Tinig.com » Daluyong

Panic Mode
Napukaw ang aking atensiyon sa artikulong sinulat ni Ethan Zuckerman hinggil sa lektyur na binigay ni Dan Gilbert, isang propesor sa Harvard, ukol sa pagsusuri ng tao sa panganib (risk).

Tanong ni Gilbert, bakit hindi natin natutukoy ang mga malalaking pagbabagong idinudulot ng global warming samantalang kaya namang tukuyin ng ating utak ang ilang kongkretong banta sa ating buhay? May apat na dahilang ibinigay si Gilbert kung bakit hindi tayo nagpa-panic sa global warming. Isa-isahin natin ang mga ito:

Una, walang mukha ang global warming. Interesante ang spekulasyon ni Gilbert: “If a plane were struck by lightning and destroyed the World Trade Center, none of us would remember the year it occurred in. If global warming were trying to kill us, our president would be fighting a war on it, with or without congressional approval.”

Pangalawa, hindi kontra ang global warming sa ating moral framework. Mainam ulit ang halimbawa ni Gilbert: “If climate change were caused by gay sex or eating puppies, people would be massing in the streets.”

Pangatlo, mahusay tumugon ang tao sa banta ng kasalukuyan, hindi ng hinaharap. At pang-apat, sensitibo ang tao sa pagbabago sa liwanag, tunog, presyur at bigat; pero sensitibo sa mga relatibong pagbabago at hindi sa mga absolutong pagbabago. Narito ang dagdag na interpretasyon ni Zuckerman:

“When the rate of change of a stimulus is slow, we barely notice those changes. We’d be up in arms about changes that have happened in the past two generations in impurities of our air, water and food. We only tolerate it because it happened so slowly. The problem in reacting to global warming is not that it’s happening so quickly, but because it’s happening so slowly.”

Magagamit ang ilang argumento ni Gilbert upang maunawaan ang aktitud ng publiko sa Pilipinas hinggil sa iba’t ibang isyung panlipunan.

Halimbawa, bakit hindi maingay ang middle class laban sa extrajudicial killings? Bakit biglang buhos ang galit at pagdadalamhati sa Glorietta blast at Batasan bombing samantalang tahimik naman dati kapag may mga bombang sumasabog sa Mindanao? Bakit tayo nandiri sa ginawang pamimigay ng cash gift sa Malakanyang samantalang noon pa man ay matindi na ang korupsiyon sa pamahalaan?

Bago bumulaga ang mga kaso nina Jonas Burgos, Karen Empeño at Sheryl Cadapan, hindi napapansin ng publiko ang ginagawang lingguhang pagdukot at pagpatay sa mga aktibista sa bansa. Paisa-isa ang mga kaso ng pamamaslang. Kailangan munang umabot sa daan-daan ang pinatay bago kilalanin na may malawak na paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Matagal nang problema ang kahirapan sa Pilipinas pero kinailangan pa ang pagpapakamatay ni Marianette Amper upang makumbinsi’t paaminin ang pamahalaan at mayayaman na malawak na ang diskontento sa lipunan. Binigyang mukha ni Amper ang kahirapan at kawalan ng pag-asa ng kabataan sa kasalukuyan. Ang pagpapakamatay ay kontra sa moral framework ng mga Pilipino.

Natutuwa ang pamahalaan sa perang ipinapadala ng mga migranteng Pilipino sa kanilang pamilya. Subalit hindi ito naaalarma sa pangmatagalang negatibong implikasyon ng pagkawala ng mga manggagawa’t propesyunal sa bansa. Hindi kasi biglaan ang negatibong pagbabagong dinudulot ng brain drain.

Mahalaga ang punto ni Gilbert hinggil sa kahinaan ng tao na kilalanin ang mga absolutong pagbabago sa lipunan. Nabibighani tayo sa mga espesyal at madramang kaso ng pagnanakaw, pagpatay, at masamang pamumuno. Pero hindi natin agad nasisipat ang tinutumbok ng mga kasong ito sa pangkalahatang katangian ng pulitika sa bansa. Hindi natin nauugnay ang mga indibidwal na problema sa struktural na depekto ng partikular na sistemang pulitikal na dominate sa lipunan.

Sensitibo tayo sa isyu ng korupsiyon na kinakasangkutan ng isang pulitiko. Pero bakit hindi natin pinapansin ang pananagutan ng uri ng pulitika na namamayani sa ating bansa?

Sabi ni Gilbert, magaling at mabilis tumugon ang tao sa mga bantang personal, imoral at nagaganap ngayon. Kailangang matutunang pag-aralan ang mga bagay-bagay na kahit hindi personal, kahit hindi imoral, kahit hindi banta sa ngayon, pero kung labag sa interes ng mamamayan, dapat itong tutulan, labanan at pigilang makasakit pa ng ating kapwa.

