Tinig.com » Kolum

Ipinakita ng mga Estudyante ang Pangangailangan ng Malawak na Pagkakaisa sa Pakikibaka
Ipinakita ng mga kabataan-estudyante ang tanging porma ng pakikibaka para maibagsak ang bulok na kapitalistang sistema — malawakang pagkakaisa sa pakikibaka.

Nang mag-walk-out ang daan-daang mga estudyante sa kani-kanilang mga eskwelahan sa Metro Manila para iprotesta ang lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, ito ay senyales na unti-unti nang namulat ang mga kabataan sa mga nangyayari sa lipunan, partikular sa walang puknat na atake ng kapital sa pamumuhay ng uring manggagawa. Ipinakita rin nito ang pakikiisa nila sa kanilang uri sa hinaharap — ang uring manggagawa.

Nauna na itong ipinakita ng mga estudyanteng Pranses noong 2006 nang maglunsad sila ng malawakang mga pambansang pagkilos at welga upang labanan ang CPE (Contrat Première Embauche), isang tipo ng kontraktwalisasyon para sa kabataang manggagawa ng gobyernong Villepin.

Gayong sa usapin ng makauring oryentasyon at lawak ng partsipasyon ay malayung-malayo pa ang pakikibaka ng mga estudyanteng Pilipino kumpara sa pakikibaka ng mga estudyanteng Pranses, makikita naman natin ang diwa ng paghahanap ng malawakang pagkakaisa at pagdadala sa makauring kahilingan ng uri nila sa hinaharap.

Ang diwang ito ay ang pagkakaisa ng mga estudyante sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad para sa iisang pakikibaka — tutulan ang pagtaas ng presyo ng langis at para itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Narito ang aral na dapat muling panghawakan ng mga Pilipinong manggagawa (na ginagawa na nila noong mga dekada 70 at 80) — ang malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t ibang pabrika para sa iisang laban.

Pakikibaka ng estudyante: Hindi sapat

Hindi ang kilusang estudyante ang makapagbabago ng lipunan. Maraming beses na itong napatunayan ng kasaysayan. Hindi sila maaaring manguna o kaya ay maging mapagpasyang pwersa para sa pagbabagong panlipunan. Subalit hindi rin sila simpleng kilusang pampropaganda lamang. Ang malaking bilang ng masang estudyante ay bahagi ng uring manggagawa — sila mismo ay nagtatrabaho na habang nag-aaral pa o kaya ay ang mga magulang nila ay mga manggagawa.

Ang uring manggagawa ang may angking lakas at kapangyarihan upang baguhin ang bulok na kapitalistang lipunan. Ang uring ito lamang ay may angking lakas upang pigilan ang sunud-sunod na atake ng uring kapitalista at ng estado nito.

Sa abanteng kapitalistang mga bansa, pinangunahan ng uring manggagawa ang mga pakikibaka laban sa tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Pero hindi lamang sa mga abanteng bansa nangyayari ito; maging sa mga atrasadong bansa tulad ng Bangladesh ay malawakang nagwelga ang mga manggagawa para ipagtanggol ang kanilang pamumuhay at trabaho.

Pagkakaisa ng masang estudytante sa kanilang kauri at mga magulang na manggagawa

Para magkaroon ng tunay na lakas ang kabataan-estudyante kailangang makipagkaisa ito sa kanilang mga magulang na manggagawa. Magkaroon lamang ng makapangyarihang lakas ang mga kilusang protesta laban sa atake ng estado at ng naaagnas na sistema kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang mga manggagawa sa iba’t ibang pabrika. Ang tunay na kinatatakutan ng kapitalistang estado ay kung lalabas sa kalsada ang libu-libong manggagawa mula sa iba’t ibang pabrika at iba’t ibang lugar ng bansa para labanan ang atake ng kapital.

Isang malaking ambag ng kilusang estudyante kung magkaroon sila ng isang malawak na kilusan para puntahan sa mga pabrika, kausapin at kumbinsihin ang kanilang mga magulang na manggagawa na ipakita ang lakas ng pagkakaisa nito sa lansangan laban sa pamahalaan at sa krisis ng kapitalismo.

Ang paglulunsad ng mga diskusyon sa loob at labas ng pabrika na dadaluhan ng mga estudyante at manggagawa ay magandang simula para sa isang malawakang pagkilos na pangunahan ng uring manggagawa. Gamit ang makapangyarihang sandata ng uri — welga — temporaryong nitong mapigilan ang mga atake ng kapital. At gamit ang sandatang ito, maaring ituloy-tuloy ito ng uri hanggang maibagsak ang burges na estado.

Mga asembliya: Organisasyon sa pakikibaka

Sa pamamagitan ng mga asembliya ng mga estudyante sa Pransya ay napalakas nila ang kanilang pagkakaisa. Sa mga asembliya nag-uusap, nagdiskusyon at nagdesisyon sila para sa pakikibaka. Sa kanilang mga asembliya ay dumalo ang mga manggagawa. At sa mga asembliya din ng mga manggagawa ay dumalo ang mga estudyante.

Hindi ang mga unyon ng manggagawa o “pangmasang” organisasyon ng mga estudyante na hawak ng Kanan at Kaliwa ng burgesya ang organo ng pakikibaka kundi ang awtonomos na mga asembliya ng lahat ng estudyante at manggagawa. Ito lamang ang tanging organisasyon para ma-realisa at titibay ang malawak na makauring pagkakaisa at pakikibaka.

Ang mga asembliya ng estudyante ang tunay na ekspresyon ng pagkakaisa at malawakang partisipasyon sa kilusang protesta ng masang estudyante mismo. Ito din ang porma ng organisasyon sa pakikibaka ng uring manggagawa. Napatunayan na sa kasaysayan at karanasan magmula noong 1905 na ang mga asembliya ang ekspresyon ng pagkakaisa at tiwala ng uri sa kanilang sariling lakas.

Mapagmatyag sa pananabotahe ng iba’ t ibang paksyon ng burgesya

Dapat maging mapagmatyag ang mga estudyante sa mga maniobra ng iba’t ibang paksyon ng burgesya para pahinain ang pagkakaisa at ihiwalay ito sa kilusang manggagawa sa layuning ilihis ang pakikibaka palayo sa pagdurog sa kapitalistang estado.

Ang nais ng uring kapitalista ay mapako lamang ang pakikibaka sa usapin ng anti-Gloria at pro-Gloria at maitago na ang sistema mismo ang dapat wasakin. Iwasan dapat ng mga estudyante na ang usapin sa krisis ng kapitalismo ay iikot lamang sa usaping pro-GMA at anti-GMA dahil ang katotohanan ay administrasyon man o burges na oposisyon, Kanan o Kaliwa man ng burgesya ay walang kapasidad na bigyang solusyon ang krisis ngayon. Katunayan, komon ang interes ng lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri (oposisyon at administrasyon) na ipagtanggol ang naghihingalong pambansang kapitalismo. Ang rehimen ni Hugo Chavez sa Venezuela (ang pinakasikat at pinakapopular na representante ng Kaliwa sa Central at Latin America) ang magandang halimbawa sa kainutilan ng Kaliwa na resolbahin ang krisis ng pambansang kapitalismo sa Venezuela na bunga ng pandaigdigang krisis ng sistema.

Pinakamasahol pa ay kung gagamitin lamang ng Kaliwa at burges na oposisyon ang mga protesta ng kabataan-estudyante para lamang sa SONA ni Gloria ngayong Hulyo 28. At pagkatapos ng SONA ay balik na naman sa “normal” ang mga kolehiyo at unibersidad pati na ang mga pabrika. Ang ganitong iskema ng mga pagkilos sa pamumuno ng Kaliwa ay nagpakita lamang sa banggardismo nito at sa pagtingin na ang kilusang masa ay magiging militante lamang sa ilalim ng iskemado at sekretong plano ng mga lider ng Kaliwa at burges na oposisyon.

Ang burges na estado mismo at ang lahat ng paksyon ng burgesya ang kailangang maging target ng pakikibaka at hindi lamang ang naghaharing paksyong Arroyo. Ang pakikibaka sa pagtaas ng sahod ay makakamit lamang sa pamamagitan ng malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t ibang pabrika at malawakang pakikibaka sa lansangan laluna ang pangmasang welga. Ganun pa man, sa ilalim ng kapitalismo ang sahod ay mabilis na bumababa kaysa tumataas dahil sa panahon ng paghihingalo ng sistema, ang uring manggagawa ang aapakan ng kapital para makasinghap ng kakaunting hangin. Kaya, para maiwasan ang repormistang direksyon sa pakikibaka, dapat lalawak ang pakikibaka at itaas ito hanggang sa usapin ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika ng uring manggagawa mismo sa pamamagitan ng kanilang mga asembliya at konseho.

