Tinig.com » Dula

Sa Waiting Area
MGA TAUHAN:

Andrew, 38

Kiko, 40

Check-in Counter Girl

Mga tao sa airport

Sa pagliwanag ng tanghalan, makikita ang waiting area ng airport habang may tumutugtog na hiphop beat. Papasok si Andrew na hawak ang kanyang passport, ticket, at isang malaking bagahe. Puno ang mga upuan. Maya maya ay aalis ang katabi ni Kiko.

Uupo si Andrew sa tabi ni Kiko. Titingin-tingin si Kiko sa kanyang orasan habang nagbabasa ng libro. Si Andrew naman, hinahampas hampas ang ticket sa kamay at galaw ng galaw ang paa. Maglalabas ng imported na tsitsirya si Kiko.

KIKO (paalok kay Andrew): Chips?

ANDREW: Uhh, no. Tenkyu.

Magbabasa ulit ng libro si Kiko. Maglalabas naman ng tabloid si Andrew. May tutunog na cellphone. Pareho silang kukuha ng phone. Itatago ulit ni Kiko ang kanya. Pagkatpos ang ilang pagpindot ni Andrew sa keypad, ay pipindutin niya ang on/off button ng kanyang 3310. Pagkatago ni Andrew ng kanyang cellphone ay tutunog naman ang kay Kiko.

KIKO: God, my kids are so sweet.

Titingnan siya ni Andrew.

KIKO: Take a look, pare. This is my daughter’s text.

Makikibasa si Andrew.

KIKO: Dad, we can’t wait ’til you go back home for Christmas. We’ll miss you. Very sweet, no?

ANDREW: Oo nga eh. Ilang taon na siya?

KIKO: She’s turning 19 this November.

ANDREW: Ah.

KIKO: And this is my little boy’s text.

Ipapakita ulit ni Kiko ang cellphone kay Andrew.

KIKO: Dad, don’t forget my PSP ha. I love you. (Tatawa siya) Kids these days.

ANDREW: PSP?

KIKO: Ya, he wants it as a Christmas present.

ANDREW: Ah.

KIKO: Francis nga pala, pare. Friends call me Kiko.

Kakamayan niya si Andrew.

ANDREW: Ah. Kiko.

KIKO: Kiko din ang name mo?

ANDREW: Ay hindi. Andrew po, ser.

KIKO: Don’t call me sir. I don’t even let my staff call me sir.

ANDREW: Ay, Kiko.

KIKO: This is my family.

Ipapakita ang picture sa cellphone.

KIKO: This is my wife, Pia. And my little boy, Franz. My lovely daughter Franchezca. She’s beautiful, no?

ANDREW: Uhh. Yes.

KIKO: Ikaw, do you have kids?

ANDREW: Kids? Meron, pero wala akong picture nila.

KIKO: Not even in your wallet?

ANDREW: Wallet? Uhh, wala eh. Iniwan ko sa bahay. Eh, bibili na lang ako ng bago.

KIKO: Ilan ba ang anak mo?

ANDREW: Isa lang. (Titigil sandali) Babae.

KIKO: Wow. It’s really challenging to be a father, lalo na kung babae ang anak mo. Nag-iisa pa, no?

ANDREW: Oo. Sinabi mo pa.

KIKO: And how old is she?

ANDREW: Magna-nineteen na din.

KIKO: Wow. Just like my Frannie. Take care of her, pare. I know how hard it is to have a teenage daughter these days.

Hindi kikibo si Andrew.

KIKO:  It’s a good thing my wife always talks to her about, you know, the birds and the bees. (Tatawa siya). Ikaw? Asawa mo?

ANDREW: Ah. Nasa bahay. Nagluluto siguro.

KIKO: Ah, housewife. Like Pia. You know, nagpapaalam nga siya sa akin dahil gusto niya daw mag-work. Kahit call center lang daw. Di ako pumayag.

ANDREW: Bakit?

KIKO: Well, I believe that a wife must stay at home lang. She does the basic parenting chores, sabi nga ng iba.

ANDREW: Ah.

KIKO: And besides, mahirap na, baka kung ano pang mangyari, if you know what I mean. (Tatawa)

ANDREW (pilit na tatawa): Oo.

KIKO: And besides, she doesn’t need to work. I have a very good job. We’re doing well financially. Di niya kailangan ng trabaho, dahil hindi naman namin kailangan ng dagdag na pera. We have more than enough.

ANDREW: Oo, halata nga ser eh.

KIKO: Told you, wag mo ako tawagin na sir.

ANDREW: Ah oo nga pala. Kiko.

KIKO: Pero siyempre, naiintindihan ko rin ang wife ko. Siyempre, minsan pag bored na ‘yan sa bahay, gusto niya may ibang ginagawa.

ANDREW: Oo. Mga babae.

KIKO: That’s why I’m allowing her to go out with her friends. They put up parties.

Titingala si Andrew, at hahampas hampasin na naman ang ticket sa kamay niya.

KIKO: Well, yes, ‘yun na din ang madalas naming pinag-aawayan. With the nature of my work, madalas ding uminit ang ulo ko, kaya nagka-clash kami ng asawa ko.  Ikaw ba, what do you do?

ANDREW: Ha?

KIKO: What do you do? I mean, your job.

ANDREW: Job? Ha, eh. Musician ako.

KIKO: Oh.

Tatahimik sila sandali. Titingin tingin sa relo si Kiko, at titingala din siya.

KIKO: Well, I remember, nagre-recruit din ang agency namin ng mga musicians from the Philippines. Baka interested ka.

ANDREW: Recruit?