Kahit hindi popular ang isang adhikain, kahit itinuturing na kahangalan ang isang ideya, pero kung pinaniniwalaan nating magdudulot ng malaking epekto sa komunidad, dapat itong suriin pa nang husto. Hindi ba’t ang global warming ay minamaliit dati bilang pseudo-science? Napakarami pang “hangal na ideya” sa lipunan ang dapat iligtas mula sa masamang pagkakaangkop ng mga nasa kapangyarihan.

Si Mong ay tagapangulo ng Kabataan Partylist. Bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com.

No related posts.

Urban Facelift
Bukod sa pagdami ng mga banyagang kapihan sa mga sentrong lungsod ng bansa, kapansin-pansin din ang pagsulpot ng mga klinik na pangpaganda ng mukha’t katawan. Para sa isang mahirap na bansa, nakakagulat ang bilang ng mga Pilipinong nais magpaputi, magparetoke ng ilong, magpakinis ng balat at magkaroon ng buhok na mahaba, makinang at may kulay. Para sa isang bansang dominante ng mga Katoliko, isang palaisipan kung bakit maraming tao ang hindi mapalagay sa mukha’t katawang bigay ng Diyos.

Tila lahat ay nais maging flawless ang kutis. Tila lahat gusto maging ‘Imelda’. Kunsabagay, maganda ang mga lola natin, di ba?

Walang masama sa pagiging banidoso ng mga indibidwal. Karapatan ng mga indibidwal kung hindi na sila naniniwalang ‘brown is beautiful’. Plus factor para sa mga kalalakihan ang pagiging metrosexual, lalo na kung ubersexual. Ayon nga kay Doktora Belo, makapangyarihan ang kagandahan.

Pero ang ganitong mentalidad ay nagagamit din sa administrasyon ng mga siyudad. Kailangan daw maging ‘guwapo’ ang Metro Manila kaya itinataboy ang mga panget sa lansangan. Inaalis ang mga bagay na hindi kaaya-aya sa paningin ng sibilisadong komunidad. Tulad ng pagtanggal ng kulugo, nunal at tigyawat sa mukha ng mga tao, tinatanggal din ang maruruming elemento sa mga kalye.

Tinatarget ang mga indibidwal na hindi kinikilala bilang lehitimong miyembro ng lipunang Pilipino dahil sa kanilang kahirapan, relihiyon, edukasyon, etnisidad at kasarian. Inaalisan ng karapatan ang mga Pilipinong hindi kayang umayon sa rekisito ng kumbensiyunal na lipunan. Dahil sa kanilang pagiging ‘iba’, masama at marumi sa pananaw ng dominanteng uri, pinaiigting ang diskriminasyon laban sa kanilang hanay.

Pinatitindi ang pagwawalis sa mga maralitang komunidad. Ginigiba ang kanilang mga tirahan dahil may itatayong kalsada, tulay, mall, northrail/southrail at commercial center. Wala silang karapatan dahil hindi naman sila tulad ‘natin’. Pinalalayas din ang mga maliliit na mangangalakal (street vendors kung tawagin at kutyain) sa mga bangketa.

Nililipol ang mga ‘kriminal’ sa pagsugod sa kuta ng mga mahihirap. Tinutugis ang mga ‘terorista’ sa pagsuyod sa komunidad ng mga Muslim.

Kahit ang kakarampot at di sustinidong tulong na binibigay sa mga nasa evacuation center dahil sa bagyo, sunog at iba pang sakuna ay maaaring bunsod din ng motibasyong panatilihing nasa evacuation center ang mga mahihirap at pigilan silang magpakalat-kalat sa kalye at dungisan ang paligid. Nariyan ang takot na kung hindi sila mabigyan ng tulong ay baka kumatok sila sa mga pintuan natin at humingi ng limos.*

Pilit itinatago ang kahiya-hiyang mukha ng kahirapan pero hindi naman inuugat ang mga problema ng bansa.

Gustong linisin ang Metro Manila kaya ipinagbawal ang mga lalaking hindi nagsusuot ng damit sa kalye. Binigyan ng libreng pustiso ang mga bungal na parak. Pararusahan ang mga mababahong traffic enforcer.

Magnanakaw raw ng kuryente’t tubig ang mga iskwater. Parang aso kung umihi sa lansangan ang mga lalaki. Nagtatapon ng basura sa ilog ang mga nakatira sa estero. Hindi nagbabayad ng buwis ang mga manggagawa. Panatikong idinidiin ang mga di kanais-nais na praktika’t gawi ng mahihirap pero hindi pinapansin ang korupsiyon ng mga nasa kapangyarihan. Pinapalaki ang pagkakamali ng maliliit na tao pero pinapalampas ang kabulukan ng burgesya.

Dapat daw maging disiplinado, sundin ang mga batas at igalang ang awtoridad. Pero sino ba ang lumalabag sa batas? Sino ba ang nasa likod ng jueteng, smuggling at pangangalakal ng ilegal na droga? Sino ba ang gumagamit ng batas at iniikutan ang batas para sa kanilang personal na kapakinabangan? Sino ba ang may-ari ng mga malalaking pabrika na bumubuga ng maitim na usok at lumalason sa suplay ng ating tubig? Sino ang nagbigay ng prangkisa sa mga kumpanya upang wasakin ang ating kagubatan at angkinin ang ating yamang mineral?

