Tinig.com » Noel Sales Barcelona

Oda kay Ka Bel
(Crispin B. Beltran, Lider Proletaryo | Enero 7, 1933 – Mayo 20, 2008)

Katulad ay bituin, ang iyong luningning

Araw ang kapara ang liwanag mo mandin

Bulalakaw na gumuhit sa panginorin

Eksaktong lumitaw ng baya’y nasa dilim.

Liryong bumukadkad sa gitna nga ng parang

Tubo sa gitna ng malawak na dawagan

Upang ipakita ang timyas ng paglaban

Nitong aking inaapi na Inang Bayan!

Ay! Sino baga sa iyo’y makalilimot?

Yaman ka ng dukhang dalita’y di matapos…

Nangunang taliba nitong bayang hikahos,

Ama sa pakikibaka kontra-balakyot!

Bagaman pumanaw na’t kayo ay lumisan–

Alaala ninyo ay amin ngang huwaran

Yaman namin ang salita ng katuwiran

Namutawi sa bibig habang nabubuhay

Ito ang gabay namin, hanggang sa tagumpay!

No related posts.

Ginisang Isda sa Kamatis at Itlog at Iba Pang ‘Sahog’
MATAPOS kong iluto ang tatlo’t kalahating pirasong galunggong (mackerel scud) na linahukan ko ng tinatadtad na kamatis at itlog, at matapos kong iinit ang natirang sinabawang gulay na sari-sari (talong, okra, kalabasa, sitaw at kakaririt o kakaunting ampalaya), hinarap ko na ang personal computer (PC) ko para isulat ang blog na ito.

Galunggong: ang tinagurian noong pambansang isda sa panahon ni dating pangulong Corazon C. Aquino dahil ito lamang ang kayang bilhin ng maralita, bukod pa sa dilis at ibang lamang-dagat. Ngunit ngayon, hindi na rin ito mabili ng mga maralita dahil umaabot na ng P100 – 120 kada kilo ang isdang ito.

Bagaman mayroong naunang sanaysay na dapat sanang tapusin hinggil sa mangyayaring kapistahan ng mga timang sa Lunes, Mayo 10 — naisip kong makisawsaw na rin sa isyung masasabi nating pambayan, kahit pa pagtaasan tayo ng kilay ng ilang kakilala at katungayaw sa mundo ng panitikan at maging ng pagbabalita.

MATAGAL-TAGAL na rin akong hindi nagsusulat ng hinggil sa magulo at makulay na mundo ng showbiz. Batu-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magalit.

Ang huling pagsusulat ko hinggil sa showbiz ay nang bigyan ako ng katotong Julianito “Boy” Villegas Villasanta, na nakagiliwan na nating tawaging Mama Boy, ay noong panahong mayroon pang pang-Maynilang edisyon ng Punto!, isang arawang tabloid sa Filipino na inililimbag noon ng Johannan Publishing.

Masaklap na masarap ang naging karanasan ko sa publikasyon/peryodikong iyon. Matapos na mabasa at mabayaran ang ilang isinulat na pitak ( ilan sa mga isinulat natin, makikita sa lumang blog na ito na Direct to the Point), ay tinakbuhan na kami ng publisador matapos na maunsiyami ang kaniyang ambisyong pampulitika.

Kasama ng kaniyang pagkabigo, ang pagkabigo rin naming masingil ang disin sana’y libu-libo rin namang piso na bayad sa aming pinag-isipan at pinagpagurang mga pitak.

Gayunman, nang makahuntahan natin ang manunulat, makata at patnugot din na si William Rodriguez II, naibalita niya sa aming nabayaran daw kami ng pulitiko ngunit hindi naman sumayad sa aming mga palad ni isang sentimo ng perang ibinigay sa katiwalang naiwan dito sa Maynila.

Karma-karma lang ‘yan. Bahala na sa kaniya ang Ama nating nasa Langit! Santisima Trinidad, oo! Hesus, Maria y Hosep!

NITONG nakaraang araw, nagbubusa ang game show host at aktor na si Willie Revillame. Ang rason: ang maaanghang na pasaring sa kaniya ng dzMM entertainment commentator at The Buzz co-host na si Jobert Sucaldito.

HINDI nating maiwasang mabanggit na bago naging tanyag na brodkaster, unang tumampok ang pangalan ni Jobert dahil sa kontrbersiyal na video ni Jojo Veloso na nagpapakita na “nilalaro” niya ang ari ng isang modelong lalaki na kalaunan, malalaman ng publiko na si Hans Montenegro.

Ang iskandalong ito ang nagbigay-daan kay Jobert para tuluyang makapasok, wika nga, sa mundo ng showbiz at kilalanin bilang isa sa pinakamahuhusay na showbiz scribe sa bansa.

KUNG tutuusin, talagang kilalang “mahadera” si Jobert. Marami na rin siyang kinabangga sa pananatili niya sa showbiz, maging ang kaniyang co-host at sinasabing “reyna ng lahat ng midya,” na si Kris Aquino. Katulong pa niya sa “pang-aaway” sa bunso ng mga Aquino ang dating taga-ABS-CBN din na si Cristy Fermin.

Kung titingnan nga naman, mayroo nang marka si Jobert sa pagiging “benggador” sa industriya ng showbiz. Nito ngang huling mga araw, muling naging kontrobersiyal ang pangalan ni Jobert.

NGAYON, malaking isda na naman sa ABS-CBN ang nakabangga ng prangkang eskribador sa showbiz: ang host na si Willie Revillame.

Bago po tayo magpalawig ng ating pagtalakay, mangyaring panoorin po muna natin ang YouTube video na nasa ibaba:

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=7IkMeFTpOz0]

Sa video, makikita at maririnig ninyo ang pagmamayabang ni Willie hinggil sa laki ng kita ng kaniyang show, at sinasabing paglilingkod-bayan niya diumano sa mga kababayan nating kapus-palad at yaong mga tinaguriang nasa laylayan ng lipunan.

Marami talagang humahanga sa diumano’y kagandahang loob at pagkamaawain ng puso ni G. Revillame. Basahin ang ulat na ito mula sa Manila Bulletin, na muling inilathala ng Yahoo! News, ukol sa pagtatanggol ng dalawa sa pinakamasugid na tagasubaybay ni G. Revillame sa kaniyang matagal nang kontrobersiyal na show.

MULA’T mula pa, pinalilitaw na ni G. Revillame na ang kaniyang show ang tanging pinakapag-asa ng mga taong naghihirap na makaangat sa buhay. Hindi natin ito pabubulaanan dahil mayroon na tayong ilang kababayan na nabigyang pagkakataon na manalo ng libu-libo, kung hindi man, milyong piso dahil sa kaniyang show.

