Announcement
Magkahiwalay na ang login details sa main site at sa Forums. Kung ayaw gumana ang iyong password, gamitin ang Lost Password Form o mag-email sa ederic@tinig.com. Salamat!
Mga Tula / Poems
mainit na ang pulitika, nakikisabay sa init ng panahon, ngayon batuhan ng baho at kontrobersiya silang pare-parehong may hangad sa trono mainit ang mga bibig; sira dito, ganti do’n mainit din ang puso, sa huwad na pagmamahal na natatanaw lamang sa panahong manlilimos ng boto, sa sambayanang binobobo sa sambayanang walang mainom, ngayon walang maipampaligo, [...]
Yes, Virginia, there are such things as mermaids and mermen, tikbalang, kapre, witches, fortune-tellers, and magicians. In fact they abound and thrive in this sad republic where to love entertainment as an addict loves opium, LSD or some other mind-bending drug has been the fashion for generation upon generation. And their numbers are growing, it [...]
Naglabas ang isang hukom sa Imus ng mandamyentong nag-uutos na halughugin ang bahay ng isang Mario Condes sa Brgy. Maybangcal, Morong, Rizal. Hindi itinuturo ng mandamyento kung alin sa santambak na bahay sa Brgy. Maybangcal ang kay Mario Condes. Nilusob nila ang bahay ni Dra. Melecia Velmonte – na hindi nakakikilala kay Mario Condes, gaya [...]
Kung ang kulay mo ma’y hindi nakasisilaw, huwag kang tumungo’t magtakip ng mukha. Sapagkat kung makinang man ang lantay na ginto, kumikislap din ang kalawang na tinubog sa ginto.
pumipilantik ang mga daliri nangangapa ng salita hinahalukay sa baul ng utak ang di-mabigkas na damdamin galit, pagmamahal, pagsuyo pagmumuni, hinaing… idinudugtong ang mga letra at isasabog ang nahuling talinghaga… at may mga mata na makaririnig mga taingang nakatatanaw mga ilong na nakadarama mga bibig na lumuluha…
di ko mawari anong pag-iisip mayroon ang mga militar at ang inutil nating gobyerno ano ngayon kung sila’y mga pulahang mandirigma? ano ngayon kung sila’y nasa panig ng kaliwa? hindi ba’t malansa ang kanilang kaluluwa sa pagkitil ng mga libu-libong inosenteng lumalaban sa kanilang mga pasistang ganid? sa dami ng mga katawan na kanilang inagawan [...]
Karimlan ang tawag sa kariton na nakahimpil sa sulok ng bangketa– inaring kanlungan ng limang-taong-gulang na kamusmusan; sa tutop-sikmura, naaanggihan niyang pagdakip sa tulog sa gitna ng ungol, lumbay na hele, umid na ihip ng kawalang-katiyakan. Karimlan ang tawag sa ikinukumot niyang pusikit at malawak na dilim– na mabilisang hinihiwa ng liwanag galing sa lumilikong [...]
Bumaon sa sandalan ang nangangalay na likod. Mabagal kasimbagal ng pedicab ang daloy ng buhay. Baku-bako nagbibitak ang itim na aspalto ng lansangan Naghahanap ang kinse anyos niyang braso ng kipkip na libro, o notebook na may mukha ng mga idolong artista Sana ang pagdadalaga’y kasing-saya ng mga naka-unipormeng dalagita na nasa kabilang-gilid ng kalsada [...]
In this republic, one does not have to have risked life and limb nor shed blood fighting for freedom, or defending democracy, to be worthy of medals. One must merely point the muzzle at those armed only with stethoscopes and syringes and haul them like pigs to the pen.
Sa ngalan ng “Morong 43” at ng mga nakikinabang sa kanilang libreng serbisyong pangkalusugan sa isang bansa kung saan pati yata hangin ay gustong pabayaran sa mga mamamayan, walang patlang na pasasalamat ang nauukol na ating ipaabot sa Armed Forces of the Philippines, lalo na kina Maj. Gen. Jorge Segovia at Lt. Col. Noel Detoyato. [...]