Nararapat lang linisin ang siyudad. Makatuwirang gawing ‘guwapo’ o ‘maganda’ ang Metro Manila. Pero dapat simulan ang krusadang ito sa tuktok ng pamahalaan at boardroom ng mga malalaking kumpanya. Andun ang mga tunay na marurumi, masasama at kasuklam-suklam na elemento ng lipunan.

* Pagsusuri ito ni Slavoj Zizek. Ayon sa kanya: “Compassion is the way to maintain the proper distance towards a neighbor in trouble…the underlying logic is that we must pay so that our neighbor will remain a neighbor, at a proper distance, and will not come to us…the postmodern ethics of compassion with the victim legitimizes the avoidance, the endless postponement, of the act. All ‘humanitarian’ activity of aiding the victims are there to obfuscate the urgency of the act”.

Tagapangulo ng Kabataan Party-list si Mong Palatino. Pwede siyang sulatan sa mongpalatino@gmail.com o bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com

No related posts.

Super Republika
May isang hukom sa Malabon na naniniwalang may mga dwendeng gumagala sa mundong ito. Dahil dito, pinatalsik siya ng Korte Suprema. Hindi man daw baliw ang hukom, kailangang pangalagaan ang integridad ng Korte.

Ilang buwan bago ang pag-amin ng hukom na nakikisalamuha siya sa mga dwende, nangako si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dadalhin niya ang Pilipinas sa Enchanted Kingdom bago ang taong 2020. Hindi kaya ito ang naging hudyat ng hukom sa Malabon upang ipagbunyi ang pagdating ng mga dwende? Naging mensahero lang kaya siya ng Pangulo?

Mukhang sinimulan na ang byahe patungong Enchanted Kingdom nang inanunsiyo ng Pangulo na magbubuo tayo ng limang super region. Sa katunayan, pinatayo’t pinakilala pa sa publiko noong nakaraang State of the Nation Address ang lahat ng tapat na kawal ng kaharian.

Sinasanay na rin ang mga makabagong manggagawa. Ipinagmalaki ni Gng. Arroyo na ang mga umuwing domestic helper mula sa Lebanon ay gagawing supermaids. Sa panahon nga naman ng globalisasyon, kailangang laging angat tayo sa mga kalabang lahi na mayroon ding inaalok na murang paggawa. Bukod sa pagiging masipag, matiisin at kagalingan sa pagsasalita ng carabao English, ang mga yaya natin ay dapat ding maging supermaid.

Mayroon namang inilalakong kumpetisyon ang Department of Education sa mga eskuwelahan. Hinihikayat ang mga estudyante na gumawa ng mga sanaysay o komiks hinggil sa mga Super Pinoy/ Super Pinay. Nais himukin ng DepEd ang mga bata na gamitin ang kanilang imahinasyon upang ilarawan kung ano ang mga katangian ng huwarang mamamayan sa Enchanted Kingdom.

Naghahanda rin ang media sa nalalapit na transpormasyon ng bansa mula sa pagiging Perlas ng Silangan tungo sa Lupain ng Mahika. Dominante ngayon ang mga palabas ukol sa mga superhero, salamangka, kakaibang nilalang at mga mandirigma ng ibang dimensiyon. Kung dati’y mga matatanda lamang ang nagkukuwento sa atin tungkol sa mga kapre, sirena’t maligno, ngayo’y napapanood na ang mga ito sa primetime TV.

Maaaring tama si Rep. Alan Peter Cayetano na may lihim na bank account ang First Family sa Germany. Pero maaaring mabilis na inutos ni Gng. Arroyo sa mga dwende na ilipat ang mga itinatagong ginto sa Gringotts.

Tuluyan nang lumubog ang programang Strong Republic ng pamahalaan. Pinalitan ito ng Super Republika na magiging transisyon bago ang Enchanted Kingdom status sa taong 2020. Susi ang Charter Change upang mabilis maisakatuparan ang pamamayani ni Reyna Arroyo. Mali kung gayon ang Pagbabago — Sigaw ng Bayan. Ang tunay na adhikain ay: Pagbabago para sa Enchanted Kingdom — Sigaw ng mga Dwende.

Mukhang mali ang naging taktika ng oposisyon. Dapat sumangguni ito sa mga albularyo. Dapat bumili sila ng maraming anting-anting.

Dapat idinagdag ding batayan ng impeachment complaint laban kay Gng. Arroyo ang pagkakaroon ng baliw na pag-iisip. Kung naging mahigpit tayo sa hukom na nakakakita ng dwende, hindi ba’t dapat lang na paalisin din natin sa kapangyarihan ang isang peke’t nahihibang na lider na nangangakong dadalhin tayo sa Enchanted Kingdom, lilikha ng super region at magsasanay ng supermaid?

Si Mong Palatino, 26, ay tagapangulo ng Kabataan Party. Pwedeng bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com.

No related posts.

Alien, Alien
Bakit kailangang pag-aralan at tutulan ng bawat Pilipino ang nilalaman ng Sensenbrenner bill o HR 4437 na pinag-uusapan ngayon sa Kongreso ng Amerika?

Dahil ang pinakamalaking konsentrasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nasa Estados Unidos. Katunayan, mahigit 60,000 kababayan natin taun-taon ang umaalis ng Pilipinas upang manirahan sa Amerika.

Ang HR 4437, imbes na pangalagaan ang karapatan ng mga migrante, at kilalanin ang kanilang papel sa paghubog ng lipunang Estados Unidos, ay nais ituring na kriminal ang mga ilegal na migrante pati ang mga kumakanlong sa kanila. Bahagi ito ng pag-ayuda sa ‘gera laban sa terorismo’ ni Bush.

Delikado ito dahil nakita na natin ang brutalidad kung paano pakitunguan ng gobyernong Bush ang mga taong pinaghihinalaang terorista.

Hindi nakapagtataka at nagbunsod ng malawakang protesta ang kontrobersiyal na panukala. Sa pangunguna ng Justice 4 Immigrants (J4I) ay nagkaroon ng mga malalaking demonstrasyon sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos, lalo na sa California.

Bitbit ang mga plakard na may mensaheng “we are not criminals,” pati ang mga estudyante ay naging bahagi ng mga kilos protesta.

Noong  Marso 27, mahigit 100, 000 mag-aaral ang napabalitang lumiban ng kanilang mga klase sa mahigit 40 eskuwelahan sa California. Sa Los Angeles, mahigit 40,000 estudyante mula sa 26 high school ang nagwalk-out at nagmartsa papunta sa city hall.

Noong Marso 28, kahit malakas ang ulan at tangkang paghaharang ng pulis, ay nagrali ang mga mag-aaral ng Carson at Long Beach High School sa South Bay kasama ang mga Fil-Am. Mahigit tatlumpu ang inaresto.

Pati sa Dallas, Texas ay may 4,000 estudyante ang dumagsa sa kalye.

Naitala ang pinakamamalaking rali sa kasaysayan ng Los Angeles, California na ikinukumpara sa freeway sit-down strike noong Vietnam War.

Dahil sa lawak ng protesta, napilitan ang Senado na kilalanin ang sentimyento ng mga migrante at inalis na ang mga kinamumuhiang probisyon sa Sensenbrenner bill tulad ng kriminalisasyon sa mga hindi dokumentadong migrante at sa mga sumusuporta sa kanila.

Gayunpaman, malayung-malayo pa rin ito sa pinapaborang batas para sa mga migrante na magtitiyak sa legalisasyon ng pananatili sa Amerika, pagtatanggol sa karapatan ng manggagawa at pagsasama muli ng mga pamilyang matagal na nagkahiwalay dahil sa visa backlog.

Nag-iiba na ang komposisyon ng lipunang Amerika. Lalong gumuguhit ang impluwensiya, lakas at dami ng mga Amerikanong hindi puti. Hindi naman ito nakakagulat dahil isinilang, yumabong at umunlad   ang Estados Unidos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga migrante mula sa ibang lupain. Kaya dapat tanggapin na ng mga Konserbatibong puwersa sa Amerika na ang kanilang dominasyon ay may hangganan din at dapat yakapin nila nang buung-buo ang mga migranteng hindi nila kakulay.

Idagdag natin ang ating boses upang biguin ang Sensenbrenner bill. Pinapadalhan nga tayo ng mga dolyares ng ating mga pamilya pero mas malaking yaman ang kanilang naiaambag sa bansang Estados Unidos sa pamamagitan ng kanilang lakas-paggawa, dunong at kasanayan.  Hindi mga panukalang tulad ng Sensenbrenner bill ang dapat maging sukli ng gobyernong Amerika sa mga masisipag na migrante.

Ibunyag din natin ang katahimikan ng pamahalaang Gloria Arroyo sa isyung ito. Labing-isang bansa mula sa Latin Amerika ang nagpadala na ng kinatawan sa Washington upang mag-lobby ng mga reporma sa immigration law ng Amerika. Pero itong si Gloria ay sarili lang ang iniintindi kaya Cha-cha ang gustong ibenta sa mga Amerikano imbes na isulong ang interes ng mga Fil-Am.

Dapat matyagan natin ang magiging kahihinatnan ng Sensenbrenner bill dahil kung ito’y makalusot sa Kongreso ng Amerika ay maaaring gayahin ito sa Europa na may negatibong implikasyon sa ating mga kababayan doon.

Ito ang kabayaran ng pagiging pangatlo sa nangungunang bansa na nagluluwas ng tao. Ito ang kapalit ng pagiging paboritong yaya at nurse sa buong mundo.   Ito ang kongkretong patunay na dapat pabilisin na natin ang pagbabago sa pamunuan ng bansa at mga pulisiya sa ekonomiya upang wala ng Pilipinong makikipagsapalaran pa sa ibang lupain.

Si Mong ay tagapangulo ng Kabataan Sectoral Party. Pwedeng bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com

No related posts.

Nasyunalismo: Higit sa Pagiging Uso
Malalaman mong uso ang isang ideya kung ang mga taong dati’y saksakan ng yayabang sa pagsasabing hindi naman sila naniniwala roon ay maririnig mong umaawit ng mga “Hosanna” sa ngalan niyon. Tiyak ding uso ang isang ideya kung dumarami ang nagsasabing sila’y mga alagad nito kahit hindi naman nila ito mabigyan ng matinong depinisyon.

Ganito ang nangyayari ngayon sa kaso ng nasyunalismo. Wala nang higit pang makapagpapatunay na uso ito ngayon sa pangyayaring ang mga kagaya ni Virgilio Almario (na minsa’y nagsabi sa isang porum na “patay na ang nasyunalismo”) at ni Ophelia Dimalanta (na sa kanyang mga klase’y mahilig na magtangkang pabulaanan ang mga ideya ng makabansang si Renato Constantino) ay nagsasabi ngayong sila’y nananalig sa nasyunalismo.

Magandang senyales sa isang banda ang pangyayaring ang mga nagsusulong ng nasyunalismo’y hindi ngayon tinitingnan bilang mga tagapagsulong ng isang “lipas na ideolohiya.”

Datapwat ano nga ba ang nasyunalismo? Kailangan pa ring linawin ang depinisyon nito sapagkat sa panahon ng pagkauso ng mga ideyang tulad nito ay nariyan din ang higit na panganib na ang katuturan nito ay mabalasubas.

Ang terminong nasyunalismo ay nakaugat sa salitang nasyon (bansa), na ang ibig sabihi’y isang pangkat ng mga taong may iisang kasaysayan at kalinangan. Sa kasaysayan, nahasik ang mga binhi ng nasyunalismo sa mga pakikibaka sa kolonyalismo at imperyalismo — mga paglabag sa likas na karapatan ng mga bansa na magtakda ng sarili nilang paraan ng paghubog sa kanilang kapalaran.

Kung gayon, ang nasyunalismo ay ang debosyon sa at pagsusulong ng mga pangangailangan at adhikain ng bansang kinabibilangan, kasama ang karapatang magtamasa ng kasarinlan.

Maiging dumarami ang kumikilala ngayon sa halaga ng nasyunalismo sapagkat sa panahong ito nagiging pinakamatingkad ang pangangailangan dito.

Sa larangan ng ekonomiya, hindi lamang sinusundan ng Pangulong Arroyo ang mga yapak ng kanyang ama: hinigitan pa niya ito sa pagsunod sa mga patakaran ng International Monetary Fund at World Bank (IMF-WB), mga higanteng institusyong multilateral na ang namumunong bansa’y ang Estados Unidos.

Tampok sa mga patakaran ng IMF-WB sa kasalukuyan ang liberalisasyon ng ekonomiya, deregulasyon sa mga industriya, at pribatisasyon ng mahahalagang sektor ng ekonomiya.

Nakabatay sa mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon ang pagtatanggal ng mga taripa sa mga angkat na produkto at ang pagbibigay ng insentibong piskal sa mga korporasyong multinasyunal at transnasyunal. Batay sa datos mula sa IBON Foundation, P100 bilyon ang potensiyal na kitang nawawala taun-taon sa pamahalaan sanhi sa pagtatanggal ng mga taripa. Samantala, inamin ni Juanita Amatong, dating kalihim sa pananalapi, na noong 2003 lamang ay nawalan ang gobyerno ng P229.4 bilyon dahil sa kabibigay ng mga insentibong piskal sa mga higanteng korporasyon.

Ang ganito kalaking pagkawala ng salapi sa pagsunod ng Pilipinas sa mga pagtakaran ng IMF-WB, pati ang malaking pagkalagas ng pera mula sa pambansang kabang-yaman taun-taon sanhi sa katiwalian — na ayon sa tantiya ng United Nations Development Programme (UNDP) ay umaabot sa 13 porsiyento ng taunang badyet at umaabot naman sa 20-30 porsiyento ayon sa pananaliksik ng National Tax Research Center (NTRC) — ay humantong noong 2004 sa isang krisis piskal na hindi pa natin naaalpasan.

Samantala, bunga rin ng di-patas na kumpetisyon mula sa mga korporasyong multinasyunal at transnasyunal — na sapagkat lamang sa antas ng teknolohiya at sa dami ng kapital ay nakalilikha at nakapagbibili ng higit na maraming produkto sa higit na mababang halaga — ay maraming empresang local ang nagsasara, bagay na nagbubunga ng pagkawala ng mga trabaho. Batay sa mga estadistika mula sa IBON Foundation, karaniwan nang walong empresa ang nagpipinid araw-araw, at kasabay nito’y may 156 manggagawa sa bawat araw rin ang nawawalan ng hanapbuhay.

Pinatitindi pa ng mga patakaran ng IMF-WB ang ganitong uri ng kumpetisyon sa larangan ng ekonomiya.

