Agham at Teknolohiya

Talk about the Internet, celfon & txting and network games.

Moderators: Edmund Dantes, canis lupus fidelis

Juan
kaTinig
Posts: 70
Joined: Fri Jun 24, 2005 6:02 pm

Agham at Teknolohiya

Postby Juan » Mon Jul 11, 2005 5:03 am

Tayong mga Pilipino ay maituturing na mga taga-panood(audience)lamang,tagahanga,tagasubaybay, at palaging namamangha(na lamang) pagdating sa larangan ng agham at teknolohiya(science & technology). Kung tayo ay magninilay-nilay at bibigyan ng ibayong pagpuna ang mga nangyayari ngayon sa sandaigdigan(sa ibat-ibang bansa), lalo na sa mauunlad na bansa ay tila napakalayo na ng kanilang narating sa agham at teknolohiya.

Bakit nga ba sa atin hindi ito binibigyan ng sapat na pagpapahalaga. Buksan po natin ang website ng D.O.S.T..makikita natin kung gaano kababaw ang ating teknolohiya.

Ako bilang isang pangkaraniwang tao ay itinataguyod ang simpleng pamumuhay, hindi ako gaanong mahilig sa mga "high tech gadgets", subalit oo, namamangha din ako at labis na humahanga tuwing makakakita ng makabago at "super high tech equipments". Ngunit gaya ng nasabi ko, mas komportable ako sa mga mura(low priced) at simpleng bagay lamang. Kagaya halimbawa sa cellfone, kahit mura at pinakalumang modelo, ok na sa'kin basta makapag-txt lang at makatawag ng maayos; ganoon din sa pananamit--hindi ako mahilig sa Levi's at mga mamahaling damit, tama na sa akin iyong mga "bargain" na nabibili sa Baclaran o Divisoria.

Magkaganunpaman,ako ay lubos na naniniwala sa kahalagahan ng agham at mataas na antas ng teknolohiya, lalong-lalo na sa isang independenteng bansa, sa (ika)pagpapatuloy(survival) at pagkakakilanlan(identity) ng isang LAHI (e.g. Filipino race)

Magandang subaybayan o basahin kaugnay sa agham at teknolohiya ay ang: Popular Science (magazine-feb. 2005 issue), ang website nito, http://www.popsci.com

Juan
kaTinig
Posts: 70
Joined: Fri Jun 24, 2005 6:02 pm

Postby Juan » Wed Jul 13, 2005 5:22 am

Halos 80 milyon na raw tayong mga Pilipino.

Imposibleng sa 80 milyon ka-tao na yan walang magkahilig o likas na pagkahilig sa larangan ng A & T.

Kung hindi tutulog-tulog ang namumuno at nagpapatakbo ng pamahalaan (bansa), sa sadyang dami ng likas yaman kagaya ng Pinas. Walang dahilan upang hindi nito (Pinas) maabot ang mataas na uri na teknolohiya gaya ng ginagawa at nangyayari sa ibang bansa.

Nakapagtataka na pinababayaan at hindi magawan ng paraan ang napakahalagang sektor na ito sa larangan ng pag-unlad.

User avatar
Edmund Dantes
kaTinig
Posts: 1645
Joined: Tue Jun 01, 2004 11:56 am
Contact:

Postby Edmund Dantes » Wed Jul 13, 2005 10:35 pm

una sa lahat, ang kasalukuyang kalagayan ng agham at teknolohiya dito sa atin ay sanhi na rin na kakulangan (sinadya man o hindi) ng suporta mula sa ating gobyerno....pero hindi ito nangangahulugan na sa 80 milyon na pinoy ay walang bihasa sa larangang ito....sa katunayan ay karamihan ng mga "breakthrough" sa S&T sa ibang bansa ay may at least isang pinoy sa likod nito...yan ang isang epekto ng kawalan ng suporta dito, lahat ng mga experto natin ay binubuhos nila ang kanilang kakayahan sa labas ng bansa, at hindi lang sa larangan ng S&T..... :(
I am sane enough to know when to give in to insanity. So please bear with me, for I am actually more lucid when insane.

http://audrim.com

Juan
kaTinig
Posts: 70
Joined: Fri Jun 24, 2005 6:02 pm

Postby Juan » Fri Jul 15, 2005 5:43 am

Tama ka Ed. Sadyang napakalabo ang pag-usad ng A&T kung walang suporta ang gobyerno...kaya nga ang talagang punto ko ay ang pagkilos ng gobyerno na hanapin sa 80 milyon katao na may pagkahilig sa A&T...kung tutuusin malaking bagay ang karanasan ng mga Pinoy na naninilbihan sa ibang bansa(maaari silang mahikayat at magbigay tulong kung may seryosong programa pang A&T), kaya nga lamang babalik tayo lagi doon sa kahinaan ng bansa natin, kahinaan pagkamakabayan ng mga lider at mga mamayan nito.

Ang kawalan o kakulangan ng kaalaman ukol sa A&T ay isang sukatan(basehan) ng pagka-inutil ng bansa.