Ang kilusang estudyante at manggagawa ay kailangang magtulungan subalit dapat hiwalay at independyente sa anumang paksyon ng burgesya. Dahil sa panahon na mabuslo ito sa taktika ng Kaliwa na pakikipag-isang prente sa isang paksyon ng naghaharing uri, ito man ay transitional government o coalition government, ang pakikibaka ay tiyak na mauuwi sa muling paghawak ng isang paksyon ng naghaharing uri sa kapangyarihan gaya ng nangyari noong 1986 at 2001. Kung lalakas at lalawak ang pagkilos ng mga manggagawa sa lansangan, hindi mag-aalinlangan ang burgesya na palitan ang paksyong Arroyo ng isang “popular” na paksyon para mabuhusan ng tubig ang militansya ng uri at mapreserba ang bulok na sistema.

Dapat mapagmatyag ang mga estudyante sa mga organisasyon ng Kanan at Kaliwa na walang interes kundi kontrolin ang kilusan para sa kani-kanilang mga layunin na walang iba kundi ipagtanggol ang pambansang kapitalismo at itali lamang ang usapin sa paksyunal na labanan ng naghaharing uri.

Hindi solusyon ang pagkonsolida sa pambansang kapitalismo dahil sa panahon ngayon na nasa permanenteng krisis ang pandaigdigang sistema, imposible ng “uunlad” pa ang anumang pambansang kapital na hindi maghihirap ang uring anakpawis. At dahil dito, ito ay hindi tunay na kaunlaran kundi lalupang paglala ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Hindi rin makapagpalakas sa militanteng kilusang manggagawa ang pakikipag-alyansa (direkta man o indirekta) sa isang paksyon ng naghaharing uri; bagkus ay hihina pa ang kilusan dahil dito.

Ang lumalakas na interbensyon ng kapitalistang estado para subukang isalba ang krisis ng pambansang kapitalismo (”subsidyo sa mahihirap”, pakikialam ng Bangko Sentral sa krisis sa pinansya, pagtatangkang kunin ng estado ang MERALCO at maging ang Sulpicio Lines, at iba pang hakbangin para maipakita na tanging estado na lang ang tanging masandalan laban sa krisis) ay lalo pang lilikha ng panibagong krisis at kahirapan dahil ang estado mismo ay lubog sa utang at umaasa lamang sa buwis na pinipiga nito sa naghihirap na mamamayan. Hindi na rin makaasa ang estado sa Pilipinas na tutulungan ng imperyalistang USA dahil sa kanila mismo nagsimula ang mitsa ng panibagong pandaigdigang krisis ngayon.

Ang ibang mga karibal na imperyalistang bansa ng Amerika gaya ng China, Japan at European Union ay hindi rin maaring asahan ng Pilipinas dahil ang mga ito mismo ay malubhang apektado sa krisis ng Amerika. Kaya ang pangunahing “solusyon” ng kapitalistang estado sa Pilipinas ay lalo pang pigain sa pagsasamantala ang Pilipinong masang anakpawis.

Ang tanging solusyon ay durugin ang kapitalismo at ang burges na estado sa pamamagitan ng isang rebolusyon ng mga manggagawa sa buong mundo dahil wala nang magandang kinabukasan pa ang mga kabataan sa ilalim ng kapitalistang sistema hawak man ng Kanan o Kaliwa ng burgesya ang gobyerno.

Ang tanging layunin ng pakikibaka ngayon ay ibagsak ang kapitalismo at hindi repormahin ito. Ang kagyat na layunin sa pakikibaka ay mapalawak ito sa iba’t ibang pabrika at panig ng Pilipinas. Sa ganitong paraan lamang muling makasabay ang manggagawang Pilipino sa lumalakas na kilusang manggagawa ngayon sa buong mundo.

Kung matali ang mga protesta ng kabataan-estudyante sa isang sektoral na kilusan (mga protesta na “purong” estudyante o “suportahan” lamang ng uring manggagawa o sa ilalim ng isang multi-sektoral na kilusan dala-dala ang mga repormistang kahilingan) malaki ang posibilidad na mauuwi lamang ito sa panandalian at kagyat na aktibismo na ang bunga ay hindi makatulong para manumbalik mismo ang militansya at pagkakaisa ng uring manggagawa gaya noong 1970s at maagang bahagi ng 1980s.

Humihigpit na Busal
Nong ika-3 ng Mayo ay pandaigdigang araw ng malayang pamamahayag. Makapagbubunyi sana  tayo noong araw na iyon kung tayo’y may matatawag na tunay na malayang pamamahayag sa ating bansa. Subalit, hindi ito ang kalagayang hinaharap ng pamamahayag sa Pilipinas. Kasama ang Pilipinas sa mga pinakamapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Ito’y nakalulungkot dahil kasama natin sa listahang ito ang mga bansang patuloy na yinuyurak ng matinding digmaan.

Sa mga bansa tulad ng Iraq at Somalia, maaring masawi ang isang mamamahayag dahil sila’y nag-uulat sa gitna ng mga putukan at bombahan. Subalit dito sa Pilipinas, maaring mamatay ang ating mga brodkaster at manunulat dahil lamang nagsiwalat sila ng katotohanan. Mahigit 50 nang alagad ng midya ang namamatay sa ilalim ng rehimen ni Gloria Arroyo. Sa gitna ng matinding krisis sa ekonomiya at pulitika, yaong mga naglalayong baguhin ang lipunan gamit ang pamamahayag ay binubusalan ng rehimen.

Ano nga ba ang itinatago ng rehimeng ito? Ano nga ba ang kinatatakutan nito?

Una, pilit pa ring itinatago ng rehimeng Arroyo ang kanyang umaalingasaw na kabulukan. Patuloy nitong sinusubukang kumbinsihin ang milyong-milyong Pilipinong gutom na: “ramdam nila ang asenso.” Subalit, kung tatanungin mo ang kahit sinong makakasalubong mo sa daan, ito ang kanyang isasagot: “ramdam ko ang panloloko.” Hindi na maikakaila ng rehimeng kung pagbabatayan ang milyun-milyong sikmurang kumakalam sa ating bansa, bulok at walang kwenta ang kanyang mga programang pang-ekonomiya. Dumating na tayo sa panahong hindi na maaaring ipagkaila ang lalong humihirap na buhay sa Pilipinas. Dumating na tayo sa panahong kahit bigas, magsisimula na ng patayan. Gutom na ang ating sambayanan subalit patuloy pa rin ang rehimen sa pagkikibit-balikat, pagsisinungaling at pangungurakot.

Pangalawa, pilit ikinukubli ng rehimeng Arroyo ang sira-sira nitong kredibilidad. Mula pa noon, binabalot na ng kontrobersiya ang rehimen. Napakarami nang mga usapin ng pangungurakot ang naipukol sa rehimen. Mula sa maanomalyang Diosdado Macapagal Boulevard, fertilizer scam hanggang ngayon sa NBN-ZTE scandal; kitang kita ang pagiging tapat ng rehimeng Arroyo. Ang pagiging tapat nito sa interes niya at ng kanyang mga kamag-anak. Ang pagiging tapat nito sa kagustuhang magkamal ng yaman mula sa pinaghihirapang buwis ng mga mamayan.

Pangatlo, lugmok na sa kumunoy ang rehimeng Arroyo at takot itong malaman ito ng mga mamamayan. Nais nitong palabasing patuloy ang kanyang pamamayagpag sa gitna ng maraming indikasyong pagbulusok lamang nito ang nangyayari. Patuloy na sinusubukan ng rehimeng ipakain sa mga mamamayan ang kanyang mga kasinungalingan.

Sa gitna ng lahat ng ito, nanatili ang ating mga makabayang mamamahayag na totoo sa kanilang tungkuling isiwalat ang katotohanan. Kaya naman hindi kataka-takang patuloy rin ang pasistang pambubusabos ng rehimen sa mga nagtatangkang ilabas ang kabulukan nito. Walang habas ang pagpatay at pananakot ng rehimen sa sinumang kritikal o sumasalungat dito. At walang sinasanto ang rehimen. Ultimong mga pahayagang pangmag-aaral sa ating mga kolehiyo’t pamantasan ay hindi nito pinalalampas. Pati ang ang mga estudyanteng krititikal sa rehimen ay pinapaslang, tinatakot at pilit na binubusalan.

Ngayong araw na ito, inaalala ko si Benjaline “Beng” Hernandez ng College Editors Guild of the Philippines na pinaslang noong 2002 sa Cotabato. Ang paghahanap ni Beng ng katotohanan ang dahilan kung bakit siya pinaslang. Siya at ang napakaraming katulad niya ang mga biktima ng isang mapaniil at pasistang rehimen. Subalit dahil rin sa mga tulad niya, patuloy na lumalaban ang mga mamamahayag at ang sambayanan upang matigil na ang walang habas na pagyurak sa ating mga karapatang pantao. Dahil sa patuloy na paghigpit ng pagkakabusal ng rehimen sa kanyang mga mamamayan, tumitindi rin ang pagpupumiglas ng mamamayan.

Naniniwala akong kailanma’y hindi magtatagumpay ang rehimen sa kagustuhan nitong manatili sa kapangyarihan. Naniniwala akong hindi magtatagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan. Parating na ang araw mo, Gloria.