Sa larangan ng patakarang panlabas, may ilang dekada nang nakatali ang Pilipinas sa Mutual Defense Treaty (MDT) nito sa Estados Unidos at wala namang mutual defense na nangyayari.

Noong talagang sakop pa ng Estados Unidos ang Pilipinas ay may lumitaw nang aral na dapat sana’y naging gabay nang ihapag sa atin ang MDT. Batay sa mga dokumentong nasaliksik ni Constantino para sa aklat niyang The Philippines: The Continuing Past, noong nagiging maugong ang mga balitang sasalakayin ng Hapon ang Pilipinas ay malinaw na walang balak ang Estados Unidos na ipagtanggol tayo. Sa katunayan, nilisan nga ng kalakhan ng United States Armed Forces in the Far East (USAFFE) sa pangunguna ni Hen. Douglas MacArthur ang Pilipinas, at sila’y bumalik na lamang nang nasukol na ng mga Pilipinong gerilya ang mga opisyal ng Japanese Imperial Army sa bansa.

Gayundin, sa panahon naman ng MDT, nang magkatensiyon sa Spratlys, kung saan may inaangking mga bahagi ang Pilipinas at ilan pang bansang Asyano, noong dekada 1990 dahil sa mga maniobra ng Tsina, nagpahayag ang Estados Unidos na sila’y walang obligasyong tulungan ang bansa sakaling mapalaban. Ito’y kahit umiiral ang MDT.

Ang kawalan ng Pilipinas ng tunay na kasarinlan ay sinasalungguhitan ng kaso ni “Nicole,” na pinaniniwalaang ginahasa ng isang marinong Amerikano sa tulong ng tatlong kasamahan nito sa Subic, Zambales noong Nobyembre 2005. Yaong pangyayaring ang Embahada ng Estados Unidos pa ang nagdidikta sa kalakhan ng mga pamantayan ng paghugot ng hustisya para kay “Nicole” — na nakaugat sa deka-dekada nang “natatanging ugnayan” ng Pilipinas at ng Estados Unidos — ay malinaw na indikasyon ng laki ng kasarinlang natatamasa ng Pilipinas.

Sa ganitong panahon, tunay na higit ang halaga ng nasyunalismo at napakabuting dumarami ang kumikilala rito.

Subalit lalo ring kailangan sa ngayon ang higit na paglilinaw kung ano talaga ang nasyunalismo sapagkat sa ganitong panahon malamang na maganap ang pananalaula sa katuturan nito.

No related posts.

Trahedya
Mahalaga ang tanong ni Kelvin Rodolfo sa aklat niyang “The Politics of Lahar”. Ang bulkang Pinatubo ba ay hinayaang tumubo (allowed to grow) o sadyang tumubo (made to grow)? Ilang beses na kasing inulat ng mga Ayta ang kakaibang napapansin nila sa bundok mula nang lumindol noong 1990 at sinimulan ang isang geothermal drilling sa Pinatubo pero hindi pa rin kinilala ang panganib na maaring nitong likhain.

Sumabog ang Pinatubo, bumulwak ang lahar at naging disyerto ang maraming bayan sa Gitnang Luzon. Magiging malaki pa rin kaya ang pinsala kung maagang pinansin ang mga indikasyon na sasabog na ang Pinatubo?

Ngayon ay nagigimbal tayo sa trahedyang sinapit ng mga kababayan natin sa Leyte.

Sabi ng mga environmentalist, maiiwasan sana ang maraming bilang ng mga nasawi kung may plano ang pamahalaan noon kung paano paghahandaan ang pagguho ng lupa sa St. Bernard dahil may gumuho ng lupa sa karatig na bayan nito.

Batid ng pamahalaan na isang posibilidad ang pagguho ng lupa sa St. Bernard lalo na’t ang pagdating ng La Niña sa bansa ay nangangahulugan ng malalakas na pagpatak ng ulan. Pero wala pa ring aksiyon o paghahanda. Tuloy ang ilegal na pangangahoy, tuloy ang pagmimina.

Bakit nga naman papansinin ang St. Bernard; ilan lang ba ang botante dito? Noon ay hindi rin pinansin ang silangang bahagi ng Pinatubo dahil ang matataong lugar lamang sa kanluran (sa panig ng Olongapo) ang binigyan ng prayoridad ng mga pulitiko.

Sanay na tayo sa mga kalamidad. Mahigit dalawampung bagyo taun-taon ang dumarating sa bansa at laging may panganib ng lindol o pagsabog ng bulkan. Pero bakit atrasado pa rin ang ating kasanayan at gamit upang paghandaan ang mga sakuna? Bakit daan-daan o libu-libo ang kailangang mamatay sa mga sakunang napakadali namang matukoy kung paano maiiwasan?

Kung tutuusin ay dapat tayong mga Pilipino ang may abanteng kaalaman, pananaliksik at instrumento ukol sa mga lindol, pagsabog ng bulkan at iba pang galaw sa kailaliman ng lupa.