KIKO: Ya,  I manage a recruitment agency in Hong Kong.

ANDREW: Recruitment agency sa Hong Kong?

KIKO: Ya. Why?

ANDREW: Eh, anong oras flight mo?

KIKO: Last flight. Why?

COUNTER GIRL: Mr. Andrew Medina, please proceed to counter number 64.

ANDREW: Teka.

COUNTER GIRL: Mr. Andrew Medina, please proceed to counter number 64.

ANDREW: Sandali, ser, ah.

KIKO: I told you not to call me–

ANDREW: Eh, Kiko. Sandali. Iiwan ko lang itong gamit ko dito.

KIKO: Sure.

Magmamadali si Andrew papunta sa counter. Magri-ring naman ang cellphone ni Kiko.

ANDREW: Miss.

COUNTER GIRL: Mr. Medina, fully booked po talaga.

ANDREW (bubuntong hininga): Ganun ba?

COUNTER GIRL: Pero may last flight pa po kung–

ANDREW: Last flight.

Lilingunin ni Andrew si Kiko.

KIKO: Sinabi na ngang– Bakit ba ang kulit mo?! Tatawag ako pag nandun na ako sa Hong Kong, okay?! (Pipindutin ng marahas ang cellphone) Damn it!

ANDREW: Sige. Maghihintay ako.

Babalik si Andrew sa waiting area.

ANDREW: Eh, pareng Kiko, baka naman pwedeng humingi ako ng tulong sa’yo.

KIKO: How can I help?

ANDREW: ‘Wag ka na tumuloy sa flight mo, plis.

KIKO: What?

ANDREW: Ayoko na dito eh. Gusto ko na umalis.

KIKO: I don’t understand you, pare. You’re freaking me out.

ANDREW: Sige na.

KIKO: What the hell are you saying?

ANDREW: Hindi na ako makakapag-intay ng next week eh! Hindi ko na kaya!

KIKO: Hindi mo na kaya ang ano?

ANDREW: Gusto ko nang tumakas dito.

KIKO: Pare, you’re really starting to scare me.

ANDREW: Sabi ng asawa ko, wala akong kinabukasan. Puro plano, plano ng plano, wala namang nangyayari. Ilang taon na daw ako demo nang demo, pasa nang pasa ng mga composition, wala namang nagkakagusto. Kesyo, di na daw uso mga kantang Tagalog ngayon kagaya ng mga ginagawa ko, pang-jukebox na lang daw ‘yun.  Sabi ko sa kanya, maghintay lang siya. Gagawan ko ng paraan. Gawa-gawa daw ng paraan, e siya na nga nagpa-aral sa anak namin at nagpalamon sa akin sa buong pagsasama namin. Putang ina, pinag-ipunan ko ‘tong ticket na ‘to! Nangutang ako kung kani-kanino, binenta ko lahat ng mga gamit ko para makabili ng ticket na ito, hindi ko lang sinabi sa kanya. Ang sinasabi ko lang, wag siyang mag-alala. Makakabawi rin  kami. Iniisip ko, pag punta ko sa Hong Kong, dun na lang ako hahanap ng trabaho. Kahit ano.

KIKO: Hindi pwede ‘yun. Pauuwin ka muna bago ka makakuha ng working visa.

ANDREW: Wala ako pakialam. Kailangan ko nang tumakas eh. Kailangan ko nang umalis ngayon.

KIKO: Ba’t ka ba nagmamadali? Kung gusto mo tutulungan kita, pare. Pero I can’t–

ANDREW: Tang ina, pag-uwi ko kagabi, nung nabili ko na itong punyetang ticket na ito, sigaw ako ng sigaw sa bahay: “Mayi! Mayi! Nakabili ako ng ticket papuntang abroad! Hahanap ako ng trabaho dun, makakaahon na tayo!” Pero walang sumasagot sa bahay. May nakita akong sulat. Umalis na siya, isinama anak namin.

KIKO: Kaya ka nagmamadali umalis?

ANDREW: Oo. Hindi ko na kayang maghintay ng isang linggo, o kahit na isang araw. Kailangan ko nang umalis ngayon, para magsimula na ako ng bagong putang inang buhay.

KIKO: Pare, wag ka magagalit ah. If you look at life that way, you’re a coward. You always look for a fucking way out–

ANDREW: Putang ina, wag mo akong inglesin, hindi ko naiintindihan!

KIKO: Sabi ko, duwag ka. Pag may problema, gusto mong takbuhan!

ANDREW: Oo nga, duwag nga ako! Sinabi na sakin ng asawa ko yan. Sige na, ser. Bigay mo na sakin ‘tong flight na ‘to. Kahit kailan naman pwede ka umalis, di ba? Manager ka, sabi mo.

KIKO: Manager ako, pero hindi ako ang may-ari. Di ako pwedeng hindi bumalik doon ngayon. Kailangan ko nang umalis.

ANDREW: Mas kailangan kong umalis!

KIKO: Kailangan ko rin.

ANDREW: Umuwi ka na lang, ser. Sige na. Nandun mga anak mo. Naghihintay sila sayo. Mahal ka nila, di ba? Pag ako ang umuwi ngayong gabi, wala akong uuwian. Ikaw, kayang kaya mo magbayad ng isa pang ticket kahit bukas, kahit kailan. Sige na, ser, plis. Tsaka, nandun ang asawa mo, naghihintay din sa ‘yo.

Hindi kikibo si Kiko. Nakayuko lang na umiiyak si Andrew.

COUNTER GIRL: Passengers of Cebu Pacific flight 5J 118 to Hong  Kong, you may now proceed to counter number 64 for check-in.