Walang Malayang Bansa sa Panahon ng Dekadenteng Kapitalismo
Nanawagan ang rehimeng Arroyo na ipagdiwang ang anibersaryo ng araw ng “kalayaan” ngayong Hunyo 12 habang tinuligsa naman ito ng Kaliwang paksyon ng burgesya dahil hanggang ngayon “hindi malaya” ang Pilipinas mula sa kontrol ng mga dayuhan partikular ng imperyalistang Amerika.

Magkatunggali man ang dalawang paksyon ng burgesya sa Pilipinas sa usapin kung malaya o hindi ang bansa, nagkakaisa naman sila na posible pang lalaya ang isang bansa sa panahon ng imperyalismo. Katunayan, ayon sa Kaliwa, ito ang “sentral na usapin sa anti-imperyalistang pakikibaka”.

Nagmula sa baluktot at kontra-rebolusyonaryong pag-unawa sa katangian ng imperyalismo kaya walang pag-aalinlangan ang iba’t ibang grupo ng Kaliwa na suportahan ang lahat ng mga kilusan na lumalaban sa imperyalistang Amerika sa kabila ng katotohanan na ang mga kilusang ito (gaya ng Hamas, Hizbollah at Iraqi Resistance) ay suportado din ng ibang mga imperyalistang kapangyarihan na karibal ng Estados Unidos gaya ng Iran, Syria, China, Venezuela at Cuba. Ang ilan sa Kaliwa ay naniniwala pa nga na isang “rebolusyonaryo” at “progresibo” ang panatiko at pundamentalistang grupo ni Bin Laden dahil ito ay sagad-saring anti-Amerika!

Habang ang nagharing paksyon ay nagsasabing nakamit na ng bansa ang kalayaan noong 1946 ang kabilang paksyon naman ay nagsasabing hindi pa malaya ang Pilipinas hanggang ngayon kaya patuloy itong naghihirap at atrasado.

Pambansang kalayaan: Panawagan ng burgesya laban sa pyudalismo

Batay sa makauring pagsusuri, ang pambansang kasarinlan ay kahilingan ng burgesya para wasakin ang pyudal na kaayusan. Kailangan ng uring kapitalista para sa kanyang pampulitikang paghari ang isang depinidong teritoryo na paghati-hatian nila sa pandaigdigang saklaw. Mahalaga ito para sa malayang kalakalan at kompetisyon ng bawat paksyon ng burgesya.

Kaya sa 18 at 19 siglo, ang makabayang adhikain ay pinangunahan ng bagong sibol na uring mapagsamantala na nagdadala ng bago at progresibong moda ng produksyon — kapitalismo. Ang panawagang pagtatayo ng bansa sa mga siglong nabanggit ang buod para makabig ng burgesya ang iba pang mga uri gaya ng magsasaka at peti-burgesya laban sa pyudalismo. Sa ilalim ng mga islogang “pagkapantay-pantay, kapatiran at kalayaan” nagtagumpay ang mga burges na rebolusyon noon.

Dahil progresibo at nasa pasulong na yugto pa ang kapitalismo sa 18 at 19 siglo, naging pampabilis ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ang pagtatayo ng mga bansa gaya ng Amerika at Alemanya. Sa madaling sabi, ang makabayang adhikain noon ay progresibo para sa pagsulong ng lipunan. Kaya sinusuportahan ito ng uring proletaryado sa kabila ng katotohanan na hindi ito ang kanilang makauri at istorikal na interes.

Sa pagpasok ng 20 siglo kung saan ganap ng nasakop ng kapitalismo ang buong daigdig at nabuo at nasagad na ang pandaigdigang pamilihan, nagbago na ang katangian ng kapitalismo: umabot na ito sa rurok ng kanyang pag-unlad bilang moda ng produksyon at nasa bukang-liwayway na ng kanyang pagbulusok-pababa.  Hindi na progresibo ang kapital kundi ganap ng naging reaksyonaryo at bangkarota na. Ibayong kahirapan at pagkasira ng mundo ang tanging maibibigay nito.

Sa dekadenteng kapitalismo: “Pambansang kalayaan” ilusyon na lang at kontra-rebolusyonaryo ang katangian

Sa kasalukuyang panahon ng permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo kung saan ganap nang nagapos sa kapitalistang relasyon ang lahat ng mga bansa, ang usapin ng “malayang” bansa ay isa na lang ilusyon at ginawang instrumento ng naghaharing uri para panatilihing buhay ang naaagnas na sistema. Sa ngalan ng nasyunalismo at pagtatanggol sa inangbayan nangyari ang karumal-dumal na mga digmaan na pumapatay ng daang milyong mamamayan.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo — kung saan ang pananatili ng isang bansa ay nakasandig sa kanyang pagsasamantala sa ibang mga bansa; sa ilalim ng tumitinding kompetisyon sa ilalim ng sagad na pandaigdigang pamilihan, ang mahihina ay aapakan ng malalakas, ang mahihina ay kokontrolin ng mas makapangyarihan, at higit sa lahat, ang bawat pambansang kapital ay nagpapaligsahan na maungusan ang mga karibal nito sa kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan — isang panlilinlang ang malayang bansa at pagkapantay-pantay ng mga bansa.

Subalit dahil hindi syentipiko at Marxista ang paninindigan ng Kaliwa laluna ng mga Maoista, naniniwala ito na kung “mapalaya” ang Pilipinas sa mga kuko ng imperyalistang Kano, uunlad ang pambansang kapital ng bansa at matutupad ang pangarap ng burgesyang Pilipino na “this nation can be great again!”.

Ang aktwal na resulta ng kasaysayan ng “napalayang” mga bansa magmula 1914 ang patunay na isang panlilinlang at bitag ang usapin ng pambansang kalayaan dahil ang mga bansang ito ay naging tuta o sunud-sunuran din sa mas makapangyarihang imperyalista na karibal ng pinatalsik nila sa kanilang mga bansa. Halimbawa nito: Pinatalsik ng China ang imperyalistang Amerika sa 1949 subalit hinawakan naman sila ng imperyalistang USSR; kumawala ito sa pangil ng USSR subalit bumalik din sa kandungan ng Amerika sa 1970s. Ngayon, isang nag-aambisyong imperyalistang kapangyarihan na ang China. Pinatalsik ng Vietnam ang mga Kano noong 1975 subalit magmula dekada 1990 bumalik ulit ito sa “mapagkaibigang” relasyon sa Amerika. Isang anti-imperyalistang Kano ang bansang Venezuela sa ilalim ni Hugo Chavez pero kumukuha ito ng “pampulitikang gabay” sa Cuba at nagsisikap makontrol ang buong Central at Latin America kakutsaba ito.

Ang pinakahuling modelo ng “tagumpay” ng pambansang pagpapalaya ay ang Nepal na kontrolado na ngayon ng mga Maoista at naibagsak na nila ang pagharing monarkiya. Subalit lingid sa kaalaman ng marami, nakasandal ang mahinang Nepal sa malakas na imperyalistang China. Ginamit ng huli ang una laban sa kanyang karibal na imperyalistang India. Hindi tiyak kung hanggang kalian manatili sa kapangyarihan ng paksyon ng mga Maoista. Pero ang tiyak, hindi uunlad ang Nepal bilang bansa sa ilalim ng dekadenteng kapitalistang kaayusan. Hindi maglalaho sa Nepal ang pagsasamantala, bagkus lalo pa itong lalala.

Ang “pambansang kilusan” at nasyunalismo ngayon ay hindi na laban sa pyudal na kaayusan dahil sa kataposan ng 19 siglo ay nawasak na sa pangkalahatan ang pyudal na paghari. Sa halip, ang mga ito ay pananggalang ng isang paksyon ng burgesya para makabig nito ang buong populasyon laban sa karibal na paksyon kung saan ang kanilang kompetisyon ay umabot na sa kompetisyon at labanang militar at digmaan.

Hindi makaligtas ang Pilipinas sa istorikal na batas ng dekadenteng kapitalismo. Matapos mapatalsik ang imperyalistang Kano, tiyak mamimili na lang ang burgesyang Pilipino kung alin sa mga karibal na imperyalistang kapangyarihan magpatuta ito — China? Russia? Germany?

Tanging ang proletaryong rebolusyon lamang ang daan papunta sa tunay na pag-unlad hindi ng bansa kundi ng lipunan mismo; hindi ng isang uri lamang kundi ng buong sangkatauhan sa isang komunistang lipunan na walang mga uri.

Sa ngayon, ang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan” at ang pag-iilusyon na may kalayaan sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay mga hadlang para sa pagsulong ng isang pandaigdigang kilusan para sa isang tunay na malayang sangkatauhan at lipunan.

Hindi “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya” ang nagdadala ng makauring interes ng uring manggagawa o kahit man lang daan papunta doon kundi ang internasyunal na rebolusyon ng proletaryado para sa komunismo.

Ang tunay na anti-imperyalistang linya ay ang linya laban sa kapitalismo (lokal man o dayuhan, pambansang kapitalista man o dayuhan ). Ang linyang ito ay komunistang rebolusyon — wala nang iba pa.

Misa para kay “Ka Bel”
Bakit ayaw pamisahan ni Bishop Quimbao ng Legaspi City si Crispin “Ka Bel” Beltran, pinuno ng Anakpawis party list, nang ang bangkay niya ay dalhin sa Albay?

Ang sabi, nauna raw kasing dalhin sa Aglipayan church kaya hindi naman daw Katoliko si Ka Bel.  Sabi naman ng militanteng paring si Fr. Joe Dizon sa kanyang sermon bago ilibing si Ka Bel, misunderstood lang si Ka Bel ng Simbahan.

Ang tingin ko naman sa isang simbahan na ayaw misahan ang isang miyembro dahil lang na siya ay pumasok o pinaglamayan na sa ibang simbahan, ay mala-medieval na paniniwala.  Ang ganitong kaisipan ang pinaguumpisahan ng mga religious war. Dahilan kung bakit tumiwalag ang rebolusyonaryong simbahan ni Aglipay mula sa katolikong simbahan noong panahon ni Padre Damaso.

Susmaryosep! Panahon na ngayon ng ecumenism; panahon sa pagbubukas sa ibang kaisipan. Diyos na maawain! Panahon na ngayon ng global texting.  Obispo, Alam niyo po ba na tama si Galileo na bilog ang mundo?  Para sa mga mortal, at sabi ng banal na aklat, sa huling paghuhukom naman ay hindi itatanong ng Diyos ng mga maralita kung ikaw ay Katoliko.  Ang itatanong, ano ang ginawa mo sa panahong siya’y nagugutom, sa panahong siya’y walang saplot sa likod, sa panahong siya’y politically persecuted? Siguro ang itatanong ng Diyos ng inaapi, ano ang ginawa mo sa panahon na siya’y biktima ng extrajudicial killing, sa panahon na ang kanyang lupain ay inaagaw ng may kapangyarihan?

Bishop Quiambao, ano naman ang ginawa mo sa panahon nang ang mga tao sa iyong nasasakupan ay biktima ng extradujudicial killing?  Nakilamay ka man lang sa kanila? Ano ang ginawa mo sa gitna ng matinding militarisasyon as Bicol? Sino ang pinanigan mo, ang inagawan ng lupa o ang nang-agaw ng lupa? Ano ang ginawa mo sa panahon ng diktadura, nagkupkop ka man lang ba ng mga aktibista? Kung itatanong mo ang mga ito kay Ka Bel, alam na ng marami ang kanyang mapupulang kasagutan.

Kung naghahanap pa tayo ng depenisyon kung sino ang Katoliko at Kristiyano, saan natin ito makukuha? Sa depinisyong nakasulat sa libro ng Simbahan na isinulat sa dugo noong mga  panahon ng Inquisition at pagsakop sa mga bayan katulad ng Pilipinas? O sa depinisyon ng kasaysayan na patuloy na isinusulat sa makatarungang puso at buhay ng mga anakpawis na gumawa ng mga mala-palasyong katedral na minimisahan at kinaluluklukan ng mga obispo?

Oo, Katoliko at Kristiyano si Ka Bel kahit pa siya’y naging kasapi ng New People’s Army na nakipaglaban sa diktadura.  Oo, Katoliko, as in Kristiyano po, si Ka Bel maski siya’y naging siyang courier ng mga gerilya noong panahon ng pananakop ng Hapon. Oo, Katoliko at Kristiyano po si Ka Bel kahit nasa piket line at nalagasan ng mga kasamahan. Oo, Katoliko at Kristiyano po si Ka Bel na dahil sa paghahanap niya ng katarungan para sa maliliit ay siya’y naging bilanggong pulitikal.

Ay! Sa inyong nabubuhay pa sa panahon ni Padre Damaso, hindi ninyo maiintindihan kung bakit Katoliko at Kristyano si Ka Bel. Dugo at pawis pa ang ibubuhos ng mga “Ka Bel” ng lipunang Pilipino upang ipaintindi sa mga taong bihirang makipamuhay sa mga anakpawis kung papaano titingnan ang relihiyon ng mga anakpawis sa isang materyal na mundo.

Samantala, paalam, Ka Bel. Sa ngalan ng Bathala ng katarungan at kapayapaan, pagmimisahan ka namin sa mga pabrika, welga at rally. Pagmimisahan ka namin sa malawak na kabundukan.  Sa huling paghuhukom magkita na lang tayo sa mapulang langit na iisa lang ang relihiyon.

(Para sa kumentaryo pasok lang sa:  http://pinoygazette.blogspot.com/).

What an Obama Victory Could Mean
Barak Obama made history by being the first Afro-American to win the Democratic Party primaries. His appeal is evident among the youth, especially among white working class and middle-class youth, but most especially among immigrant minorities who are being sent as cannon fodder to places like Iraq and Afghanistan. This appeal has trickled among women, getting for Obama the endorsement of Oprah Winfrey and all the Kennedy women (and their men).

Obama’s campaign plank is riding on the strongest ever anti-war sentiment that has swept the United States since the Vietnam War, giving the Democrats the most number of seats  in during the last Congressional elections in both the U.S. Senate and House of Representatives. Even on the anti-war issue alone, which has drained the U.S. economy of almost $3 trillion dollars since the U.S. invasion of Iraq — according to former World Bank economist Stiglitz, Obama could win the presidency of the United States.

Obama has given hope for change in both the domestic and foreign policy which have suffered with the pro-Big Business policies of George W. Bush, Jr. which have sliced if not reduced social benefits for ordinary Americans. Obama as president of the United States will have to grapple with the Jewish Fifth Columnists in the U.S. Government , the Arms Manufacturers’ Lobby, the Oil Industry Lobby among others.

Obama will need the support of the American people especially after the elections because that is when big business donors to his campaign starting from the primaries will be trying to collect. His principles and mettle will be tested soon enough. But what will an Obama victory possibly mean for the American people, the world and the Philippines?

First, if he practices what he has been saying during the campaign so far, it would mean a significant reduction of U.S. military intervention in Iraq and other parts of the Middle East. It means less body bags of U.S. soldiers going back home, less Iraqi civilians killed as collateral damage by indiscriminate U.S. “precision” missiles. It means that more U.S. taxpayers’ money can be rechannelled for social services for the American people, and perhaps even more foreign assistance for development projects to other countries.

Second, Obama could shift the current U.S. interventionary posture from the military to the environment. This is where a big power like the U.S. could shift its interventionary resources and advanced technology on a global scale to help address transnational issues such as global warming. This goes beyond any form of lip service, for the world is dipping on its edge of environmental catastrophy.

Should we expect much from Obama? Yes, he represents the idealism of youth, and the hope of a lot of people (Americans and non-Americans) to right the wrongs and crimes inflicted by George W. Bush and Big Business. Republican presidential candidate Mc Cain represents another term for Bush and a continuation of the warmongering and militarization of U.S. foreign policy.

There is no other choice now. It is a step forward to change. The people of this planet hope for the better. (Yonip.com)

Ang Pagbabago at sina Mr. Shooli at ‘Kuhol’
Tila baligtad na ang ihip ng hangin para sa aktor na si Jun Urbano, na kilala ng lahat bilang ang tauhang si Mr. Shooli ng palabas noon sa telebisyon na Mongolian Barbecue. Makikita ito sa isang bagong patalastas na pinagbibidahan nila ni “Kuhol,” tauhan din sa Mongolian Barbecue.

Pagbabago ang paksa sa naturang patalastas, ngunit tinatalakay ito mula sa isang pananaw na mahirap asahang siyang pagbabatayan ni Urbano, batay sa naging takbo ng kanyang karera.

Habang nagsasalita si Mr. Shooli kasama si “Kuhol” sa isang tabi, may nagaganap na rali sa likod nila. Mababanaag sa hanay ng mga raliyista ang mga bandila ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at League of Filipino Students (LFS).

Binabatikos ni Mr. Shooli sa naturang patalastas ang diumano’y pagkahilig ng mga Pilipinong magsagawa ng mga rali at maging kudeta sa tuwing may mga panawagan para sa pagbabago. Nagkaroon na raw ng People Power I at People Power II at ilang kudeta at tangkang kudeta, ngunit wala naman daw nagbago.

Mula rito’y sinasabi ni Urbano na ang pagbabago’y “nasa sarili.” Ang negosyante raw ay dapat na magbayad ng tamang buwis, ang botante’y dapat na huwag magbili ng kanyang boto, ang tsuper ay dapat sumunod sa batas trapiko, at ang opisyal ng gobyerno’y dapat na maglingkod sa taumbayan at huwag sa sarili.

