Tinig.com » Alipato

Ang Pagbabago at sina Mr. Shooli at ‘Kuhol’
Tila baligtad na ang ihip ng hangin para sa aktor na si Jun Urbano, na kilala ng lahat bilang ang tauhang si Mr. Shooli ng palabas noon sa telebisyon na Mongolian Barbecue. Makikita ito sa isang bagong patalastas na pinagbibidahan nila ni “Kuhol,” tauhan din sa Mongolian Barbecue.

Pagbabago ang paksa sa naturang patalastas, ngunit tinatalakay ito mula sa isang pananaw na mahirap asahang siyang pagbabatayan ni Urbano, batay sa naging takbo ng kanyang karera.

Habang nagsasalita si Mr. Shooli kasama si “Kuhol” sa isang tabi, may nagaganap na rali sa likod nila. Mababanaag sa hanay ng mga raliyista ang mga bandila ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at League of Filipino Students (LFS).

Binabatikos ni Mr. Shooli sa naturang patalastas ang diumano’y pagkahilig ng mga Pilipinong magsagawa ng mga rali at maging kudeta sa tuwing may mga panawagan para sa pagbabago. Nagkaroon na raw ng People Power I at People Power II at ilang kudeta at tangkang kudeta, ngunit wala naman daw nagbago.

Mula rito’y sinasabi ni Urbano na ang pagbabago’y “nasa sarili.” Ang negosyante raw ay dapat na magbayad ng tamang buwis, ang botante’y dapat na huwag magbili ng kanyang boto, ang tsuper ay dapat sumunod sa batas trapiko, at ang opisyal ng gobyerno’y dapat na maglingkod sa taumbayan at huwag sa sarili.

Unang-una, tila nalilingid sa kaalaman ni Urbano na ang mga problema ng Pilipinas ay lampas pa sa mga penomenon ng negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis, ng botanteng nagbibili ng boto, ng tsuper na lumalabag sa batas trapiko, at ng makasariling opisyal ng gobyerno. Kahit noong mga unang taon ng pagsasarili ng Pilipinas sa pamamahala, hindi nauubusan ang mga samahang sibiko ng mga ideya para sa mga patalastas na may temang kagaya ng sa ngayo’y pinagbibidahan ni Urbano, ngunit nananatili ang mga problema ng lipunang Pilipinong kanyang tinukoy at sa katunaya’y palala nang palala. Nagpakitang-tao na rin tungkol sa paksang ito ang ilang rehimen, lalo na ang kina Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, at Fidel Ramos, ngunit wala ring nangyaring “moral na paghilom” na gaya ng “ipinanawagan” ni Ramos.

Dito lumilitaw na ang pagbabago’y hindi kailanman maiaasa sa pagdating ng pagkakataong lahat na ng mamamayan ay kusang nakaisip, sa pansariling antas, na magbago. Sa wika nga ni Obispo Elmer Bolocon ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP), na nakapanayam namin kamakailan, “Kahit ano’ng pagpapakabuti mo, babarahin ka ng sistema.” Ang mga problemang tinutukoy ni Urbano sa patalastas nila ni “Kuhol” ay paulit-ulit sapagkat may sistemang sosyo-ekonomiko at pulitikal na nagluluwal at nang-uupat ng mga ito. Sistemiko ang suliranin kaya’t upang makamit ang pagbabago, kinakailangan ang sistematiko ring pagkilos ng nagkakaisang malawak na hanay ng taumbayan — kabilang na ang mga makabayang elemento ng militar.

Totoong wala pang nangyayaring pangkalahatang pagbabago matapos ang People Power I at II at ilang kudeta at tangkang kudeta.

Ngunit ang mga pag-aalsang-bayang gaya ng People Power I at II ay nakapagdudulot ng kagyat na tugon sa ilan sa pinakamabigat na suliraning kinakaharap ng mga mamamayan. Napatalsik ng People Power I si Marcos at nasaksihan ang isang antas ng pagbabalik ng espasyong demokratikong tinanggal ng kanyang diktadura. Napatalsik ng People Power II si Joseph Estrada at naputol ang talamak na katiwaliang nanalasa sa kanyang pamahalaan.

Kung muli mang kumikipot ang espasyong demokratiko at kung kinukubabawan man tayo ngayon ng higit na katiwalian, ito’y hindi argumento laban sa People Power I at II kundi patunay na mahaba pa ang kailangang lakbayin — bukod pa sa ito’y paghatol sa ating “pambansang pagkamalilimutin,” sa wika nga ng ating patnugot na si Ederic Eder, at sa ating madalas na pagkasabik na limutin at patawarin maging ang di-dapat limutin at patawarin.

Ang kudeta naman ay isang anyo ng pagkilos ng mga sundalo na, sa karaniwang mga pagkakataon, ay di dapat na ihikayat. Ngunit may mga pagkakataong ito lamang ang nakikitang paraan ng ilang sundalo upang ipahayag ang lehitimong mga hinaing laban sa nakataas na pamunuan ng militar — lalo na ng mga kagaya ni Antonio Trillanes IV, dating tinyente ng Hukbong Dagat, na makailang nagtangkang makipagdiyalogo kay Gng. Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa katiwalian sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ngunit di pinaunlakan ni minsan at bagkus ay makailan pang ipinabilanggo.

Sa dakong dulo ng patalastas, ipinakikita si “Kuhol” na may dalang P500 — bayad daw para sa pagsama sa rali. Magpapasya si Mr. Shooli na sumama sa rali.

Ang tagpong ito’y isang insulto sa mga organisasyong kagaya ng KMU at LFS, na malaki-laki na ang naiambag sa kasaysayan ng nagdaang mahigit sa 30 taon. Anuman ang siguro’y maaaring ipuna sa mga organisasyong ito sa nakalipas na ilang taon, hindi kabilang sa maaaring iparatang sa kanila ang panunuhol sa mga tao upang mapalaki lamang ang kanilang mga mobilisasyon: kahit ang mga pinakapanatikong makagobyerno at pinakapusakal na upahan sa hanay ng pabatirang-madla ay hindi makapagparatang nang ganito sa kanila, di tulad nang sa kaso ng ilang grupong binuo ng mga pulitikong pulpol na nagpapanggap na makabayan ay mga talipandas din naman.