Ngunit gaano katotoo ito?

Noong taong 2006 — unang anibersaryo ng programa ni Willie — sinabi ng National Statistical Coordination Board (NSCB), ahensiya ng gobyernong nagsusuri sa batayang mga estadistikang panlipunan at pangkabuhayan sa bansa na may tatlong nangungunang sektor na lublob na lublob sa lusak ng kahirapan: mga bata at kabataan (14.4 milyon); kababaihan (12.2 milyon); at maralitang taga-lungsod (6.9 milyon). Mangyari pong pakitingnan ang graph sa ibaba:

Ang talahanayang ito ay mula sa ulat Ms. LinaV. Castro, OIC-Asst. Secretary General National Statistical Coordination Board (2009).

Limang (5) taon, matapos ang unang bunsod sa ere ng Wowowee!, sinabi ng  Social Weather Stations na 43 porsiyento ng pamilyang Pilipino (katumbas ng 8.1 milyong pamilya) ang nakararanas ng kahirapan o karalitaan samantalang 21.2 porsiyento naman – o katumbas ng 4.0 milyong pamilya ang dumanas ng involuntary hunger.

Gayundin naman, sinasabi rin ng ILO na 30 porsiyento pa rin ng 92 milyong populasyong Pilipino ang nananatili sa kumunoy ng kahirapan.

BAGO tayong muling magpalawig, gusto nating linawin na HINDI natin ipinagtatanggol si Jobert Sucaldito. Kailanman, hindi kami nagkakilala at kahit noong araw na nagsusulat tayo ng pitak na pang-showbiz, hindi kami nagkasalagway o nagkita ni G. Sucaldito.

Sa katunayan, noong una, mayroon din tayong naramdamang pagkainis at pagkagalit pa nga sa ilang banat ni Jobert. Mahadera kasi siyang talaga. Walang preno ang bunganga. Pero ngayon, sa isyung ito sa pagitan nina Willie at Jobert, masasabi nating  may punto si Jobert hinggil sa kanyang pambabatikos sa ilang asal ni G. Willie Revillame at ng kaniyang ipinagmamalaking show. Totoo naman kasing kabati-batikos ang ginawa niyang pagtatampok doon sa mga estudyanteng kung tagurian ay “Row 4 Students,” o mga estudyanteng lumalagapak ang grado sa eskuwela.

Pakinggan natin ang tugon ni G. Sucaldito sa banat sa kaniya ng kontrobersiyal na game show host:

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=IzFWk0Xg2kc]

KUNG susuriin sa kasaysayan ng Wowowee!, makikitang napakarami nang sablay ang nagawa ni Willie, nga lamang ay hindi masibak-sibak ng ABS-CBN dahil, gaya nga nang nabanggit ni Willie sa unang video, limpak-limpak na salapi ang iniaakyat ng kaniyang show sa kabang-yaman ng ABS-CBN. (Show na kalaunan, ipinaangkin ni G. Revillame sa sambayanang Pilipino.)

Hindi na bago ito dahil sa mundo ng kapitalismo, lahat ay ikokompromiso sa ngalan ng tubo at salapi. Ke se hodang marami ang masagasaan. Batu-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit. Kahit pa kung tamaan ng batong ipinukol ay magkabukul-bukol!

Naririto po ang ilan sa mga sablay ni Willie na marahil ay hindi napansin (o hindi pinansin?) ng dambuhalang network:

1. Ang reaksiyon sa paglalagay ng video ng libing ni dating Pang. Corazon Cojuangco Aquino sa kaniyang show.

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=bxhnMQZEAgs]

2. Ang pambabastos ni Willie sa isang babaing audience ng Wowowee.

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=fcCkBy_lysI]

3. At iba pang kabulastugan.

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=pwKvFT5WABM]

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=5dWen5ZA62k]

(Salamat po kay Even Demata para sa mga video sa itaas. – NSB)

SA puntong ito, giliw kong mga mambabasa, tahasan ko nang sasabihin na maraming kababayan na natin ang nalinlang ng sinasabing “kabutihan” ng loob at pagkamahabagin ng puso ni G. Revillame.

Sa totoo lamang po, at marami naman sigurong kakatig sa atin, malakas ang loob ni G. Revillame na magkaridad dahil ang ipinamimigay niyang pera ay hindi naman talagang kaniya. Ang salaping ipinamumudmod ni G. Revillame, bilang tulong o papremyo sa mga nagsisisali sa kaniyang show ay hindi sa suweldo o sa libreto-de-bangko niya nagmula: kundi galing mismo sa bulsa ng ating mga kababayang balikbayan at nasa abroad at maging doon sa mga sponsor na kumikita rin sa lakas ng Wowowee!

Hindi naman natin itatangging ang Wowowee! ang isa sa pinakamalakas na afternoon variety show ngayon sa Pilipinas; pero hindi nangangahulugan ito na binibigyan na ng show ng isang malinis at walang bahid na pagkatao si G. Revillame.

MARAMING magsasabing napakatalas naman at napakatalim ng bibig ng inyong lingkod. Masyadong mayabang magsalita gayong hindi naman kilala sa larangan ng showbiz bagaman nagtangkang sumulang ng ilang mga komentaryo sa ilang mga peryodikong tumiklop na ngayon.

Pero hindi natin ito babawiin. Pagkaminsan, dapat masugatan at magdugo ang mga damdamin para magising sa katotohanan ang mga nangangarap nang gising at nagpapahele sa isang katerbang ilusyon gaya ni G. Revillame.

Sa totoo nga, mga kababayan, inuugoy/ipinaghehele rin ni G. Revillame ang kaniyang mga tagasubaybay sa ilusyong siya ang tagapagligtas ng mga mamamayan sa karalitaan, paghihikahos at pagkabusabos. HINDI siya ang manunubos ng maralitang tagalungsod, ng mga magbubukid at mangingisda sa kanayunan, at mga inaalilang OFWs sa ibang bansa. Ilusyon lamang niya ang lahat ng ito. Ang masaklap, pati tayo ay naniniwala na rin sa ilusyon at delusyong hatid ni Willie at ng kaniyang show na Wowowee!

UPANG patunayan natin ang ating mga sinasabi, pagnilayan natin ang ilang mga puntong nasusulat sa ibaba:

UNANG-UNA, hindi kailanman nagamot ni G. Revillame – sa limang taong pamamayagpag ng kanyang show – ang problema ng karalitaan sa bansa. Nananatiling milyun-milyon pa rin ang nakalublob sa kahirapan na patuloy pang inilulublob ng mga naghahari-harian sa lipunan sa kumunoy ng kahirapan. Pinatunayan na ito ng naunang mga estadistika o numerong ating inihatag sa unang bahagi ng sanaysay-komentaryong ito.