Unang-una, tila nalilingid sa kaalaman ni Urbano na ang mga problema ng Pilipinas ay lampas pa sa mga penomenon ng negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis, ng botanteng nagbibili ng boto, ng tsuper na lumalabag sa batas trapiko, at ng makasariling opisyal ng gobyerno. Kahit noong mga unang taon ng pagsasarili ng Pilipinas sa pamamahala, hindi nauubusan ang mga samahang sibiko ng mga ideya para sa mga patalastas na may temang kagaya ng sa ngayo’y pinagbibidahan ni Urbano, ngunit nananatili ang mga problema ng lipunang Pilipinong kanyang tinukoy at sa katunaya’y palala nang palala. Nagpakitang-tao na rin tungkol sa paksang ito ang ilang rehimen, lalo na ang kina Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, at Fidel Ramos, ngunit wala ring nangyaring “moral na paghilom” na gaya ng “ipinanawagan” ni Ramos.

Dito lumilitaw na ang pagbabago’y hindi kailanman maiaasa sa pagdating ng pagkakataong lahat na ng mamamayan ay kusang nakaisip, sa pansariling antas, na magbago. Sa wika nga ni Obispo Elmer Bolocon ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP), na nakapanayam namin kamakailan, “Kahit ano’ng pagpapakabuti mo, babarahin ka ng sistema.” Ang mga problemang tinutukoy ni Urbano sa patalastas nila ni “Kuhol” ay paulit-ulit sapagkat may sistemang sosyo-ekonomiko at pulitikal na nagluluwal at nang-uupat ng mga ito. Sistemiko ang suliranin kaya’t upang makamit ang pagbabago, kinakailangan ang sistematiko ring pagkilos ng nagkakaisang malawak na hanay ng taumbayan — kabilang na ang mga makabayang elemento ng militar.

Totoong wala pang nangyayaring pangkalahatang pagbabago matapos ang People Power I at II at ilang kudeta at tangkang kudeta.

Ngunit ang mga pag-aalsang-bayang gaya ng People Power I at II ay nakapagdudulot ng kagyat na tugon sa ilan sa pinakamabigat na suliraning kinakaharap ng mga mamamayan. Napatalsik ng People Power I si Marcos at nasaksihan ang isang antas ng pagbabalik ng espasyong demokratikong tinanggal ng kanyang diktadura. Napatalsik ng People Power II si Joseph Estrada at naputol ang talamak na katiwaliang nanalasa sa kanyang pamahalaan.

Kung muli mang kumikipot ang espasyong demokratiko at kung kinukubabawan man tayo ngayon ng higit na katiwalian, ito’y hindi argumento laban sa People Power I at II kundi patunay na mahaba pa ang kailangang lakbayin — bukod pa sa ito’y paghatol sa ating “pambansang pagkamalilimutin,” sa wika nga ng ating patnugot na si Ederic Eder, at sa ating madalas na pagkasabik na limutin at patawarin maging ang di-dapat limutin at patawarin.

Ang kudeta naman ay isang anyo ng pagkilos ng mga sundalo na, sa karaniwang mga pagkakataon, ay di dapat na ihikayat. Ngunit may mga pagkakataong ito lamang ang nakikitang paraan ng ilang sundalo upang ipahayag ang lehitimong mga hinaing laban sa nakataas na pamunuan ng militar — lalo na ng mga kagaya ni Antonio Trillanes IV, dating tinyente ng Hukbong Dagat, na makailang nagtangkang makipagdiyalogo kay Gng. Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa katiwalian sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ngunit di pinaunlakan ni minsan at bagkus ay makailan pang ipinabilanggo.

Sa dakong dulo ng patalastas, ipinakikita si “Kuhol” na may dalang P500 — bayad daw para sa pagsama sa rali. Magpapasya si Mr. Shooli na sumama sa rali.

Ang tagpong ito’y isang insulto sa mga organisasyong kagaya ng KMU at LFS, na malaki-laki na ang naiambag sa kasaysayan ng nagdaang mahigit sa 30 taon. Anuman ang siguro’y maaaring ipuna sa mga organisasyong ito sa nakalipas na ilang taon, hindi kabilang sa maaaring iparatang sa kanila ang panunuhol sa mga tao upang mapalaki lamang ang kanilang mga mobilisasyon: kahit ang mga pinakapanatikong makagobyerno at pinakapusakal na upahan sa hanay ng pabatirang-madla ay hindi makapagparatang nang ganito sa kanila, di tulad nang sa kaso ng ilang grupong binuo ng mga pulitikong pulpol na nagpapanggap na makabayan ay mga talipandas din naman.

Nag-iba na yata ang ihip ng hangin, G. Urbano. Ano ang nangyari?

Walang Solusyon ang Kapitalismo sa Problemang Agraryo sa Bansa
Noong ginunita ang ika-21 taong anibersaryo ng Mendiola masaker, libu-libong magsasaka mula sa iba’t-ibang probinsya ng Luzon ang nagmartsa (Lakbayan) patungong Maynila para iggiit, una sa lahat, ang pagpapatupad ng “tunay na repormang agraryo”. Nauna na rito noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nagmartsa ang mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon mula sa kanilang pinanggalingan patungong Maynila rin. Magkaibang pampulitikang grupo at oryentasyon man ang kumokontrol sa mga magsasaka, iisa lamang ang kanilang isinisigaw: repormang agraryo.

Walang duda na pinagsamantalahan ang masang magsasaka mula pa noong kolonyalismong Espanyol hanggang ngayon. Higit limang siglo na ang pagdurusa ng mga ito sa bulok na sistema ng lipunan.

Subalit mali kung iisipin na walang nagbago sa bulok na sistema sa loob ng mahigit 500 taon at batay rito wala ring nagbago sa laman ng pakikibaka ng masang magsasaka para sila ay lumaya mula sa pagsasamantala at pang-aapi.

Kahilingan sa pag-aari ng lupang mabubungkal: Noon at Ngayon

“Lupa sa nagbubungkal”. Ito ang sentro ng kahilingan ng mga magsasaka sa kasalukuyan. Ito ang sentrong kahilingan ng mga gerilya sa kabundukan. Ito rin ang kahilingan ng mga repormista sa kalunsuran.

Sa panahon ng pyudalismo (kung saan ang naghaharing uri ay ang mga panginoong maylupa at kasama na rito ang Simbahan), itinali ang mga magsasaka sa lupa. May mga batas ang pyudal na estado na nagpaparusa sa mga magsasakang aalis sa lupa na walang pahintulot ng kanilang mga panginoon. Sa pangkalahatan, ito ang kalakaran ng mga kolonyalistang Kastila at ng Simbahan sa bansa sa loob ng 300 taon. Pinipilit ang mga aliping magsasaka na magbungkal para sa pangangailangan ng pyudal na kaayusan.

Simula ika-16 siglo, nasa yugto na ng pabulusok-pababa ang pandaigdigang pyudal na sistema habang naging mas agresibo ang lumalakas na progresibo at rebolusyonaryong uri (na nagdadala ng bago at mas maunlad na moda ng produksyon) laban sa pyudal na kaayusan. Ang uring ito ay ang uring kapitalista (hindi ang uring magsasaka) na noon ay hindi pa naghaharing uri kundi ginigipit na uri ng naghaharing pyudal na mga panginoong maylupa.

Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas sa kalagitnaan ng 1500s, humihinang pyudal na kapangyarihan na ito sa pandaigdigang saklaw. Katunayan, binabayo na ng mga pakikibaka ng Kastilang burgesya ang pyudal na monarkiya sa loob mismo ng Espanya. Sa 1880s bago pa man naitayo ang Katipunan ni Andres Bonifacio sa 1896 ay naagaw na ng Kastilang burges ang kapangyarihan sa Espanya.

Gayong makauring interes ng magsasaka na makalaya sa pang-aalipin ng lupa, mas interesado ang burgesya rito dahil sa pamamagitan lamang ng paglaya ng mga magsasaka sa lupa ay mababago sila bilang mga sahurang-alipin ng kapital, ang bago at mas maunlad na sistema ng produksyon. Samakatuwid, ang kahilingang anti-pyudal ng mga magsasaka ay isang burges na kahilingan.

Subalit, kailangang mailinaw na ang pyudal at kapitalistang mga sistema ay parehong mapagsamantalang sistema. Bagama’t may katangiang progresibo at rebolusyonaryo ang uring kapitalista laban sa pyudalismo, ang una ay isa ring mapagsamantalang uri. Sa sistemang kapitalista, naranasan ng lipunan ang bangis ng pagsasamantala ng uring ito para sa tubo.

Ang kahilingang “lupa sa nagbubungkal” ay kahilingan ng mga peti-burges na magsasaka na nagmamay-ari ng maliliit na parsela ng lupa. Ang uring ito ay ginigipit kapwa ng pyudal na panginoong maylupa para sa kanilang luho at ng burgesya para lubusan silang maalis sa lupa at maging mga sahurang-alipin ng kapital. Ang peti-burgesya sa kanayunan ay isang desperadong uri na walang kinabukasan: Sa ilalim ng pyudal na kaayusan ay nanganganib silang maging ‘kasama’ (tenant) ng panginoong maylupa. Sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay nasa bingit sila na maging manggagawa. Kinasusuklaman ng uring ito ang pagiging maralitang magsasaka at ang pagiging manggagawa.