KIKO: Well, mister, it’s been an interesting conversation. I have to go now.

Sa pagtayo ni Kiko para kunin ang mga bagahe niya, mahuhulog ang kanyang ticket. Tuloy-tuloy siyang lalayo kay Andrew papunta sa counter. Makikita ni Andrew ang nahulog na ticket at pupulutin.

ANDREW: Ser –

Mula sa pag-iyak ay unti-unting matatawa si Andrew.

ANDREW (natatawa): Buhay nga naman, o!

Pupunitin niya ang ticket ni Kiko, at ibubulsa. Tatayo siya, kukunin ang bagahe, at aalis na natatawa. Paglabas ni Andrew, makikitang kumakapa-kapa ng mga bulsa si Kiko. Agad siyang babalik sa waiting area.

KIKO: Nakita niyo yung taong kausap ko kanina rito?

TAO: Kaalis lang ho, ser.

KIKO: Damn it!

Kukunin niya ang cellphone niya, at marahas na magda-dial. Sa paglagay niya ng cellphone sa tainga, tutugtog na ulit ang hip hop beat.

KIKO: Pia, nagkaproblema sa ticket ko. Wag ka na magtanong! Basta balikan mo ako rito. Wag mo na isama mga bata. Sige na pag-usapan na natin ‘yung annulment papers pagdating mo rito. Nagkaproblema nga sa ticket ko, ba’t ba ang kulit mo talaga?

Pipila na sa check-in counter ang mga nakaupo sa waiting area, habang unti-unting nagdidilim.

Damaso at Karitas
MGA TAUHAN

JUANA DONNA � ginahasa, may kumot na nakabalot sa ulo, Maria Clara get-up

SALVE REGINA � madre, payat na payat

DAMASO � pari, mataba

KARITAS � madre, mataba

KORO � apat na babae, apat na lalake, lahat nakabahag

PANAHON AT TAGPUAN

Kasalakuyan sa simbahang pipitsugin.  Altar sa gitnang likod.  Pambilyar ang mesa sa gitnang harap.  Sa kaliwang likod ay may confessional booth.  Sa kanang likod ay may estatwa ni Jesus, nakapatong sa platapormang may gulong.  Nakakalat ang maraming monoblock sa paligid.  May dambuhalang krus sa likod ibabaw ng altar, kung saan nakapako ang mga kasama sa koro.  Isa sa gitna, isa sa ibabaw n�ya, dalawa sa kanyang kaliwa, dalawa sa kanyang kanan, at dalawa sa kanyang ilalim.

Naghahalikan sina DAMASO at KARITAS.  Nakahubad si DAMASO, nasa mesa ang kanyang abito. May rosaryo sa sahig.  May maririnig na katok.

SALVE REGINA (Voice-over): Padre, Padre Damaso.

Mabubulabog ang dalawa.  Kukunin ni KARITAS ang abito, pero ipatutulakan s�ya ni DAMASO papasok sa confessional booth.

DAMASO (Ihahampas pasara ang pinto ng confessional booth.): Pasok!

Bubuksan ni KARITAS ang confessional booth.  Ibabato n�ya ang abito kay DAMASO.  Palitan sila ng flying kiss.  Isasara ni KARITAS ang confessional booth.

DAMASO: Ay, teka lang muna!  (Magbibihis.  Makikita ang rosaryo sa sahig, pupulutin ito at popormang nagdarasal.)  Sige, pasok na!

Papasok si SALVE REGINA, kasunod ang nakatungong si JUANA DONNA.

DAMASO: Sumainyo ang panginoon.

SALVE REGINA: Sa inyo na lang.

DAMASO: Itaas ang inyong puso at isipan.

SALVE REGINA: E di namatay na kami nun.

DAMASO: Hindi pa naman n�ya tayo pinapatay.

SALVE REGINA: Marapat na s�ya ay pasalamatan.

Masalimuot na frat secret handshake.

SALVE REGINA (Iuupo si JUANA DONNA sa monoblock.)  Ito na po s�ya.

DAMASO (Bulong.)  Muslim na magpapaconvert?

SALVE REGINA: Ang babaeng ginahasa ni Padre Abraham!

DAMASO (Tatango kay JUANA DONNA.)  Tama, tama.  H�wag ka nang mag-alala pa sa kanya.  Nakamit na n�ya ang karampatang parusa.  Nilatigo namin s�ya.  At ang mga sugat na resulta�y sinabuyan ng alcohol.  Kinutusan din s�ya.  Pinaddle.  Binayagan.

JUANA DONNA: Nasaan na po s�ya ngayon?

DAMASO: Nagmimisa sa kabilang parokya.  (Hahawakan ang ulo ni JUANA DONNA.) Pero hindi pa tapos ang kuwento ko tungkol sa kanyang mga parusa.  PAgkatapos bayagan, dinuro s�ya ng mga semenarista at sakristan.  Binato ng kamatis�

JUANA DONNA (Sisingit.)  Hindi naman po kaparusahan n�ya ang aking nais.

DAMASO (Parang walang narinig.): Pinakain ng limang patola sa isang upuan, pina-inom ng chocolate milk shake sa loob ng MMDA male urinal�

SALVE REGINA: Pero Padre�

DAMASO: Pinaluhod s�ya sa munggo, sa bigas, sa mais, sa bubog.  Pina-inom ng tatlong bote ng beer at hindi pinaCR.

JUANA DONNA at SALVE REGINA: Padre Damaso, hindi pagpapahirap kay Padre Abraham ang kailangan!

DAMASO (Gulantang.)  Ha?  Ano ang inaasahan n�yo mula sa simbahan?

JUANA DONNA: Ang nais ko po�y maibalik ang aking pagiging birhen.

SALVE REGINA at DAMASO: Hu-what?

JUANA DONNA: Narinig n�yo ako.  (Tatayo.)  Mula bata�y asawa lang ang hinanap ko.  Pangarap ko�y ikasal nang grande, labasan ng sampung barako.  Hindi po ako dadalhin sa altar ng aking nobyo kung malaman n�yang nakantot na ako.

SALVE REGINA: E hija, sa honeymoon n�yo pa n�ya malalaman ang pagkabiyak!

JUANA DONNA: Ayaw ko pong magsinungaling sa kanya.

SALVE REGINA: Tapos na!  Hindi na magiging payapa ang inyong pagsasama.

JUANA DONNA: Ang aking pagiging birhen ang pinakamahusay na regalong aking maibibigay sa aking magiging asawa.  (Uupo.)  Nais ko lang pong maging karapat-dapat sa kanya.

DAMASO: At ano naman iyong plano?

JUANA DONNA: Nais ko pong magkumpisal.

SALVE REGINA at DAMASO: Kumpisal?

JUANA DONNA.  Opo.  (Ituturo ang confessional box.)  Doon po.

SALVE REGINA: Susmaryosep, �yun lang pala.  Sige, pwedeng-pwede.

DAMASO: Susmaryosep, may nangungumpisal pa rin pala sa panahong ito.

SALVE REGINA: May problema?

DAMASO: Hindi s�ya maaaring magkumpisal.

SALVE REGINA at JUANA DONNA: At bakit naman hindi?

DAMASO: Dahil, dahil, dahil.  (Patlang.)  Basa ang pintura ng confessional box.

SALVE REGINA: E di rito ka na lang mangumpisal Juana Donna.  (Akmang aalis.)  Pa�no, iwan ko muna kayong dalawa.

JUANA DONNA: Mawalang-galang po, kaya ako may kumot sa ulo para hindi makilala.  Hindi po yata makakatulong kung tatawagin n�yo ako sa buo kong pangalan.  Saka po, mula nang ako�y magahasa ay ayaw ko nang maiwan sa kwarto nang pari lang ang kasama.  Lalo na sa simbahan.  (Patlang.)  At hindi sa nagpapaawa ako, pero maawa naman kayo.  Hindi na nga tuna yang unang karanasan ko ng pagtatalik. Pati ba naman sa pangungumpisal ko�y gaganapin sa gitna ng mga monoblock?

DAMASO: Nagahasa ka lang ang arte mo na.

SALVE REGINA: Padre, konting pag-intindi.  (Lalapit sa confessional box.)  Halina Juana Donna, mas mabuti nang madungisan ng pintura kaysa manatiling madumi ang puri.

Susunod si JUANA DONNA.

DAMASO: Huwag!  (Hindi s�ya pakikinggan.)  Huwag!  May mas mainam na paraan.  (Mapapatititig sa kanya ang dalawang babae.)  Dito�y parang itinahe ng sastre pabalik ang iyong puke.

JUANA DONNA: Muling pagbibinyag?

SALVE REGINA: Pagpapapako sa krus?

DAMASO: Hindi.  (Bubuntong hininga.)  Dasal itong magreresulta sa isang himala.  Binabalaan ko kayo, matataas na pari lamang ang nakaaalam nito.  Hindi maaaring ipagsabi.

SALVE REGINA: Kung gayon ay bakit mo ipapaalam sa amin?

DAMASO: H�wag ka ngang kontrabida.  Gusto ko lang linisin si Juana Donna.

JUANA DONNA: Maraming salamat Padre!  Kayo lang ang mabuting pari sa aking buhay ngayon.  Paano po, paano ko po maibabalik ang aking pagiging birhen?

DAMASO: Magpakantot ka kay Kristo.

SALVE REGINA: Padre!  Anong uri ng birhen ang magpapakantot?  Kahit na si Kristo po ang kantutero!

DAMASO: Ang isip ng tao ay hindi isip ng Diyos.  H�wag subukang intindihin ang hindi maaaring intindihin.  Hindi ba�t ang Diyos ay tatlong iisa?

KORO: Amen!  Alleluia!  Purihin ang Panginoon!

DAMASO: At ang mga bulag, kanyang pakikitain?

KORO: Amen!  Alleluia!  Purihin ang Panginoon!

DAMASO: Kung gayon, walang imposible sa Diyos.  Kahit patay ka n�yang buhayin.

KORO: Amen!  Alleluia!  Purihin ang Panginoon!

DAMASO: Samakatuwid, ang kinakantot ni Kristo, nagiging birhen.

SALVE REGINA at JUANA DONNA: Amen!  Alleluia!  Purihin ang Panginoon!

DAMASO: Bueno, simulan na natin.  Dahil banal na ritwal, kailangan ng kandila.

Maglalabas ng isang metrong kandila si SALVE REGINA.

DAMASO: At insenso.

Maglalabas ng timba si JUANA DONNA.  Maamoy ang insenso.

DAMASO: At higit sa lahat, pera!

JUANA DONNA: E kung imasking tape ko na lang kaya ang punit na puke ko?  (Akmang aalis.)

SALVE REGINA: Huwag Juana Donna!  Isipin mo ang iyong magiging asawa!

JUANA DONNA: Kumpisal lang naman ang ipinunta ko rito.  (Lalapit sa confessional box.)

DAMASO: Huwag!  (Hindi s�ya pakikinggan.)  Sige na, hinawakan ng Espiritu Santo ang aking puso.  Libre na ang iyong pagpapakantot kay Kristo.

JUANA DONNA (Sisindihan ang kandila.)  Simulan na natin.  Baka bawiin mo pa ang iyong sinabi.

DAMASO: Sige.  (Lalapit sa estatwa.  Itutulak ito nang pasayaw.)  Tara na!

Lalabas ng confessional box si KARITAS.  Bubuo ng snakeline ang apat.

DAMASO (Kakanta.):		Saktan mo ako Diyos ko

Dito ako masaya

Sa hagupit at lupit

Ng banal kong papa

Hampasin, bunuin

Lahat aking titiisin

Gaano man ang kirot

Paghihirap tatanggapin

Kantutin, kantutin

Kantutin mo �ko Kristo

Halina, kabayuin ang kaluluwa ko!

(Salita.)  Sabay na!

LAHAT pati KORO:			Kantutin, kantutin

Kantutin mo �ko Kristo

Halina kabayuin ang kaluluwa ko!

Kantutin, kantutin

Kantutin mo �ko Kristo

Halina kabayuin ang kaluluwa ko!

Ang kaluluwa ko!

Ang kaluluwa ko!

Babalik si KARITAS sa confessional box.  Uupo ang tatlo sa monoblock.

SALVE REGINA: Ang husay mo talaga Padre!

DAMASO: Hindi ako kundi ang Diyos ang mahusay.  (Kay JUANA DONNA.)  Magling ka nang muli anak.  Humayo at magpakarami.

JUANA DONNA: Hindi pa rin naman po ako birhen muli.  Walang nagawa ang inyong dasal, kanta at ritwal.

SALVE REGINA: Erehe!

DAMASO: Filibustero!

DAMASO at SALVE REGINA: Gusto mo bang itakwil ka ng Simbahan?

JUANA DONNA (Tatakbo patungo sa confessional box.)  Nais ko lang namang magkumpisal.  (Bubuksan ang pinto.)  Halina Padre, patawrin n�yo na ako.

KARITAS (Lalabas mula sa confessional box.)  Susmaryosep Dam-dam, tatlong araw na akong patay sa loob!

DAMASO: Madre Karitas, nariyan ka pala!

SALVE REGINA: �Dam-dam�?  Mahal, anong ibig sabihin nito?

JUANA DONNA: Hindi ba obvious?

DAMASO at SALVE REGINA: Shut up!

KARITAS: Panahon na siguro para sabihin ko.  Mahal ko kayo pareho!  (Uupo sa mesa.)  Ok lang ba?

DAMASO: Ok lang, handa ako, basta masaya ka.

SALVE REGINA: Hindi ba parang buffet table ka n�yan?

KARITAS: Hindi naman.  (Lalapit kay SALVE REGINA.)  Actually, para akong pumipili sa buffet table.  (Patlang.)  At kayo ang pagkain.  (Kukunin ang kamay ni SALVE REGINA.  Kakagatin ito.)

SALVE REGINA: Ayaw ko yata sa threesome.

DAMASO: Hindi naman threesome.  Wala naming mangyayari sa ating dalawa.

KARITAS: Tiyak �yon!

JUANA DONNA: Mawalang-galang po.  Paano na ang problema ko?

DAMASO: Shut up sinabi!

KARITAS: Huwag ka namang ganyan.  Ikaw kaya ang magahasa.  Kumpisalin mo na kasi.

DAMASO: Ok, sige.  Halina sa confessional box.

JUANA DONNA: Ayaw ko nga!

DAMASO: Kanina gustong-gusto mo, ngayon ayaw mo?  Ang mga babae talaga, pabago-bago ng isip!

SALVE REGINA: Ang sexismong ganyang ay kaakibat ng panggahasa.  Gamit ng mga lalake para mang-api ng babae.

KARITAS: Bakit nga ba ayaw mo na?

JUANA DONNA: Bakit naman ako hihingi ng tawad sa isang makasalanan?  Baka mapunta akong impyerno, tulad n�yong tatlo!

SALVE REGINA: Aba!  Unang-una, walang masama sa relasyon namin sa isa�t isa.  Consenting adults naman kami.  Pangalawa, lahat naman ng pari makasalan.  Kanino ka magkukumpisal?

JUANA DONNA: Didiretso ako sa Diyos!

Tatawa ang tatlo, pati ang KORO.

KARITAS: Ano ka, Protestante?

SALVE REGINA: Mas malala: born again!

JUANA DONNA: H�wag nga kayong mang-insulto!  Basta, kaya kong humingi ng himala mula sa Diyos nang hindi dumadaan sa pari, o nagbabayad sa simbahan.

DAMASO: Good luck sa �yo!  Alam mo ba kung gaano kahirap gumawa ng dasal.  At para maging epektibo, kailangan mong ikanta.  Kaya mo bang kumanta?

JUANA DONNA: Oo naman!

SALVE REGINA: Aber, sige nga.  Birit!  Banat!

JUANA DONNA (Kakanta.)		Diyos ko bakit?

Diyos ko bakit?

Ako hinalay?

Lagi namang nagdadasal.

Diyos ko sana

Ibalik N�yo

Ang pagka�

Birhen ko.

Mahabang patlang.  Unti-unting tatawa ang KORO.  Sasama si DAMASO at ang dalawang madre.

JUANA DONNA (Mauupo sa monoblock.): Bakit?  Bakit ganito ang sagot ng langit?

Mapapatigil si SALVE REGINA.  Sisikuhin n�ya ang dalawa para tumigil din sila.  Tatabihan n�ya si JUANA DONNA.  Unti-unting titigil sa pagtawa ang KORO.

DAMASO: H�wag kang mag-alala.