Nag-iba na yata ang ihip ng hangin, G. Urbano. Ano ang nangyari?

Dalaw
Nitong Abril 6, ako at ang dalawa pang kaibigan ay nagtungo sa Calamba upang dalawin sa piitan sa Camp Vicente Lim ng Philippine National Police (PNP) ang tinaguriang “Tagaytay 5″ — sina Axel Pinpin, Riel Custodio, Aristides Sarmiento, Enrico Ybanez, at Michael Masayes — na magdadalawang taon nang nakakulong doon matapos na dukutin ng magkasamang mga pangkat ng PNP at Philippine Navy noong Abril 28, 2006 sa Tagaytay.

Nang silang lima’y dukutin, sina Pinpin, Custodio at Sarmiento’y galing sa isang pakikipagpulong sa mga magsasaka at papuntang Maynila upang dumalo sana sa gaganaping pagkilos para sa Araw ng Paggawa; nagmamaneho para sa kanila si Ybanez, na sinamahan ng kapitbahay na si Masayes. Anupa’t dinukot nga sila, at ilang araw na pinaghahanap ng mga kamag-anak at kaibigan, at tatlng araw matapos ang pagdukot ay iniharap sila ng pulisya sa pabatirang-madla — bilang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na kasabwat ng mga rebeldeng sundalo sa isang planong “destabilisasyon” laban sa rehimeng Arroyo!

Dati-rati’y walang pinapayagang bumisita sa kanila tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal maliban sa kanilang mga abugado, asawa’t anak, at kapatid. Ito, ayon sa mga mapagkakatiwalaang impormante sa Camp Vicente Lim, ay ayon sa kautusan ng hepe ng Base Police na si S/Insp. Patricio Baludong Corcha.

Ngunit nitong Abril 6, panatag kaming makapapasok sa may piitan at makakakuwentuhan nang mahaba ang mga kaibigang nakapiit — lalo na si Pinpin, na bago mabilanggo’y makailan naming nakatrabaho sa mga proyektong pansining at pampanitikan at kailanman naming madalaw ay sabik sa mga balita mula sa sirkulo ng mga artista’t manunulat. Ito’y sapagkat noong nakaraang Disyembre’y pinahintulutan na ang mga dalaw ng iba pang mga kamag-anak at ng mga kaibigan tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal.

Anong laking gulat namin nang pumasok kami sa kampo at malamang hindi kami maaaring dumalaw sapagkat Linggo! Subalit matapos ang isang oras na pakikipagnegosasyon at, salamat sa isang kabataan pang opisyal (na kaipala’y hindi ko dapat banggitin ang pangalan upang huwag malagay sa alanganin ang kanyang trabaho), ay pinapasok din kami at nakakuwentuhan namin nang may isa’t kalahating oras ang mga kaibigang nakakulong.

Ang pagpapahintulot sa mga dalaw ng ihigit na malalayong kamag-anak at ng mga kibigan tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal ay kabilang sa mga kahingiang inihapag nila noong dakong dulo ng 2007 sa isang pakikipagdiyalogo sa noo’y bagong-upong Panrehiyong Direktor ng PNP-Calabarzon na si C/Supt. Ricardo Padilla. Batay sa kuwento ng aming mga impormante sa Camp Vicente Lim, nang ihapag nila ang kahingiang ito ay ipinatawag ni Padilla si Baludong at pinatikim ito ng umaatikabong pagsabon.

Inilathala pa sa Philippine Daily Inquirer ang tungkol sa pagkakamit ng “Tagaytay 5″ ng ilan sa mga hinihingi kay Padilla — kabilang na nga ang pagpapahintulot sa mga dalaw ng higit na malalayong kamag-anak at ng mga kaibigan tuwing Sabado, Linggo, at pista opisyal.

Ngunit batay sa nangyari nitong Abril 6, ibinalik na ang dating mga restriksiyon sa mga dalaw tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal — sa kautusan daw ng hepe ng Base Police na si S/Insp. Patricio Baludong Corcha, na diumano’y paretiro na sa darating na Abril 28.

Napakadali ang Magsabing ‘Maghintay’ Kung…
Ngayong bumubulwak na muli ang mga panawagan para sa pagbabago sa pambansang liderato, kasunod ng mga pagbubunyag ni Rodolfo “Jun” Lozada hinggil sa mga anumalya sa kontratang National Broadband Network (NBN) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ZTE Corp. ng Tsina, pati na sa ibang proyektong pinasukan ng pamahalaan gaya ng NorthRail at SouthRail, umeeksena rin ang ilang henyo’t nagsasabing dapat ay hintayin na lamang ng mga puwersang anti-administrasyon ang 2010 para sa pagkakataong mapalitan si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo — na diumano’y Pangulo ng Pilipinas.

Sa 2010 ang susunod na halalang pampanguluhan ng Pilipinas. Sapagkat diumano’y nakapagwagi na sa halalang pampanguluhan, ayon sa Saligang Batas ay hindi na maaaring maihalalal “na muli” si Arroyo — na ang kahina-hinalang “tagumpay” sa halalan ng 2004 ay ipinagbunyi ng gobyerno ng Estados Unidos — bilang Pangulo.

Ngunit may halos dalawang taon pa hanggang sa 2010, at sa halos dalawang taon ay napakaraming maaaring mangyari. Sa loob ng halos dalawang taon ay marami pang maanumalyang proyekto ang maaaring pasukin ng pamahalaan, malaki pa ang maaaring ilawak ng agwat ng halaga ng pamumuhay at ng kabuhayan ng nakararaming mamamayan,  at marami pang paglabag sa karapatang pantao ang maaaring isagawa.