Ang mga walang lupa ay matagal nang naging manggagawa. Katunayan, ang mga maralitang magsasaka sa kanayunan ang mga ninuno ng mga manggagawa sa kalungsuran. Kahit sa kasalukuyan, parami nang parami ang mga maralitang magsasaka na naging sahurang manggagawa sa nayon man o sa lungsod.

Subalit mahigit 100 taon nang pormal na nadurog ang pyudal na kaayusan sa bansa. Mahigit 100 taon nang naghahari ang uring kapitalista sa bansa. Mahigit 100 taon nang kapitalismo ang sistema ng Pilipinas. Kung ikumpara sa antas ng pandaigdigang kapitalismo ay isang atrasadong kapitalistang bansa ang Pilipinas, ngunit hindi pa rin nito maaring itago ang realidad na ito ay isang kapitalistang bansa. Ang pagiging atrasado ng Pilipinas ay hindi pa dahil pyudal pa rin hanggang ngayon ang kanayunan kundi dahil wala nang kapasidad ang pandaigdigang kapitalismo na nasa yugto na rin ng kanyang pagbulusok-pababa mula nang pumutok ang unang imperyalistang digmaang pandaigdig noong 1914 na paunlarin pa ang kapitalismo ng bansa.

Ang kaaway ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan sa kasalukuyan ay hindi na ang mga tradisyunal na panginoong maylupa tulad noong unang panahon kundi mga kapitalistang panginoong maylupa na. Ang relasyon ng produksyon na nagsasamantala sa malawak na masa sa kanayunan ay hindi pyudal kundi kapitalista na. Ang estadong nagtatanggol sa mga modernong panginoong maylupa ay hindi pyudal na estado kundi ng mga kapitalista na.

Subalit pundamental na magkaiba ang interes ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan kung bakit nila nilalabanan ang mga kapitalistang panginoong maylupa. Ang una ay bilang manggagawa habang ang huli ay dahil ayaw nilang maging manggagawa. Ang una ay nais lumaya sa kapitalistang pagsasamantala habang ang huli ay nag-iilusyon pa rin na maging isang indepenyenteng kapitalistang magsasaka.

May pag-asa pa ba ang “lupa sa nagbubungkal” sa kasalukuyang antas ng krisis ng pandaigdigang sistema?

Malaki na ang ipinag-iba ngayon kaysa noon. Maging ang mga tradisyunal na panginoong maylupa ay dumaan sa proseso ng transpormasyon. Karamihan sa kanila ay naging mga kapitalista gamit ang mga produkto sa lupa. Isang halimbawa nito ay ang pamilyang Cojuangco. Ang Hacienda Luisita ay isang kapitalistang sakahan. Kinamkam ng korporasyong San Miguel ang kalupaan sa Sumilao para sa tubo. Pinasok ng korporasyong Ayala ang mga sakahan sa Davao para sa negosyo ng saging. Sa madaling sabi, ang usapin ng monopolyo sa lupa sa kasalukuyan ay usapin ng monopolyo ng mga kapitalista (indibidwal o korporasyon) sa lupa.

Sa ilalim ng kapitalistang kaayusan, hindi imposible na pangunahan ng naghaharing uri ang kampanyang “lupa sa nagbubungkal”. Katunayan, pinangunahan ni Cory Aquino (mula sa pamilya ng malalaking kapitalistang panginoong maylupa) noong huling bahagi ng 1980s ang kampanyang “comprehensive agrarian reform program”. Pero mas interesado ang burgesya na patindihin ang pagsasamantala sa magsasaka para sa tubo.

Ang interes ng mga peti-burges na magsasaka ay maging “independent producers”. Kaya ba itong ibigay ng kapitalismo? May kapasidad ba ang kapital na muling buhayin ang tipong artisano na pagbubungkal ng lupa gaya noong nasa kasagsagan pa ang pag-unlad ng pyudalismo bago ang 1500s?

Gustuhin man ito ng naghaharing uri ay hindi na maaring ibigay ng isang sistemang naghihingalo na sa permanenteng krisis. Ang kapalpakan ng CARP ay patunay nito.

Ang kapalpakan ng CARP ay wala sa kanyang pagiging inutil sa “pagbibigay” ng lupa dahil sa kawalan ng pondo (ang katotohanan ay binabayaran ito ng magsasaka ng hulugan sa gobyerno) kundi dahil napilitan na ibenta ng magsasaka ang kanyang naangking lupa dahil sa pagkalugi. Kundi man ibinebenta ng magsasaka ay naobliga itong magbubungkal ng kanyang lupa para sa malalaking korporasyon — growers — na laganap sa Mindanao. Libu-libong growers ang kontrolado ng mga korporasyong Dole Philippines, Del Monte Philippines at Ayala. Maging ang mga kooperatibang pansakahan ay naging growers na din. Dagdag pa, pinapaboran ng kapitalistang estado ang land conversion na siyang interes ng malalaking kapitalista para sa tubo dahil ang estado mismo ay walang pera at lubog pa sa utang.

Hindi rin maglalaho ang pagsasamantala sa mga magbubukid kung sakaling ipamigay ng estado ng libre ang lupa sa mga magsasaka. Ito ang laman ng programang “rebolusyonaryong agraryo” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army. Sa kalagayang maka-hayop ang kompetisyon ng bawat kapitalista at bawat bansa para sa makipot na pamilihan, hindi lang simpleng pag-aari ng lupa ang problema ng mga magsasaka. Higit pa rito ay ang problema ng kapital para sa kanyang parsela ng lupa. Ang indibidwal na pagbubungkal ng lupa sa ilalim ng kapitalismo ay mahuhulog lamang sa pagkabangkarota kung kapos sa kapital. Kaya nawawalan din ng saysay ang interes ng peti-burgesyang “independent producers” dahil sa malao’t madali ay kukunin ito ng “estado ng bayan” sa ilalim ng kampanyang nasyunalisasyon sa lupa para diumano sa kolektibisasyon at modernisasyon. Sa huli, nagiging mga manggagawa ang mga magsasaka sa dati sarili nitong lupang pag-aari na ng estado o kooperatiba o kaya ay lumayas sa kanayunan para maging manggagawa sa malalaking industriya sa kalungsuran na pag-aari pa rin ng gobyerno. Ang modelo ng “rebolusyong agraryo” sa China, Vietnam, North Korea ang halimbawa kung paanong nagpalit anyo lamang ang mga kapitalistang nagmamay-ari ng lupa. Mula sa indibidwal na mga kapitalista, ang lupa ay napunta sa estadong kapitalista. At narito ang pinakamalaking kasinungalingan ng mga bansang ito: nililinlang nila ang mga manggagawa at magsasaka sa pagsasabing ang ginagawa nila ay sosyalismo.

Ang dulo ng kahilingang “lupa sa nagbubungkal” sa ilalim ng kasalukuyang kaayusan ay maging sahurang alipin ang mga peti-burges na magsasaka o kaya ay mapilitang ganap na pumailalim sa pagsasamantala ng mga malalaking korporasyong kapitalista (lokal man o dayuhan). Ito ang tanging landas na tatahakin ng mga magsasaka sa ilalim ng kapitalistang sistema.

Pangkat man ni Gloria Arroyo, ng oposisyon, ng mga repormistang nasa loob ng mga non-government organizations at burges na kongreso, o maging ng mga armadong gerilya o rebeldeng militar ang nasa kapangyarihan, hindi nila masolusyonan ang pakikibaka ng mga magsasaka para lumaya sa kahirapan. Ang lahat ng mga grupong ito ay kumikilos sa ilalim ng balangkas ng mapagsamantalang mga relasyon sa produksyon na nasa permanenteng krisis na ngayon.

Kaya isang ganap na ilusyon ang hihilingin sa estado ang tunay na repormang agraryo dahil ang sistemang ipinagtatanggol nito ay wala ng kapasidad para ibigay ang naturang kahilingan.Panlilinlang din ang pangako ng mga kaliwang grupo ng burgesya na kaya nilang ibigay ang kahilingang ito kung sila na ang nasa Malakanyang.

Ang tunay na solusyon sa usaping agraryo: Ibagsak ang Kapitalismo

Ang nasa likod ng pakikibaka ng masang magsasaka para sa lupa ay panlipunang hustisya. Ang layunin ng kanilang mga sakripisyo sa pakikipaglaban ay ang mapalaya sila mula sa kahirapan na ilang siglo na nilang pinapasan.

Ang tunay na solusyon para sa panlipunang hustisya at paglaya ng mga magsasaka mula sa kahirapan ay wala sa loob ng balangkas ng kapitalistang sistema anuman ang anyo nito — indibidwal o pag-aari ng estado — at anuman ang porma ng paghari nito — demokratiko o diktadura ng burgesya. Kailangan munang wasakin ang kapitalistang mga relasyon sa produksyon bago lilitaw ang mga kondisyon para sa kalayaan sa kahirapan.

