Tinig.com

State of the Nation Address 2010
State of the Nation Address

of His Excellency

Benigno S. Aquino III

President of the Philippines

to the Congress of the Philippines

Session Hall of the House of Representatives

July 26, 2010

Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;

Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

Saan naman po dinala ang pera?

Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.

Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.

Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.

Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.

Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.

Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.

Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.

Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.

Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.

Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.

Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.

Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.

Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.

Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.

Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.

Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.

Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.

Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.

Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.

Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.

Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.

Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.

Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.

Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?

Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.

Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:

Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.

Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.

Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.

Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.

Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.

Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.

Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.

Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.

Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?

Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.

Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon.

Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.

Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.

Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.

Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.

Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.

Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.

May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.

Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:

Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.

May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.

Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.

Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.

Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.

Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.

Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.

Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.

Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.

Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.

May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:

Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.

Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.

Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.

Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.

Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.

Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.

Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.

Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.

Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.

Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.

Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.

Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.

Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.

Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.

Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.

Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.

Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?

Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Maraming salamat po.

(Mula sa Official Gazette)

Related posts:

Halalan 2010: Sira ni Noynoy, Problema ng ABS-CBN

Mga Tanong kay Noynoy Aquino (Matapos ang Kanyang Deklarasyong Tatakbo Siya sa Pagkapangulo sa 2010)

Towards A State Policy of Ending Impunity

Mga Hamon kay Noynoy
“Ngayon, sa araw na ito — dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

“Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas nang pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

“Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago — isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.”

Ito ang tinuran ni Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos ang kanyang panunumpa noong Hunyo 30 bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas.

Para sa milyun-milyong mamamayang ilang taong pinabayaan ng nagdaang rehimen, kung hindi man tuwirang dinahas o kaya’y pinagtawanan habang hindi malaman kung saang kamay ng Diyos kukunin ang susunod na kakanin, marahil ay walang kasingganda ang mga salitang ito mula sa bagong pangulo. Mula sa ilalim ay wari silang inilalagay sa pedestal ng isang pinunong hindi raw maghahari-harian kundi maglilingkod nang buong puso at sa abot ng kakayahan, gaano man ito kaliit.

Ngunit kung tunay na nagsusulong ng pagbabago ang gobyerno ni Aquino, kailangan niyang lumampas sa tipo ng mga pahayag na kagaya ng pinakawalan niya sa kanyang pampasinayang talumpati. Isang pagkakataon upang gawin ito ang kanyang paghahayag ng kauna-unahan niyang State of the Nation Address (SONA) sa darating na Hulyo 26.

“Iniwan ng rehimeng Arroyo ang Pilipinas na nakalubog sa isang walang-kapantay na krisis sa pulitika at ekonomiya,” wika nga ni Renato Reyes Jr. ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa isang pahayag kahapon. “Gula-gulanit ang ating soberanya, pinaranas ng ilan sa pinakamatitinding paraan ng pang-aapi ang malawak na hanay ng sambayanan, bagsak na bagsak ang ekonomiya, walang pakundangan ang paglabag sa karapatang pantao, matindi na ang pinsalang tinamo ng kalikasan, at ang bayan ay hinahati ng tumitinding hidwaan.”

“Inaasahan naming tatalakayin ng Pangulong Aquino ang mga usaping ito sa kanyang unang SONA,” sinabi pa ni Reyes.

Kung tunay na nagsusulong ng pagbabago ang administrasyon ni Aquino, walang dahilan upang hindi niya tugunan ang hamong ito.

Related posts:

Walang Pumipilit kay Noynoy na Maging sina Superman at Einstein

Mga Tanong kay Noynoy Aquino (Matapos ang Kanyang Deklarasyong Tatakbo Siya sa Pagkapangulo sa 2010)

‘Noynoy for President’ and the Urgent Need to Reform Philippine Politics and Society

Mensahe ng Pasasalamat
Batay sa talumpating binigkas sa anibersaryo ng Kabataan Partylist, Hunyo 19, 2010 na ginanap sa UP Diliman Kolehiyo ng Edukasyon

Maraming salamat sa ating dalawang emcee. Si Lee, mga kaibigan, ang nagdisenyo, naglay-out ng ating mga logo at iba pang animasyon na ginamit noong kampamya. Salamat Lee at Mabuhay ka!

Sa lahat ng fans ng Lakers, congratulations! Sa mga fans ng Celtics, may susunod pang taon. At para sa mga tulad ko na fan ng Golden State Warriors, pwede pang mangarap.

Kami ni Ipay ay natutuwa at dito sa Kolehiyo ng Edukasyon tayo nagtipon para gunitain ang ating anibersaryo. Ako po ay nagtapos sa kolehiyong ito. Ang gusaling ito ang isa sa pinakalumang struktura sa pamantasan. Welcome po sa Eduk!

Noong 2004, nakakuha ang Anak ng Bayan Youth Party ng 213,000 boto. Noong 2007, ang Kabataan Partylist ay binoto ng 228,000 katao. Ngayong 2010, umabot na sa 418,000 ang ating boto. Higit sa 70 percent ang tinaas ng ating boto.

Noong isang taon lang ako nakapag oath taking, delayed ng dalawang taon ang ating tagumpay. Pero makasaysayan pa rin ang tagumpay na ito. Tayo ang kauna-unahang grupo ng kabataan na nagkaroon ng kinatawan sa Kongreso. Kung naghintay tayo ng taon para pagtibayin ang ating tagumpay, hindi nagtagal ang ating paghihintay ngayong taon. Kahapon po ay nag oath taking na ako bilang kinatawan ng kongreso sa harap ni Senator Chiz Escudero, na tulad natin ay may adhikaing pabor sa interes ng kabataan at mamamayan.

Noong 2001, ang Bayan Muna bilang boses ng maliliit na tao ay nakapasok sa kongreso. Noong 2004, ang Bayan Muna ay nagkaroon ng dagdag na kapanalig na partido sa kongreso nang manalo ang Anakpawis at Gabriela. Noong 2009 ang bloke ng mga progresibo ay higit na pinalakas sa pagpasok ng Kabataan Partylist. At ngayong 2010, ang mga guro at sektor ng edukasyon ay nagagalak sa pagkapanalo ng ACT Teachers Partylist. Lima sa nanalong top 20 partylist sa nakaraang halalan ay bahagi ng Makabayan Coalition.

Makabuluhan ang tagumpay na ito. Sa kabila ng pananakot at pang-iintriga ng militar, nanalo pa rin ang mga progresibong partylist. Tumaas pa nga ang boto ng mga partylist natin – ang kabuuang bilang ay umabot na sa 3.2 milyon. Desperado ang estado at mga pasista sa kanilang hangarin na hindi tayo magwagi. Bukod sa pagpapakalat ng mga materyales na black propaganda, tinakot at binantaan nila ang buhay ng ating mga miyembro, kandidato at alyadong lider sa buong bansa. Pero nanatiling buo ang tiwala’t pagmamahal ng masa sa atin. Gumamit man ng sindak ang kaaway, hindi tayo iniwanan ng taong bayan. Lumalawak pa nga ang ating impluwensiya at suporta. Ang bala ng kaaway ay nauubos, ang mga gobyerno ay bumabagsak at natatapos pero ang mapanlabang diwa ng masa ay kasing tatag ng sumisikat na araw.

Noong 2001, pangulo ng bansa si Gloria Arroyo. Noong 2004, nanalo siya sa tulong ni Hello Garci. Noong 2007, siya pa rin ang nakatira sa Malakanyang. Ngayong 2010, mga kasama 11 araw na lang, tapos na si Gloria! Masaya ang lahat!

Makasaysayan ang araw na ito dahil araw ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani. Ito rin ang anibersaryo ng pagkakatatag ng ating partylist. Nitong nakaraang linggo ay nagpulong ang pambansang konseho upang rebyuhin ang ating karanasan sa halalan. Batay sa mga ulat, mayroon na tayong mahigit 50,000 kasapi sa buong bansa. Aktibo ang mga balangay natin sa mga mayor na eskuwelahan at rehiyon sa buong bansa. Kahit sa maliliit at malalayong isla ay may nangampanya para sa ating partylist. Sa facebook ay nanguna tayo sa mga partylist na may pinakamaraming fans: mahigit 63,000 na ang bilang ng fans ng ating facebook page.

Ngayong 2010, ang Kabataan Partylist pa rin nag-iisang partido ng kabataang Pilipino sa Kongreso. Para higit nating maunawaan ang halaga nito, tandaan na daan-daan ang konseho ng mag-aaral sa buong bansa, daang-libo ang mga Sangguniang Kabataan, daang-libo rin ang mga sibikong organisasyon; pero nag-iisa lang ang partylist ng kabataan sa kongreso, at yan po ang ating Kabataang Partylist.

May 187 partylist ang lumahok sa halalan pero nagawa nating manalo at maabot ang ika-labing-pitong ranggo. Ang mga katunggali natin ay dekada na ang naipong karanasan sa halalan samantalang ang kalakhan ng mga miyembro natin ay ngayong taon lang nasabak sa laban. Hindi lalagpas sa 23 ang average edad ng ating mga opisyal samantalang kalakhan ng mga miyembro natin ay hindi pa aabot ng 20 ang edad. Pero sa kabila ng kakapusan ng karanasan natin, tayo ay nagwagi at naunahan pa nga natin ang maraming partylist. Sa mura ninyong edad, nakapagpanalo kayo ng partylist sa pambansang halalan!

Nanalo tayo kahit hindi tayo contractor ng presidente o kamag-anak ng mga warlord at political dynasty. Hindi tayo namili ng boto o nangako ng mga proyekto sa mga lokal na opisyal. Hindi tayo nandaya o nag-isip man lang mandaya sa pamamagitan ng pre-shaded ballots at reprogramming ng Compact Flash cards. Kaduda-duda ang sobrang tinaas ng boto para sa lahat ng partylist. Taktika ito para makapasok ang mga pro-Arroyo partylist.

Nais kong kilalanin ang mga martir ng ating organisasyon: Marjorie Reynoso, Jonathan Bernaro, Ramon Regase at Lito Doydoy ng Maco, Campostela Valley. Si Cris Hugo, Ambo Guran, at Farly Alcantara ng Bicol. Ipagpapatuloy naming ang inyong laban!

Kilalanin natin ang mga pambansang organisasyon na nagtatag ng ating partylist: Anakbayan, League of Filipino Students, Student Christian Movement, Karatula, College Editors Guild, at ang organisasyong kinabibilangan ko, ang National Union of Students.

Kilalanin natin ang ating mga nominado: si Ken Ramos ng Anakbayan, Renil Oliva ng Cebu, Atty. Kat Castillo ng Leyte, at si Mark Louie Aquino ng National Capital Region. Tinitiyak ko sa inyo na hindi anak ng presidente o Cabinet member ang mga nominado natin. Pagbati rin sa anim na miyembro ng Kabataan Partylist na nanalong konsehal sa Panay.

Narito ang ating mga pambansang opisyal. Nakikita ko si Vencer, ang ating all-around na secretary-general at webmaster. Si Anna, ang nangasiwa sa pollwatching at national coordination. Si Sarah, ang ating Chief-of-Staff at kumanta ng ating Lady Gaga jingle. Narito rin ang ating mga provincial and regional coordinator.

Narito rin ang ating online team. Salamat at number one tayo sa internet!

Kilalanin din natin ang dalawang pinakamatandang miyembro ng Kabataan Partylist: si Tito Bernie at Ka Romy.

Salamat sa inyong lahat. Salamat sa lahat ng nagtiwala sa Kabataan. Salamat sa suporta: sa mga napuyat, napagod, nasaktan sa kampanya. Sa mga nasunog ang kamay sa kakaluto ng gawgaw para pandikit sa poster. Sa mga miyembro natin sa kanayunan na walang makitang pader na pwedeng lagyan ng poster. Sa mga nag house-to-house kahit may El Nino. Sa mga nabastos, nasaraduhan ng pinto, namura, napahiya sa pangangampanya. Sa mga miyembro natin na sumasakay ng MRT/LRT at kunwari’y inosenteng nag-uusap kung ano ang ibobotong partylist sa halalan. Sa mga napudpod ang kamay sa kakatext. Sa mga naubusan ng prepaid internet load dahil araw-araw kailangang i-facebook message ang mga kaibigan. Sa mga namolyeto, nagdikit ng sticker sa mga dyip, trike, at pedicab. Sa mga biglang napakanta, napasayaw, napa emcee sa mga programa para lang ikampanya ang Kabataan. Taos pusong pasasalamat sa inyong lahat!

Sa mga nakatira sa HQ na dinanas at sinapit ang halos lahat nitong nakaraang tatlong buwan. Naputulan ng kuryente, naubusan ng tubig, nawalan ng bigas, may kumain ng iyong ulam, kulang ang pamasahe sa dyip. May mga nabuo at naputol na relasyon. May bagong panganak. At dahil laging gutom, puyat, at pagod sa HQ, di minsan ang mga alitan. Sa inyo na nag-ayos ng mga motorcade, pedicade, calesa-cade (sa Vigan). Sa inyo na nag-ayos ng mga sortie, malaki man o maliit. Sa mga nangampanya sa mga Wowowee concert ng Nacionalista Party. Salamat, salamat po.

Ang tagumpay ng Kabataan Partylist ay para sa inyo at para sa lahat ng naghahangad ng pagbabago. Para rin ito sa mga jejemon, jeprox, hiphop, emo, cono, kanto boy, gangsta, geeks, sa mga batang ama at ina, sa mga frat, sa mga makabayang aktibista, sa lahat ng kabataang Pilipino. Ang Kabataan Partylist ang inyong boses, sandigan sa loob ng kongreso.

Ngayong tapos na ang halalan, sisimulan natin ang paghamon sa bagong administrasyon. Adyenda ng kabataan igigiit natin. Tunay na pagbabago ang ating sigaw. Hindi tayo maghihintay ng 100 araw. Kikilos tayo ngayon.

Hindi pulitika ng pork barrel ang ating prayoridad. Bagong pulitika. Hindi sapat ang mabuting pulitika. Dapat progresibong pulitika. Pulitika ng pag-asa, pakikibaka, at pagbabago. Yan ang bitbit ng Kabataan Partylist sa muli nating pagpasok sa kongreso.

(Mula sa MongPalatino.com)

No related posts.

Kawawang Bayan
Wang wang ni Sek, Senador, Konggresman

Wing wing na naman ang pangulo sa dyanketan

Wong wong ang panunuhol ng banyagang puhunan*

Wung wung ang alulong ng bagyong panayan

Weng weng na tuloy ang kawawang bayan!

*ZTE-NBN

— Ed Maranan, Pebrero 14, 2008

Related posts:

Pagtatapos ng NBN-ZTE Hearing sa Senado: Mga Tanong na Ayaw Nilang Marinig ang Sagot

Pasinayang Talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino
June 30, 2010

Quirino Grandstand

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations, Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa — nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din — talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito — dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas nang pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago –- isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago -– isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster -– ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

· dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;

· serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;

· tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili — lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all — may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong — kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito — ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa — nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Related posts:

Talumpati ni Sen. Noynoy Aquino sa Miting de Avance ng Partido Liberal

Mga Tanong kay Noynoy Aquino (Matapos ang Kanyang Deklarasyong Tatakbo Siya sa Pagkapangulo sa 2010)

Mga Hamon kay Noynoy

Bagong Umaga
Maganda ang gising ko noong umaga pagkatapos ng eleksyon. Kaisa ako ng isang buong bayang wari’y sabay-sabay na naglabas ng isang mapagpalayang buntung-hininga matapos ang di-inaasahang kinalabasan ng halalan.

Sa kabila ng napakaraming mga pangambang dulot ng kawalang-tiwala sa mga nakaupong aliw na aliw sa kapangyarihan, nairaos din ang halalan. Pagsapit ng gabi, nasaksihan ko sa telebisyon ang mabilis na pagdating ng mga resulta ng botohan. Tuwang-tuwa ako na kahit sa bilangan ng boto man lang, wari’y ang pagiging first world ay ating natikman.

Siyempre, hindi naman ako nag-iilusyong perpekto na ang lahat at nakarating na tayo sa minimithing Enchanted Kingdom sa larangan ng pulitika at pamamahala. Hindi naman tuluyang binura ng election automation ang karamihan sa mga lumang problema gaya ng katrapohan, bilihan ng boto, at karahasan.

Pero ayon sa pulisya, nabawasan ang mga karahasang kaugnay ng halalan. Gawa marahil ng mabilisang pagpapadala ng mga bilang ng boto sa Comelec, wala nang panahon ang maiitim ang budhi para gumawa ng kabuktutan at ma-Hello Garci ang resulta ng halalan. Kahit paano, magandang simula ito.

Sa umagang iyon pagkatapos ng eleksyon, namalas ko ang maaliwalas ang paligid na pinaliguan ng dilaw na sikat ng araw. May hatid na pag-asa ang noo’y napipinto pa lamang na tagumpay ni Noynoy Aquino, ang tagapagmana ng mga pangunahing bayani ng demokrasya sa ating bansa. Hindi inilaglag ng bayan ang taong kanilang tinawag upang pamunuan ang pagbabalik ng tiwala sa pamahalaan. Nagtagumpay ang kampanyang sinimulan at dinala ng taumbayan, at nailuklok ang bagong People Power president.

Hindi man masasabing si Noynoy ay ganap na walang bahid, naniniwala naman akong walang duda ang mga tao sa kanyang katapatan at kababaang-loob. Malaki ang pag-asang sa kanyang pamumuno, magsisilbi siyang magandang halimbawa para sa mabuting pamamahala at malinis na pamahalaan.

Sa pagkakapanalo ni Noynoy, tumibay ang katiyakan ng pagtatapos ng siyam na taong rehimen ng karahasan at kasinungalingan.  Nabigyan din tayo ng isa pang pagkakataong maisakatuparan ang mga napakong pangako ng pangulong pinaupo ng ikalawang People Power revolt. Sa tulong ng mga mamamayang naghalal sa kanya, maisakatuparan nawa ito ng pangulong iniluklok ng People Power sa loob ng eleksyon.

Related posts:

Eleksyon 2010: Bagong Pag-Asa… Bagong Sakit

Ang Tipo Kong Pangulo

Halalan at Pagbabago

Walang Pumipilit kay Noynoy na Maging sina Superman at Einstein
Siyam na araw mula ngayon ay magwawakas na rin sa wakas ang napakahaba nang pag-okupa ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang, at manunumpa na ang nahalal na Pangulong si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ngayon pa lamang ay sinasabi na ni Aquino na hindi siya kumbinasyon nina Superman at Albert Einstein, na hindi niya hawak sa simula’t simula ang kalutasan sa lahat ng suliranin ng bansa. Dahil dito, aniya, dapat ay maging “makatotohanan” ang mga hinihiling at hinihingi sa kanya.

Karapatan naman ni Aquino ang liwanagin sa lahat na hindi siya ang pinapagsamang Superman at Einstein.

Datapwat dapat din niyang unawaing pagkatapos ng lahat ng pangako niya noong panahon ng kampanya na siya ang magiging kabaligtaran ng isa sa pinakakasuklam-suklam na mga rehimen sa kasaysayan ng Pilipinas, may karapatan din ang mga mamamayan — kabilang ang mga hindi bumoto sa kanya — na umasang makagagawa siya ng malalaking bagay.

Ito ang kabayarang katumbas ng kanyang pagtuntong sa mga alaala ng mga magulang niyang sina Benigno Aquino Jr. at Corazon C. Aquino, at ng kanyang paulit-ulit na pagsasabing tatahakin ng kanyang pamunuan ang “daang matuwid.” Tumuntong siya “sa mga balikat ng mga higante,” sa wika nga ng siyentistang si Isaac Newton, at halos ay nangako ng langit, kaya’t talagang mataas ang aasahan sa kanya.

Hindi hinihiling o hinihingi ng mga mamamayan na maging sina Superman at Einstein siya. Ang inaasam nila ay magkaroon ng totohanang pagbabago sa kanilang buhay at sa kalagayan ng bansa, at sa kanya nakita ng nakararami sa kanila ang pag-asa para rito. Ang ninanasa nila ay mapamunuan niya ang pagsasagawa ng mga pagbabagong kailangan ng bansa. At hindi kailangang maging sina Superman at Einstein siya upang magawa ito.

Kung magagawa niya sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon, kagaya ng kanyang sinabi, ang lahat ng ipinangako niya noong siya’y nangangampanya, mabuti. Kung gagawa siya ng iba pang bagay na bagama’t hindi kabilang sa kanyang mga ipinangako ay makabubuti sa bansa, lalong mabuti.

Sa dakong huli, huwag sana niyang piliing hindi na lamang tuparin ang alinman sa kanyang mga ipinangako at gamiting palusot ang pahayag na hindi siya sina Superman at Einstein.

Related posts:

Mga Hamon kay Noynoy

Mga Tanong kay Noynoy Aquino (Matapos ang Kanyang Deklarasyong Tatakbo Siya sa Pagkapangulo sa 2010)

‘Noynoy for President’ and the Urgent Need to Reform Philippine Politics and Society

Halalan at Pagbabago
Ang katatapos na halalan ay isa sa pinakamalalaking reporma sa ating sistemang elektoral. Hudyat ito ng pagtalikod natin sa manu-manong uri ng pagboto at usad-pagong na bilangan. Umukit din sa kasaysayan ang Pilipinas bilang kauna-unahang bansa sa Timog Silangang Asya na nagsagawa ng automated elections.

Sa binagong sistema, ultimong pagboto natin ng mga kandidato ay naiba, at ganun din rin ang paraan ng pagbibilang sa mga ito. Ngunit sa daming nabago sa sistema ng halalan, tila may katanungan pa ring di masasagot sa kasalukuyan: Tunay nga bang may nagbago?

Ang aalis na lider ng ating bansa at ang papalit sa kanya ay parehong anak ng mga nagdaang pangulo. Ang ilang kilalang lugar sa bansa gaya ng Makati, Davao, Cebu, Isabela, Bataan at iba pang lugar ay di nalalayo sa kasalukuyang kapalaran ng Malakanyang na tila ba ang panunungkulan sa gobyerno ay isang uri ng kayamanang naipapasa sa mga anak at sa kaapu-apuhan. Ang tanong tuloy ng ilan ay kung wala na bang ibang maaring pumalit sa kanila.

Nananatiling talamak ang bilihan ng boto sa ilang lugar sa ating bansa. Tila walang pakialam ang ilang tauhan ng mga pulitiko kahit pa napapanood sila ng sambayanang Pilipino sa telebisyon habang pasimpleng isinasagawa ang bilihan at abutan ng pera sa ilang botanteng ipinagpapalit ang kinabukasan ng kanilang bayan sa ilang daang piso.

Sa kabila ng pinaiiral na gun ban ng Comelec, nakita pa rin natin sa telebisyon ang aktuwal na kuha ng isang mamamahayag sa isang parte ng Mindanao kung saan nakunan ang tauhan ng isang pulitiko na may bitbit na matataas na kalibre ng baril at pilit na ginugulo ang isinasagawang eleksyon. Idagdag mo na rin ang gulo at tensyong idinulot ng mga pumalpak na program ng counting machines at ang problema sa signal sa pagta-transmit ng mga resulta ng botohan.

Sa pangkalahatan, masasabing tagumpay at mapayapa ang nakaraang halalan. Pawang mga isolated cases daw, ayon sa kinauukulan, ang ilang insidente ng karahasan na nasaksihan sa telebisyon. Ngunit sa bandang huli, hindi natin masasabing maaasahan tayong pagbabago lalo na kung ang mga nanalong kandidato ay mga lumang personalidad na matagal nang namamayagpag sa kapangyarihan — mga lumang pulitiko sa bagong sistema ng halalan.

Kung tayo’y naghahangad ng totoong pagbabago sa sistema ng ating pamahalaan, simulan nating baguhin ang pamantayan sa ating pagpili ng mga kandidato. Simulan nating bomoto nang matalino, nang naayon sa plataporma ng kandidato at hindi nang dahil sa kasikatan niya, hindi rin dahil sa tunog ng apelyido, at lalong hindi dahil anak siya ng isang matagumpay na politiko.

Related posts:

Pagbabantay sa Halalan ng 2010

Ang Pagbabago at sina Mr. Shooli at ‘Kuhol’

Eleksyon 2010: Bagong Pag-Asa… Bagong Sakit

Towards A State Policy of Ending Impunity
A statement by the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) on the sixth month of the November 23 massacre of 32 journalists and media workers

The election of the new President and the formation of a new administration cast the sixth month anniversary of the 23 November 2009 Massacre in a more auspicious light. Or so the undersigned media and journalist associations would like to hope.

Engaged in the battle against impunity for years, we urge the president-elect, as soon as he is proclaimed, to commit himself and his government to take the necessary steps to shift government policy from the dire neglect and indifference that has allowed so many journalist killings to go unpunished. These require a range of actions to address the poor capacity of the police to investigate cases and preserve forensic evidence, the failure to arrest and detain suspects who have political patrons, and the paucity of resources for witness protection and speedy trials. All of these and more have encouraged the killing of journalists since 1986 to continue.

We call on the newly appointed Chief Justice of the Supreme Court to follow his predecessor in supporting the prosecution of the Maguindanaw murder suspects. In line with this, we would like to see current officials and those who will be appointed by the new president to assure the quick resumption of proceedings against the principal suspects and the swift arrest of those still at large.

As outrageous as the Massacre was, the case against the suspected killers and masterminds has not progressed as much as the families of the victims, the media community, and concerned citizens have every right to expect. The president-elect’s call for the resumption of the trial would address an immediate and pressing need.

The state prosecutors who opposed the dropping of the charges against two members of the Ampatuan clan also need and deserve presidential support. The justice system, thanks to these prosecutors, had initially moved with unwonted speed on the charge of multiple murders. Various journalist and media advocacy groups made it possible for private prosecutors to help hasten the identification of suspects and the preparation of witnesses.

But the trial of 197 accused persons, among whom are leading members of the Ampatuan clan, has been twice postponed due to various technicalities, among them four motions for the presiding judge to inhibit herself from hearing the case.

The accused are entitled to every legal recourse to defend themselves. But the April 16 decision by the acting Secretary of Justice Alberto Agra to exclude two Ampatuan clan members from the multiple murder charges was viewed by many journalists and lawyers as favoring a powerful family allied with the Arroyo administration.

Agra eventually reversed himself in the wake of protests by the media, civil society, and his own prosecutors, in a telling demonstration of the indispensable role of citizen militancy in the quest for justice. But his earlier decision makes it difficult to remove doubts over the capacity of the justice system to resolve the case to the satisfaction of the families of the victims, the press community and the Filipino people

These doubts were inevitable, given the Arroyos’ expressed hostility toward critical journalists and her administration’s consistent failure to address with stronger measures the killing of journalists and media workers, as the number of victims spiked dramatically during her nine- year watch.

Outrage over the Arroyo government’s policy toward media have raised hopes that the electoral victory of a candidate who would protect and enhance press freedom along with strategies to improve law enforcement and the justice system would launch a campaign against impunity that will at least reduce the number of journalists slain in the line of duty. As a candidate, Senator Benigno Aquino, III, had announced his intention to hold the Arroyo regime to account for, among others, violations of the Constitution. Such intent would make his administration’s authentic commitment to press freedom logical and necessary.

Justice officials may and should proceed with the trial even without a call from the new president. But a presidential statement will be heard by advocates of press freedom and media defense activists around the world as a signal that under a new leadership, the culture of impunity in the Philippines may come to an end.

Join the petition by signing your name and email address on the CMFR website.

Related posts:

Peligroso ang Press Freedom sa Pinas!

‘Noynoy for President’ and the Urgent Need to Reform Philippine Politics and Society

State of the Nation Address 2010

Talumpati ni Sen. Noynoy Aquino sa Miting de Avance ng Partido Liberal
Sen. Benigno S. Aquino III

Mayo 7, 2010

Nandito na po tayo sa huling yugto ng ating kampanya. Napakalaki na ng lamang natin. Patunay ito na ang taumbayan ang aking tunay na lakas. Ang makatotohanang mensahe ang mangingibabaw.

Ang taong pinangakuan ngunit kinalimutan ay gising na, at handa nang humusga sa mga lumimot sa kanila.

Hindi ko ninais magmana ng mga problemang iniwan ng taong yumurak sa ating mga pangarap. Pinasok natin ang kampanyang ito ng walang sapat na paghahanda, hindi tulad ng ating mga katunggali na napag-aralan na ang kanilang mga kalaban. Pati ang aking mga kapatid na humiling lang ng sandaling oras para masanay sa pagkawalay sa aming ina ay hindi man lang nabigyan ng kakarampot na panahon at dumamay sa hirap ng labang ito.

Sa harap ng mabibigat na tungkuling kusang loob kong pinasan, dinamayan din ako ng taumbayan. Nakiisa kayo para ayusin ang ating mga problema. Dahil nandiyan kayo, kasama ng gabay ng Diyos, malapit na ang liwanag.

Maraming dapat ituwid, at marami ding balakid. Hindi magiging madali ang ating pagdadaanan.

Sa pagpapatuloy ng pagtutulungang ating pinamalas nitong mga nakaraang buwan, paano namang hindi magiging mabilis ang pagbabago?

Aabante ba tayo kung may sumasagwan nang paatras, o may hindi man lang sumasagwan? Hindi ba’t mas matulin ang pagbabago kung ang pagsagwan ay sabay sabay tungo sa iisang direksyon lamang?

Lumiliwanag na. Mga ilang hakbang na lang, maliwanag na maliwanag na ang ating hinaharap.

Sa yugtong ito ng kampanya, dapat hindi natin makalimutan kung sino ang sa simula pa lamang ay katuwang na natin sa pagtahak ng landas na tuwid, at tunay na may malasakit sa atin.

Ang problemang hinaharap natin ay dulot ng pangingibabaw ng pansariling interes laban sa nakabubuti para sa nakararami. Ang pagkawalang bahala sa sariling interes na isinasabuhay ni Mar Roxas sa kanyang sakripisyo para sa bayan ang tanging solusyon sa ating mga problema.

Noong una kong tinanggap ang hamong ito, damang-dama ko ang aking pag-iisa. Ngunit nandiyan si Mar Roxas, karamay sa lahat, sa hirap at sa ginhawa. Naging katuwang ko siya sa lahat ng pagsubok – sa paninirang aking hinarap, sa pag-aayos ng aming kampanya, at sa pagbabahagi ng aming mensahe sa inyong lahat. Hindi maipagkakaila na sa matibay na samahan naming dalawa, naabot natin ang ating kinalalagyan. Ang pinapasan ay gumaan dahil sa tunay naming samahan – samahang hindi lamang pang billboard, pang poster o pang baller. Magkaramay kami sa lahat ng pinagdaanan at pagdadaanan pa – tunay na kasangga – yan si Mar Roxas! Sa pagtutulungan namin at ninyo, baka di tumagal, pati ang kalaban ay sumali na rin sa atin.

Ang ating mga kasama sa SLAMAT LORRRD, malayang pumili ng ibang partido ngunit sumama sila sa atin dahil sa paniniwala na dito ang tamang laban tungo sa tuwid na landas. Piling-pili ang 12 ito. Hindi sila sumanib dahil sigurado silang mananalo, pero dahil sila ay nanindigan. Ni minsan hindi nagreklamo, bagkus totoong pagdadamayan ang ipinakita sa isa’t isa. Sa tunay na pagbabago, kailangan natin ang mga taong tulad nila na nakatingin sa iba at hindi sa sarili. Sinisigurado ko, interes ninyo ang pahahalagahan nila. Kaya’t ibuhos natin ang ating suporta kina Sonia Roco, Gen. Danny Lim, Neric Acosta, Dr. Martin Bautista, Alex Lacson, TG Guingona, Yasmin Busran-Lao, Serge Osmeña, Ruffy Biazon, Ralph Recto, Risa Hontiveros at si Franklin Drilon.

Wala tayong karapatang isugal ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Mahaba-haba na ang ating tinahak na pagsasakripisyo. Ngayon pa ba tayo magrerelax, kung kailan malapit na tayo sa finish line?  Malapit na ang tagumpay. Konti na lang ay tutungo na tayo sa bukang liwayway, kung tayo ay hindi bibigay.

Magkapit-bisig tayo. Sa labang ito, walang maiiwan. Magtulungan tayo upang ang tunay na boses ng sambayanan ang manaig, sa gitna ng mga problema sa poll automation at posibleng dayaan sa darating na halalan.

Kung manual counting ang solusyon, mag manual count na tayo, kahit na mas matatagalan ang bilangan. Dapat matuloy ang halalan sa ika-10 ng Mayo. Gutom na gutom ang taumbayan sa bagong liderato.

Sama-sama po nating iwagayway ang bandila ng pagbabago. Kung walang corrupt, walang mahirap. Mabuhay po kayong tumatahak sa landas na tuwid, at nagtatakwil sa landas na baluktot.

Sa yugtong ito, hayaan ninyo akong magpasalamat. Ako po si Noynoy Aquino, ordinaryong taong tulad ninyo – nangahas na tahakin ang landas na tuwid. Hindi ko ito sana kakayanin kung hindi dahil sa inyo – kayo ang aking tunay na lakas.

Sa unang pagkakataon, nais kong pasalamatan ang aking mga kapatid at ang kanilang mga pamilya. Ni minsan, wala akong kinailangang hilingin sa kanila, dahil ang lahat ng kailangang gawin ay nagawa na nila – at patuloy silang naghahanap kung ano ang kanilang maitutulong pa. Tinanggap nila ang lahat ng paninira at dinamayan ako sa bawat yugto ng kampanyang ito. Mapalad ako at sila ang mga kapatid ko. Suwerte kami at naturuan kaming mabuti ng aming mga magulang. Sana, hindi ko na ulit hihilingin pa sa kanila na magbigay at magbigay pa, sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Nagpapasalamat ako kay Mar Roxas at sa aming mga kasamahan na dumamay sa gutom, ulan, init at panganib, dahil para sa kanila, mas mahalaga ang nakakarami kaysa sa kanilang mga sarili.

Nagpapasalamat ako sa mga miyembro ng iba’t ibang mga religious sectors, na pinatotoo ang kanilang pananampalataya, inaruga ang kanilang kapwa, at ipinamalas ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang halimbawa.

Sa aking mga kababayan na mayroong pang mahalagang tungkuling kailangang gampanan sa susunod na yugto ng ating pakikibaka, dapat ay mag-ibayo ang ating paninindigan.

Paalala, hindi pa tayo nanalo. Paalala, hindi pa tiyak ang magandang kinabukasan. Paalala, tuloy pa ang laban.

Malamang lahat tayo matagal ng hindi nangahas na mangarap. Kayong lahat ngayon ay testigo na ang mga pangarap natin ay malapit ng matupad. Umasa kayo sa harap ng Diyos, sa alaala ng aking mga magulang, hindi ako titigil hangga’t hindi nagkakatotoo ang mabuting landas na ating inaasam-asam.

Maraming salamat po at magandang gabi.

Related posts:

Pasinayang Talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino

Mga Tanong kay Noynoy Aquino (Matapos ang Kanyang Deklarasyong Tatakbo Siya sa Pagkapangulo sa 2010)

Halalan 2010: Sira ni Noynoy, Problema ng ABS-CBN