PANGALAWA, ang show ni G. Revillame – pasintabi sa dambuhalang TV station – ay isang drogang naghahatid ng ilusyon sa mga mamamayang gustong makaahon sa kahirapan. Eskapismo ang pangunahing hatid ng show at hindi lantay na tulong sa mga mamamayan para malaman niya ang ugat ng sariling pagdaralita at pagdurusa.

Katunayan, dahil sa espiritu ng eskapismo at ilusyong hatid ng show, isang trahedya ang naganap noong 2006 sa ULTRA, sa unang anibersaryo ng Wowowee! Sino ba ang makalilimot sa mukha nang mahigit 70 kataong namatay dahil lamang sa pinaglaway ni Willie sa milyun-milyon diumanong papremyo ng kaniyang show?

KITANG-KITA ng inyong lingkod, bakas sa mukha ng mga namatay ang hirap at sakit ng kanilang pagkamatay. Nakakaawa sila. Mga bangkay na nakahilera sa ospital na pag-aari rin ng mga Lopez sa Pasig – ang Medical City – na may ilang nakataas ang kamay na para bang gustong itulak ang nalalapit nilang kamatayan… subalit hindi sila nagtagumpay.

Isa po ang inyong lingkod at nag-cover pa matapos ang trahedya sa ULTRA. (Tingnan ang ulat na ito. Sayang nga lamang at hindi na naipreserba ng Pinoy Weekly ang ulat nito ukol sa Wowowee tragedy).

BILANG panghuli, gusto nating unawain din naman si G. Revillame. Mayroon tayong isang kasabihang Tagalog na gusto nating ialay sa kaniya: “Ang langaw na nakatuntong sa kalabaw, mas mataas pa sa kalabaw.” Sa palagay ko, gayon ang pakiramdam ni G. Revillame. Tunay nga naman, kahit ang inyong lingkod na mabigyan ng kaunting lakas, kaunting impluwensiya, at kaunting kayamanan – maaring ganoon din ang maging pakiramdam.

Pero, gusto rin nating paalalahanan, hindi lamang si G. Revillame kundi maging iyong nagmamatayog sa kanilang sarili: “Kung anong tayog ng iyong paglipad, siya ring lagapak sa iyong pagbagsak.”

Kaya nga, kaiingat tayo sa labis na paghanga at pagtingin ng mataas sa sarili at baka sa bandang huli, mahulog tayo sa pusali.

Isang berso po, handog ko sa ating lahat.

Babala sa Langaw sa Ibabaw ng Kalabaw

Uy, uy, uy! Kaiingat ka

Huwag mong isipin

Na ang kawangis mo’y

makapal na pader,

isang toreng matibay

na hindi kailanman babagsak.

Huwag mong kalilimutan

ang kasabihang:

“Anumang tayog ng lipad

Siya ring lagapak

Kapag sa lupa’y bumagsak!”

Baka sa taas ng lipad mo

Marinig mo ang sariling lagabag!

Ay, ay, ay! Huwag kang ganiyan

Huwag mong isiping

Mananatili kang nakalutang.

Pakatandaan maging ang barkong

Malaki at matatag

Bumibigay din sa salpok

ng tubig alat.

Uy, uy, uy! Matuto kang gumalang

Magpakumbaba at sa lupa’y

panatilihing nakaapak

ang talampakan.

Baka tisurin ka ng Panginoon

At mukha’y masubsob

at lamunin ang putik na iyong pinagmulan.

Nota Bene: Itong blog entry na ito ay pinalawig na entry sa aking Meme sa Yahoo!. Salamat din sa ilang kaibigan na nagbigay ng inspirasyon para maisulat ito, partikular kay Mama Paul H. Roquia.

No related posts.

Tasa ng Kape
Walang ibang kapiling ngayong umaga kundi ang tasa ng malamig na kape. Mapait sa lasa kahit pa nga, halos tatlong kutsarang asukal na puti ang nailagay. “Pampa-diabetes,” sabi ng isang sulok ng namamanhid nang isip.

Nakatanaw sa bintana, abot-tanaw ang esterong halos hindi gumagalaw samantalang ang mga batang nakatuwaang manghuli ng kulikak, nagsisigawan, naghahalakhakan. Gusto mang mahawa sa hagikhikan habang ang isang paslit, na nakatuwaang manghuli ng kulikak, madulas at tuluyang magpalublob sa maitim at mabahong tubig, ngunit hindi magawang mangiti dahil…”

Nagpaalam siya papunta lamang sa isang kaibigan. Puting-puti ang kamiseta na tinirnuhan ng kupas na pantalong maong. Suot niya ang paboritong sandalyas na balat. Hindi na siya nagmedyas gawa nang basa pa, kasama ng sandamakmak na labadang kamiseta, karsonsilyo, panty, bra. Kanina lamang natapos banlawan ang nakababad.

“Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magtatagal. Kailangan lamang naming mag-usap ni Martin, sa demolisyon,” sabi niya. Halos ayaw lumingon sa akin. Nakatalungko nakatanaw sa maruming tubig ng estero.

“Sabi ko sa’yo, huwag ka nang makisawsaw. Hinahanap ka ng ilang maton noong isang araw. Hindi ko sila kilala. Mabuti na lamang at hindi tumuloy dito. Natatakot ako,” ani ko. Gayunman, patuloy ang kanyang pag-aayos para umalis.

“Kung patatakot ka sa kanila, talagang tatakutin ka,” sabi niya. Lumapit. Hinaplos ang aking buhok na sabug-sabog dahil sa kanina pa sabunot, higit at hatak ng sariling kamay. Ayaw ko nang sinasabi niyang hindi dapat matakot dahil may bagay na dapat ikatakot. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating o gusto niyang maabot. Basta ang alam ko lamang, kung maisisingit niya sa oras ang pagbabasa sa mga libro niyang nababalutan ng kung hindi asul ay pula, ng mga dokumentong iniipit pa niya sa damitan, at ilang sulat na nagmumula sa kung saan na nakaselyo lamang ng scotch tape at wala man lamang adres. O kaya naman, ang pakikipag-usap din niya sa ilang mga tao na nakilala lamang sa mga palayaw. May Ka Osang, Manay Inday, kung anu-anong pangalan. Pagkaminsan, dumadalaw sila sa barung-barong. Pabulong kung mag-usap sila. Halos ayaw iparinig. At pagkaminsan, hindi, kadalasan, nakikitulog sila, nakikiamot sa tuyo at kaunting kanin. Matapos ay aalis muli. Patungo kung saan, hindi man lamang ipaalam sa akin.

