August 11, 2008 | Tula

Dispersal

Oliver Carlos

Sa bawat hataw ng truncheon,
Sa bawat sikwat ng kalasag
Na isinusungalngal sa mga bibig
sa ngalan ng kapayapaan;
Sa bumubulwak na dugo
na di gugustuhing ipang-mumog<
Bago pa ibuga –- sa itim na tubig
na dumadaloy sa kanal,
Doon ko nakita,
ang unti-unting paglisan…
ng aking kalayaan.

Subscribe to Tinig.com by entering your email address:

Delivered by FeedBurner


Leave Comment