SALVE REGINA: Hindi mo kasalanan.

KARITAS: Ganyan lang talaga ang Diyos, mahilig manggago.

DAMASO at SALVE REGINA: Ano ka ba?  H�wag ka ngang lapastangan!

KARITAS: Kayo ang tumahimik!  Mag-aminan nga tao!  (Patlang.)  Noong ginahasa ako�anong ginawa n�ya?

JUANA DONNA: Ibig mong sabihin, nagahasa ka rin?

SALVE REGINA: Susmaryosep, h�wag ka ngang inosente.  Madre s�ya, siyempre nakaranas s�ya ng panggagahasa.  Ako nga e�

DAMASO: Paramihan na lang!

KARITAS: Limang beses akong nagahasa.

SALVE REGINA (Sisinghal.)  Iba-iba?

KARITAS: Iisang tao lang.  (Patlang.)  Pero Obispo!  Laban ka?

SALVE REGINA: Para malaman mo, pitong beses na akong nagahasa, ng iba-ibang lalake!  Isang Obispo, isang cardinal, at isang beses�gang rape!  Tatlong sakristan!

JUANA DONNA: Paano n�yo natitiis?

SALVE REGINA at KARITAS: Hinayaan ng Diyos, ibig sabihin, tama.  Karangalan namin ang maghirap sa ngalan n�ya.

JUANA DONNA: Hindi ko kayang tanggapin ang nangyari sa akin.

DAMASO: Kaya mo �yan.  (Tatayo, pupunta sa altar.)  Teka lang ha?  (Maglalabas ng ostya at alak.)

KARITAS (Tatayo at tutulong kay DAMASO.): Tamang-tama!

Magdadala ang dalawa ng mga baso, alak, plato at ostya sa kanilang mga kasama.  Ipagtutulakan nila ang mga monoblock at parang nagpipiknik na uupo sa sahig.  Magtotoast sila at sabay-sabay na lalagok ng alak.  Bwakawan sa ostya.

JUANA DONNA (Kay SALVE REGINA.): Salamat.  (Kay DAMASO.)  Kayo po, nagahasa na?

DAMASO: Oo naman!  Pero minsan lang.  Semenarista pa ako.  (Patlang.)  Minsan nga, iniisip ko, bakit di na naulit?  Baka may ibang hinahandang pagsubok sa akin ang Diyos.  Kaya nga lagi kong dinarasal: �O Diyos na mahabagin, sana po�y magahasa ako.  Ayoko pong magkaketong, o kaya�y maging dukha.�

SALVE REGINA at KARITAS: S�ya nawa.

JUANA DONNA (Lalagok.)  Hindi kaya (Patlang.) pagsubok lang ng Diyos ang pagkawala ng pagiging birhen ko?

SALVE REGINA, DAMASO, KARITAS at KORO: Malamang!

JUANA DONNA: Hindi pala ako dapat lumuluha.  Dapat pa nga akong matuwa!  Kasi bigay ng langit ang aking pagkakagahasa!

DAMASO: Ang dapat dito�y awit!

SALVE REGINA: May alam ako!  Itinuro ng obispong tumurbo sa aking pwet!

KARITAS: Hala, bira!

SALVE REGINA (Tatayo.  May kasamang sayaw ang kanyang pag-awit.)

Hesus, salamat

Maliit ang burat

At mabilis ang banat

Ng gumahasa sa akin!

Hesus, ulitin

Pasakit sa �kin!

Ako�y nabitin

Sa cari�o brutal!

Hesus, salamat

Sa �yong pagsubok!

�Tong paghihirap!

Alay ko sa �yo!

Palakpakan ang lahat.  Bow si SALVE REGINA, pagkatapos ay uupo.

DAMASO: Ayan Juana, pwede ka nang umupo.

KARITAS: S�ya nga.  Basta sabihin mo sa magiging asawa mo, pag nagreklamo s�yang hindi kanya ang unang ondo: �Buti nga ito lang.  E kung utang ang ibinigay sa akin ng Diyos?�

SALVE REGINA: At tulad nga ng sinabi ko sa dalagitang bumisita sa akin noong nakaraang Linggo: hindi mahalaga kung gahasain ka man ng sampung impakto.  Ang importante, mahal ka ng Panginoon!

KORO: Alleluia!  Purihin ang Panginoon!

DAMASO: O, pa�no, hanggang sa susunod na trahedya.  (Sesenyas sa dalawang madre.  Magsisimulang magligpit.)

KARITAS: Lagi kaming narito.  Pwera Miyerkules.  (Aabutin ang plato ng ostya ni JUANA DONNA.)

JUANA DONNA (Hindi ibibigay ang plato.)   Bakit hindi?

SALVE REGINA: Secret!

Tatawa ang tatlo.

JUANA DONNA: Hindi pa rin ako pwedeng umalis.

KARITAS: Anak ng Diyos, ano pa ang problema mo?

DAMASO (Kay KARITAS.)  H�wag ka namang ganyan.  (Kay JUANA DONNA.)  Kung bukod sa panggagaha �yan e may singil na talaga ha?  Naiintindihan mo?

JUANA DONNA: Ang asawa ko kasi ay�

SALVE REGINA: Pangit?

KARITAS: Baog?

DAMASO: Mahirap?  (Gagasp.  Patlang.)  Aba e, h�wag mo nang ituloy ang kwento mo.  Hindi ka pala makakabayad.  (Sisimulang ibalik ang mga plato at baso sa altar.)

JUANA DONNA: Hindi pera ang problema.  (Bubuksan ang bag at magtatapon ng pagkarami-raming barya sa sahig.)