Ngunit minsan, naringgan ko sila: “Lahat ay dapat magbigkis at lumaban — sa pangunguna ng mga manggagawa, sa tulong ng mga magsasaka.”

Hindi ko maintindihan, ang salitang magbigkis; ano ang tungkol sa mga manggagawa? Ano ang tungkol sa mga magsasaka? Ano ang tungkol sa kung anong sinasabi nilang sektor, saray ng lipunan?

Alam ko… Hindi siya taal na taga-amin. Dayo lamang siya roon. Nagsimulang makipag-usap sa kung kanikanino. Matamis siyang mangusap at magaling magpaliwanag. Sa inuman, siya ang tanungan — umiinom siya pero hindi naglalasing. Nakikituloy siya sa isang entresuwelo malapit sa amin.

Nagkita kami, minsan nang nakatambay ako malapit diyan sa may Avenida. Nag-aabang ako ng magbibigay ng laman para sa tiyan. Mag-isa lamang ako. Wala na sina inay at itay dahil matagal nang patay. Nang minsan kasing maggibaan, ang dalawang matanda, natutulog. Wala ako noong oras na iyon, nasa kalsada para maghanap ng ikabubuhay. Ayon sa mga saksi, itinuluy-tuloy ang mga pagbubuldoser. Nadamay ang matanda. Kaya nga, sa gitna ng tag-araw, walang tigil ang ulan sa aking mga mata.

Iniakyat niya ako sa motel. Nagkausap kahit pasumandali. Hindi niya ako ginalaw. At nalaman kong matagal na pala niya akong tinitingnan. Gusto raw niya ako. Napatitig ako sa kanya. May kung anong humaplos sa puso ko. At doon nga nagsimula ang lahat.

Kaaway raw siya ng estado, kung sino man o kung ano man ang tinatawag nilang estado. Basta ang alam ko lang, may dumating na kung sino: mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan. May hinahanap silang pangalan: Marcelo Madlangsakay. Napatapat sila sa bahay. Itinanong kung may kakilala akong ganoon ang pangalan. Ang sabi ko’y wala. Inilarawan nila ang mukha, ang tindig at lalim ng hugot ng boses mula sa lalamunan. Siya iyon. Pero bakit iba ang pangalan? Hindi Marcelo Madlangsakay ang ibinigay niyang pangalan kundi Alejandro Mananquil. Hindi ako kumibo. May sumikdo sa dibdib ko. Basta ang sabi lamang sa akin ng mga maton, mag-iingat lamang kami sa kanya. Kaaway siya. Hindi dapat ipagkatiwala sa kanya ang buhay ninuman. Lason siya sa isip. Tibo siya sa puso ng sinumang maaring magmahal sa kanya.

“Babalik ka kaagad, ha? sabi ko sa kanya. Hinagkan niya ako sa labi. Sa mga mata niya, kakaiba ang nakita ko… pero hindi ko maipaliwanag.

“Maghintay ka lang,” aniya.

Parang may kung anong sumikdo sa dibdib ko nang mabalitaan ko ang isang komosyon. May lalaking dinukot ng anim na lalaki. Katulad ng suot niya. May mga nakasaksi, isinalarawan ang nakita nila. Nakapanghihilakbot dahil parang baboy daw na inihagis sa loob ng sasakyan. Hindi raw siya nag-iisa. Tinanong ang mga taong nasa paligid subalit ayaw nilang magsalita.

Ilang araw na rin siyang hindi dumarating. Manhid na ang isip ko sa pag-aalala. Ayaw niyang bumalik ako sa mga kalsada. Subalit hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi gumala. Pinipili ko talagang makatalik ang alam ko o mukhang pulis. Baka naman nalalaman nila. Kailangan ko siyang makita at makausap. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit na itinataas ang tasa ng lumamig na kape. Kumpirmadong siya nga ang parang baboy na pilit na isinakay sa sasakyan na walang plaka at madilim ang salamin. Siya nga ‘yon. Sinabi na sa akin ng mga kasamahan niya nang minsang dumalaw sa akin.

“Sumama ka na lamang sa akin,” sabi ni Manay Inday. “Delikado ka rito!”

Hindi ako kumibo. Matagal ang pananahimik. Hanggang nulas sa dibdib ko: “Pag-iisipan ko. Baka kasi bigla siyang umuwi wala ako.” Hindi rin kumibo si Manay Inday. Hinaplos niya ang braso ko. Niyakap bago siya tuluyang umalis.

Sinimsim ko at hagya lamang na dumaan sa lalamunan ko. May nakaharang na kung ano. Nasa isip ko ang hitsura niya bago siya umalis: maging ang mga alaala nang araw-araw na kasama ko siya. Maging ang mga panahong kasiping ko siya. Ang bawat haplos ng palad niya sa aking balat. Ang mga halik niya… Nasaan na nga kaya siya?

Nakatingin pa rin ako sa estero, sa mga batang nanghuhuli ng kulikak na inilalagay nila sa isang bote ng coke. Tuloy ang laro.

Inilagay ko na lamang sa lababo ang tasa ng kape. Ni hindi nga nangahalati ang laman.

Maliligo ako. Kailangan kong lumabas. Baka makita ko siyang muli sa Avenida, kung saan niya ako nakilala nang husto. At kung hindi ko siya makita, baka bukas! Baka bukas, makita ko na siya. Kung hindi? Paano kung hindi? Ipinilig ko ang ulo ko. Inalis ang kung anong agiw. Sa puso ko, nararamdaman ko ang kabog. Pero hindi ko iniisip na may masamang nangyari sa kanya. Inisip ko na lamang, dulot ng ininom kong kape kanina ang kabog na nararamdaman ko sa dibdib ko.

No related posts.

Huwag Mo Na Kami Kayang Bolahin, Sir/Madam?
Mangangako ka na naman?

Bobolahin mo na naman kami?

Kakamanyangan ng ilusyong kaunlaran

Samantalang milyun-milyon ang sikmurang kumakalam?

Sasabihin mo na namang kumita nang husto

Ang mga industriya mo

Bakit ganoon? Wala pa rin kaming trabaho?

Baka naman iyang bulsa mo ang napupuno

Ng perang kinurakot mo at mga payola sa ‘yo?

Bibilugin ang ulo, sasabihing

Mapayapa at maayos ang lahat

Oo nga, tahimik na nga ang inyong ipinapatay

At mapayapa na rin ang inyong binusalan.

Hay, naku, Madam!

Bibilugin mo na naman ang aming ulo

Ng iyong mga pangakong pihung-piho

Mawawala’t sukat, mababalaho.

Pero natuto na kami sa karanasan

Di mo na kami mauutakan

Baka huling litanya mo na ‘yan

Dahil sa susunod na mga araw

Kami na ang maggugubyerno

Sa tunay na Demokratikong Gubyernong Bayan!

