Sun ... sulit lang kapag malakas ang signal kung nasan ka. :lol:


Return to “Generation Tech”

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest