Tinig.com » Mong Palatino

Edsa Babies Unite!
The drafting of this speech is a collective effort. Thanks @kabataanpl. Delivered February 23, 2011, House of Representatives

I rise to speak about the 25th anniversary of the 1986 People Power and its impact on young people.

Madame Speaker, dear colleagues, mga kababayan.

EDSA or Highway 54 is a very important and famous road in the Philippines. It connects the north and south expressways. The three biggest shopping malls in the world are located here. The police and military headquarters are stationed here. Financial centers are established in Makati-EDSA and Ortigas-EDSA. But most importantly, it was the site of People Power in 1986.

This week marks the 25th anniversary of People Power. Madame Speaker, I was only a kindergarten student in 1986 but the impact of that event was felt and understood by my generation. We may be too young to remember the details of the Edsa Revolt but the stories of heroism, courage, and the militancy of the Filipinos in 1986 were taught to us by our parents and teachers. Before Egypt 2011, there was Philippines 1986. Before Tahrir Square, there was Edsa.

Before I proceed, let me use this opportunity to pay tribute to the millions of Filipinos who valiantly fought for democracy during the dark days of Martial Law. Their sacrifice and arduous struggle led to the restoration of many rights and democratic institutions after 1986.

Our generation grew up while the Philippines was undergoing a transition after 1986. The nation-building process proved to be a daunting task. We were told to contribute to social change by learning from the brave students and youth leaders who participated in Edsa 1986. In many ways, our actions in 2000-2001, which led to Edsa Dos, were our unique attempt to repeat the victorious revolt of the people in 1986. It was our response to the challenge posed by our elders and by the historical circumstances to display our sense of social responsibility.

Today our young people who were born after 1990 have little or almost no direct knowledge of the symbolic importance of 1986. Like us, they learned about Edsa in books but at least our formative years were shaped by the political events prior and after Edsa 1986. There is a need, therefore, Madame Speaker, to refresh our memory about Edsa 1986. It is our duty to share the stories of Edsa to the new generation.

So what does Edsa mean? What is its relevance to Philippine politics today? What should the young learn about Edsa?

I urge the youth, especially the Edsa Babies, to join the celebration by making a pledge to serve the people. This is the core lesson of People Power — a radical weapon of the oppressed against the oppressors. I hope the People Power veterans would always remember that subversive meaning of the Edsa Revolution; and I hope they would share that important legacy of Edsa to the young generation.

While it is commendable that Malacanang has taken the initiative to celebrate the anniversary of People Power, it should not prevent us from using the memory of this historic event to assert our just demands to Malacanang. In light of the various assaults to the people’s democratic rights – price hikes, dwindling budget to social services, dire poverty, and so on – the need to reactivate the hopeful legacy of People Power is now more pertinent than ever.

With all due respect to the President, he may be the son of President Cory who is an Edsa icon, but this doesn’t exempt him from being a target of People Power politics. We, definitely, have the legacy of People Power to use against President Noynoy’s anti-poor policies like fare hikes, dole-out programs, and the lack of substantial reforms in governance.

People Power versus LRT/MRT fare hikes. People Power versus the demolition of the San Roque community in North Triangle. People Power versus corruption in the bureaucracy.

The name Edsa enjoins us to not forget the past. Edsa is the acronym for the name Epifanio de los Santos, a historian and one of the chroniclers of the 1896 Philippine Revolution. Remembering Edsa as a protest landmark is easy since it only refers to the immediate past. The bigger task lies in using the memory of radical Edsa to challenge the oppressive present.

EDSA, the people’s highway, is quickly evolving into an anti-people thoroughfare. The state, afraid of the People Power past of EDSA, now prevents the people from walking, crossing, and marching on EDSA. The street which witnessed two fantastic uprisings in 1986 and 2001 is now a death zone for innocent jaywalkers (bawal tumawid, nakamamatay), and political protesters.

I am quite worried that the Malacanang-sanctioned list of activities to celebrate People Power strips the event of its rebellious potential. It is sad that the memory of People Power is being used to prettify the image of the President. The official People Power anniversary has been reduced into a partisan activity of the President’s party.

Edsa’s legacy is far too important for our nation to be reduced to mere pageantry. Its promise of emancipation is very important for the masses who genuinely yearn for substantial freedom, justice and peace. We should not allow the meaning of Edsa to be monopolized by politicians and bureaucrats in power.

Edsa’s promises of change remain unfulfilled. Twenty-five years after Edsa, we continue to seek for more democratic reforms, human rights protection, economic progress, and political empowerment.