Ang uring magsasaka ay isang uri sa nakaraan. Hindi na maaring maibalik pa ang nakaraan kung saan may dignidad ang artisanong sakahan. Dinurog na ito ng kapitalismo sa Pilipinas sandaang taon na ang nakaraan. Ang dapat harapin ng mga magsasaka ngayon ay ang interes ng kanilang uri sa hinaharap sa ilalim ng bulok na kaayusan. Ang pagiging sahurang alipin ang kinabukasan ng mga magsasaka sa ilalim ng nabubulok na sistema ng bansa at ng buong daigdig.

Ang pagkamit ng panlipunang hustisya ay wala sa kamay ng uring magsasaka kundi nasa kamay ng uring papasukan nila — nasa uring manggagawa. Ang sahurang manggagawa sa kanayunan at kalunsuran ang tanging rebolusyunaryong uri sa kasalukuyan. Ang uring ito ang may istorikal na misyon para ibagsak ang kapitalismo dahil hindi ito lalaya kung hindi nito mapalaya ang buong lipunan mula sa sistema ng pagsasamantala at pang-aapi.

Pangalawa, ang usaping agraryo sa bansa ay hindi malulutas sa loob ng balangkas ng bansa. Malulutas lamang ito sa pandaigdigang balangkas — sa pagwasak sa kapitalismo sa pandaigdigang saklaw. Napakahalaga ang paglakas ng mga pakikibaka ng manggagawa sa buong mundo para masolusyonan ang problema sa lupa ng magsasakang Pilipino.

Hindi mananalo ang pakikibaka ng magsasaka kung hindi ito susuporta sa pakikibaka ng mga manggagawa para sa internasyunal na sosyalismo — isang pandaigdigang lipunan na wala nang mga uri at wala ng pagsasamantala. Walang panlipunang hustisya sa kahilingang “lupa sa nagbubungkal” sa ilalim ng kapitalismo. Ang panlipunang hustisya ay makakamit lamang sa sosyalisasyon ng lupa at ang sosyalisasyon ay magiging realidad matapos madurog ang pandaigdigang kapital sa pamamagitan ng internasyunal na rebolusyon ng mga manggagawa.

Ang tagumpay ng pakikibaka ng magsasaka para sa panlipunang hustisya ay nakasalalay sa tagumpay ng uring manggagawa na ibagsak ang kapitalismo.

Krisis sa Pagkain
Unang nalathala sa Pinoy Gazette

Sinusunod na natin ang maraming  bagay mula sa siyensya para sa produksyon ng pagkain. Bihira na tayong humingi ng ulan mula sa kung sino mang maligno sa ating kapaligiran.  Natulungan na tayo ng siyensya para sa ating mga desisyon para sa produksyon ng ating pagkain.

Sa ngayon nakaamba ang krisis sa pagkain lalo na sa supply ng bigas.  Sinasabi sa atin ng Malakanyang na walang krisis pero nagsasabi ang ating karanasan at kaalaman sa siyentipikong pagsusuri na may problema ang sinasabi ng palasyo. Alam nating kapag tumataas ang presyo ng isang bagay maaaring wala na itong supply: O baka merong kartel na nagmamanipula; o may kartel at walang supply.

Kung pakikinggang mabuti ang Malakanyang at ilalapat ito sa nangyayari, mukhang mayroong itinatago sa atin ang pamahalaan.  Nakakagigil ito dahil batayang pangangailangan ang pagkain, aktibista ka man o hindi.

Heto ang ilang lumalabas sa pagsusuri ng ilang sector kung bakit nga ba may nakatutok na krisis sa bigas at pagkain sa ating bansa:

1. Kulang ang produksyon.  Ito ang dalawang dahilan sa maraming dahilan:

a. Maraming taniman na ang kikokonbert sa ibang bagay maliban sa gawin itong taniman para sa pagkain. Halimbawa dito ang pagkonbert ng mga lupaing pang-agrikultura na maging subdibisyon para makaiwas sa land reform. Minsan meron mang taniman ayaw namang magtanim ang magsasaka dahil nalulugi sila.

b. Matagal na tayong importer ng palay simula nang nakibahagi tayo sa globalisasyon.  Kaya lang sa ngayon mukhang nagkakaubusan din ng palay sa ibang bansang pinagkukunan natin ng bigas. Hindi tayo maka-import.

2. Kartel.  May ibang tao (minsan kasabwat ang ibang taong gobyerno) na nagtatago ng bigas para mawalan ng supply sa market, para tumaas ang presyo. Kapag mataas na ang presyo, saka magbebenta ang mga ganid na ito para mas malaki ang tubo.

Kaya yung siyentipikong pagiisip na natin ang nagsasabing kung gusto nating magkaroon ng rice security o food security kailangan maglaan ng lupa para sa ating pagkain.

Kung may krisis na talaga sa pagkain ang mga hindi nagagamit na lupa (at marami nito ang maraming malalaking panginoong maylupa). taniman ng mga pagkain. Alagaan din ang mga magsasaka, kung maaari ay bigyan ng lupain para makapagtanim.  Kailangan ding gawing

pangunahin sa ating policy ang “local food production” kabaliktaran sa pag-i-import ng pagkain na patakaran ng pamahalaan.

Kailangan ding buwagin ang kartel.  Kilala naman ito ng gobyerno at political will lang ang kailangan para mabuwag ang mga ito.  Pero kung bahagi ka ng kartel, papaano mo nga naman bubuwagin ang iyong sarili?

Para sa kumentaryo, puwede ninyong i-post sa: http://pinoygazette.blogspot.com/).

Heroes Happen Here
A commentary by Vicente Romano III of Black and White Movement

Yesterday, April 10, Microsoft launched their new wave of technologies in the Philippines using their global theme, “Heroes happen here.”

I can’t help but think how inappropriate the theme is for our country.

After reading Fr. Intengan’s ZTE Primer document, I find it hard to imagine how heroes can ever happen in this country. In the guise of shedding light on the controversial deal, Fr. Intengan suggests 3 things:

1)   That Jun Lozada lied when he claimed he was abducted; this, of course, assumes that the government account of the incident is true

2)  That Jun Lozada’s and the other whistleblowers’ testimonies are all hearsay and therefore have no value

3)  That the Senate hearings should now be stopped and charges in court should be filed instead.

Under ordinary times, Intengan’s primer might resonate among peace-loving and decent people. But when you have a president embroiled in serious charges of corruption and cheating, and who uses stonewalling, lying and deceit to respond to these charges, it takes an extraordinary leap of faith or supreme naivete to expect relief from a dysfunctional judicial system.

I have three simple questions for Fr. Intengan: If the First Gentleman threatened you by shouting in your face “Back off”, will you have the courage to make it public, considering that he is the husband of the most powerful person in the country? Will you file charges of grave threat in a court of law? Or will you wait for a signed confession by FG or affidavits by others present during the incident attesting to the truth of your charges before filing a case in court?

Incidentally, the ZTE Primer was distributed to students of Fr. Intengan’s class on Sexual Ethics at Ateneo some time in March. During the class, Intengan declared that Lozada was part of a destabilization plot and his kidnapping was a hoax. He also played the wiretapped conversation between Jun Lozada and Joey de Venecia. And to think that Intengan advocates the rule of law in his primer (see the last paragraph of the attached primer).

What saddens me is the fact that there are actually some people who believe Intengan. And for what reasons? Because Jun Lozada is always smiling when on TV? Because he seems to be enjoying the limelight and his newfound celebrity status? Because he is going around the country to share his story? Because he has gone beyond the Probinsiyanong Intsik image that has endeared him to the people?

Because of these, you are all too willing to gloss over the truth he has revealed and the heroic sacrifice he and others before him had to go through as the price for the truth.

And yet, we are quite liberal in making heroes of other people with less than noble purposes.

We reluctantly accepted Chavit Singson as a hero, because he conveniently supported our desire to rid our nation of an immoral president. But we cannot accept Jun as a hero, because we’re not ready to rid our nation of an amoral president. Why? Because GMA’s successor could be worse. Because the economy is doing well, at least on paper. Because 2010 is just around the corner. Why can’t we just wait? And these, even if we believe that she probably cheated, that she and FG are probably involved in corruption, and that she and her cabinet members have lied brazenly to cover up the truth.