140 Kalayaan Avenue

Diliman Quezon City

Hulyo 2, 2009

10:15 n.u.

No related posts.

Sino ang Nakaalaala sa Iyo, Flor?
Sino ang nakakaalaala sa iyo, Flor?

Sino ang nakaalaala sa mga gibik mo sa Changi

Sa tuwing sagi sa isip mo ang supling mong mauulila

Dahil ang lubid ay nakatakdang isingkaw sa iyong leeg?

Sino ang nakakaalala sa iyo, Flor?

Sino ang nakatataho sa isip ng isang tulad mo

Na itinulak na mangibang lupain

Dahil sa tiyang kumakalam, sa mga anak na di mapakain?

Sino ang nakakaalaala sa iyo, Flor?

Sino ang nakadarama ng tibok ng iyong puso,

Ng kinig ng utak, pintig ng pulso

At bawag buntong-hininga mo?

Sino sa kanilang sa iyo’y nagkanulo

Sa iyo’y hindi sumaklolo nang gusto nilang kitlin ang buhay mo?

Wala.

Walang gustong makaalaala ng iyong kapaitan.

Gayunman, kaming nakaaalaala’y

Huwag pagdamutan ng iyong gunita.

Hayaang sa kuyom na kamao at pusong sugatan

Maiguhit ang iyong mga larawan.

Sapagkat dumarating na ang panahon

Hindi lamang ng paggunita sa mga alaala

Ng angaw-angaw na tulad mong

Ipinagbili’t ipinaalipin ng mga dapat sana’y nagkukupkop —

Kundi panahon ng pagkagising, ng pag-uumalab ng mga damdamin.

Bayaang ang buntong-hininga’y maging pulburang yayakap sa hangin

At ang sakit sa dibdib ay maging kanyong nakatutulig

Na uutas sa kanilang nagpakabusog sa pawis at dugo ng mga alipin.

At ang mga larawan ninyo’y magiging pananda sa bantayog

Ng tagumpay at alab, ng digmang aatado sa uring palalo!

Lungsod Quezon | Marso 20, 2009

No related posts.

Rebelyn
Dugo mo’y sumisigaw, Rebelyn.

Naririnig namin.

Sumasama ang dapyo ng lansa at tusing

sa nilalagnat na hangin.

Dugo mo’y humihihiyaw, Rebelyn.

Nauulinig namin.

Ngunit huwag kang mag-alala

mayuming anak ng digmang-bayan:

Ang dugong sa lupa’y dumilig

ay magbibinhi at magsisibol.

Magiging sagitsit ng apoy

at gagapang upang supukin ang sa iyo’y lumuoy!

(Lungsod ng Malabon | Marso 17, 2009)

Related posts:

Epitaph for Rebelyn Pitao, 20, Schoolteacher and Non-Combatant

Babala
Kapag gutom

At nagdidilim ang paningin

Ang mga pangako ng panginoon

Kapag di lasang ulam at kanin

Lasong makamandag

Sa katinuan ay kikitil.

Sa pagsirit ng dugo

Sa dulo ng bungo –

Kaiingat ka, ikaw na halimaw na nakaupo

Baka hindi ka na tuluyang makatayo!

No related posts.

Moralidad ng Pagmumura Nang Minsan (Sa Ganang Palagay Ko Lamang)
Imoral daw ang magmura.

Ang magsalita ng “Putang Ina ka!”

Ang magsabing “Napakawalanghiya mo!”

Hindi raw maka-Kristiyano.

Labag sa moralismo.

Hindi katanggap-tanggap sa tao.

Ngunit,

Alin nga ba ang mas imoral:

Ang nakawan ang Bayan

O ang murahin ka –

Ikaw na nasa Malakanyang –

Kahit minsan lang?

Putang Ina Mo, Animal ka!

Sa kangkungan ka pupulutin, walanghiya!

Barangay Obrero, Lungsod Quezon

Pebrero 26, 2008

No related posts.

Sinulid
Maingay ang tunog ng makinang kanina pa kain-subo ng kemikal at iniluluwa naman sa isang mahabang pisi ang sinulid na isisilid naman sa isa pa para naman maging telang mabibigat na balumbon, sarikulay at nakakadalok ang amoy dahil nga sa kemikal na kumulay sa kanila.

Parang walang kapaguran si Ernesto habang minamasid ang ikot ng granaheng walang lubay sa pag-ikot. Akinse. Araw ng suweldo na labis niyang pinakahihintay dangan nga kasi’y kailangan ng pambayad ni Nene sa kanyang eskuwelahan. May ilang proyektong ibinigay ang kanyang guro na kailangang ipasa ni Nene sa katapusan ng buwan at kailangang-kailangang iyon para makapasa’t makasampa sa entablado at abutin ang diplomang katibayan ng kanyang pagtatapos sa haiskul.

Malapit na rin iyon. Ilang paglilipat-linggo na lamang at makapagtatapos na rin si Nene–Nerissa Camia ang tunay na pangalan–ng kanyang haiskul at kung kakayanin pa, dahil matalino nama’t may katiyagaan–ay igagapang para makapagtapos ng kolehiyo sa isang pampublikong pamantasang isang sakay lamang mula sa kanila.

Habang walang lubay din namang nagluluwa ng sinulid, sarisaring kulay at kahit pa nakakasulasok ang amoy ay pilit pa ring tinitiis kahit pa nakasisikip sa paghinga–dahil nga akinse ngayon at kailangan niya ang salaping iyon hindi lamang para sa kanyang si Nene–ang tanging iniwang alaala ng kanyang yumaong asawa na kasama rin niya sa pabrikang iyon, ilang taon na rin ang nakararaan–kundi maging sa iba pang gastusin tulad na lamang ng halos singhaba na rin ng sinulid na iniluluwa ng mga butas ng makinang iyon na listahan ng kanyang mga utang–sardinas, kape, bigas, gaas at iba pa sa tindahan ni Aling Mameng na halos murahin siya mula ulo hanggang paa dahil nga sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay kailangan niyang mangutang para lamang makakain.

Ilang araw din kasi siyang nagkasakit at naratay. Ang kaunting nakuha noong nakaraang buwan, akinse ring tulad nang panahong ito ay halos maubos din sa pagbili ng gamot na hinahati rin niya, inuunti-unti gaya na lamang ng kanyang gamot sa lagnat para tumagal at hindi agad bumili; kailangan din kasi ng kanyang si Nene ang pambaon at pambili ng ilang gamit sa eskuwela. Pasalamat na lamang at gayon lamang ang kanilang pinagkakagastusan at salamat din at agad na bumuti ang pakiramdam. Nakakukuha rin siya ng libreng ilang tableta sa health center dahil kakilala niya, kabarkada ng yumaong asawa ang health worker doon at doon din madalas na patingnan ang kanyang si Nene kapag nakakaramdam ito ng kung ano. Natatakot na siya, baka matulad sa kanyang asawang hindi naagapan at tuluyan nang iginupo ng sakit sa baga.

