Tinig.com » Tula

Adhikain
I

Munti nating adhikai’y nagmula sa kapatagan,

pinapangarap na sana ito’y ating makamtan;

paa’y ihakbang patungo sa napipintong katayugan,

dito sa hugis tatsulok kung tawagin ay kabundukan.

II

Lahat ng nabubuhay na nilalang dito’y ating matatagpuan,

gaya ng haring ibong malayang nakakapaglayag sa kawalan;

punong matatayog at nagmamatyag sa kagubatan,

maririkit na bulaklak na nahihimbing sa gitna ng kasukalan.

III

Malamyos na hanging dumadampi sa ating balat,

hamog kung ito’y tawaging nagmumula sa munting alapaap;

haring araw ay sumibol tunay niyang init ay nag-aalab,

dama agad ang pagmamahal niyang kailanma’y di mo sadyang pinangarap.

IV

Tayong mga nilalang na nilikha Niyang ganap,

na tagapagsilbing gabay at nanatiling nangangarap;

mga gahama’t salaulang nilalang sana’y huwag nang lumaganap

dito sa kulturang nagtatagis ngayo’y sa atin nagaganap;

halina’t protektahan at paninindiga’y palawakin,

nang sa gayon, ating sariling adhikai’y mapanatiling matatag!

No related posts.

O Banal na Sanggol
O banal na sanggol sa sabsaban

Bukal ng kapayapaan

Sa kalooban ng sangkalupaan!

O banal na sanggol sa Betlehem

Bukal ng kagalakan

Sa dibdib ng santinakpan!

O banal na sanggol mula kay Maria

Bukal ng pag-asa

Sa kaluluwa ng sandaigdigan!

O banal na sanggol mula sa Diyos Ama

Bukal ng pag-ibig

Sa puso ng sangkatauhan!

O banal na sanggol

Ikaw ang bukal ng kaligtasan

At buhay na walang hanggan.

No related posts.

Una Siyang Naging Akin
Ang pagpaparaya ay masakit

Limutin ko ma’y ayaw mawaglit

Pinagsisihihan kong ako’y bumitaw

Sa pag-ibig nating nangingibabaw

Pinagtagpo ang ating mga landas

Umibig tayo na parang wala nang bukas

Itinali ng hangin ang ating mga puso

Tila walang makapaghihiwalay kahit tukso

Isinabay natin sa huni ng mga ibon

Ang tawanan natin sa maraming pagkakataon

Pinagsaluhan natin ang malulungkot na sandali

Tanging araw’t buwan ang saksi sa ‘ting pighati

Panandalian nating nilimot ang isa’t isa

Mga puso nati’y nawalan ng ligaya

Ang direksyon ng ating mga daan ay nag-iba

Hanggang naisipan nating magparaya

Sa iyong nalalapit na pagbabalik

Puso ko ay sobrang sabik

Mga alaalang muli nating pagtatagpuin

Para mabuo ulit ang pag-iibigang naangkin

Dumating ang araw, at tayo’y nagkita

Isang pagkakataong pambihira

Sa pagtatagpong ‘yon, ako’y may namalayan

Kasama mo pala ang isa kong kaibigan

Nakakabinging katahimikan ang nanaig

Tila tayong dalawa lang ang nasa daigdig

Relasyon n’yong dalawa ay ipinagtapat

Isang nakahihimatay na pagsisiwalat

Ang aking kaibigan ay lumapit

Pagpapaumanhin ang isinambit

Luha ko’y nag-uunahang pumatak

Dahil sa mga narinig na masaklap

Isipan ko’y halo-halo ang pasya

Ipaglalaban ba, o magparaya?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin

Kaya sinabi ko na lang, “Una siyang naging akin!”

No related posts.

Dahilan ng Pagdaralita
Ating bayan ngayo’y hirap

sa pagdala nitong hirap

dahil kuhang walang hirap

ang pagod ng naghirap.

No related posts.

Ako’y Isang Tinig
Ako’y isang tinig, sa pagka-ulila’y

nagpalutang-lutang

Sa malayong dako na nakabibingi

ang katahimikan.

Dito ko nakita ang s’yang tanging lunas

sa kapighatian

Ang kapayapaan nitong aking puso’t

pagal kong isipan.

Ang mundo kong ito’y inuusal-usal

ng nananalangin;

Dito ang diwa ko ay isang pag-asa

na hatid ng hangin.

Ito ri’y malayo sa kapangyarihang

nanasang guluhin,

Ang bulong ng pangarap ko at tinig

ng pagal kong damdamin.

Isang paumanhin ang sana’y sumapit

sa ‘king naulila,

Kung ako ay hindi nakapagpaalam

at yumaong kusa.

Buhay nati’y ganyan nangagpapalaot

sa daang-hiwaga,

Sa mundong tahanan ng mga pangarap

at hanging ulila.

Ang pahingahan ko’y sagana sa lilim

ng asul na ulap,

Na pumapalaot doon sa ligalig

ng itim na dagat.

Puso ko’y palaging taghoy ng kudyapi

ang inaapuhap,

Sa aking sariling pinatatahimik

nitong piping galak.

Mulang pagkabata, ang aking pangarap

sumabay sa hangin,

Tumakbo sa ulap, na kasa-kasama’y

anghel at kerubin.

Salamat at ngayon ay aking nasapit

ang mga pampangin,

Na dagat-dagatan ng mga litanya’t

hamak kong tulain.

Kung diyan sa atin ang aking libinga’y

baon na sa limot,

Wala nang dumalaw na kamag-anakan

sa ulilang puntod.

Abo ko’y bayaang anurin ng tubig

at nawa’y malunod

Kasama ng aking mga alaalang

daglia’y ianod.

Kung di na makita sa mga sulatin

ang aking pangalan,

Iyan ay sa aking isang bahaging

walang kahalagahan.

Mabuti pang ako ay pakatangayin

ng Hanging Amihan

Sa bago kong mundo, na dinig ang awit

ng katahimikan.

Ako’y isang tinig, sa pagka-ulila’y

napadpad sa ilang

Na walang kasuyo ni mga karamay

o isang tahanan.

Dito ko nakita ang s’yang tanging lunas

sa kapighatian,

Ang kapayapaan nitong aking puso’t

pagal kong isipan.

Related posts:

Ang Pluma ay Aking Dugo

Ugat

Tagalog

Kawawang Bayan
Wang wang ni Sek, Senador, Konggresman

Wing wing na naman ang pangulo sa dyanketan

Wong wong ang panunuhol ng banyagang puhunan*

Wung wung ang alulong ng bagyong panayan

Weng weng na tuloy ang kawawang bayan!

*ZTE-NBN

— Ed Maranan, Pebrero 14, 2008

Related posts:

UP Faculty Demand Resignation of Romulo Neri as CHEd Chair

Pagtatapos ng NBN-ZTE Hearing sa Senado: Mga Tanong na Ayaw Nilang Marinig ang Sagot

Oda kay Ka Bel
(Crispin B. Beltran, Lider Proletaryo | Enero 7, 1933 – Mayo 20, 2008)

Katulad ay bituin, ang iyong luningning

Araw ang kapara ang liwanag mo mandin

Bulalakaw na gumuhit sa panginorin

Eksaktong lumitaw ng baya’y nasa dilim.

Liryong bumukadkad sa gitna nga ng parang

Tubo sa gitna ng malawak na dawagan

Upang ipakita ang timyas ng paglaban

Nitong aking inaapi na Inang Bayan!

Ay! Sino baga sa iyo’y makalilimot?

Yaman ka ng dukhang dalita’y di matapos…

Nangunang taliba nitong bayang hikahos,

Ama sa pakikibaka kontra-balakyot!

Bagaman pumanaw na’t kayo ay lumisan–

Alaala ninyo ay amin ngang huwaran

Yaman namin ang salita ng katuwiran

Namutawi sa bibig habang nabubuhay

Ito ang gabay namin, hanggang sa tagumpay!

No related posts.

Hindi Dilaw ang Kulay ng Pag-asa
hindi dilaw ang kulay ng pag-asa

hindi dilaw ang simbolo ng pagbabago at pag-unlad

hindi dilaw ang pagmamahal

hindi dilaw ang magkikintal

hindi dilaw ang simula

hindi dilaw ang wakas

hindi dilaw ang dakila

hindi dilaw ang lakas

hindi dilaw ang mapagpalaya

hindi dilaw ang demokrasya

hindi dilaw ang magpapasya

hindi dilaw ang ligaya

hindi dilaw ang kasaganaan

hindi dilaw ang kapayapaan

hindi dilaw ang nakaraan

hindi dilaw ang kasalukuyan

hindi dilaw ang katubusan

pula ang kasagutan

pula ang magtatakda

pula ang maninindigan

pula ang siyang dakila

No related posts.

Secretary, Kung Sakali
secretary,

kung sakaling mga kaanak mo kaya ang i-masaker

ng mga halimaw na hahayaan mong makalipad?

hindi kaya magtangis ka ng sobra-sobra

at ilagay sa kamay mo ang hustisyang

hindi uso sa bayan kong kawawa?

nakikita mo ba ang mga luha sa kanilang mukha?

ang ina na nawalan ng anak

ang ama na nawalan ng kabiyak

ang kapatid na nawalan ng kuya

ang kasintahan na nawalan ng sinta

ang mga anak na nawalan ng magulang

nakikita mo ba?

secretary,

`di ko alam kung saang lupalop mo nahagilap

(ngunit batid ko na may ibinubulong ang palasyo)

ang dahilan sa desisyon mong nagpapanggap

na ika’y tama at sila’y mali.

mali ba’ng maghanap ng hustisya?

mali ba’ng ipagtanggol ang tama?

tama ba silang pumatay ng mga inosente?

tama ba silang pumatay ng marami?

naririnig mo ba ang mga alulong ng pagngingitngit?

ng mga namumuhi sa tulad mong nabibingi

ng mga paang sabik na tadyakan ka

ng mga kamay nagnanais na sakalin ka

ng mga kaluluwang gusto kang sunduin

naririnig mo ba?

secretary,

kung sakaling kami kaya ang maghatol ng hustisya?

matatanggap mo kaya?

`pagkat dito sa bayan kong kawawa

`di uso ang pantay na hustisya.

dahil monopolyado ito ng mga elitista,

at lumalangoy sa dagat ng pera.

silang manhid sa hinaing ng madla

silang tuta ng kapital at kita

silang sumusipsip sa lakas ng iba

silang buwitreng sanay sa pananamantala

`tanto mo ba?

secretary,

sana’y nakatutulog ka sa gabi.

*kay sec. agra, at sa kaniyang desisyong nakapangingitngit ng laman.

No related posts.

Panghaharana sa Ating mga Boto
Binabasag nila ang katahimikan

ng ating mga gabi’t araw

sa kanilang panghaharana sa ating mga boto.

Ngunit kung bakit nararapat nilang makamit

ang matamis na “oo” ng ating mga boto

ay hindi matarok nitong isip,

sapagkat kahit na kasinlakas ng kulog

ang kanilang pag-awit

ay wala akong marinig na kanilang inaawit.

Higit ko pang nais na padapuin sa tainga

ang pagkokak ng mga palaka,

ang pagkahol ng mga aso,

ang pagngiyaw ng mga pusa.

Di ko man alam ang kanilang wika,

tiyak kong sila’y may sinasabi.

No related posts.