Ibabagsak ni DAMASO ang mga dala at magkakandarapa sa pagpulot ng barya.

KARITAS: H�wag namang ganyan Padre!

SALVE REGINA: Tirhan mo kami!

Sasama sa pamumulot ang dalawa.

JUANA DONNA: Tigil!  (Hindi s�ya pakikinggan.  Maglalabas s�ya ng baril.)  Pakinggan n�yo ako!

Tuloy pa rin ang tatlo.

JUANA DONNA: Bakit ayaw n�yong makinig?  (Babarilin si DAMASO.  Patay ang pari.)

SALVE REGINA (Tatayo.): At bakit mo naman ginawa �yon?

KARITAS (Tatayo.)  Kakafloorwax lang namin!  Ngayon malagkit na naman ang sahig!

JUANA DONNA (Palipat-lipat ang tutok ng baril.)  Hindi ka natatakot?

SALVE REGINA: Kung kakampi namin ang Diyos, sino ang kakayaning lumaban sa amin?

KARITAS: Saka extra pogi points pa nga ang patayin.  Kinakasihan ng Diyos �yung mga nagpapakamartir.

SALVE REGINA: Dapat nga magpapako sa krus.

KARITAS: Kaso nga lang, walang Romano dito.

SALVE REGINA at KARITAS: Kaya ibang uri ng pakuan ang nangyayari!

JUANA DONNA (Ibabagsak ang baril.  Mapapaupo sa monoblock.)  Hindi ko masakyan.  Sa inyo, kasiyahan ang paghihirap.  Buhay ang kamatayan.  Dalisay ang kantutan.

KARITAS: Ganyan talaga pag nasa puso mo si Kristo.  Halika, tulungan mo kami.

Bubuhatin nila ang bangkat papuntang confessional booth.  Tulong-tulong nilang ipapasok ito.  Pagkatapos ay balik sila sa mga monoblock.

JUANA DONNA: Sana�y mabait ang mga pulis.

KARITAS: Pulis?  Hindi ka naman namin isusumbong.

SALVE REGINA: Diyos naman ang magdadala ng katarungan, kung ito ang nais N�ya.

KARITAS: Nalayo na tayo.  Ano ba �yung nasabi mong problema sa �yong asawa?

SALVE REGINA: Tama, tama, tama.  O sige na, share na.

JUANA DONNA (Tatayo at aawit.)

Hindi pangit

Hindi baog

Magiging asawa ko.

Ang kaso lang

Mayaman man

Hindi kanya ang puso ko.

Barbeque stick man ang titi

Siksik man ang titi

Iba ang mahal ko.

KARITAS: At sino naman �yan?

SALVE REGINA: Si Padre Abraham!

JUANA DONNA: Paano mo nalaman?

SALVE REGINA: Hula lang.  Wow, ang galing naman may powers ako!

KARITAS: Hay naku, mga babae talaga.  Kunwari ayaw magpakantot.  Gusto naman talaga.  Kaya ako hindi naniniwala sa gahasa-gahasa.  Sa totoo lang, enjoy ang mga �yan!

SALVE REGINA: Ano ba �yang sinasabi mo?

JUANA DONNA: Hindi, tama s�ya, totoo.

KORO: Totoo, totoo, totoo.

JUANA DONNA: Si Padre Abraham ang aking inaasam.

KORO: Asam, asam, asam.

JUANA DONNA: Sinadya kong galitin s�ya para saktan n�ya ako.

KORO: Saktan, saktan, saktan.

SALVE REGINA: Ang pag-ibig ay parang pananampalataya.  Sa sakit lang nasusukat.  Mas maraming paghihirap ang kaya mo, mas dakila ang laman ng iyong puso.

LAHAT pati KORO: Amen!  Purihin ang Panginoon!  Amen!

JUANA DONNA: Ngunit paano na ako ngayon?  Sa isang banda meron akong magiging asawa na utos ng Diyos na aking pagsilbihan.  Ngunit sa isa pang banda umiibig ako sa paring nagpa-usbong ng aking pagkababae!

KARITAS: Magdasal ka tayo?

SALVE REGINA: Magandang suhestiyon, subalit baka sawa na ang Diyos!

KARITAS at JUANA DONNA: Lapastangan!

SALVE REGINA: Uy, h�wag nga kayong mabilis manghusga!  Isipin n�yo, kung dasal tayo nang dasal, sasabihin ng Diyos na hindi natin ginagamit ang ibinigay n�ya sa ating kakayahang mag-isip!

KARITAS: Pero hindi ba may limitasyon ang utak ng tao, kaya dapat laging sa Diyos dumudulog?

SALVE REGINA: Marahil tama ka, pero para saan pa ang ating talino kung hindi natin ito gagamitin?

KARITAS: Talino, isip, kakayahan.  Kung magsalita ka parang hindi ka Kristiyano!

SALVE REGINA: H�wag mo akong insultuhin!  Bawiin mo ang sinabi mo!

KARITAS: Erehe at pilibustero!

SALVE REGINA: Isa!  Dalawa!

KARITAS: Day, ano naman ang pwede mong gawin sa akin?

SALVE REGINA (Pupulutin ang baril.  Babarilin si KARITAS, patay.)  Tatlo!

JUANA DONNA (Yayakapin ang nakahandusay na bangkay ni KARITAS.): Bakit?  Hindi ba magkaibigan kayo?