Thus I make this appeal to my fellow youth: Let a hundred unofficial People Power activities bloom. Let a thousand People Power debates contend. Bombard Edsa with our demands for genuine change, freedom, and pro-people governance.

Related posts:

Natrapik sa EDSA 2

Araw ng mga Puso sa Lansangan ng EDSA

People Power Still True, Still Tangible

Mensahe ng Pasasalamat
Batay sa talumpating binigkas sa anibersaryo ng Kabataan Partylist, Hunyo 19, 2010 na ginanap sa UP Diliman Kolehiyo ng Edukasyon

Maraming salamat sa ating dalawang emcee. Si Lee, mga kaibigan, ang nagdisenyo, naglay-out ng ating mga logo at iba pang animasyon na ginamit noong kampamya. Salamat Lee at Mabuhay ka!

Sa lahat ng fans ng Lakers, congratulations! Sa mga fans ng Celtics, may susunod pang taon. At para sa mga tulad ko na fan ng Golden State Warriors, pwede pang mangarap.

Kami ni Ipay ay natutuwa at dito sa Kolehiyo ng Edukasyon tayo nagtipon para gunitain ang ating anibersaryo. Ako po ay nagtapos sa kolehiyong ito. Ang gusaling ito ang isa sa pinakalumang struktura sa pamantasan. Welcome po sa Eduk!

Noong 2004, nakakuha ang Anak ng Bayan Youth Party ng 213,000 boto. Noong 2007, ang Kabataan Partylist ay binoto ng 228,000 katao. Ngayong 2010, umabot na sa 418,000 ang ating boto. Higit sa 70 percent ang tinaas ng ating boto.

Noong isang taon lang ako nakapag oath taking, delayed ng dalawang taon ang ating tagumpay. Pero makasaysayan pa rin ang tagumpay na ito. Tayo ang kauna-unahang grupo ng kabataan na nagkaroon ng kinatawan sa Kongreso. Kung naghintay tayo ng taon para pagtibayin ang ating tagumpay, hindi nagtagal ang ating paghihintay ngayong taon. Kahapon po ay nag oath taking na ako bilang kinatawan ng kongreso sa harap ni Senator Chiz Escudero, na tulad natin ay may adhikaing pabor sa interes ng kabataan at mamamayan.

Noong 2001, ang Bayan Muna bilang boses ng maliliit na tao ay nakapasok sa kongreso. Noong 2004, ang Bayan Muna ay nagkaroon ng dagdag na kapanalig na partido sa kongreso nang manalo ang Anakpawis at Gabriela. Noong 2009 ang bloke ng mga progresibo ay higit na pinalakas sa pagpasok ng Kabataan Partylist. At ngayong 2010, ang mga guro at sektor ng edukasyon ay nagagalak sa pagkapanalo ng ACT Teachers Partylist. Lima sa nanalong top 20 partylist sa nakaraang halalan ay bahagi ng Makabayan Coalition.

Makabuluhan ang tagumpay na ito. Sa kabila ng pananakot at pang-iintriga ng militar, nanalo pa rin ang mga progresibong partylist. Tumaas pa nga ang boto ng mga partylist natin – ang kabuuang bilang ay umabot na sa 3.2 milyon. Desperado ang estado at mga pasista sa kanilang hangarin na hindi tayo magwagi. Bukod sa pagpapakalat ng mga materyales na black propaganda, tinakot at binantaan nila ang buhay ng ating mga miyembro, kandidato at alyadong lider sa buong bansa. Pero nanatiling buo ang tiwala’t pagmamahal ng masa sa atin. Gumamit man ng sindak ang kaaway, hindi tayo iniwanan ng taong bayan. Lumalawak pa nga ang ating impluwensiya at suporta. Ang bala ng kaaway ay nauubos, ang mga gobyerno ay bumabagsak at natatapos pero ang mapanlabang diwa ng masa ay kasing tatag ng sumisikat na araw.

Noong 2001, pangulo ng bansa si Gloria Arroyo. Noong 2004, nanalo siya sa tulong ni Hello Garci. Noong 2007, siya pa rin ang nakatira sa Malakanyang. Ngayong 2010, mga kasama 11 araw na lang, tapos na si Gloria! Masaya ang lahat!

Makasaysayan ang araw na ito dahil araw ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani. Ito rin ang anibersaryo ng pagkakatatag ng ating partylist. Nitong nakaraang linggo ay nagpulong ang pambansang konseho upang rebyuhin ang ating karanasan sa halalan. Batay sa mga ulat, mayroon na tayong mahigit 50,000 kasapi sa buong bansa. Aktibo ang mga balangay natin sa mga mayor na eskuwelahan at rehiyon sa buong bansa. Kahit sa maliliit at malalayong isla ay may nangampanya para sa ating partylist. Sa facebook ay nanguna tayo sa mga partylist na may pinakamaraming fans: mahigit 63,000 na ang bilang ng fans ng ating facebook page.

Ngayong 2010, ang Kabataan Partylist pa rin nag-iisang partido ng kabataang Pilipino sa Kongreso. Para higit nating maunawaan ang halaga nito, tandaan na daan-daan ang konseho ng mag-aaral sa buong bansa, daang-libo ang mga Sangguniang Kabataan, daang-libo rin ang mga sibikong organisasyon; pero nag-iisa lang ang partylist ng kabataan sa kongreso, at yan po ang ating Kabataang Partylist.

May 187 partylist ang lumahok sa halalan pero nagawa nating manalo at maabot ang ika-labing-pitong ranggo. Ang mga katunggali natin ay dekada na ang naipong karanasan sa halalan samantalang ang kalakhan ng mga miyembro natin ay ngayong taon lang nasabak sa laban. Hindi lalagpas sa 23 ang average edad ng ating mga opisyal samantalang kalakhan ng mga miyembro natin ay hindi pa aabot ng 20 ang edad. Pero sa kabila ng kakapusan ng karanasan natin, tayo ay nagwagi at naunahan pa nga natin ang maraming partylist. Sa mura ninyong edad, nakapagpanalo kayo ng partylist sa pambansang halalan!

Nanalo tayo kahit hindi tayo contractor ng presidente o kamag-anak ng mga warlord at political dynasty. Hindi tayo namili ng boto o nangako ng mga proyekto sa mga lokal na opisyal. Hindi tayo nandaya o nag-isip man lang mandaya sa pamamagitan ng pre-shaded ballots at reprogramming ng Compact Flash cards. Kaduda-duda ang sobrang tinaas ng boto para sa lahat ng partylist. Taktika ito para makapasok ang mga pro-Arroyo partylist.

Nais kong kilalanin ang mga martir ng ating organisasyon: Marjorie Reynoso, Jonathan Bernaro, Ramon Regase at Lito Doydoy ng Maco, Campostela Valley. Si Cris Hugo, Ambo Guran, at Farly Alcantara ng Bicol. Ipagpapatuloy naming ang inyong laban!

Kilalanin natin ang mga pambansang organisasyon na nagtatag ng ating partylist: Anakbayan, League of Filipino Students, Student Christian Movement, Karatula, College Editors Guild, at ang organisasyong kinabibilangan ko, ang National Union of Students.

Kilalanin natin ang ating mga nominado: si Ken Ramos ng Anakbayan, Renil Oliva ng Cebu, Atty. Kat Castillo ng Leyte, at si Mark Louie Aquino ng National Capital Region. Tinitiyak ko sa inyo na hindi anak ng presidente o Cabinet member ang mga nominado natin. Pagbati rin sa anim na miyembro ng Kabataan Partylist na nanalong konsehal sa Panay.

Narito ang ating mga pambansang opisyal. Nakikita ko si Vencer, ang ating all-around na secretary-general at webmaster. Si Anna, ang nangasiwa sa pollwatching at national coordination. Si Sarah, ang ating Chief-of-Staff at kumanta ng ating Lady Gaga jingle. Narito rin ang ating mga provincial and regional coordinator.

Narito rin ang ating online team. Salamat at number one tayo sa internet!

Kilalanin din natin ang dalawang pinakamatandang miyembro ng Kabataan Partylist: si Tito Bernie at Ka Romy.

Salamat sa inyong lahat. Salamat sa lahat ng nagtiwala sa Kabataan. Salamat sa suporta: sa mga napuyat, napagod, nasaktan sa kampanya. Sa mga nasunog ang kamay sa kakaluto ng gawgaw para pandikit sa poster. Sa mga miyembro natin sa kanayunan na walang makitang pader na pwedeng lagyan ng poster. Sa mga nag house-to-house kahit may El Nino. Sa mga nabastos, nasaraduhan ng pinto, namura, napahiya sa pangangampanya. Sa mga miyembro natin na sumasakay ng MRT/LRT at kunwari’y inosenteng nag-uusap kung ano ang ibobotong partylist sa halalan. Sa mga napudpod ang kamay sa kakatext. Sa mga naubusan ng prepaid internet load dahil araw-araw kailangang i-facebook message ang mga kaibigan. Sa mga namolyeto, nagdikit ng sticker sa mga dyip, trike, at pedicab. Sa mga biglang napakanta, napasayaw, napa emcee sa mga programa para lang ikampanya ang Kabataan. Taos pusong pasasalamat sa inyong lahat!

Sa mga nakatira sa HQ na dinanas at sinapit ang halos lahat nitong nakaraang tatlong buwan. Naputulan ng kuryente, naubusan ng tubig, nawalan ng bigas, may kumain ng iyong ulam, kulang ang pamasahe sa dyip. May mga nabuo at naputol na relasyon. May bagong panganak. At dahil laging gutom, puyat, at pagod sa HQ, di minsan ang mga alitan. Sa inyo na nag-ayos ng mga motorcade, pedicade, calesa-cade (sa Vigan). Sa inyo na nag-ayos ng mga sortie, malaki man o maliit. Sa mga nangampanya sa mga Wowowee concert ng Nacionalista Party. Salamat, salamat po.

Ang tagumpay ng Kabataan Partylist ay para sa inyo at para sa lahat ng naghahangad ng pagbabago. Para rin ito sa mga jejemon, jeprox, hiphop, emo, cono, kanto boy, gangsta, geeks, sa mga batang ama at ina, sa mga frat, sa mga makabayang aktibista, sa lahat ng kabataang Pilipino. Ang Kabataan Partylist ang inyong boses, sandigan sa loob ng kongreso.

Ngayong tapos na ang halalan, sisimulan natin ang paghamon sa bagong administrasyon. Adyenda ng kabataan igigiit natin. Tunay na pagbabago ang ating sigaw. Hindi tayo maghihintay ng 100 araw. Kikilos tayo ngayon.

Hindi pulitika ng pork barrel ang ating prayoridad. Bagong pulitika. Hindi sapat ang mabuting pulitika. Dapat progresibong pulitika. Pulitika ng pag-asa, pakikibaka, at pagbabago. Yan ang bitbit ng Kabataan Partylist sa muli nating pagpasok sa kongreso.

(Mula sa MongPalatino.com)

No related posts.

Con-Ass: Huwag Buhayin ang Patay
Talumpating binigkas sa De La Salle – College of St. Benilde, Hunyo 22, 2009. Nalathala rin sa MongPalatino.com

May natatandaan akong pelikula ni Jestoni Alarcon at Charito Solis na ipinalabas sa takilya noong 1989. Grade 3 ako noon. Ang pamagat: Huwag Mong Buhayin ang Bangkay. Sa sobrang pagmamahal ng ina sa kanyang namatay na anak, lumapit siya sa itim na kapangyarihan upang buhayin ang bangkay. Ang nangyari: nabuhay nga ang anak pero isa na siyang zombie. Zombie na naghahasik ng lagim sa kanyang paligid.

Eto ang ginawa natin sa con-ass. Binuhay natin ang patay. Mag-ingat tayo sa bangkay na ating  binuhay; tiyak itong magdadala ng kamalasan sa ating bansa.

Bakit ko sinabing tila parang zombie ang con-ass? Ilang beses kasing pinatay at binuhay ang con-ass. Una, binawi ni Rep. Luis Villafuerte, principal sponsor ng con-ass, ang kanyang lagda sa con-ass. Sa kabila nito, sinulong pa rin ng mga PALAKA (Partido Lakas-Kampi) ang con-ass sa committee level. Pinagbotohan sa committee kung ihahapag na ba sa plenary ang con-ass kahit wala pang sapat na debate. Nagwalk-out ang minority; itinuloy ang botohan; pero natalo pa rin ang mga pro con-ass. Ito ang pangalawang kamatayan ng con-ass.

Pero pagkatapos ng isang lingo binuhay ulit nila ang con-ass. Nag-imbita kami ng mga respetadong iskolar tulad ni Fr. Joaquin Bernas upang magbigay ng liwanag kung ano ba ang tamang paraan para baguhin ang Konstitusyon. Mahigit tatlong oras kaming nakinig sa mga iskolar; lahat sila nagsasabing kailangang bumoto nang hiwalay ang dalawang kamara. Ibig sabihin hindi pwedeng lumipad ang Cha-cha o con-ass nang walang partisipasyon ng Senado. Ilan sa mga miyembro ng Kongreso ay nagsalita sa committee hearing. Ang sabi nila estudyante raw sila ni Fr. Bernas; sila raw ay nag-aral noon sa Ateneo. Ilang minuto (uulitin ko, ilang minuto) pag-alis ni Fr. Bernas, nagbotohan ulit. Inaprub ang con-ass. Binuhay ulit ang con-ass. Parang hindi sila nakinig kina Fr. Bernas.

Hindi rito nagtatapos ang kuwento. Namatay ulit ang con-ass. Ibinalik ng Committee on Rules ang HR 1109 sa mother committee. Ang implikasyon nito ay hindi na malalagay sa adyenda ng plenary ang con-ass. Akala namin ito na ang katapusan ng buhay ng con-ass kasi malapit nang magtapos ang session ng Kongreso. Aba, bigla kaming nagulat dahil noong Hunyo 2, nagkaroon ng caucus ang majority at nagdesisyon sila na isusulong na nila ang pagboto sa con-ass sa plenary level. Ang bangkay ay muling binuhay.

Hapon ng Hunyo 2. Biglang dami ng mga pumasok sa Kongreso. Yung iba unang beses kong nakita sa loob ng Kamara. Tapos ang pagkain sa lounge ay sapat-sapat hanggang hatinggabi. Mukhang nakahanda silang magpuyatan para ipasa ang con-ass.

Natatawa kami sa minority habang nakikinig kami sa sponsorship speeches. Iba-iba kasi ang sinasabi ng mga sponsor. Bawat isa ay may kanya-kanyang bersiyon kung ano ang balak nilang gawin sa con-ass. Kahit sila hindi nagkakaisa sa interpretasyon kung ano ang tamang paraan upang matuloy ang Cha-cha.

Napanood natin kung ano ang nangyari noong gabi ng Hunyo 2. Nanalo ang mga pro-con-ass. Pero hindi natin nakita ang kanilang mga mukha dahil ang ipinasa ng Kongreso ay simpleng House Resolution lamang; ibig sabihin hindi kailangang tumayo ang bawat miyembro ng Kongreso upang ipaliwanag ang kanilang boto.

Ngayon, buhay ulit ang con-ass. Papatayin ito sa Senado. Bubuhayin kaya ito ng Supreme Court? Kung pagbabatayan ang opinyon ng publiko, mayorya ng ating mamamayan ay tutol sa con-ass at Cha-cha. Kailangan nating wakasan, tuldukan na ang buhay ng con-ass. Paano?

Dapat daanin natin sa sindak ang mga miyembro ng Kongreso. Huwag nating payagang umabot pa sa Korte ang labanan. Ngayon pa lamang ay iparinig natin ang ating boses, ang ating matinding pagtutol sa con-ass. Ipakita natin sa Malakanyang ang ating malakas na oposisyon sa con-ass.

Nauuso ngayon ang virtual activism. Isa ako sa mga nagsusulong nito. Sige gamitin natin ang texting, blog, Facebook, Twitter at Plurk para ikampanya ang pagbabasura ng con-ass. Paramihin ang bilang ng mga pumipirma sa ating mga online petition. Pero kilalanin natin ang limitasyon ng mga ito. Una, hindi lahat ng masa ay maabot nito. Pangalawa, hindi lahat ng pulitiko ay mahilig bumisita sa cyberspace. Yung marami hindi nagbabasa ng mga blog. Yung iba hindi talaga mahilig magbasa.

Hindi uubra na magpatali tayo sa mga cute na aksiyon; kailangang dambuhala, kailangang dumadagundong, kailangang rumaragasang mga pagkilos ang gawin natin para masindak ang mga miyembro ng Kongreso. Kailangan nilang maramdaman ang ating presensiya. Magplano ng mga lokal na pagkilos. Pumunta sa opisina ng mga mambabatas. Kausapin sila.

Nagawa na natin ito noon. Noong 1997 may balak ding Cha-cha ang administrasyong Ramos. Sophomore ako noon sa kolehiyo. Malawak din ang pagtutol ng mamamayan sa Cha-cha. Ano ang ginawa natin? Nagrali tayo sa Luneta. Pinuno natin ang Luneta. Ipinarinig natin hanggang Malakanyang, hanggang Batasan, ang ating galit. Kailan tayo pupunta ng Luneta?

May mga hamon tayong kakaharapin. Una, seryosong balakid ang swine flu. Paano tayo magkakapit-bisig eh simpleng paghahawak lang ng kamay sa simbahan ay mukhang ingat na ingat tayong gawin. Paano tayo magpapalakas sa mga kampus kung palaging suspended ang mga klase?

Pangalawa, huwag nating maliitin ang pwedeng gawin ni Pangulong Arroyo. Kahit marami sa atin ay galit sa kanya, huwag nating kalimutang nagawa niyang manalo noong halalang 2004. Hindi siya mapatalsik sa Malakanyang sa kabila ng mga Hello Garci scandal, fertilizer scam, extrajudicial killing, at marami pang mga kaso.