Kaso imposible itong mangyari kung ang pamahalaan ay abala sa pagnanakaw ng pera ng bayan, pagbabayad ng utang sa banyaga at paghuhubog ng mga estudyanteng marunong magsalita ng “yes, ma’am” imbes na buhusan ng salapi ang pag-aaral at paglinang ng agham sa bansa.

Masyado tayong mayabang na nasa atin ang rekord ng pinakamaraming taong naghahalikan, pinakamalaking sisig, pinakamahabang linya ng nilutong bangus o talong at iba pang pakulo ng mga pulitiko samantalang hindi natin pinag-iisipan ang pagpapaunlad ng kasanayan kung paano magliligtas ng maraming buhay.

Oo na, lahi na tayo ng magagaling na boksingero at magagandang dilag pero pwede ba pagtuunan din natin ng pansin ang pagpapakahusay kung paano tayo aangkop sa mga baha, lindol, bagyo, pagguho ng lupa, atbp? Kahiya-hiya na sikat na arkipelago ang Pilipinas pero maraming barkong lumulubog dito. Kahiya-hiya na hinahayaan natin ang mga dayuhan na nakawin ang ating yamang mineral dahil wala tayong alam kung paano gagamitin ang ating likas na yaman sa pag-unlad.

Pwedeng sisihin si Gloria Arroyo kung bakit maraming namamatay sa sunud-sunod na trahedyang dumarating sa bansa. Sa kabila ng nangyari sa Aurora at Quezon noong 2004, tuloy pa rin ang pangangahoy. Sa kabila ng nangyari sa Marinduque at Rapu-Rapu, bukas pa rin ang bansa sa pagmimina.

At tulad ni George W. Bush na nalantad ang pagwaldas ng pera ng Amerika sa gera sa Iraq nang walang sapat na tulong na ibinigay sa mga nasalanta ng ipo-ipong Katrina, malalantad din ang mga hungkag na pulisiya ni Arroyo sa pananalapi, kalikasan at ekonomiya.

Si Mong Palatino ay pwedeng sulatan sa mongpalatino@gmail.com. Bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com.

No related posts.

Ang Trahedya ng Computer sa Kanto
Inaatake ngayon ang mga Internet cafe sa bansa. Sa panghihimok ng Microsoft, sinimulan noong Agosto ng National Bureau of Investigation ang pananalakay sa mga maliliit na computer shop dahil sa paggamit ng piniratang software. Sa Kongreso naman ay may panukalang ipagbawal malapit sa mga paaralan ang mga Internet/gaming station.

Tulad ng texting, pambihira rin ang paglobo ng mga manlalaro ng online game sa bansa. Ito ang sumalba sa pabagsak na kita ng mga Internet shop noong 2003. Biglang nahumaling ang mga kabataan sa Ragnarok, Tantra at iba pang laro sa Internet. Kung kaya’t hindi lang doble kundi triple ang pagsulputan ng mga computer shop.

Ngayon, humigit kumulang walong libo ang mga Internet station sa bansa. Inaasahan na lalaki pa ang bilang na ito sa pagdebelop ng MMOG o massive multiplayer online gaming.

Tapos eto ngayon ang Microsoft at ang gobyerno. Nagbabanta, naniningil at pumapatay ng negosyo.

Mabilis ang reaksiyon ng mga maliliit at kabataang negosyante. Nagbuo sila ng mga organisasyon sa bawat kanto, hanggang umabot sa lebel ng munisipyo, probinsiya at ngayo’y may pambansa ng katangian.

Ito ang pinakamainam nilang hakbang kung nais nilang isulong ang kanilang interes at makakuha ng mas magandang kasunduan sa PLDT, Level up (kumpanya ng Ragnarok), gobyerno at maging sa Microsoft.

Dapat ibunyag nila ang kahungkagan ng pulisiya ng pamahalaan: iniipit ang mga computer shop upang kumita ang isang banyagang korporasyon samantalang wala naman itong ginagawa para pangalagaan ang kapakanan ng mga maliliit na negosyante. Wala man lang inilaang programa o pautang kung paano makakalikom ng pera ang mga computer shop upang mabayaran ang Microsoft (sampung libo kada isang computer).

Ang mga drayber ay pwedeng dumulog sa Land Transportation Office, may Movie and

Television Review and Classification Board ang telebisyon at pelikula, at National Telecommunications Commission ang mga cellphone. Pero paano ang mga computer shop? Walang nag-aasikaso sa kanilang problema dahil ang pokus ng pamahalaan ay kung paano sila tutugisin.

Kailangang kilalanin ang tulong at potensiyal ng mga Internet café sa pag-unlad ng bansa. Bukod sa ambag sa ekonomiya, malaki ding kabutihan ang naibibigay nito sa larangan ng edukasyon at komunikasyon. Hindi rin pwedeng ikaila ang papel nito sa digital revolution na bumabago sa pamumuhay, gawi, at kaisipan ng maraming Pilipino.

Masama raw ang Internet café sa pag-aaral ng mga bata kaya kailangang ipagbawal ito. Para sa isang bansang kilala sa mga depektibong libro at kulang-kulang na pasilidad, dapat mag-eksperimento kung paano pauunlarin ang paghahatid ng edukasyon. Imbes na ituring na hadlang sa karunungan ang mga computer shop, dapat kilalanin ito bilang kaagapay sa pagdebelop ng edukasyon sa bansa.