Salamat na lamang din at sa pamamagitan ng jumper at panakaw na pagsususo ng isang tubo ng tubig ay nagkaroon sila ng ilaw at tubig at hindi pa sila gumagastos. Subalit kailangang tanggalin din nila dahil kapag nahuli’y tiyak na multa bukod pa sa mangangapa sila sa dilim at muling magpapagod sa pagpila nang pagkahaba-haba sa pampublikong igiban doon sa barangay. Madalas na ring maglibot ngayon ang Meralco at maging ang Maynilad. Hindi pinatatawad maging sino, liban nga lamang at kung mayroong perang panlagay para kahit paano, mabalam ang gagawing pagputol sa ilaw at tubig.

Iyon nga, nang manumbalik ang lakas nagbalik sa pabrika para magtrabaho at kailangan din gawing labis ang oras para mabawi ang hindi kinita noong mga nakaraang araw na hindi siya makabangon dahil sa lagnat at ubong ininda rin naman niya.

Muling bumalik sa isip niya ang pangangailangan na makapagbigay ng pera sa kanyang Nene para sa kanyang proyektong huling hirit na raw ng kanilang eskuwelahan.

Patuloy ang paggiling ng makina at patuloy sa pagluwa, pagrolyo ng sinulid na maya-maya lamang ay isusubo sa isang makinang hahabi naman dito para maging telang balubalumbon.

Hindi niya nararamdaman ang pagod. Parang walang pagpanaw ang kanyang lakas bagaman nitong nakaraang mga araw, parang basang sisiw siyang lulugu-lugo at halos hindi makabangon dahil sa lagnat. Hindi rin niya napuna ang paglapit sa kanya ng isang kasamahang nasa packing division.”

“Mukhang ganado ka yatang magtrabaho ngayon, ah? Parang di ka matinag diyan eh!” puna ni Arthur habang ibinababa ang isang rolyo ng telang reject. Pumangit ang timpla ng kulay kaya kailangang muling ibalik sa seksiyong nagtitina ng mga tela.

“Ah, eh…” hagyang natawa at napakamot sa ulo, “kailangan kasi. Kailangan ni Nene ko.”

“Oo nga pala, gradweyting na pala si Nene mo. Tiyak eh, aakyat kang abot-tainga ang ngiti dahil may medalya raw na isasabit sa leeg ng anak mo. Matalinong bata kasi,” sabi ni Arthur habang inaayos ang balumbon at maingat na nilalagyan ng tarheta para hindi malimutan kung kailan ibinalik sa mga nagtitina.

“Mana sa ama,” pabirong sambit ni Ernesto habang sinisipat muli ang makinang parang walang kapaguran sa paggiling.

“Naku! Sabihin mong mana kay Mareng Rita,” patawang sambit ng kaibigan.

Sabay silang nagkatawanan kasabay ng mga makinang parang nakikipaghalakhakan din sa kanila.

“Hoy! Magtrabaho kayo riyan, hindi iyang puro pagbibiruan ang ginagawa ninyo!” singhal ni Mr. Rodriguez, ang kanilang bisor. Hindi nila napuna na matagal na palang nakatanghod sa kanila ang bisor.

Natigil ang pagtatawanan nila. Parang nilamon ng tunog ng makina ang malulutong na halakhak nilang parang napakatagal na ring ipinagdamot sa kanila ng mga kalugkog at huni ng makinang buga-lamon ng sinulid at kemikal.

Lumipas ang ilan pang sandaling subo at lamon ng makina, buga nito ng sinulid subalit walang kibuan ang kaninang nagtatawanan. Nahalinhinan na nang kalugkog ng makina, tulad ng dati.

Ilang sandali pa, tumunog na ang bel. Tanda nang natapos na ang ilang oras ng paggawa. Ilang oras na walang naririnig kundi ang huni ng maraming makina, makinang buga-lamon ng sinulid na maya-maya’y sapin-saping telang titinaan at ibabalumbon, ipapasan sa mga balikat patungong trak at ibibiyahe at magiging tubo para sa mga hindi man lamang masayaran ng kahit isang kulay ng tina ang mga kamay. Silang nasa loob ng malalamig na silid at nakikipagtawaran lamang sa telepono at nakikipaglandian sa kanilang magaganda, mapuputing sekretaryang handa namang ibigay ang lahat para sa ilang pirasong alahas at ilang bungkos ng salapi. Hindi kaila sa kanila ang ganoong kalakaran sa pabrikang iyong halos doon na rin nahabi ang kanilang munting pangarap. Tulad nang sa kanya–ang makitang umakyat ang kanyang si Nene sa entablado, magsalita at magpasalamat dahil sa medalyang isasabit sa kanyang magandang leeg at tatanggaping buong galak ang diplomang katibayan ng kanyang pagtatapos. At siya naman,  tuwang-tuwang hahagkan ang anak at yayakapin. Matapos noon, pagsusumikapan naman niyang makita ng kanyang anak ang unibersidad at tanggapin ang diplomang anting-anting kontra sa kanilang kahirapan.

Ilang sandali pa, sabay-sabay na tumigil ang makina at agad na umalerto ang mga manggagawa. Nag-isang hanay, inihahanda ang sarili para tanggapin ang kulay-kayumangging sobreng naglalaman ng kanilang pinaghirapan.

Ilang gabi ring pinagpuyatan dahil sa mga obertaym. May kota, kailangang maipadala agad sa Hong Kong ang mga tela, kailangang ganito, kailangang ganoon.

Karamihan sa kanila, halos doon na rin sa pabrika natutulog. Sa mga munting kubol na ginawa, sa mismong trak ng pagkakargahan ng mga telang makulay, o kahit saang sulok ng pabrika para kahit ilang oras man lang mapawi ang antok, maglulunoy sa maputlang kape na halos wala ring asukal.

Marami nang may taglay ang ngiti sa kanilang mga labi. Sa wakas, labinglimang araw na pagtatrabahong kahit Sabado at Linggo, matatanggap na rin nila ang kanilang pinagpawisan, pinagpuyatan at pinagsikipan ng baga dahil sa amoy ng matatapag na kemikal na ginagamit para mabuo ang sinulid na kare-karete na hahabihin naman para maging telang balu-balumbon.