SALVE REGINA (Itututok ang baril kay JUANA DONNA.): Una, hindi ko s�ya kaibigan.  Syota lang, may malaking pagkakaiba.  Pangalawa, inakusahan n�ya akong hindi sumasamba kay Hesus.  Wala nang hihigit na insulto.  Ano ako?  Budista?  Hindu?  (Patlang.)  Iglesia ni Cristo?  (Patlang.)  At pangatlo, ayos lang mamatay.  Binyag naman s�ya, kasapi sa Simbahan.  Tiba-tiba s�ya sa langit ano man ang mangyari.  (Patlang.)  Ang kulit mo naman, ilang beses na naming itinuro �yan!  Hindi ka ba sa Catholic school nag-aral?

JUANA DONNA: Excuse me lang ha?  Paulinian ako!

SALVE REGINA: E ba�t di mo alam ang mga utos ni Hesus?

Susugod sana si JUANA DONNA kay SALVE REGINA pero tututukan s�ya ng baril nito.

SALVE REGINA: Kargahin mo si Karitas papuntang altar.

Susunod si JUANA DONNA, pagkatapos ay uupo silang muli.

SALVE REGINA (Itatapon ang baril.): Ang buhay nga naman oo.  Pumunta ka rito para magkumpisal tapos nakapatay ka.  Bakit nga ba may dala kang baril?

JUANA DONNA: Hindi naman talaga kumpisal ang balak ko.  Wala lang akong madahilan.

SALVE REGINA: At ang baril?

JUANA DONNA: Alam ko namang hindi na maibabalik ang pagkabirhen ko.

SALVE REGINA: E �yung baril nga?

JUANA DONNA: Pumunta ako rito para patayin si Padre Abraham.

SALVE REGINA: O, akala ko ba mahal mo s�ya?

JUANA DONNA: Nakakalito ang mundo.  Kung sinong mahal mo, s�yang ayaw sa �yo.

SALVE REGINA: May mahal s�yang iba?  Madre �no?

JUANA DONNA: No!

SALVE REGINA: Seminarista?  Pari?  Obispo?

JUANA DONNA: Mali po.

SALVE REGINA: Janitor?

JUANA DONNA: May taste naman si Padre Abraham �no!  Hindi s�ya papatol sa mababang uri.

SALVE REGINA: Kung gayon (Patlang), hindi, hindi maaari.  Pero napakaobyus.  (Patlang.)  H�wag mong sabihing�

JUANA DONNA (Tatango.): Oo.

SALVE REGINA at JUANA DONNA: Si Kristo!

SALVE REGINA: At paano mo naman balak patayin si Kristo?

JUANA DONNA: Una, babasagin ko ang kanyang estatwa.  Pangalawa, papatayin kita.  At panghuli, ibabagsak ko �yun (Ituturo ang krus ng KORO).

SALVE REGINA (Tatayo.): Hindi kita papayagan!

JUANA DONNA: O, sige, hindi na kita papatayin.

SALVE REGINA: Hindi kita papayagang ibagsak ang krus!

JUANA DONNA (Tatayo.): Bakit ka kay Kristo kumakampi?  Ako, tao, babae, inaping tulad mo.  Dapat nga magtulungan tayo!

SALVE REGINA: Ba�t naman ako sa �yo papanig?  Diyos ka ba?

JUANA DONNA (Lalapit sa altar.)  Hayaan mong awitan kita para makumbinsi.  (Aawit.)

Tayong mga tao

Naghihirap sa mundo.

Tumulong ba ever

�Yang sinasamba mo?

Tayong mga tao

Dasal lang nang dasal.

Nasaan ang Diyos mo?

Baka nagsasalsal.

Tayong mga tao

Lalaya na ngayon.

Pagwasak sa simbahan

Sa langit ang tugon.

SALVE REGINA (Pupulutin ang baril.)  Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.  Kaaway mo si Kristo.  Kaaway kita.

Babaril si SALVE REGINA pero makakailag si JUANA DONNA.  Sa kanilang habulan/barilan mababagsak ang estatwa ni Hesus, mahuhulog ang bangkay ni KARITAS sa billiard table, mabubuksan ang confessional booth at malalabas ang bangkay ni DAMASO.  Sa dulo madadapa si JUANA DONNA sa gitna.  Sa kanyang likod tatayo si SALVE REGINA.

KORO: Tumayo ang lahat.

Tatayo sina DAMASO at KARITAS, pero patuloy pa rin ang luhod ni JUANA DONNA.

KORO: Yumuko ang lahat.

Yuyuko ang lahat maliban kay SALVE REGINA.

KORO: Patnubayan kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo.

SALVE REGINA: Amen.  (Patlang.)  Tapos na �to, humayo kayo at magpakarami.

JUANA DONNA: Tigil!

SALVE REGINA: Ano na naman?

JUANA DONNA: Maaari ba akong magdasal?

SALVE REGINA: Isang kondisyon.  Kasama kaming lahat.

Sasayaw ang apat kasabay ng kanta.

LAHAT pati KORO: 			Saktan mo ako Diyos ko

Dito ako masaya

Sa hagupit at lupit

Ng banal kong papa

Hampasin, bunuin

Lahat aking titiisin

Gaano man ang kirot

Paghihirap tatanggapin

Kantutin, kantutin

Kantutin mo �ko Kristo

Halina, kabayuin ang kaluluwa ko!

Kantutin, kantutin

Kantutin mo �ko Kristo

Halina kabayuin ang kaluluwa ko!

Kantutin, kantutin

Kantutin mo �ko Kristo

Halina kabayuin ang kaluluwa ko!

Ang kaluluwa ko!

Ang kaluluwa ko!

Pagkatapos ng sayaw/kanta babagsak sina DAMASO at KARITAS.  Luluhod si JUANA DONNA.  Babarilin s�ya ni SALVE REGINA.  Patay.

KURTINA