Ito ay mga balakid pero hindi ibig sabihin imposible tayong magwagi. May hangganan din ang pasensiya ng ating mga kababayan. Kaya pa natin ilunsad ang mas malaki, mas malawak, mas epektibong porma ng People Power sa hinaharap. Sabi nga sa Koreanovelang Boys Over Flowers, (we should keep on) Fighting!

Para sa mga nagdadalawang isip, eto ang ilang mga katanungan:

-Gusto ninyo bang tawaging Prime Minister si Gng. Arroyo sa June 30, 2010?

-Gusto ninyo bang maging Prime Minister for life si Gng. Arroyo? Tandaan natin, bata pa siya.

-Payag ba kayong alisin ang term limits para sa mga miyembro ng Kongreso?

-Hahayaan ba nating magmay-ari ang mga banyaga ng mga lupain at korporasyon sa ating bansa? Eh samantalang sa ibang bansa, kahit sa Estados Unidos at Europa, nagiging uso ulit ngayon ang konsepto ng economic nationalization.

May planong martsa ang mga pwersang anti con-ass sa June 30. Dadaan ito sa harap ng inyong kampus sa hapon. Sana sumama tayo sa pagkilos na ito. Isuot ang facemask, magdala ng alcohol, bitbit ang mga placard at streamer, sabay-sabay nating labanan ang con-ass ni Gloria.

Related posts:

Stop Gloria’s Con-Ass, Oppose Cha-cha!

President Cory Aquino’s Statement on Con-Ass

Stop Con-Ass. No to Cha-Cha.

The Tragedy of Philippine Education
(Privilege Speech of Kabataan Party-list Rep. Mong Palatino)

Mr. Speaker, distinguished colleagues:

As I speak today, preparations and enrolment for the coming school year are already in progress. The Department of Education once again adopted a “business-as-usual” attitude in explaining preparations for the school opening. DepEd claims the government is prepared for the school opening but the dismal state of classrooms and facilities and the severe shortage of teachers in public elementary and high schools nationwide say otherwise.

Days from now, we expect the Commission on Higher Education to do the same routine of back-to-school lip service to cover up for its negligence and apparent gross failure to regulate unabated school fee hikes and its conspiracy with some school owners.

Mr. Speaker, I rise on behalf of fellow young Filipinos who are being robbed of their right to education and their future.

When classes open in June, many school-age children and youth will not be in school.

I am alarmed over the sharp decline in the preliminary enrolment figures for the current school year. This highlights the huge disparity between the increasing cost of education in the country and the financial capacity of Filipino families to send their children to school.

A study of the Department of Education shows that 96.77 percent of elementary school-age children go to school while 66.06 percent of high school-age teenagers go to secondary school.

But the same report reveals that for every 100 students who enroll in the 1st grade, 33 drop out before reaching Grade 5 and 31 out of 100 high school freshmen drop out before reaching their senior year. The trend for the past ten years show that for every 10 pupils who enroll in grade school, only 7 graduate.

Government statistics show that for the past years there was a steady increase in total school enrollment. True. But there were also an increasing proportion of elementary school-age children who remained out of school, based on the most recent Philippine assessment report on the Millennium Development Goals.

In school year 2005-2006, almost 65 percent of six-year old children did not begin their primary education on time. The cohort survival rate was placed at 76 percent in 2001 but it went down to 70 percent in 2006. The completion rate was 75 percent in 2001 but it also went down to 68 percent in the same period. The drop-out rate and repetition rate also deteriorated in the same report.

Students drop out because of poverty. While basic education is free, many poor families are unable to finance the auxiliary school needs of their children, which, according to our computation would cost around P15,000 to P20,000 per student.

Mr. Speaker, saan naman kukuhanin ng ating mga estudyante at kanilang mga magulang ang halagang ito gayong wala na halos makain sa pang-araw-araw?

The 2006 Family Income and Expenditure Survey (FEIS) reveal how Filipinos now allocate less for their household education spending.

Average spending on school fees, books and supplies fell to 1.3 percent from 2.9 percent between 2003 and 2006. Before the turn of the millennium, the share of educational expenses had been gradually increasing.

Unfortunately, Mr. Speaker and distinguished colleagues, most Filipino families now have to make a choice between sending their children to school and spending their meager income on food in order to survive. Poverty and government neglect have made education a luxury to many of our countrymen.

The lower household spending on schooling, aggravated by price hikes in basic commodities, school fee increases, stagnant wage levels and mass lay-offs, further inflates the number of school dropouts and out of school youth this year.

On the other hand, many of those who managed to reach college are also doomed to drop out because of the high cost of private tertiary education and limited slots in poorly-funded state schools.