Pinatalsik si Joseph “Erap” Estrada noong 2001 sa isang pambansang pag-aaklas na sa kalakha’y laban sa katiwalian, upang pagkatapos ay palitan ni Arroyong ang panunungkula’y kinatampukan ng lalo’t lalong katiwalian — mula sa anumalya sa pagpapagawa ng President Diosdado Macapagal Avenue hanggang sa kagila-gilalas na mga kickback sa kontratang NBN. Sa ilalim ng rehimeng Arroyo nasaksihan ang mga antas ng kagutuman at karalitaan sa bansa na hindi nakita sa loob ng mahabang panahon, batay sa lahat ng kapani-paniwalang panlipunang sarbey (IBON Foundation, Social Weather Station, at Pulse Asia). Ang rehimeng ito’y nakapagtala rin ng mga paglabag sa karapatang pantao — mula sa mga ekstrahudisyal na pamamaslang at sapilitang pagkawala hanggang sa mga pagbibibilanggong pulitikal, mula sa marahas na pagtugon sa mga kilos-protesta hanggang sa pagbubusal sa pabatirang-madla — na ang dami’y hindi kayang pantayan ng alinmang rehimen, marahil, sa kasaysayan ng Pilipinas maliban sa kay Ferdinand Marcos (na malapit-lapit na nga nitong maungusan).

Napakadali ang magsabing “maghintay” para sa mga taong hindi nagtitiis na magpainiksiyon sa mga nars at duktor na gumagamit ng hiringgilyang naninilaw; o magklase sa damuhan, sa ilalim ng init ng araw, sapagkat ang salapi ng taumbayan na dapat sana’y inilalaan sa mga serbisyong panlipunan ay ipinapasok sa maanumalyang mga proyektong ang nakikinabang lamang ay iilang salanggapang na opisyal ng pamahalaan gaya ng mga Benjamin Abalos, at mga kamag-anak ng mga nasa kapangyarihan tulad ng mga Mike Arroyo.

Napakadali ang magsabing “maghintay” para sa mga taong nagtatampisaw sa salapi kahit na hindi igalaw ang mga daliri at hindi nagkakangkukuba sa pagtatrabaho sa mga pabrika’t opisina upang pagkatapos ng isang buong araw ng pagpapatulo ng pawis ay mag-uwi ng sahod na maaaring kitain sa loob lamang ng isang oras sa ibang bansa, o sa paggawa sa bukid upang pagkatapos ng bawat anihan ay maipagbili ang palay sa halagang kulang na pang-isang buwan ngunit kailangang papagkasyahin sa tatlong buwan.

Napakadali ang magsabing “maghintay” para sa mga taong walang kamag-anak, kaibigan o kakilala man lamang na kabilang sa mahigit na 900 na ngayong biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang at mahigit sa 180 biktima ng sapilitang pagkawala, o sa mahigit sa 200 bilanggong pulitikal — batay sa pinakahuling mga tala ng Karapatan — na kaya humantong sa gayon ay sapagkat nangahas na ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod, ang karapatan ng mga magsasaka na pakinabangang lubos ang mga bunga ng lupang sinasaka, at ang karapatan ng mga mamamayan sa mga serbisyong tulad ng kalusugan at edukasyon — mga karapatang dapat ay tinatamasa ng lahat sa alinmang bansang tulad ng Pilipinas na namamaraling siya’y isang demokrasya.

Dahil sa ang alinmang pamahalaan ay lubhang nakapangyayari sa kalakhan ng buhay ng mga mamamayan, ang pag-iral nito ay dapat na nakabatay sa kapakanan ng tanang nasasakupan. Kung hindi ganito ang batayan ng pag-iral ng isang pamahalaan, karapatan ng mga mamamayan ang ito’y lansagin.

At sapagkat karapatan ito ng mga mamamayan, hindi nila kailangang maghintay ng pagkakataong gawin ito, kundi karapatan nilang likhain ang ganitong pagkakataon.

Hintayin ang 2010? Hayaan ang mga hunghang at hangal na maghintay kung siya nilang ibig.

Debosyon at Aktibismo
Ang naganap kahapon na Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila ay isang naghuhumiyaw na tanda ng ating panahon. At marami itong inihihiyaw.

Batay sa isang ulat ng Philippine Daily Inquirer, umabot sa 2.6 milyong Katolikong deboto ang lumahok sa pagdiriwang ng pistang nasabi. Ayon sa pamunuan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas, ito ang pinakamalaking paglahok sa Pista ng Itim na Nazareno sa loob ng nakaraang ilang taon. Ang marawal na kalagayan ng bansa sa kasalukuyan ang itinuturo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dahilan ng pagbulwak ng bilang ng mga kalahok sa Pista ng Itim na Nazareno.

Sa isang artikulo sa website ng Arsobispadong Romano Katoliko ng Maynila, sinasabing ang imahe ng Nazareno na ngayo’y nasa Simbahan ng Quiapo ay dinala sa Maynila ng isang paring Kastila noong 1607. Nasunog daw ang barkong pinaglululanan ng imahe at nadamay ito. Bagama’t nasunog, ang nasabing imahe’y inaruga pa rin ng mga mamamayan. Mula noon, ayon sa mga kuwento, naghihimala na ang imahe para sa sinumang sumaling dito.

Ito na rin marahil ang pinagsimulan ng mahabang tradisyon na ng pamamanata ng mga debotong Katoliko sa nasabing imahe ni Kristo, na isang mamamayan ng Nazaret.

Sa isang panahon kung kailan malimit na pahirapan ang makapagpalahok ng kahit 2,000 sa mga kilos-protesta gayong kadalasa’y 5,000 o mahigit pa ang hinahangad na pakilusin ng mga organisador — kahit na walang kapantay sa kasaysayan ang kawalang-pakundangan ng katiwalian habang pinapasan ng mga mamamayan ang matinding bigat ng buwis, at patuloy ang pangangayupapa ng panahalaan sa mga dayuhang patakarang pang-ekonomiyang tuluy-tuloy na nagpapahirap sa kalakhan ng populasyon at maging sa papalaking bahagi ng gitnang uri) — ang isang kapistahang kagaya ng sa Poong Nazareno ng Quiapo ay nakapagpapalahok ng may 2.6 milyong tao.

Sa mga panahong sunud-sunod ang kagipitang kanilang hinaharap at madali nilang akalaing wala sa kanilang mga kamay ang kaligtasan, ang mga tao’y madadaling kumapit sa ipinalalagay na posibilidad ng mga himala kagaya ng diumano’y nagmumula sa Itim na Nazareno.

Ang Pista ng Itim na Nazareno’y itinuturing na siyang pinakamalaking pagtitipon ng mga Katoliko sa Pilipinas taun-taon, at ang laki ng pagtitipon kahapo’y walang kapantay sa nagdaang ilang taon.

Idiniriin ng ganitong panahon ang hamon sa mga progresibong nasa hanay ng taong-simbahan na palawakin nang husto ang pag-oorganisa sa Simbahang Katoliko — na mula sa panahon ng mga Kastila magpahanggang ngayo’y nananatiling siyang pinakamaimpluwensiyang simbahan sa Pilipinas, at ngayo’y may impluwensiya sa tinatayang 85 porsiyento ng ating populasyong nasa 89 milyon na.

Sa lalong malawak na saklaw, ipinakikita ng naganap na pagtitipon ng mga deboto kahapon sa Quiapo ang isang hamon sa mga nasa kilusan sa pagbabago na papag-ibayuhin ang pagsisikap na makapagbigay ng pag-asa sa nakararaming mamamayan — sa panahong tila kaydaling maubusan ng pag-asa.

Nasaan Na si Daniel Smith?
Halos walong buwan mula nang siya’y malipat sa kustodiya ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas mula sa pagkakapiit sa Makati City Jail — nasaan na si L/Cpl. Daniel Smith?

Matatandaang si Smith ay isa sa apat na sundalong Amerikanong inihabla dahil sa panggagahasa sa isang Pilipina sa Subic, Zambales noong Nobyembre 1, 2005. Ang tatlo pa’y sina L/Cpl. Keith Silkwood, L/Cpl. Dominic Duplantis, at S/Sgt. Chad Carpentier. Nahatulang maysala si Smith, samantalang napawalang-sala naman ang tatlo pa.

Ipinag-utos ni Hukom Benjamin Pozon ang pagpipiit kay Smith sa Makati City Jail, at ilang araw mula sa pagbababa ng hatol ay halos araw-araw kung subaybayan ng pabatirang-madla ang kanyang mga aktibidad doon kahit na hindi siya nagpapaunlak ng panayam.

Ang pagkakabilanggo kay Smith ay naganap sa ilalim ng pag-iral ng Visiting Forces Agreement (VFA), isang diumano’y kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na nagbibigay ng mga “karapatang” ekstrateritoryal at ekstrahudisyal sa mga sundalong Amerikanong naparito para sa mga military exercise.

Sa ilalim ng VFA, kapag ang Estados Unidos ay “humiling” ng hurisdiksiyong kriminal sa isang sundalong Amerikano, ang Pilipinas ay may obligasyong paunlakan ang “kahilingan.” Maaaring ipasya ng Pilipinas na ang usaping kinasasangkutan ng naturang sundalong Amerikano’y may partikular na kahalagahan sa Pilipinas, subalit walang obligasyon ang Estados Unidos sa ilalim ng VFA na kilalanin ang ganitong deklarasyon.

Ginamit ng Estados Unidos ang mga butas na ito ng VFA upang hilingin ang paglipat kay Smith tungo sa kustodiya ng Embahada. At noong Disyembre 30, 2006 ay nalaman na lamang ng buong bayan na noon palang gabi bago ang nasabing petsa’y inilipat si Smith sa kustodiya ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Halos walong buwan mula sa kanyang pagkakalipat, wala na tayong mabalitaan tungkol kay Smith. Nasaan na siya?

Hindi ba’t ang kaso niya’y iniaapila pa? Bakit wala tayong nababalitaan tungkol sa takbo ng pag-aapila sa kanyang kaso?

Iginaya na ba si Smith sa ilampung sundalong Amerikanong nauna nang gumawa ng kasalarinan sa Pilipinas — na patagong hinayaan na lamang na tumalilis pabalik sa Estados Unidos?

Ngunit hindi lang si Smith ang dapat nating itanong kung nasaan na.

Nasaan na ang mga nasa pabatirang-madla, na nasa katayuang magtanong kung kumusta na ang kaso ni Smith?

Nasaan na ang kung sinu-sinong kaygagaling pumorma’t magpalitrato sa diyaryo at magpakuha sa telebisyon nang nag-uumpisa pa lamang ang usapin?

Nasaan na, higit sa lahat, ang publiko — na dapat ay manginig sa poot dahil sa paglapastangang ito sa soberanya’t dignidad ng Pilipinas?

Si GMA at ang Semantika ng Kagutuman
Gaano kalala ang suliranin ng kagutuman sa Pilipinas? Maliit na bagay lamang, kung tatanungin ang diumano’y Pangulong Glorria Macapagal-Arroyo.

Batay sa panlipunang sarbey ng Social Weather Station (SWS) para sa unang sikapat ng 2007, may 19 porsiyento ng mga tumugon ang nagsabing sila’y nakaranas ng kagutuman. Ganito rin ang dami ng mga tumugon sa panlipunang sarbey ng SWS din para naman sa huling sikapat ng 2006 na nagsabing sila’y dumanas ng kagutuman. Ito ang pinakamalawak na kagutumang naitala sa buong bansa mula nang magsimulang magsarbey ukol sa kagutuman ang SWS noong 1998.

Gayundin, may 12 sikapat nang tuluy-tuloy na nasa 10 porsiyento pataas ang lawak ng kagutumang naitatala ng mga sarbey ng SWS.

Dalawang uri ng kagutuman ang pinagbatayan ng SWS sa sarbey nito: ang matinding kagutuman, na ang ibig sabihi’y “madalas o palaging” nakararanas ng gutom at walang makain ang tumutugon; at ang di-gaanong matinding kagutuman, na ang ibig sabihi’y “minsan o mga ilang beses” lamang nakaranas ng gutom at walang makain ang tumutugon. Upang mabatid ito, ang tanong sa mga tumutugon ay:

“Nitong nakaraang 3 buwan, nangyari po ba na ang inyong pamilya ay nakaranas ng gutom at walang makain? KUNG OO: Nangyari po ba ‘yan (nang) MINSAN LAMANG, MGA ILANG BESES, MADALAS, O PALAGI?”

Mantakin ninyong sabihin ni Arroyo na maging siya’y nakaranas ng gutom nitong nakaraang tatlong buwan – siya na may suweldong P40,000 bilang diumano’y pangulo at ang asawa’t mga anak ay may kani-kanyang hanapbuhay at ang buong pamilya’y may iba pang kayamanan (huwag na munang pag-usapan kung saan nakuha). Paano raw nangyari ito? Aniya:

“Kasi ‘yon naman ang question ng hunger, e, ‘Did you miss one meal in the last three months?’ E pati naman ako, I have missed one meal in the last three months.”

Unang-una’y malinaw na hindi ganoon ang tanong ng SWS. Kung isasalin sa Ingles ang tanong na ginagamit sa sarbey ng SWS, ganito ang kalalabasan:

“Was there any time during the last three months that your family experienced hunger and had nothing to eat? IF YES: Did it happen ONCE, A FEW TIMES, OFTEN, or ALWAYS?”

Ikalawa ngunit higit pa, maliwanag na may pambabaluktot sa sagot ni Arroyo. Kagaya ng ipinaliliwanag sa press release ng SWS ukol sa nasabing sarbey, ang sinasabi nilang kagutuman ay “di-kusa” (involuntary, sa wikang Ingles). Hindi itinatanong ng SWS kung ang tumutugon ba’y may panahong kumain nang kulang sa tatlong beses sa isang araw, kahit na may pagkakataong kumain nang sapat, nitong nakaraang tatlong buwan: ang itinatanong ng SWS ay kung ang tumutugon ba’y may panahong hindi makakain nang tatlong beses sa isang araw, nitong nakaraang tatlong buwan. Ito ang lohika sa likod ng paggamit ng pariralang “walang makain” – ibig sabihin, may panahong gustuhin man nilang kumain nang tatlong beses sa isang araw ay hindi nila magawa sapagkat kulang sa pambili o walang pambili ng sapat na pagkain.

Papagsamahin natin ang dalawang punto laban sa sagot ni Arroyo sa kinalabasan ng sarbey ng SWS, at makikita nating mambabaluktot na lang siya ng semantika’y hindi pa nagawa nang mahusay-husay. Magsasabing pati naman siya’y “nagutom” nitong nakaraang tatlong buwan – isang litaw na tangkang kuwestiyunin ang kredibilidad ng mga estadistikang natipon ng SWS, sa layong mapalitaw na ang kagutuman sa bansa ngayo’y hindi kasinlawak ng nakikita sa mga resulta ng sarbey – bago’y ni hindi pala niya naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng gutom, at maging yaong kasimple-simpleng Pilipino na nga sa tanong ng SWS ay hindi pa rin naunawaan.

Bakit gayon na lamang ang pagpupumilit niyang baluktutin ang katotohanang inilalarawan ng mga estadistika ng SWS? Bakit gayon na lamang ang pagpupumilit niyang palitawing maliit na bagay lamang ang kagutuman sa ating bansa sa kasalukuyan?

Kagaya ng nauna nang mabanggit, may 12 sikapat nang tuluy-tuloy na nasa 10 porsiyento pataas ang lawak ng kagutuman sa bansa. Una itong umabot sa lawak na 10 porsiyento pataas noong 2004 – ang taong diumano’y nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo.

Magbuhat noo’y walang pagbaba ang lawak ng kagutuman sa bansa batay sa mga sarbey ng SWS, at ngayon nga’y dalawang sikapat nang nasa 19 porsiyento ito.

Maliwanag na walang ginawa ang rehimeng Arroyo upang mabawasan ang kagutuman ng ating mga kababayan, gayong may kapangyarihan itong magsagawa ng mga karampatang hakbang.

Ito ang katotohanang ibig ikubli ni Arroyo – kaya gayon na lamang ang pagpupumilit niyang baluktutin ang semantika ng kagutuman, kuwestiyunin ang kredibilidad ng mga estadistika ng SWS at palitawing ang kagutuman sa bansa’y maliit na bagay lamang.

Sa Pilipinas Lang Yata
Dito lang yata sa Pilipinas maaaring mangyaring kapag ang isang mamamayan ng bansa ay ginahasa ng ilang sundalong Amerikano ay ang mga opisyal pa ng pamahalaan ang kauna-unahang magbubuhos ng asin sa kanyang sugat.

Nakita natin ito sa kaso ng dalagang tinatawag ngayon ng “Nicole,” na ginahasa ng ilang sundalong Amerikano noong Nobyembre 1, 2005 sa Subic, Zambales. Sa usaping ito’y walang kahiya-hiyang ipinamalas ng matataas na opisyal ng ating pamahalaan ang pagiging “gulugod-dikya,” sa wika nga ng manunulat na si Rogelio L. Ordoñez, sa harap ni Tiyo Samuel.

Mula nang pumutok ang balita hinggil sa panggagahasa kay “Nicole” walang isang linggo matapos ang insidente hanggang sa mga araw na ito, wala tayong naririnig na anuman mula sa Pangulong Arroyo hinggil sa bagay na ito.

Kahit sa Hapon, na bagama’t nakalaban ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Daigdig ay napakalaki ng ipinakinabang sa Marshall Plan — na ang ibinunga’y ang pagiging higante ngayon ng mga korporasyong Hapones sa pandaigdigang ekonomiya, ilang dekada matapos na malumpo ang kanyang ekonomiya — ay hindi nangyayari ang ganitong mga kasalarinan nang walang naririnig na matitinding pananalita mula sa punong ministro, kundi man sa mismong emperador.

Ang nagsalita para sa Pangulong Arroyo hinggil sa usaping ito ay si Sekretaryo Ignacio Bunye, tambulero ng Malacañang, na ang sabi’y “huwag gawing pulitikal” ang naturang pangyayari. Ito lamang ang sinabi ni Bunye — na nanguna pa naman sa klase nang magtapos sa Muntinlupa High School maraming taon na ang nakalilipas — hinggil sa isyung ito, at wala nang iba pa.

Ni kapirasong dura man lamang na magtatangkang ipaliwanag kung paano hindi magiging pulitikal ang isang kaganapang nakukulayan ng di-patas na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos ay wala tayong narinig mula sa mahusay na Kalihim sa Pakikipag-ugnayan sa Pabatirang-madla.

Kung ano ang katahimikan ng Pangulong Arroyo hinggil sa pangyayaring ito ay gayundin ang katahimikan tungkol dito ng noo’y pinuno ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na si Hen. Generoso Senga, at ng ngayo’y namumuno ritong si Hen. Hermogenes Esperon — na kayhusay pa namang magmalaking naging “aktibista” siya bago pumasok sa militar. Gayundin ang naging pananahimik ukol dito ni dating Sekretaryo Avelino Cruz ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.

Si Sekretaryo Raul Gonzalez ang salita nang salita kaugnay nito, ngunit sa bawat buka ng kanyang bibig at ito ang napag-uusapan ay wala naman tayong marinig kundi ang tunog ng bunganga ng isang abugado para sa Estados Unidos.

Noon pa mang una’y pakawala na nang pakawala si Gonzalez ng mga pahayag na nagpapahiwatig na hindi siya naniniwalang ginahasa nga si “Nicole.” Ito’y kahit may malakas na ebidensiyang nagpapatunay na siya nga’y ginahasa.

Nang sina Carpentier, Silkwood, at Duplantis ay maisakdal bilang mga pangunahing akusado kasama ni Smith, nagwika pa itong kagalang-galang na Sekretaryo Gonzalez na dapat sana’y higit na mababa ang sakdal sa tatlo, subalit siya raw ay yumukod upang “papayapain ang nagwawalang madla” — kahit pa may sapat na batayang ligal upang ituring silang pangunahin ding akusado.

Samantala, niluwagan nang husto ng pangkat ng mga tagausig na itinalaga ng gobyerno — sa pamumuno ni Senior State Prosecutor Emilie de los Santos at, ayon sa ina ni “Nicole” at sa kanilang pribadong abugadang si Evalyn Ursua, liban kay State Prosecutor Hazel Valdez — ang pagtatanong sa mga nasasakdal na sina Lance Cpl. Daniel Smith, S/Sgt. Chad Carpentier, Lance Cpl. Keith Silkwood, at Lance Cpl. Dominic Duplantis. Dahil dito, nahirapan ang kampo ni “Nicole” na basagin ang palusot ng depensa na si “Nicole” diumano’y kusang nagpagalaw kina Smith.

Nang sa isang bahagi ng paglilitis ay waring nakalamang sina Smith, muli sanang isasalang si “Nicole” upang makapagharap ng rebuttal evidence, ngunit ang hakbang na ito’y kinansela ni De los Santos, ayon kay Valdez. Sa magiting na pagbubunyag na ito, gantimpala ni Gonzalez kay Valdez ang pagtatanggal sa kanya mula sa lupon ng mga tagausig.

Dapat silang mahiya roon sa gobernador ng Okinawa na noong dekada 1990, nang gahasain doon ng isang sundalong Amerikano ang isang lalabindalawahing taong gulang na babae, ay nanguna pa sa pananawagan ng mga higanteng kilos-protesta.

Tunay na isang malaking kahihiyan sa ganang atin ang tayo’y madaig ng Hapon sa ganitong mga bagay. Bagama’t matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig — kung saan napilay ang kanyang ekonomiya — ay malaki ang ipinakinabang niya sa ayuda ng Estados Unidos, hindi pa rin siya nangiming panindigan ang dapat panindigan.

Malayo roon ang Pilipinas. Kayrami nating kababayang nagbuhos ng dugo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig alang-alang sa “alyansang Pilipino-Amerikano” at ngayon, ilang dekada na ang nakararaan matapos ang giyera, ay wala tayong nakikita ni anino ng kagaya ng Marshall Plan, at sa halip ay natali pa nga tayo sa isang bungkos ng mga kasunduang hindi makatarungan. Sa kabila nito, ang ating pamahalaan ay pangunahing pandaigdigang tanghalan ng pamamanginoon kay Tiyo Samuel — sa ngalan ng isang katawa-tawang “natatanging ugnayan.”

Dito lang yata sa Pilipinas maaaring masaksihan ang ganitong antas ng pangangayupapa ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga dayuhan at lalo na’y sa mga Amerikano.

Dan Campilan, Huwarang Kabataang Pilipino
Lalaging dahilan ng panghihinayang sa ganang amin ang pangyayaring hindi namin kailanman nakakilala nang personal ang batang-batang kapwa namin mamamahayag na si Dan Campilan, reporter ng GMA 7.

Nakakasabay lamang namin siya sa mga coverage ng mga pambansang kaganapan, lalo na ng mga rali at iba pang aktibidad ng mga grupong aktibista. Hanggang dito na lamang ito. Hindi na namin siya makakakilala nang personal kailanman sapagkat siya’y nasawi sa isang aksidente noong umaga ng Oktubre 7, malapit sa hangganan ng Lunsod Quezon at Bulacan kung saan ang kanyang kotse ay nabangga ng isang bus.

Higit namin siyang nakilala sa mga kinalabasan ng kanyang trabaho. Masasabi naming bilang isang mamamahayag, siya’y hindi yaong tipong pumupunta lamang sa mga lunan ng kaganapan upang huwag masabing hindi siya nagsagawa ng coverage. Mataman niyang sinusubaybayan ang mga ginagawa, mataman niyang pinakikinggan ang mga sinasabi, ng mga pangunahing tauhan sa mga pangyayari; at lagi na’y matapat na matapat sa talagang nangyari ang nagagawa niyang mga ulat.

Ginagawa niya ang nararapat gawin ng sinumang mamamahayag, ang kunin ang magkabilang panig ng bawat usapin. Subalit hindi siya humahangga sa gayon lamang: sa pamamagitan ng pananaliksik at ng natipong kaalaman, mahusay niyang naipakikita kung aling panig ang may higit na bigat.

Sa partikular, kahanga-hanga ang katapatan sa katotohanan ng kanyang pag-uulat hinggil sa kalagayan ng mga aping sektor ng ating lipunan. Kahit sa loob ng tatatluhing minutong mga balita ay malinaw niyang nailalahad ang mga hinaing man o kahingian ng mga taong pinagkaitan ng lipunan ng nararapat sa kanila. Ano pa kaya sana ang naging lalim ng kanyang pag-uulat hinggil sa mga paksang ganito kung siya’y nagkaroon ng higit na maraming pagkakataong gumawa ng mga dokumentaryo at investigative report?

Dapat lamang na asahang ganito ang magiging pagpanig niya sa mga taong tinapakan. Ayon kay Ederic Eder, patnugot ng Tinig.com at nakatrabaho niya sa GMA 7; at kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), bago naging reporter  itong si Dan Campilan ay kasapi siya ng League of Filipino Students (LFS) sa Cebu. Masasabing kahit bilang mamamahayag ay lubos niyang nabigyang-katarungan ang naging pakikibahagi niya sa isang organisasyong pang-estudyanteng nagmarka sa kasaysayan ng pakikipaglaban alang-alang sa soberanya, katarungan, at mabuting pamamahala.

Hindi siya katulad ng ilan diyang mga “aktibista” diumano at kayhihilig na ibandila sa buong mundo hindi lamang ang mga pangalan ng mga organisasyong kanilang kinasasapian daw kundi ang anila pa’y pagiging mga “sosyalista” at “komunista” pa nga, bago’y hindi mo makitaan ng di-mapasusubaliang track record ng totohanang pakikisangkot sa buhay ng sambayanan.

Isang kawalan hindi lamang sa larangan ng pamamahayag kundi sa buong bansa ang biglaang pagkamatay ni Dan Campilan. Isa siyang huwarang kabataang Pilipino at ang mga kagaya niya ay kabilang sa mga tunay na pag-asa ng ating bayan.

Pagkakaisa
Sa lahat na lang yata ng wika sa mundo, ang “pagkakaisa” ay kabilang sa mga konseptong pinakamadalas na malapastangan. Kung nagkaroon lamang ng pagkakataong lumaganap ang mga wikang inimbento ng mga manunulat na sina JRR Tolkien at William James Sidis, baka maging sa mga ito’y nasalaula na rin ang konsepto ng pagkakaisa.

Ano ang pagkakaisa? Mahusay na nailarawan ng mang-aawit na si Gary Granada ang pagkakaisa sa kanta niyang “Dalawang Kasaysayan.” Tunghayan natin ang ilang linya mula sa kantang ito:

Magkaiba ang pinanggalingan

Magkabukod ang ating landas

Pinagsanib ng kasalukuyan

Sana’y walang wakas

Dalawang kasaysayan, magkaibang mundo

Ang layu-layo mo sa akin

Dalawang kasaysayan, pinagtagpo

Ng iisang damdamin…

Ang pagkakaisa ay ang pagsasama-sama ng maraming tao alang-alang sa iisang layunin o sa iisang pangkat ng mga layunin. Sa pagkakaisa, nililimot ng mga tao ang kani-kanilang partikular na pagkakaiba upang maisulong ang pare-parehong hangarin.

At tunay na malaking himala ang nagagawa ng pagkakaisa. Wika nga ng manunulat na si Helen Keller, “Ang nag-iisa’y kakaunti ang nagagawa; ang nagkakaisa’y kayraming nagagawa.”

Nakita naman natin ang hiwagang nagawa ng nagbuklod na mga mamamayan sa mga makasaysayang pakikibaka sa ating bansa, magmula sa pagpapalayas sa mga kolonyalistang Kastila hanggang sa pagpapaatras sa mga tropang Pilipinong nasa Iraq mula 2003 hanggang 2004 upang tangkilikin ang walang-katarungang pagdigma roon ng Estados Unidos.

Ang iisang patak ng tubig na ihulog ng langit ay halos walang anuman. Ngunit ang isang buhos ng ulan ay makapapatay ng isang dambuhalang sunog sa isang bukid. Ganito ang hiwaga ng pagkakaisa.

Datapwat dahil sa kapangyarihang itong taglay ng pagkakaisa ay madalas nga itong mabaluktot ng mga may hangaring kasulu-sulukasok.

May bisang emosyunal ang pagkakaisa, dahil sa mga himalang nagawa sa kasaysayan ng mga nagkakaisang mamamayan. At itong bisang emosyunal ng pagkakaisa ang malimit na gamitin ng mga may motibong madilim upang baluktutin ang diwa nito.

Sa ating kasaysayan, malimit na magamit ng mga gunggong na pulitiko ang konsepto ng pagkakaisa upang tangkaing iligaw ang mga mamamayan at hikayatin ang mga itong tangkilikin ang kanilang maiitim na gawi.

Tampok sa mahihilig gumawa ng ganito ang mga rehimeng niyayanig ng iba’t ibang anyo ng diskuntento ng mga mamamayang napopoot sa iilang mapribilehiyong ginagawang pamunas ng puwit ang kanilang kinabukasan. Masdan ang mga Ferdinand Marcos, Joseph Estrada, at Gloria Macapagal-Arroyo. Lahat sila’y nanawagan ng “pagkakaisa”  sa mga panahong nag-ibayo ang pagngingitngit ng mga mamamayan sa kanilang pagsalaula sa kapakanan ng bansa.

At dahil kaylimit ngang mabaluktot ang diwa ng pagkakaisa, hindi masama ang tayo’y matutong magtanong — sa tuwing niyayaya tayong makipagkaisa — kung ano ba ang kanilang nais na pagkaisahan.

Walang pinakamabuting pagkakaisa kundi yaong pagbubuklod na naaayon sa mga dakilang mithiin, yaong pagkakaisang ibinabandila sa kantang “Pitong Libong Pulo” ni Jess Santiago:

Pitong libong isla, ating pag-isahin sa iisang mithi

Pitong libong pulo, matatag at buo, hindi mahahati

Sambayanang bigkis ng isang lunggati

Payapa’t malayang kayumangging lahi…

Sila ang Magbayad ng Kanilang mga Utang
Hindi namin malaman kung kamiy bubunghalit ng halakhak o haharap sa aming inudoro upang isambulat doon ang lahat naming kinain at ininom sa tuwing makikita namin sa telebisyon ang patalastas na nagtatanong sa atin kung masisikmura ba nating ipamana sa mga susunod na henerasyon ang utang ng bansa, na pagkatapos ay sinasabi sa ating dapat nating pasanin ang Expanded Value-Added Tax (EVAT) na sinimulang ipataw nitong Nobyembre 1.

Ang EVAT na ito  kung saan idinagdag sa mga papatawan ng buwis ang langis, kuryente, at mismong serbisyong transportasyon  ay isa sa walong revenue measure na ipinagtutulakan ng Malacaang upang diumanoy malutas ang krisis piskal na dumagan sa bansas sa kalagitnaan ng taong nagdaan. Ayon sa mga henyong economic manager ng Kagalang-galang na Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na nagduktorado ng ekonomiks sa Unibersidad ng Pilipinas, ang EVAT ay makalilikom ng may P60 bilyon at malaki, samakatwid, ang magagawa upang punan ang piskal na depisito ng pamahalaan na umabot sa P80 bilyon noong 2004.

Tinatawagan tayo ng nabanggit na patalastas upang magsakripisyo alang-alang sa kapankanan ng bansa at ng mga susunod na henerasyon, at kulang na lamang ay pagbabanggitin ang mga pangalan ng mga bayaning Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Macario Sakay, Wenceslao Vinzons, Claro M. Recto, Jose W. Diokno, Edgar Jopson, Liliosa Hilao, Lorena Barros, Eman Lacaba, Bobby de la Paz, Lean Alejandro at iba pa upang antigin ang ating makabayang damdamit diwa.

Batay sa mga estadistika mula sa National Wages and Productivity Commission, ang halaga ng pamumuhay sa buong bansa ay umabot na sa P667.20 bawat araw para sa pamilyang may anim na miyembro  ang karaniwang pamilyang Pilipino. Samantala naman, ang pinakamataas na minimum na sahod magmula Hunyo ng taong ito ay P325 lamang, at itoy sa National Capital Region (NCR).

Sa ganitong kalagayan, totoong malaking sakripisyo ang papasanin natin sa pagpapataw ng EVAT. Ngunit dapat nga bang tayo ang pumasan ng sakripisyong ito?

Sa pananaliksik ng ekonomistang si Dr. Alejandro Lichauco, lumilitaw na noong 1962 ay nasa $150 milyon ang utang panlabas ng Pilipinas. Ngayong taon, batay sa mga datos mula sa mismong gobyerno, itoy nasa $69 bilyon na, o P3.8 trilyon. Kungh hahatiin ang P3.8 trilyon na ito sa kasalukuyang populasyong 84 milyon, lalabas na ang bawat Pilipinoy kasalukuyang nagkakautang ng P45,238.10 sa mga institusyong panlabas na ni aninoy hindi nakita ng karamihan sa atin.

Palaging ikinakatwiran ng pamahalaan na ang pangungutang na itong hindi matapus-tapos ay alang-alang sa pag-unlad ng bansa.

Ngunit gobyerno rin naman ang sa pana-panahoy nag-uulat na taun-taon ay dumarami ang mga tumatanda nang di man lamang nakakikita ng kahit pisara, dumarami ang mga maysakit na namamatay nang di man lamang nakakikita ng duktor. Lubha pa namang mahalaga ang kalusugan at edukasyon sa pagpapaunlad ng yamang-tao.

Samantalay kulang sa mahahalagang imprastruktura ang kalakhan ng bansa, at sa kakaunting bahagi nitong may mga gayon ay sira-sira naman ang maraming tulay at kalsada.

Nakikinabang ba kung gayon ang buong bayan sa mga utang panlabas? Maliwanag na hindi. Bakit ngayon tatawaging utang ng bansa ang mga ito, pareho ng ginagawa sa patalastas na ating pinag-uusapan?

Walang dapat na magbayad ng mga utang na ito kundi ang lahat ng naging opisyal ng pamahalaan na nasangkot sa pangungutang. Sa kaso ng mga yumao na, nararapat na habulin ang kanilang naiwang mga pag-aari. Sila ang magbayad ng mga utang na ito sapagkat sila lang naman ang nakinabang sa mga ito.