Nagbubulungan, nagpapayabangan ang ilan dahil alam nilang malaki-laki ang halagang makukubra dahil sa labis ng walong oras ang ipinagtrabaho. Mayroon namang halos hindi makangiti dahil sa alam nilang hindi makukubra ang nais dahil sa mga baleng nagawa nila. May ilan naman na dahil sa dami ng pagliban, halos wala na ring makukuha.

Isa-isa ang lapit sa mesa ng bisor para kunin ang sahod na pinagpaguran, pinagpuyatan. Marami ang nagbubulung-bulungan at parang tinatantiya kung magkano ang sasahurin nila bilang kabayaran sa kanilang pinagpaguran.

Ilang empleyado bago siya. Ilang taong lalagda sa papel na iyon at tatanggap ng sobreng kinalalamnan ng kanilang sahod na hindi nila mapintahan dahil sa sobreng nagtatabing doon. Siya na ang pipirma, siya na ang tatanggap ng ilang araw din niyang pinagpuyatan at pinagpaguran.

Tinanggap niya ang sobreng iniabot sa kanyang nagtataglay ng kanyang apelyido at inisyal ng kanyang unang at panggitnang pangalan. Nilagdaan niya ang papel na nagsasabing tinanggap niya ang ganoong sahod. P1,850.75. Kasama na roon ang mga kaltas. Ayos lang, ang sabi niya sa sarili.

Pagkapirma, hindi na niya napagkaabalahang halungkatin ang sobre. Kailangan niyang umuwi agad dahil baka mapagsarhan siya ng groseryang bibilhan niya ng ilang gamit sa bahay at gayundin, para maibigay niya kay Nene ang perang kailangan nito para sa kanyang huling kahingian sa eskuwela.

Papabalas na siya ng tarangkahan nang mapagsiyahang bilangin ang nasa loob ng sobre. P1,500 lamang! Wala ang P350.75 na siyang kabuuang sahod na pinirmahan niya kanina. Bakit nagkaganoon, bulong niya sa sarili. Malinaw na nakasulat sa papel na pinirmahan niyang papel na P1,850.75 ang kanyang sinahod dahil nga sa ilang araw na liban siya sa pabrika. Baka naman, mali ang bilang niya, sabi niya sa sarili. Subalit hindi! P1,500 lamang talaga ang laman ng sobre!

“Baka naman nagkamali lang si Mr. Rodriguez sa paglalagay ng pera. Baka naman nagkamali lang,” sabi niya pilit kinukumbinsi ang sarili. Sabagay, wala naman sa hinagap niyang maaring kupitan ang kanyang pera. Kahit na sabihin pang medyo hindi sila nagkakasundo ni Mr. Rodriguez sa ilang pagkakataon–tulad na lamang kanina na nakikipagkuwentuhan siya habang nagtatrabaho sa kanyang pareng Arthur.

Muli siyang bumalik sa pabrika subalit wala na ang bisor sa kanyang mesa sa ibaba. Marahil, umakyat na ito sa kanyang kuwartong airconditioned.

Bukas pa nga ang ilaw. May tao pa, sa loob-loob niya. Nabuhayan siya ng loob. Kakausapin niya si Mr. Rodriguez. Itatanong niya kung nagkamali ito sa paglalagay ng pera sa kanyang sobre.

“Baka nagkamali nga lang siya,” ibinubulong ng kanyang utak habang papaakyat sa hagdan patungo sa opisina ng kanyang bisor.

Kumakabog ang kanyang dibdib na lumapit siya sa pinto at akmang kakatok nang marinig niya ang hagikhik ng isang babae sa loob. Boses ng kanyang sekretarya. Pinangimihan siya subalit kailangan niyang tanungin ang kanyang bisor ngayon.

Kailangan ng kanyang si Nene ang pera dahil nga magtatapos ito at kailangang ipaghanda kahit papaano. At kailangan ding maabutan niya para sa kanyang proyektong huling kahingian ng kanyang paaralan.

Kumatok siya, marahan–tatlong beses saka pinihit ang seradura. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niyang nakakalong ang sekretarya ni Mr. Rodriguez sa kanya. Nilalaro ang kurbata nito.

Tila nagulat ang dalawa. Napatayo ang babae at inayos ang sarili. Parang napahiyang inayos ang buhok at ang nalilis, nalukot na miniskirt. Habang si Mr. Rodriguez naman ay inayos ang nalukot na long-sleeves.

“Ano’ng kailangan mo, ha, Chavez?” pagalit na tanong sa kanya ng bisor na namumula pa rin sa kahihiyan. Sila ba naman ang makita ng isang hamak na makinista sa isang nakakahiyang sitwasyon!

“May itatanong lang po, sana…” nahihiya niyang sabi sa bisor.

“Maari bang bukas na ‘yan? Hindi ba’t uwian n’yo na?!” singhal sa kanya ng bisor habang ang sekretarya naman ay tumalilis patungong kasilyas na naroroon din naman sa kuwartong iyon na kumpleto sa gamit–telebisyong de-kolor, refrigerator, komponent, at iba pang gamit na sa palagay niya ay libu-libong piso ang halaga.

“Eh, sir…kasi…” halos malunok niya ang kanyang dila.

“Bukas na iyan, Chavez. Nakakaabala ka!” sabi ng bisor na pilit siyang itinataboy sa pamamagitan ng pagkumpas ng kanyang kamay.

“Kulang po kasi iyong  perang nailagay ninyo sa pay envelope ko…” bantulot niyang sabi, parang paanas dahil sa nakita niyang talagang galit na ang kanyang bisor.

“Ano’ng kulang? Kumpleto iyan nang ibigay ko!” singhal ng kanyang bisor na napatayo na sa kanyang upuan.

“Hindi ser, P1,500 lang ito. Samantalang ang nasa pay slip po ay P1,850.75,” halos pabulong niyang sabi.

Nilapitan siya nito, mukha-sa-mukhang kinompronta dahil sa kanyang inusal.

“Niloloko mo ba ako, ha Chavez? Sinasabi mo bang nagkamali ako nang lagay sa sobre mo? Na kinupitan ko ang sahod mo?” singhal nito, sabay pitsera sa kanya.

“Hindi naman po. Kulang po kasi talaga…” pangangatuwiran niya.

“How dare you to accuse me  that I am looting your pay envelopes? Hindi ako pumapatol sa barya lang!” sabi nito.

“Sandali lang po, ser! Nasasaktan po ako!” sabi niya na hagyang napangiwi dahil sa halos ipagdikdikan na siya ng bisor sa dingding.

“Chavez, ngayon pa lang sinasabi ko sa iyo! You’re fired! Sa iyo na ang sahod mo ngayong araw at huwag ka nang papasok dito!” sabi sa kanya ng bisor na parang torong sumisingasing sa galit.