A study of the United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)-National Commission in the Philippines shows that the cohort survival rate from first to fourth year college was only 22 percent. College dropout rate, on the other hand, was pegged at 73 percent.

Under the Arroyo administration, the national average tuition rate has increased by as much as 89.39 percent, from P230.79 in school year 2001-2002 to P437.10 last school year. The National Capital Region average rate, on the other hand, went up by a whopping 94.54 percent, from P439.59 to P855.20 in the same period.

This year, private schools are set to increase tuition and miscellaneous fees, contrary to CHED’s claims.

These are some of the schools in NCR which are set to increase their tuition this coming school year based on the monitoring of the National Union of Students of the Philippines: Lyceum of the Philippines, 5-percent increase in tuition and another 5-percent increase in miscellaneous fees; University of the East, 5-percent tuition increase; Far Eastern University, 6-percent tuition increase; San Juan de Letran College, 10-percent tuition increase.

Also included in the NUSP list are the Philippine School of Business and Arts, 15-percent tuition increase; San Beda College, 20-percent tuition increase; University of Santo Tomas (UST), 7-percent tuition increase to incoming First and Third Year students and 8.52-percent tuition increase to incoming 4th year students.

There’s nothing else to blame but the Education Act of 1982 for the staggering tuition hikes in the last two decades. By giving school owners a free hand in determining tuition rate, the Education Act effectively bestowed private schools limitless powers.

Batas Pambansa No. 232, otherwise known as the Education Act of 1982, laid down the guidelines and regulations governing the collection and application of tuition and other fees by all educational institutions. In particular, Section 42 gives private schools a free hand in determining tuition rates thus allowing private schools to increase the fee every school year.

The deregulated environment set by the Act ensures the wholesale commodification of a fast-expanding private tertiary education. It is interesting to note, for instance, Mr. Speaker, how our biggest private tertiary education institutions  such as the Mapua Institute of Technology, Centro Escolar University, University of the East and University of Perpetual Health-Rizal figure in the top 1000 corporations in the world. For the past six years, these institutions have raked in P15.43 billion ($337,932,554) in gross revenues and P3.45 billion ($75,558,475) in net income. And yet administrations and owners of these schools never fail to hike their tuition fees annually.

Reports culled by NUSP and Kabataan Party-list, likewise, point to another trend in fee increases in private schools. School owners and administrators are raking in bigger profits without actually raising tuition.

Schools are foregoing tuition increases but they have been bloating miscellaneous fees which are mostly questionable. Unlike tuition, miscellaneous fee hikes have remained unchecked for the last few years. This explains why school owners are able to avoid tuition hikes but still manage to rake in bigger profits annually.

Such tactic has proven to be very profitable to school owners. Unlike tuition, miscellaneous fee of all sorts are not included in the tuition increase consultations provided under CHED Memorandum No. 13, the guidelines for tuition hike applications, which was recently re-implemented following the lifting of the tuition cap.

Some of the dubious fees being collected in private schools are energy fee, development fee, accreditation fee, athletics fee, internet fee, insurance fee and air-condition fee.

Even disbursements for capital expenditures and operating expenses which supposedly are already included in the basic tuition are being charged to students in the form of other miscellaneous fees like the energy fee and the development fee. Some school administrators claim that the energy fee is for the purchase of new air-conditioning units while the development fee is for the construction of new buildings and improvement of other facilities.

Mr. Speaker, distinguished colleagues, these fees are not only questionable, they are superfluous. School owners are becoming more creative in inventing new fees to justify their lust for profit.

Some of the most absurd fees being collected are the postal fee, insurance fee, Smart fee and copier fee in AMA Computer University; power charge fee in Trinity University of Asia; Land Infrastructure Maintenance and Acquisition Development fee in the University of the Cordilleras; accreditation fee in Technological Institute of the Philippine; and pre-registration fee in Aquinas University in Albay.

The Philippine Maritime Institute is charging students with a Safety on Land and Seas fee worth P5,000 to P6,000 while the University of the East in Manila is charging cultural fee amounting to P162 and Internet fee of P976.

The Asian School of Arts and Sciences is collecting P250 for athletic fee even if the school doesn’t have a varsity team.

The rising cost of education in private schools has prompted a significant number of college students to transfer to state schools. In 1980, only 10 percent of college students were studying in state schools. By 1994, the number went up to 21 percent and at present already accounts for almost 40 percent of tertiary population.

But many of these transferees will find themselves dropping out of college. The problem, Mr. Speaker, even state schools are not accessible as they should be.

State schools are plagued by similar problems. Not only are they few now and their enrolment quotas limited, they are also haunted by increases in tuition and other fees thus forcing many state scholars to leave.