We routinely make a hero of taxi drivers who return oodles of money left by passengers in their cabs. It is the most unnatural thing to do in this country, and is therefore considered heroic. But we cannot make Jun a hero for telling the truth at heroic costs, even though that too has become the most unnatural thing to do in this country. Why? Because it might lead to a regime change. Because GMA’s successor could be worse. Because…

We proudly call our OFWs our modern-day heroes for their heroic sacrifices, although I have yet to hear an OFW say, “I will work abroad so I can help make the country better”. For the most part, they do so for the survival of their family. But we cannot proudly call Jun a hero, even though the easiest thing for him to do for the survival of his family was to keep silent. And yet he spoke the truth, precisely to do his share in making this country a little better. Why can’t we make Jun a hero? Because the country may not end up getting better. Because GMA’s successor could be worse. Because…

We lavishly praise Pacquiao to be our hero, for indeed he gives pride to our country every time he wins. But he trains and fights hard to win, mostly for the prize money (that’s what professionals do), and reaping pride for the country is an incidental, though happy, consequence for our nation. But we cannot praise Jun, not even scantily, to be our hero, even though he inspired pride for our country amongst the youth for rejecting the prize money offered him in exchange for his silence. Why? Because it’s possible we may not be proud of what happens after a regime change. Because GMA’s successor could be worse. Because…

I share with you Jun’s reflections two months after he came out (see attached document) so you might understand a little better the sufferings he continue to go through as the cost of doing the right thing. I echo Jun’s challenge: before you judge him, you should ask yourself — “What have I done for the country?”

If you say you contribute to the well-being of this nation by, first, being a good provider for your family, and then, by contributing to the community through Gawad Kalinga and other civic projects — that’s well and good. And you might even add, let’s not get involved with politics or anything that might imperil the perceived stability of our government.

Jun, too, could have done the same thing — avoid the Senate at all cost so he can continue to be a good provider for his family, so he can help the underprivileged through his work at PhilForest, and so he might not shake the perceived stability of our government. That would have been well and good. But he decided to go beyond what is good. He decided to do what is right by exposing the evil and demanding accountability, even if it meant instability to his life, to wake up a people in stupor — ready to accept evil, thinking that doing good will drown out the evil.

And so I ask the final question — If you were in Jun’s place, would you have done good or right?

The advertising application of Microsoft’s launch theme is quite interesting. “Heroes happen here” is usually followed by a pair of curly brackets like this { }. Visually, the brackets are used to frame an ordinary person, to single him out of a crowd. The message is simple: ordinary people can do extraordinary things when equipped with the right tools (of course, from Microsoft).

That can very well apply to our times. Ordinary people doing extraordinary things, propelled by the right heart and mindset — to do, not just what is good, but what is right. And it starts with you and me.

Are you ready to put your name inside the curly brackets?

Heroes happen here {   }.

God bless,

Enteng

Why Gawad Kalinga May Not Be Enough
(A commentary by Harvey S. Keh)

In one of my interviews with ABS-CBN, the news reporter asked me, despite all the scandals and corruption (Hello Garci, One Billion Peso Fertilizer Scam, Irrigation Scam and Six Billion Peso NBN-ZTE Broadband Scam) that have hounded this present administration, why do you think do majority of young Filipinos choose not to do anything about it. She further added that there seems to be no uproar from the Filipino youth and young professionals from all over the country, does that mean that we are okay with all these scandals that are mushrooming almost on a weekly basis? I asked these same questions to my students and friends and here are their answers (summarized already):

Student A: Sir Harvey, Naiinis naman talaga kami sa nangyayari pero wala naman kaming magagawa eh, estudyante lang kami at kahit sino namang ilagay sa gobyerno natin, pareho pa rin silang lahat na magnanakaw. They will only protect their own self-interests.

Student B: Sir, I’m not happy with how our country is being led by our government leaders but I think the best way I can contribute to this country is by becoming a good student, study hard, find a good job and be a good citizen in our country.

Yuppie A: I don’t want to get involved in politics masyadong magulo yan kaya I’d rather just stick to doing my job well and helping my own family besides I’m already helping this country by helping send my younger siblings to school.

Yuppie B: I was part of EDSA II and actually took helped organize the concerts at the EDSA Shrine but as much as I’m very frustrated with how this government is being run, I am no longer convinced that political engagement is the way to go for our country. I would rather focus my energies and resources to helping NGOs and Foundations like Gawad Kalinga and Pathways.

Reflecting upon these answers which I also often receive from the e-mails Filipinos here and abroad send me, I believe that their answers are all valid and I respect them although I don’t totally agree with all of them. Allow me to share with you what I think on each of these answers:

Student A’s answer is typical of a person who is disgruntled with what is happening to our country but who apparently feels helpless about the situation. When I receive this kind of an answer from people and my students, I tell them about what they can do and organizations they can join like Team RP but when they are invited to take part in activities that aim to promote good governance and greater transparency in our government, theyfail to join and act. Sad but true, many Filipinos just love to criticize and point out what is wrong with our leaders but when they are given an opportunity to act about these pressing issues, they refuse to make time and move out of their comfort zone.

Student B’s answer is for me a selfish answer, yes, I believe that a student’s main and foremost responsibility is to study hard and finish education but what about our own responsibility as citizens of this country? In a utopian society, this answer would have been okay but in our present situation as a country in crisis where the gap between the rich and the poor continue to grow and where more than 20 million Filipino families grow hungry each day, this is no longer acceptable especially for students and young professionals who study at the top universities and who come from the middle to upper class of our society. This answer is an easy cop out and

it’s selfish because at the end of the day, just by confining yourself to you own life won’t help our country as much as it will help you.

Yuppie A and B’s answer is all well and good since I admire them for continuing to work hard to provide for their families while at the same time continue to get involved with volunteer work for Gawad Kalinga and Pathways to Higher Education. I admit that I was like Yuppie A and B who just confined myself to working towards helping poor but deserving students go to college and finish their education but I realized that this isn’t enough. I realized that if we are able to reform our government institutions and leadership then there won’t be a need for organizations like Gawad Kalinga and Pathways. We need to realize that in order for us to help uplift the lives of the poor we need to attack the problem at its roots and that is the inability of our government systems to provide these basic services to them.

Isn’t the National Housing Authority supposed to be the one to help provide adequate shelter to every Filipino family? Isn’t it the Department of Education’s job to assist every Filipino child gain access to quality education? A recent study by the World Bank has said that more than 30 billion pesos goes to corruption every year. Imagine if we are able to work together and pressure government into being more transparent and accountable towards curbing corruption then we would have more resources to provide housing for every poor family, irrigation and fertilizers to farmers (which would help alleviate our growing food crisis), higher salaries for our public school teachers, enough textbooks for our students and access to quality healthcare for every Filipino. Working for and helping Gawad Kalinga, Pathways and other non-profit organizations are very much needed in our society today but let us also not forget that unless we work hard towards fighting for and institutionalizing credible and lasting reforms in our government and its leaders, then we will always have to do the fire-fighting because we have failed to solve the cause of the fire.

In summary, what I would like to share with all of you are the following:

a.) We deserve the country that we have. If we want a prosperous and just country, then we should all work hard towards it. If you look at the history of South Korea and Singapore, they were able to turn their country around in less than 30 years. I believe we can do it in less time and do it even better if every Filipino will just care enough to go out of his or her way to help push for reforms in our government. As the saying goes, “Walang makakatulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino rin.”

b.) Genuine Hope of this country does not lie on our government and church leaders and especially not in the ruling elite and oligarchs, it rests in each one of us. As I have always said, every Filipino whether you live here or abroad can complain about the rampant corruption and problems that is present in our government but after the complaining have you asked yourself, what will you do about it? Are you willing to sacrifice some of your time and resources to making yourself heard by our government leaders? If we want change in our country, we need to change ourselves, change starts with each one of us. We need to stop making excuses about why we cannot act and why we cannot take part in actions that will reform our present government systems.

c.) If our government and its leaders were doing their job effectively then there wouldn’t be a need for a Gawad Kalinga or a Pathways. I support and firmly believe in Gawad Kalinga, Pathways and other non-profit organizations that are working hard to deliver basic services to the poorest of the poor in our country but don’t you think it’s also time that we start holding government accountable to these basic services that they have failed to provide our people? Of course it will be harder to do this and it may take a longer period of time but if we are able to institutionalize these reforms then we will be able to make our government more efficient and effective and in the end we will be able to help not just seven thousand but seven million Filipino families.

I am not calling for another People Power Revolution nor am I asking for our President’s outright resignation. I’m not also saying that people should quit supporting and volunteering for Gawad Kalinga and Pathways. In fact, I believe that we should continue to support these very laudable and inspiring initiatives. All I’m saying is that these efforts can only yield lasting benefits for the poor and the powerless if all of us would be more involved in activities and movements that would push for greater truth, accountability and reform in our government because in these times of crisis, despair and growing hopelessness in our country, the poor can’t wait and Gawad Kalinga may not be enough.

Harvey S. Keh is Director for Youth Leadership and Social Entrepreneurship at the Ateneo de Manila University-School of Government. Harvey as a Filipino social entrepreneur has co-founded Pathways to Higher Education-Philippines and AHON Foundation, both these organizations help in promoting access to quality education for every Filipino child. Aside from this, he is also Chairman of Team RP, a youth-led organization which is part of the BUSINA movement that promotes truth, accountability and reform in our government.

If by some chance you were moved to act by this e-mail and want to join us in pushing for genuine and lasting reforms in our government, please let him know by sending an email to harveykeh@gmail.com.