Pwede naman kausapin ang mga computer shop na ipagbawal ang paglalaro ng mga estudyante sa oras ng pasukan. Dahil kulang ang computer sa loob ng eskuwelahan, pwede naman sigurong ipagamit ng mga computer shop ang kanilang pasilidad sa unang dalawa o tatlong oras sa umaga ng libre para sa mga estudyante. At dapat magbalangkas ng plano ang mga guro kung paano isasama ang computer game sa kurikulum upang maging kapaki-pakinabang ang paglalaro ng mga estudyante. Ito ay ginagawa sa United Kingdom.

Sa tuwing may ipinapasarang computer shop sa komunidad, maaaring lumaki ang tubo ng Microsoft at komisyon ng National Bureau of Investigation. Pero bumabagal naman ang pag-usad ng edukasyon, komunikasyon at ekonomiya ng bansa. Ito ang mas malaking trahedya kaysa sa nalabag na intellectual copyright o ano pa mang batas na sumasakop sa mga Internet café.

Pwedeng sulatan si Mong Palatino sa mongpalatino@gmail.com o bisitahin ang kanyang blog (www.mongpalatino.motime.com) .

No related posts.

Game Over
Marami sa atin ang lumaki sa harap ng Atari, Nintendo, Sega, family computer, Dance Revo at Playstation. Bitbit natin sa labas ang ating Gameboy, game and watch, game gear, portable playstation at ngayon mga cellphone game. Kinahiligan natin ang basketball, bowling, billiards, volleyball at badminton. Tumambay tayo sa mall dahil sa Street Fighter at sa mga PC shop dahil sa Counterstrike. Ako man ay nabaliw sa pagpapalawak ng aking SIM City.

Alam nating kapag sobra na ang paglalaro, dapat nang magpahinga. Dapat tapusin na ang laro. Hindi na makakabuti sa mata, katawan at bulsa ang labis na paglalaro.

Kapag lumabas na sa screen ang ‘game over’, hudyat na yun na dapat magsimula ulit o kaya’y pagbigyan ang iba na makapaglaro. Kapag ubos na ang oras sa basketball, tanggap ng lahat na tapos na ang laro. Kailangang igalang ito ng dalawang koponan at ng nanonood.

Sa mga video arcade, galit tayo sa mga suwapang lalo na kapag mahaba ang pila at ayaw umalis ng manlalaro sa kanyang kinauupuan. Gusto nating batukan yung mga taong pinipindot ang reset button dahil alam nilang malapit nang mag-game over ang kanilang laro. Katakut-takot na hiyaw ang aabutin natin sa mga nakakatanda sa bahay kapag inaabot tayo ng madaling araw sa paglalaro sa computer. Pinuputol natin ang laro kapag may madaya tayong katunggali.

Hindi man tumpak na tumpak, pero siguro naman ay may bahid ng katotohanan kapag sabihin nating hinubog din tayo ng mga batas ng paglalaro mula sa ating pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

Kaya siguro marami ang naiinis kay Gloria Macapagal-Arroyo. Ayaw na sa kanya ng tao pero pinipilit niyang manatili sa Malakanyang. Matagal na dapat siyang huminto sa pagkukunwari bilang Presidente pero aroganteng isinisiksik ang sarili sa poder ng kapangyarihan. Ayaw pa naman natin ng suwapang, mandaraya at hindi patas kung lumaban.

Pagkatapos ibasura ang impeachment sa Konggreso, inilunsad natin ang kampanyang ‘Game Over’ sa mga eskuwelahan. Nais nating ipaintindi sa mga kabataan kung anong klaseng modelo si Gng. Arroyo bilang lider ng bansa. Dapat sabay-sabay nating igiit na ‘game over’ na ang kanyang pamumuno. Kailangang tuldukan ang isang gobyernong mapanlinlang, tuso at ganid sa pera at kapangyarihan.

Natuwa tayo sa “Hello Garci” ringtone, white ribbon, (im)peach ribbon, at mga not-for-sale pin. Ngayon naman ay gusto nating ikalat ang mga ‘game over’ icon sa mga kampus. Pwede natin itong ilagay sa mga ID, notebook, libro at iba pang gamit ng mga estudyante. Pwede rin itong isuot sa mga laro ng UAAP, NCAA at maging sa SEA Games.

Tapos na ang panahon ng panonood lamang sa mandarayang manlalaro tulad ni Gloria. Hindi siya bibitiw nang kusa. Huwag nating pagbigyan ang kanyang pakiusap na isa pang bagong laro. Nakakainsulto itong hiling na overtime na laro ni Gloria pagkatapos niya tayong lokohin. Hindi sasapat ang reset button. Dapat i-unplug ang kanyang computer, palayasin sa puwesto at huwag nang paglaruin ulit.

Simple lang ang ating mensahe: Gloria, game over na.

No related posts.