Lalong nagpapahirap sa isang bansa ang mga biglaang kalamidad (gawa tao o kalikasan man), halimbawa bagyo,lindol,tsunami,pagbaha at marami pang iba. Kung kulang tayo sa kaalamang A&T hindi natin mapaghahandaan ng husto ang mga biglaang kalamidad (asa lamang lagi sa dayuhang kaalaman at kagamitan). At pagkatapos ng kalamidad lalong mahirap kung walang sapat na kaalaman sa A&T (asa uli), dahil sa tinatawag na "recovery". Dito tayo napagsasamantalahan ng husto ng mga mauunlad na bansa na may matataas, de-kalidad na kaalaman at kagamitan sa larangan ng A&T, dito biglang nagsusulpotan ang mga AID's (USAID,JapanAID) -- kunyari tulong ngunit palagiang mayroong "strings attached" :!:

User avatar
Edmund Dantes
kaTinig
Posts: 1645
Joined: Tue Jun 01, 2004 11:56 am
Contact:

Postby Edmund Dantes » Sun Jul 17, 2005 4:38 pm

ganito ata formula nyan eh:

profit = 3rd world country + natural resources + cheap labor + puppet gov'ts;

superprofit = profit + manipulation

:lol:
I am sane enough to know when to give in to insanity. So please bear with me, for I am actually more lucid when insane.

http://audrim.com

User avatar
Taga Lupa
kaTinig
Posts: 116
Joined: Fri Jul 01, 2005 6:04 pm

Postby Taga Lupa » Mon Jul 18, 2005 4:36 pm

Ayoko ng math!!!

Juan
kaTinig
Posts: 70
Joined: Fri Jun 24, 2005 6:02 pm

Postby Juan » Tue Jul 19, 2005 5:32 am

Ok yang formula mo Ed ah, swak na swak! kaya lang mahina din ko sa math. Basta formula ko 1 + 1 = 2 lang.

Siyanga nga pala, isa sa mga hinahangaan ko na teknolohiya ay ang kagalingan ng "Hydraulics technology", ito yong ginagamit sa mga "heavy equipments", sa mga makabagong cranes, bulldozers, loaders, forklifts (loadall), ilan lang sa mga mahahalagang kagamitan na ginagamitan ng hydraulics tech., napakabilis, napakagaan, at ligtas (safety) ang trabaho kong mayroon ka nito, ngunit napakamahal din ng mga kagamitan na ito.

Napakahalaga sa isang bansa ang mayroon kang sariling gawa na kagaya nito, kapag kulang sa pondo (dolyar) ang pamahalaan, ito ang inuutang na mga kagamitan sa ibang bansa.

User avatar
Edmund Dantes
kaTinig
Posts: 1645
Joined: Tue Jun 01, 2004 11:56 am
Contact:

Postby Edmund Dantes » Tue Jul 19, 2005 10:10 am

mathematics of politics yun, kaya alang nos. ......sa totoo lang bagsak ako sa algeb dati... :roll:

tama nga, kung kaalaman lang ang pag-uusapan eh, maraming pinoy na nakakaintindi sa mga teorya at prinsipyo ng siyensya......pero ang kulang ay ang pagkakataon na masubukan o gawing praktika ito upang mapakinabangan natin ng sa gayon ay di na tayo aasa sa mga imported na kagamitan......sanhi na rin nyan ang kawalan ng suportang pinansya mula sa gobyerno....
:mad:
I am sane enough to know when to give in to insanity. So please bear with me, for I am actually more lucid when insane.

http://audrim.com

Juan
kaTinig
Posts: 70
Joined: Fri Jun 24, 2005 6:02 pm

Postby Juan » Tue Aug 09, 2005 6:21 pm

Kinakailangan magkaroon tayo ng sariling pananaliksik (R&D), hindi iyong palagi na lamang tayong umaasa sa mga pag-aaral at mga aklat ng ibang lahi.
... naniniwala ako sa hiwaga at kahalagahan ng tinatawag na 'infinity'(walang katapusan/hangganan), ang karunungan o pag-aaral ay katulad din sa numero, sa kalawakan (space) -- walang hangganan (infinite). Kaya kung bibigyan pansin natin ang mauunlad na bansa, kagaya ng U.S., Japan, Germany, atpb., mag-isip (imagine) tayo ng ibat-ibang uri na kagamitan o makinarya na kung ibabase natin noong mga unang panahon ay napakaimposibleng mangyari -- ngunit sa panahon ngayon, iniisip pa lang natin, nagawa, nabuo, nalikha na nila (maunlad na bansa). Ang pag-aaral ay patuloy na gawain at proseso, walang dahilan para tayo huminto -- ito ang nagtutulak sa patuloy na pagbabago at pag-unlad.

Subalit kung ang ating pamahalaan (na siyang dapat manguna at dapat asahan sa larangan ng S & T ) ay mananatiling mahina, palaasa sa ibang lahi at teknilohiya ng ibang bansa, patuloy na maghihikahos, pulubi (palahingi ng limos) sa kabila at sa likod ng likas yaman -- yaman tao ng bansa.

Kahit saan tayo lumingon (tumingin) iisa lang ang dapat nating daanan, ang daan tungo sa kamalayang pagkamakabayan na magiging tulay upang magkaroon tayo ng isang pamahalaang makabayan na mangangalaga sa interes kapakanan ng nakararaming Pilipino, na magbibigay laya sa atin upang magkaroon (ng pondo) ng patuloy na pag-aaral at walang humpay na pananaliksik (R&D) sa ibat-ibang larangan na magdudulot ng ibayong tagumpay at pag-unlad ng lahingPilipino :wink: :wink:

User avatar
Edmund Dantes
kaTinig
Posts: 1645
Joined: Tue Jun 01, 2004 11:56 am
Contact:

Postby Edmund Dantes » Wed Aug 10, 2005 2:47 pm

tama nga, katinig!

ano sa tingin mo ang maitutulong nating mga katinig sa larangang iyan?
I am sane enough to know when to give in to insanity. So please bear with me, for I am actually more lucid when insane.

http://audrim.com


Return to “Generation Tech”

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest