Tinig.com » Editoryal
Paglimot at Pag-alaala
Sa kanyang unang talumpati bilang pangulo noong Enero 20, 2001, winika ni Gloria Macapagal-Arroyo:
“I am certain that Filipinos of unborn generations will look back with pride to EDSA 2001, just as we look back with pride to Mactan, the Katipunan and other revolts, Bataan and Corregidor and Edsa ‘86.”
Ngunit ang mga pahayag na iyan ay gaya na lamang ngayon ng iba pang mga kasinungalingan, pangakong napako at mga salitang nilunok ni Arroyo,
Ang mensahe ngayon ni Arroyo at ng kanyang mga tauhan: kalimutan na lang ang People Power 2. Huwag na lang daw itong masyadong pag-usapan upang maghilom na ang mga sugat na nilikha nito, ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita.
Kaya naman habang ang People Power 2 ay ginugunita ng mga lumahok dito, katahikan ang tugon ng Palasyo.
Noong Biyernes, nagtipun-tipon sa La Salle Greenhills ang mga personalidad na lumahok sa EDSA 2. Kinabukasan, nakiisa ang Tinig.com at ang Kabataan Party sa Bloggers’ Kapihan sa paggunita kasama ang isa sa mga lider ng EDSA 2, si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.
Samantala, walang anumang pagdiriwang na itinakda ang Palasyo. Lumipas ang Enero 20, 2008 na parang ito’y isang ordinaryong araw lamang.
Sang-ayon kami sa editoryal ng Philippine Daily Inquirer:
Is it any wonder that President Macapagal-Arroyo has declined to celebrate her own accession to power? (The transition took place seven years ago today.) The refusal has been couched in the usual language of reconciliation, but in truth the Arroyo administration has betrayed the ideals that brought it to power. It prefers that the people forget.
Gustong palalain ni Gloria Macapagal-Arroyo at ng kanyang mga tauhan ang pambansang pagkamalilimutin. Ito kaya’y para malimutan na rin ang kanilang pagtataksil sa mga simulain ng EDSA 2 — katotohanan, katarungan, malinis na pamamahala?
Ang katotohanan ay itinali niya sa lubid ng mga kasinungalingang pati si Dr. Jose Rizal ay kinasangkapan. At makatarungan bang matapos ibaba ng Sandiganbayan ang hatol kay Estrada — Guilty sa pandarambong, gaya ng hatol sa kanya ng taumbayan noong EDSA 2 — agaran siyang pinalaya ni Arroyo? Gayunndin, ang gobyernong Arroyo ay hindi malinis sapagkat nalalambungan ito ng mga madidilim na lihim at kinukulapulan ng dugo ng mga aktibistang pinagpapapatay dahil sa kanilang pagsalunga.
Ngunit tumatatanggi tayong kalimutan ang People Power 2 sapagkat ayon nga kay Ocampo, anuman ang kinalabasan ng pamunuang naluklok dahil dito, ang People Power ay nanatiling isang paraang magagamit ng mga mamamayan sakaling biguin sila ng mga institusyon.
Pinipili natin ang pag-alaala dahil ang People Power 2 ay makatuwiran at matagumpay na paglabang mas kailangan sa mga panahong itong pinaghaharian ng kabi-kabilang kabalintunaan. Ayon nga sa Alleba Politics, “Now more than ever, we need to be reminded of what we fought for and why we did it, and why People Power 2 happened and succeeded.”
Bukod pa rito, ang paglimot sa EDSA 2 ay parang paglimot na rin sa Hello Garci.
Pag-urong sa Landas ng Kasaysayan
May mahigit sa anim na taon na mula nang mabuo ang Tinig.com; ang mga nagbuo nito karamiha’y mga kabataang lumahok sa makasaysayang People Power II, na noong Enero 2001 ay nagpatalsik sa tiwaling pamunuan ni Joseph “Erap” Estrada. Bagama’t bahagi rin ng buhay ng Tinig.com ang mga karaniwang kuwento ng kabataan, pangunahing nilalaman nito ang mga akda at pananaw na kumakatawan sa batayang mga hangarin ng People Power II – ang pagkakaroon sa ating bansa ng pamahalaang tapat na naglilingkod sa mga mamamayan. Isa itong pagsisikap, sa panig ng mga kabataan ng People Power II, na maipagpatuloy ang mga simulain ng makasaysayang pagkilos na nilahukan noong 2001.
Panahon pa ng pananakop ng mga Kastila ay kabilang na sa mga malalang problema ng Pilipinas ang katiwalian sa pamahalaan. Nang maganap ang People Power II, marami ring mamamayan – lalo na sa hanay ng mga kabataang nahihirapan nang makakita ng palatandaang haharap sila sa isang magandang bukas sa wika nga ng peryodistang si Luis Teodoro ay “bansang ito ng ating mga kalungkutan” – ang nagbunyi sa tila pagbubukas ng daan upang mapawi ang katiwalian sa ating bansa.
Kaya’t pinapapanatili ng Tinig.com na buhay ang mga alaala ng Enero 2001 sa pamamagitan ng tampok na seksiyon nitong Mga Kuwentong People Power II, kung saan may puwang upang sariwain ng mga kabataang Pilipino ang isang yugto ng wika nga ng manunulat na si Rogelio L. Ordoñez ay “maagiw na kasaysayan ng bansa” kung saan ang mga binansagan ni Dr. Jose Rizal bilang “magandang pag-asa (ng Inang Bayan)” ay lumikha ng kasaysayan.
Mahigit sa anim na taon mula nang mangyari ang makasaysayang People Power II, ang bansa’y umurong nang mahigit sa anim na taon sa kasaysayan. Hapon ng Oktubre 25, habang ang bansa’y abala sa pagbubukas na muli ng pagdinig ng Senado sa maanumalyang kontratang National Broadband Network (NBN) – na inianak at nag-anak ng talamak na panunuhol kung saan sangkot ang pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan – ipinahayag ng kagalang-galang na Sekretaryo Ignacio Bunye ng Pabatiran ang paggawad ng Malacañang ng pardon kay Erap, na kamakaila’y napatunayang nagkasala ng pandarambong at nahatulang mabilanggo.
Nariyan na, sa isang banda, noon pang Hulyo ang mga senyal na may magaganap na kakaiba sa paglilitis sa mga Estrada kaugnay sa kanilang kasong pandarambong.
Nang katatapos ng paglilitis sa kanila ay biglang sumama si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada, anak ng napatalsik na Pangulo, sa pakikihanay ni Sen. Manuel “Manny” Villar sa koalisyong mayorya sa Senado upang makuha ang pamunuan nito, sa halip na gawin ang inaasahang pagsuporta kay Sen. Aquilino Pimentel, Jr. sa labanan para sa panguluhan ng Nakatataas na Sangay ng Kongreso. Kasama niya sa hakbang na ito ang mga nasa oposisyon ding sina Sen. Francis “Chiz” Escudero at Sen. Alan Peter Cayetano.
Nakopo nga ni Villar ang panguluhan ng Senado, habang si Jinggoy nama’y naging Senate President Pro-Tempore – bukod pa sa napawalang-sala sa kasong pandarambong.  Ang ama naman niya’y kagyat na naghain ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan matapos na ibaba ang hatol. Iniurong din ni Erap ang kanyang mosyon, at ang kapalit pala nito’y ang paggawad ng pardon sa kanya.
Nariyan na noon pang Hulyo ang mga senyal na may kakaibang magaganap, ngunit hindi ito nakababawas sa pagiging kapoot-poot ng nangyaring pag-urong sa landas ng kasaysayan. Isa itong pagtataksil, isang pagdura ng diumano’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga mukha ng milyon-milyong kabataang tumaya sa People Power II – at, samakatwid, may ambag sa pagkakaluklok sa kanya sa Malacañang noong 2001 – dahil naghahangad ng maliwanag na kinabukasan.
Pagkatapos ng lahat ay sa ganito lang pala mauuwi ang lahat. Pinatawad nang ganoon lamang ang wala namang inihihingi ng kapatawaran.
Paano na ang katarungang hinangad, paano na ang “pagbabagong” inasahan? Inilublob na lahat sa pusalian.
Matagal nang itinuro sa atin na “ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.” Ngunit sa pagkakataong ito, ang kriminal ay nagpalaya ng isang kapwa kriminal. Nakapagpasya marahil kapwa na sa halip na patuloy na magsumbatan hinggil sa kung sino ang tunay na mandarambong ay maghati na lamang sa natitira pang madarambong.
Kung may napala man tayong kapaki-pakinabang sa nangyaring ito, yao’y ang solidong katibayang tama ang ginawa natin sa People Power II dahil di laging maipauubaya sa mga prosesong saklaw ng batas ang paggawad ng katarungan. Isa itong matingkad na aral na makabubuting lubusan nating isaloob at pagbatayan ng mga ikikilos sa nalalapit na hinaharap, kung ayaw nating tuluyang magpinid ang pinto ng magandang bukas sa ating bansa.
Hindi Lang sa Hukuman
Itong nagdaang Nobyembre 1 ang unang anibersaryo ng panggagahasa ng ilang sundalong Amerikano sa isang Pilipinang ngayo’y kilala ng lahat bilang si “Nicole.” Ngayo’y naghihintay ng hatol ang sakdal na kanyang isinampa laban kina Lance Cpl. Daniel Smith, S/Sgt. Chad Carpentier, Lance Cpl. Keith Silkwood, at Lance Cpl. Dominic Duplantis.
Mataman ang pagmamatyag ng buong bayan sa kasong ito sapagkat sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang kauna-unahang sakdal na naisampa sa anumang hukuman laban sa mga sundalong mula sa Estados Unidos, isang bansang itinuturing na kabahagi natin sa isang “natatanging ugnayan.”
Sa mga nagdaang kaso ng panggagahasa ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipina, ang mga salarin ay basta na lamang napauuwi sa Estados Unidos kaya’t ang mga naging biktima’y walang nakikita ni anino ng inaasam na katarungan. Dala na rin ito ng katangian ng ating ugnayan sa Estados Unidos — kung saan “tayo’y parang boksingerong pumasok sa ring na ang isang kamay ay nakagapos sa likuran natin,” sa wika nga ng yumaong istoryador na si Renato Constantino.
Ang mismong pagkakapagsampa ng sakdal ni Nicole sa hukuman ay isang pangyayaring sukat tumawag ng pansin ng lahat.
Ngunit ano nga kaya ang duduluhan ng pagsasakdal na ito? Makakamit kaya ni “Nicole” ang katarungan?
Ang mga naging palatandaan sa nakalipas na isang taon ay waring mga babala.
Unang-una nang dagok ang mga hakbang at pananalita ni Sekretaryo Raul Gonzalez ng Kagawaran ng Hustisya. Sa mula’t sapul pa lamang ay ayaw niyang maniwalang talagang nagahasa si “Nicole” — kahit na may matibay na ebidensiyang dinanas nga niya ang gayong kahayupan. Nang sina Carpentier, Silkwood, at Duplantis ay maisakdal bilang mga pangunahing akusado kasama ni Smith, nagwika pa itong kagalang-galang na Sekretaryo Gonzalez na dapat sana’y higit na mababa ang sakdal sa tatlo, subalit siya raw ay yumukod upang “papayapain ang nagwawalang madla” — kahit pa may sapat na batayang ligal upang ituring silang pangunahin ding akusado.
Marami pang nakapagngingitngit na bagay ang daranasin ni “Nicole” sa mga susunod na buwan.
Nariyan ang kung paa-paano na lamang na pagtatrabaho ng tagausig na itinalaga ng pamahalaan sa kanyang kaso — sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Emilie de los Santos at, ayon sa ina ni “Nicole” at sa kanilang pribadong abugadang si Evalyn Ursua, maliban kay State Prosecutor Hazel Valdez. Dahil sa sinadyang palpak na pagtatrabaho ng karamihan sa mga tagausig na itinalaga ng gobyerno, nahirapan tuloy ang kampo ni “Nicole” na bakbakin ang linya ng depensa na siya diumano’y kusang nagpagalaw kina Smith.
Ibinunyag pa ng ina ni “Nicole” sa isang yugto ng paglilitis na mismong si De los Santos pa ang nag-alok sa kanila ng pakikipag-areglo sa mga nasasakdal, at may banta pa raw na kung hindi sila makikipag-areglo’y “ipagpapalit” ang kaso niya sa usapin kay Jocelyn “Jocjoc” Bolante, dating Pangalawang Sekretaryo ng Agrikultura. Nang pumutok ito sa mga pahayaga’y kagyat na binansagan ni Gonzalez ang ina ni “Nicole” bilang isang “sinungaling” nang hindi man lamang gumagawa ng karampatang pagsisiyasat.
At nang sa isa pang yugto ng paglilitis ay tila nakalamang ang depensa, biglang ibinunyag ni Valdez na ang balak na muling pagsasalang kay “Nicole” upang magharap ng rebuttal evidence ay ipinakansela ni De los Santos. Dahil sa pagbubunyag na ito, si Valdez ay ginantimpalaan ni Gonzalez ng pagtatanggal sa kanya mula sa lupon ng mga tagausig.
Ang lahat ng mga ito’y tila nagsasabi sa ating huwag tayong mangarap nang lampas sa maaari nating abutin.
Ngunit kung hindi man magiging makatarungan ang hatol ng hukuman, hindi roon matatapos ang laban — sapagkat hindi lang sa hukuman mahuhugot ang katarungan sa usaping ito.
Panawagan ng Ating Panahon sa mga Kabataan
May mga panahong ang mga kabataan ay hinahamon ng mga kalagayan upang tumangan ng mabigat na pananagutan alang-alang sa bansang kinabibilangan. Isa ito sa mga panahong iyon.
Sa isang pambihirang pagkakataong walang dahilan upang di sang-ayunan ang kanyang mga ipinahahayag, nawika kamakailan ni Dr. Virgilio Almario — Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan ng 2003 — na “itong ating panahon ay isang napakasagwang panahon.” Tunay na sakdal ng kasagwaan ang kasalukuyang panahon. Kayhirap isipin man lamang na ang ating bansa’y maaari pang masadlak sa lalong kasulu-sulukasok na kalagayan.
Kinakain ng kumunoy ang ating ekonomiya. Isang elemento na lamang ng mga pantasya ang pamamayani ng mga batas. Ngayon natin nakikita nang harap-harapan ang itinaghoy ng bidang lalaki sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas: “Kagalinga’t bait ay nalulugami/Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”
Habang humahaba sa bawat sandali ang hanay ng mga namamalimos ng kahit isang kagat na tinapay — palatandaan ng walang-patlang na paglubog ng ating mga karaniwang mamamayan sa lalo’t lalong kadustaan — may iilan sa mga bulwagan ng kapangyariha’t pribilehiyo na parang si Marie Antoinette, yaong reyna ng Pransiya noong dulo ng ika-18 dantaon na nagsabing hayaang kumain ng mamon ang mga walang makaing tinapay. Sila’y di nahihiyang ipagyabang ang kabundatan ng kanilang mga tiyan sa harap ng madlang ang mga butas sa sikmura’y kasinlalaki na marahil ng mga kamao.
At ilang daan na sa mga kababayan nating nakipaglaban alang-alang sa maayos na hanapbuhay, matinong edukasyon para sa lahat, at lubos na pakikinabang sa mga serbisyong panlipunan — na hinahangad din ng mga kabataan — ang tinamnan ng mga punlo sa mga dibdib at ulo? Kabilang sa kanila ang mga kabataang sina Ramon Ternida, Benjaline Hernandez, Edilberto Napoles Jr., Eden Marcellana, Isaias Manano Jr., Juancho Sanchez, Jhaivie Basilio, Marvin Montabon, Cris Hugo, at Rei Mon Guran.
Samantala’y nasa halos 200 na ang mga kababayan nating nawala na lamang at sukat, sa loob ng nakaraang limang taon, at hindi malaman kung buhay pa o patay na — kabilang ang mga kabataang sina Karen EmpeÖo at Sherlyn Cadapan.
Dahil dito, saan mang dako tumingin ang mga kabataan ay waring walang matanaw na magandang kinabukasan.
Sa ganitong panahon, ang mga kabataan ay tinatawag ng bayan upang tumugon sa mga hamon ng mga pagkakataon. Lagi’t laging umaasa ang bayan sa mga kabataan sa mga panahon ng malaking pagsubok sapagkat sila ang karaniwang nasa rurok ng lakas ng isip at katawan.
Noong panahon ng rehimeng Marcos (1965-1986), malaking papel ang ginampanan ng mga kabataan sa pagsisikap na muling palitawin ang liwanag sa bansang binalot ng dilim.
Hindi pa nga nakatatapos ng kolehiyo si Vicente Ladlad, habang halos katatapos pa lamang ng pag-aaral ni Rafael Baylosis, nang sila’y magpasyang tahakin ang landas ng kasukalan upang labanan ang mga sundalo ni Marcos na naghasik ng lagim sa buong bansa. Ang kabataang abugadong si Enrique Voltaire Garcia II ay buong tapang na nagtanggol sa mga pinaratangang “subersibo” sa harap ng hukuman, habang ang estudyanteng manunulat na si Abraham Sarmiento Jr. ay napabantog dahil sa kanyang matatapang na editoryal laban sa diktadura.
Ilan sila sa libu-libong kabataang nang mga panahong iyon ng pagsubok ay lumabas mula sa kani-kanilang mga comfort zone upang gawin ang tila hindi maaari. Napatalsik si Ferdinand Marcos noong 1986 at malaki ang naging papel ng kabataan sa dakilang kaganapang ito.
Ang Pilipinas ay nasa isang yugto ng kasaysayang higit pang masahol sa panahon ni Marcos. Tila wala nang higit pang sasahol sa kalagayan ngayon ng ating bansa.
Sa pinakamalawak na maaaring depinisyon ng terminong kabataan — yaong mga nasa gulang na 13 hanggang 35 — ang sektor ito ng ating populasyon ang siya nang pinakamalaki, at lampas na sa kalahati ng kabuuang mamamayang Pilipino, ayon sa mga estadistika ng mismong gobyerno.
Anong laki ng kapangyarihan ang taglay ng ganitong bilang! Anong himala ang kayang gawin ng ganitong kapangyarihan!
Ngayon at higit kailanman, lubusang matwid kung ang mga kabataang Pilipino ay maramihang susunod sa mga yapak ng mga kagaya nina Ladlad, Baylosis, Garcia, at Sarmiento.
Huwag Muling Payagang Umiral ang Dilim
Karamihan sa atin ay wala pang muwang noong Pebrero 22 -25, 1986 nang maganap ang unang EDSA People Power Revolution. Noon, ang Pilipinas ay naging modelo ng mapayapang pagbabago sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa’t panalangin, napalayas ng mga mamamayan si Ferdinand Marcos, isang diktador na umagaw sa ating kalayaan at nagpasasa sa pera ng mga mamamayan.
Nang kanyang ibaba ang Batas Militar o Martial Law sa pamamagitan ng Proclamation 1081 noong Setyembre 1972, ipinasara ni Marcos ang mga diyaryo at mga himpilan ng radyo’t telebisyon. Ang media na sunud-sunuran lamang sa kanya ang nanatili.  Ipinadakip din ni Marcos ang mga tumutuligsa sa kanya.
Dalawang taon bago ang pagdedeklara niya ng Batas Militar, sumiklab ang First Quarter Storm o sunud-sunod na malalaki at mararahas na protestang tumuligsa sa pandaraya ni Marcos sa eleksyon.
Ang napatalsik na diktador na ito’y nagkaroon ng record sa Guinness Book of World Records bilang isa sa mga pinakamatitinding kawatan sa kasaysayan. Sa pagtataya ni dating chairman ng Philippine Commission on Good Government na si Jovito Salonga, aabot sa lima hanggang 10 bilyong dolyar ang nakulimbat ni Marcos.
Kaya naman nang magtagumpay ang People Power, nagdiwang tayo at pinalakpakan ng buong mundo. Sabi nga sa isang awitin ng EDSA, “naging langit itong bahagi ng mundo”.
Dahil dito, hindi ba’t dapat ay inaalala natin sa mga araw na ito ang EDSA People Power? Ngunit kahapon, sa halip na masayang pagdiriwang ay iba ang naganap.
Ibinaba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Proclamation 1017 na nagdeklara ng State of Emergency sa buong bansa matapos na mapigilan ang isa raw tangkang kudeta. Ipinagbawal lahat ng mga rally at kinansela lahat ng mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng EDSA People Power.
Si Arroyo ay naluklok sa kapangyarihan dahil sa People Power 2 noong Enero 2001. Bilang pangalawang pangulo, pumalit siya matapos mapatalsik ang tiwalang rehimen ni dating Pangulong Joseph Estrada. Nananatili siya sa Malacañang matapos manalo sa bilangan ng halalang 2004. Hanggang ngayon, di pa rin niya tuwirang nasasagot ang mga bintang ng pandaraya matapos siyang mai-record na naghe-”Hello Garci” sa isang election commissioner habang binibilang pa ang mga boto. Inaakusahan din siya ng paggamit sa kampanya ng perang dapat ay para sa kapakanan ng mga magsasaka. Kahit wala na ang base militar ng United States, napabalik niya sa bansa sa mga tropang Amerikano. (Ang ilan ay nakapanggahasa pa nga ng isang Pilipina noong Nobyembre.) Dahil dito at sa iba pang usapin, madalas ang mga rally laban kay Arroyo.
Isang araw matapos ibaba ang Proclamation 1081, ni-raid ng pulisya ang opisina ng diyaryong Daily Tribune na madalas bumatikos sa administrasyon; dinakip ang aktibistang mambabatas na si Anakpawis Rep. Crispin Beltran sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noon pang 1985; inaresto ang mga dating opisyal ng pulisya na sina Ramon Montaño at Rex Piad; at tinangkang arestuhin din si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na isa sa mga lider ng People Power 2, pati ang iba pang mga taga-oposisyon.
Tulad ni Marcos, ginamit ni Arroyo ang umano’y sabwatan ng mga rebeldeng komunista at mga rebeldeng sundalo bilang dahilan ng pagbababa ng Proclamation 1081. Ginawa raw niya ito upang protektahan ang Estado at ang mga mamamayan.
Laganap ang opinyong ito ni Arroyo upang supilin ang lalong lumalawak na paglaban sa kanyang pamamahala, at upang manatili sa kanyang puwesto. Di nga ba’t nanatiling pangulo si Marcos sa loob ng mahabang panahon nang dahil sa Martial Law? At may bonus pa ang diktador: nakakupit pa nang malakihan sa kaban ng yaman!
Nais naming maniwala sa dahilan ni Pangulong Arroyo. Alam din naming isa siyang masigasig at wais na pinuno. Ngunit ang kanyang paliwanag ay nilulunod ng aming pagkagiliw sa titik at himig ng “Handog ng Pilipino sa Mundo,” isang awiting una nating narinig noong ang Pilipino’y kinaiinggitan ng daigdig, at ang karamihan sa ating heneresyon ay mga wala pang muwang:
‘Di na ‘ko papayag mawala ka muli.
‘Di na ‘ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
‘Di na papayagang mabawi muli.
Kung sa Labas ng Hukuman Tayo Titingin
Habang ang buong bansa’y dumadalaw sa namayapang mga mahal sa buhay noong Nobyembre 1, sa Subic, Zambales ay may nangyayari palang isang karumal-dumal na krimen. Isang dalagang may 22 taong gulang ang ginahasa ng anim na sundalong Amerikano.
Batay sa mga lumabas sa panimulang pagsisiyasat ng pulisya sa Subic, ang babae’y isang taga-Zamboanga na dumalaw sa isang kamag-anak sa bayang pinagyarihan ng krimen.
Habang sila’y nasa isang karaoke bar ay nakilala nila ang anim na sundalong Amerikano –sina Keith Silkwood, Daniel Smith, Albert Lara, Dominic Duplantis, Corey Burris at Chad Carpentier na pawing nakatalaga sa nasabing bayan nitong nakaraang ilang buwan para sa Balikatan–na pagkaraan ng ilang sandaliy isinakay siya sa isang inarkilang van. Matapos ang ilang oras, ayon sa salaysay ng isang saksi, ang babae’y nakitang itinapon sa gilid ng daan nang walang malay at walang suot kundi ang kanyang panty.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ang anim na salarin.
Nitong Nobyembre 5, may halos isang daang aktibista mula sa mga grupong GABRIELA at Gabriela Women’s Party (GWP) ang nagpiket sa harap ng Embahada upang humingi ng hustisya para sa biktima. Habang ginaganap ang kanilang programa’y isang opisyal ng Embahada (Amerikano?) ang buong kapal ng mukhang humarap sa kanila at nagsabing ang kanilang inihihingi ng katarungay hindi ginahasa sapagkat siya namay isang “bayarang babae.”
Datapwat mismong mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), sa pangunguna ng dating heneral na si Jose Calimlim, ang nagkumpirma nang hindi puta ang dalaga. Ito’y matapos ang isang serye ng mga pakikipagpanayam sa biktima at sa mga kamag-anakan niyang nasa Subic.
At kung naging totoo mang isang puta ang inihihingi natin ngayon ng katarungan, malaki ang pangangailangang ang mga abugado at maging mga mag-aaral ng batas sa bansang ito ay magsipagsalita at ipaliwanag sa mayabang na opisyal na iyon ng Embahada kung ano ang ibig sabihin ng panggagahasa. Ito’y ang salang sapilitang pakikipagtalik sa isang ayaw makipagtalik. Batay sa depinisyong ito, maging ang isang puta ay maaaring magahasa, kung may sapilitang makikipagtalik sa kanya sa oras na siya’y hindi “nagtatrabaho.” Noong nakaraang dantaon, may ganitong kasong pinagpasyahan nang pabor sa nagsakdal ang Korte Suprema ng Estados Unidos.
Sa iniasal ng opisyal na ito ng Embahada, isang pangangarap nang gising habang bangag sa opyo ang umasang magagawaran ng karampatang parusa ang anim na GI Joe sa ating mga hukuman. Maaaring habang binabasa ninyo ito ay nakaapak na sa kanilang green, green grass of home ang anim na sundalo.
Sa gitna ng lahat nito, parang isang pipi ang ating Kagalang-galang na Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ngunit di man siya nagsasalita’y madali nang mapaghulo ang kanyang sasabihin sakaling mapilitan siyang magbuka ng bibig hinggil sa usaping ito.
Tiyak na ipamamarali niya ang diumano’y pangangailangan ng mahigpit na ugnayang militar sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa ngalan ng pagsugpo sa “terorismo.” Batay rito, di man niya sabihi’y sasabihin din niyang alang-alang sa pambansang seguridad ay dapat nating ipagkibit-balikat na lamang ang nangyaring pagyurak sa dangal ng isang dalagang maaaring naging kapatid natin o pinsan, o maaaring naging kasintahan kaya ng kung sinuman sa mga lalaki sa atin.
Natitiyak natin ito batay sa kanyang agresibong pagtutulak noon sa Visiting Forces Agreement (VFA), na nagbibigay sa mga sundalong Amerikano ng mga “karapatang” ekstrateritoryal at ekstrahudisyal sa ating bansa; at sa Mutual Logistics Support Agreement (MLSA), na nagbibigay naman sa kanila ng “karapatang” magpasok ng mga kagamitang militar kahit saan sa bansa nang hindi dumadaan sa mga regular na inspeksiyon. Tinawag pa nga niyang “hindi Pilipino ang mga tumutol sa mga “kasunduang” ito — kabilang ang mga makabayang estadista’t intelektuwal na sina Wigberto Taada, Roland Simbulan, at Amado Gat. Inciong.
Matagal na ang ugnayang militar sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, at noon pa may sinasabi nang kailangang narito ang mga sundalong Amerikano upang may magtanggol sa atin laban sa mga kaaway ng ating “soberanya” at “demokrasya.”
Ngunit nasaan ang mga sundalong Amerikanong ito sa mga panahon ng pinakamatitindi nating pagsubok?  Hindi ba’t nang salakayin ng Japanese Imperial Army ang Pilipinas ay pinangunahan ng ating kaibigang si Hen. Douglas MacArthur ang paglilikas sa kalakhan ng puwersang Amerikanong narito papuntang Australya, at sila’y bumalik na lamang nang nadakip na ng mga gerilyang Pilipino ang lahat ng mataas na opisyal militar ng Hapon sa bansa? Hindi ba’t nang ang ating pag-angkin sa Kalayaan Reef ng Spratlys ay manganib dahil sa mga maniobra ng Tsina noong dekada 1990 ay hindi naman tumulong ang Estados Unidos sa kabila ng pag-iral ng Mutual Defense Treaty (MDT)?
Ngayo’y nakikita nating ang mga pangunahing nakikinabang sa walang-kapararakang ugnayang militar na ito ay walang balak na iharap sa ating mga hukuman ang anim na humalay sa isang dalagang maaaring naging kapatid natin o pinsan, o maaaring naging kasintahan kaya ng kung sinuman sa mga lalaki sa atin. At ni isang hibik ng pagtutol ay wala tayong marinig mula kay Macapagal-Arroyong kayhilig na tawagin ang sariling “Ina ng Bayan.”
Huwag silang magtaka kung sa labas ng hukuman tayo titingin sa paghahanap ng katarungan sa kasalarinang ito.
Ang Nais Mabatid ng mga Kabataan
Itong ating bayang Pilipinas, na dating pinamamahalaan ng mga mananakop, ay hitik ang kasaysayan sa mga kuwento ng pagsalunga at pakikibaka. Noo’y nilabanan ng mararahas na mga anak ng bayan ang mga Kastila, Amerikano at Hapones na nang-alipin sa atin. Gayundin, ilang dekada na ang nakalilipas nang ang mga mamamayan ay mag-alsa at sipain palabas ng Palasyo ng Malakanyang ang isang diktador. Karamihan sa ating mga kabataan ngayon ay paslit pa lamang noong maganap ito. Ngunit ilang taon pa lamang ang nakalilipas, tayo man ay nakibahagi sa isang pag-aalsang muling nagpatalsik ng isang perwisyong Pangulo.
Nasaksihan at sinalubong natin ng pagbubunyi ang pagluklok ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Palasyo. Sa noo’y matamis niyang dila ay nangako siyang lalabanan ang kahirapan, iaangat ang pamantayang moral sa pamahalaan, itataguyod ang bagong politika, at magiging isang mabuting modelo ng malinis na pamamahala.
Sa lahat ng ito, may nakikita ba tayong pagtupad sa mga pangako? Wala, kundi pawang kataksilan. Sa halip na ipinagakong kagalingan, binaha tayo ng mga kasinungalingan at pagbaluktot sa ating mga pagpapahalaga.
Ang liwanag ng araw na sumisikat sa Silangan ay nagtuturo sa atin ng makatarungang landas na dapat nating tahakin. Itinuturo ng katuwiran na magkaisa sa paghahanap ng lunas sa naghaharing kasamaan sa ating bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang ipakita na tayo’y may hiya, puri at pakikisangkot. Panahon nang muling isiwalat at balikan ang tila nakalimutan nang mga dakilang aral ng mga nakalipas na pag-aalsa. Dapat nang kumilos tungo sa katotohanan, katarungan, at kalayaan.
Muli nating gisingin ang tila natutulog na kaisipan at kusang gugulin ang ating lakas sa pagsusulong ng tunay na ikabubuti ng ating bayan.  Lumabas tayo at makisangkot.