“Pero sir… talagang kulang po… P1,500 lang…” pilit pa rin niyang pinakakalma ang sarili. Naalala niya si Nene dahil kailangan nito ang butal ng kanyang sahod para sa kanyang panghanda at maging sa kanyang proyektong ipapasa sa kanyang titser.

Tila nagpanting ang tainga ng kanyang bisor at sinikmuraan siya nito! Napaigik siya sa sakit na naramdaman.

“Hayup ka! Pinagbibintangan mo akong kinukupitan ang sahod mo! Bakit, ano ba yang sahod mo ha?” sabi ni Mr. Rodriguez na sumisingasing dahil sa galit. Napatili ang kanyang sekretarya dahil nasaksihan nito ang ginawang pagsikmura kay Ernesto.

Agad na pinindot nito ang intercon at halos pasigaw na sinabi nito sa guwardiya sa baba na umakyat at ilabas siya mula sa opisina nito.

Lumalagudog ang hagdanang bakal habang salit-salit ang paang nag-uunahan papaakyat sa kuwartong de-aircon. Iniluwa ng pinto ang dalawang guwardiyang nakaasul at agad na sinunggaban siya para ilabas sa kuwartong iyon.

Nagmamakaawa siya. Iginigiit na kulang talaga ang nasa kanyang sobre na bunga ng kanyang pagod sa pagpapaandar at pagtingin sa makinang lumalamon, naglalabas ng kemikal at sinulid.

“Sir… iyon lang naman… sir, maawa po kayo!” sabi niya habang pilit siyang pumipiglas sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang guwardiyang tulad ng kanyang amo ay sumisingasing din.

“Ilabas ninyo ang putang-inang iyan! Ilabas ninyo,” sabi ni Mr. Rodriguez na halos mabulunan sa galit.

Nanlalaban siya. Hindi siya papayag na hindi makuha ang sinasabi niyang kulang sa kanyang sahod. Ang mahigit sa P300 piso na maipambibili na niya ng pangangailangan ng kanyang si Nene sa kanyang pagtatapos.

Sumigaw siya, habang patuloy na pilit na inilalabas, kinakaladkad palabas ng pinto. Halos suntukin na rin siya ng mga guwardiya subalit parang walang sakit na nararamdaman dahil sa ang tanging nasa isip niya ang P300 wala sa kanyang sahod na pinagpaguran niya sa pagsubo ng kemikal sa kanyang makina para mailuwa ang mga sinulid.

Nagsalitan ang pagmumura at mga sigaw, parang hindi siya pinapanawan ng lakas habang nakikipambuno sa dalawang guwardiyang kanina pang ibig siyang ilabas at halos ihagis nga siya palabas ng pintuan.

Ilang sandali pa, parang namamanhid na ang kanyang pakiramdam. Parang ibig na ring pagdimlan ang kanyang paningin dahil sa hirap na kanyang dinaranas dahil sa pakikipagbuno sa dalawang guwardiya at gayundin, sa pakikitungayaw sa kanyang bisor na alam niyang nagkamali sa paglalagay ng salaping kapalit ng kanyang pagod sa gabi-gabi, araw-araw na pagsubo ng kemikal na halos magpasikip sa kanyang baga sa mga makinang iyon.

Naaalala niya si Nene. Kailangan niyang makuha ang P300 iyon na siyang ipambabayad sa proyekto ni Nene sa kanyang eskuwelahan.

Inipon niya ang kanyang lakas. Namamanhid na rin ang kanyang utak dahil sa pag-iisip habang dinarama ang sakit ng katawan. Itinulak niya ang mga guwardiya na halos nagtagumpay nang ilabas siya at kaladkarin patungong ibaba.

Nakita niya ang sariling nakipambuno, pilit na kinuha ang paltik na baril na nakasuksok sa tagiliran ng guwardiyang naka-asul. Tabig, tabig. Muli siyang tumakbo papaloob sa kuwartong iyon dala ang naagaw na baril.

Mura, tungayaw, tili ang maririnig–kay Ernesto, kay Mr. Rodriguez, sa sekretaryang nang makitang sumusugod siyang may hawak na paltik na inagaw sa isang guwardiyang humahabol na rin sa kanya habang hinuhugot ng isa ang baril na nasa kanyang tagiliran. Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok. Muling narinig ang tili ng sekretaryang nilalambutsing ni Mr. Rodriguez.

Related posts:

Bote, Dyaryo, Bakal

Eh Ano Ngayon Kung Bakla Ka, Piolo?
(Pasintabi kay G. Pascual)

Eh ano ngayon, G. Pascual

Kung gaya rin ng tibok

Ng nilalang na nagluwal sa ‘yo

Ang tibok ng puso mo?

Dapat bang ikahiyang

Bukod sa pusong ama,

Ramdam mo rin ang

Pagiging isang ina?

Eh ano ngayon, G. Pascual,

Kung sa bawat pagpikit mo

Lalaking walang saplot

Ang siyang nagduduyan sa iyo

At katulad mo ring Adan

Ang pinapangarap mong

Sa iyo ay magmahal?

Natatakot ka rin ba

Sa anino ng Sodoma at Gomora,

Ng mga haliging asin,

Ng mga granizong mula sa kalangitang

Susupok sa iyong kaluluwang

Sa tingin nila ay makasalanan?

Eh ano ngayon, G. Pascual

Kung sa bawat gabi

Kaniig mo ang kapwa mo

May tunod, katulad mo ang

Anyo tuwing walang saplot?

Na ang nagpapainit,

Pumapaso sa dugo ay tulad mo ring

Kapag tinawag ng kalikasa’y

Hindi makaupo? Hindi maipit

Nang husto ang dalawang hita.

Eh ano ngayon, G. Pascual?

Eh ano ngayon, kung ikaw

Ay si Adang may pusong Eva?

Eh ano ngayon kung ipinanganak kang

May hibo ng pagnanasa

Sa may kapangyarihan ding

Baliwin ang mga anak ni Eva?

Huwag mong ikahiya,

Kung totoo man

Ang katauhang kinandili rin naman

Nang ganoong katagal

Sa anino ng malalamig na gabi

Sa tuwing nagtatago ang

Buwan sa likod ng mga ulap

At ang bituin, halos sumilip

Lamang sa tabing ng mga alapaap

Sapagkat ang puso’t kaluluwa’y

Napalalaya ng katotohanan…

(Walang halong panunukso…

Kung tunay man, G. Pascual…

Kung tunay man, G. Pascual

Sana’y aminin sa sarili.

Subalit sabi nga nila–

Walang ibang nakakikilala

Sa sariling anino

Kundi ang may-ari…)

No related posts.