Maikling Kuwento

Maikling Kuwento / Short Stories

Kahel

Tila hindi bibitiw sa baril ang mga daliri ni Nonoy kahit na pukpukin ng maso. Buo na ang kanyang kapasyahan: aasintahin niya ang ulo ni M. Villa, ang kanyang pangunahing kalaban sa panguluhan ng bansa, at kakalabitin niya ang gatilyo. Mabaliw-baliw na si Nonoy sa galit dahil may ilang linggo nang halos araw-araw ay laman [...]

Yaon Ay Isang Ngiti

LAGANAP na ang dilim na hatid ng gabi. Malaya na sa talim ng silahis ng araw ang bawat sulok ng sinungaling na lungsod. Naghahari sa mga tiwangwang na lansangan ang mga nilalang na buhay na buhay tuwing sasapit ang gabi: mga panggabing dyip, night club, motel, mga bakla, callboy, lagalag, pulubi, puta, holdaper at marami [...]

Bulong sa Kawalan

M.J. Rafal

“Ito ang pinakahihintay ni Linda. Maya-maya’y darating na ang asawa niya. At alam niya na ito’y lasing na naman, at siya, siya’y makararanas na naman ng mga sapak, tadyak at sampal. Ngunit handa na siya. Matagal na niyang napagdesisyunan ang lahat.”

Ahmed, Sampung Taong Gulang

Alexander Martin Remollino

“Tumalikod siya at tiningnan ang bata. Noon niya napansing parang pirming nanlilisik ang mga mata nito.”

Not Here

Alexander Martin Remollino

“On the way home, Alfredo did not even take a glance at the fastfood outlet. He was excited to see and talk to his friend, but not here – he would not have anything to do with this place.”

April

Alexander Martin Remollino

“Nasa larawang iyon, bukod kay Junior, ang ama niyang matagal nang nakaratay dahil sa tisis, sakit na madali naman sanang gamutin kung di lang wala yatang panahong hindi sila kapos sa salapi, kahit na nagkakangkukuba na ang kanyang ina sa paglalaba para sa mayayamang pamilya sa bayan nila nang pitong araw sa isang linggo. Nasa larawang iyon, bukod kay Junior, ang iba pa niyang kapatid na hindi makapag-aral nang tuluy-tuloy kahit na bago magkasakit ang kanilang ama, hindi pa sumisikat ang araw ay nasa bukid na ito at itim na ang langit kung ito’y umuwi.”

Balatkayo Lamang

Alexander Martin Remollino

“Wala pang limang buwan silang kasal ay heto na’t gustong ipawalang-bisa ni Dely ang kanyang kasal kay Ernest, na ikalawa na niyang asawa. Magulo naman ang kanyang kuwento kaya hindi rin namin mawari ang buong kuwento mula sa kanya. Nariyang tinatabangan na raw siya, nariyang mayabang daw si Ernest at palagi siyang pinupulaan, nariyang hindi raw malinis sa bahay at iba pa – samu’t saring puna kay Ernest na hindi niya mapapagtahi-tahi upang makita sana ang buong larawan ng kadahilanan ng kanyang kagustuhang makipaghiwalay.”

Kompo

M.J. Rafal

“Tirik ang araw. Ang sementadong daan ay umuusok. Uhaw. Tila isang disyertong sabik sa pagmamahal ng tubig. Ngunit hindi tubig ang nais ng sementadong daan, kundi “dugo”. Dugo ng isang nagliliyab na puso.”

‘Joanne’

Geronimo Cristobal

Kumapit ako sa tubo at sumuka nang sumuka doon. Humihigpit ang tiyan ko at hindi ako makahinga. Tinitingnan ako ng isang mamang umiihi. Tiningnan ko ang mukha sa salamin, namumugto ang aking mga mata at lumalabas ang dugo sa bibig at ilong ko.