In 2007, the 300 percent tuition hike in the University of the Philippines led to a significant decline in the freshman enrollment in several course offerings. The Office of the Student Regent pegged the no-show rate or the number of UPCAT passers who did not enroll at 20 to 40 percent.

Recently, the UP Board of Regents has also approved a chain of tuition fee increases for its graduate school programs. The increases are overwhelming, ranging from an increase from P300-P500 to P2000-P2500 per unit.

Another state school, the Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) in Manila experienced a sharp decline in enrollment due to tuition fee hikes. Initial enrollment reports show that more than half of the 13,000 strong student population failed to enroll last school year. Only 6,000 enrolled and most of them only made partial payments. The EARIST administration recently increased tuition by almost 600 percent, from 15 pesos per unit to 100 pesos.

The spate of tuition and other fee increases in state schools is the cornerstone of the Arroyo government’s Long Term Higher Education Development Plan (LTHEDP) which seeks to prepare tertiary education for the “knowledge-based economy” under the aegis of “borderless education. Under the LTHEDP, 70 percent of SUCs should have been charging tuition fees equivalent to that of their private counterparts by 2010.

The current crisis in public tertiary education should be blamed on government’s policy of rationalization. The policy allows state schools to be treated no longer as national agencies performing socially-oriented activities and hence entitled to government subsidy, but as income-earning entities.

This further translates into incentives for money-making tertiary schools, thereby fully encouraging the commercialization of education. The rationalization policy has ensured corporate dominance even in public education.

Mr. Speaker, distinguished colleagues, education is an avowed priority of the State but under the present administration, like its predecessors, it does not draw an ounce of sympathy from the authorities.

The government has been formulating several education policies and programs with the aim of improving the quality of education in the country but it is missing the most important and decisive factor to meet this goal – spending more on education. Unfortunately, government spending on education has been the complete opposite in the past years.

The Philippine government spent a measly 2.5 percent of the country’s Gross Domestic Product on public educational institutions in 2007. This pales in comparison to its neighboring countries Malaysia with 6.2 percent and Thailand with 4.2 percent. Laos even spent more at 3.0 percent. The minimum prescribed standard for education spending set by UNESCO is 6 percent of a country’s GDP.

Mr. Speaker, mga kapwa mambabatas, nakapagtataka’t mayroong krisis sa edukasyon. Sabi ng ating magulang, ang kanilang pamana sa atin ay magandang edukasyon. Banggit ng ating mga guro, edukasyon ang susi sa kaunlaran. Tuwing eleksiyon halos lahat ng mga pulitiko ay edukasyon ang kanilang nangungunang plataporma. Kapag pinag-uusapan ang pambansang badyet, o pork barrel, laging palusot ng gobyerno at mga mambabatas na edukasyon daw ang kanilang pangunahing prayoridad.

Kinikilala ng Saligang Batas, Mr. Speaker, ang mahalagang papel ng kabataan sa pag-unlad ng lipunan. Itinatalaga sa Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon.

Pero bakit sa kabila ng abot-langit na pagtatangi sa edukasyon, bakit marami ang di nakakapag-aral? Bakit hindi naglalaan ng sapat na badyet ang pamahalaan para rito? Bakit mababa pa rin ang kalidad ng pag-aaral sa bansa? Ano itong nirereklamong kakapusan ng edukasyon na tugunan ang pangangailangan ng ating lipunan? Bakit may mga Julie Albior, Flores Biwang at Marianette Amper na lumiliban sa mga eskuwelahan?

Pangunahing pananagutan ni kasalukuyang pamahalaan ang trahedyang kinahaharap ng sektor ng edukasyon. Dahil sa taunang pagkaltas ng badyet ng mga eskuwelahan at ang pagbibigay ni Gng. Arroyo ng laya sa mga pribadong paaralan na maningil ng matataas na matrikula, dumami ang mga kabataang hindi makatuntong sa kolehiyo.

Mr. Speaker, mga kapwa mambabatas, ito ba ang klase ng pamana na ibibigay ng kasalukuyang gobyerno sa aming mga kabataan? Ito ba ang pamanang nais nating ibigay, mga miyembro ng kasalukuyang Kongreso, sa ating mga anak at sa mga susunod na henerasyon ng kabataang Pilipino?

Mr. Speaker, distinguished colleagues, education is the foundation upon which we will build our country. It serves as the means to bring about the desired change in society, to develop a generation of virtuous individuals and thus contribute to the development of good human beings. How much we invest on the education of the youth today will determine the kind of nation we will become in the future.

Unless the government reverses its present education policies and its thrust to hand over tertiary education to the private sector and until it flexes its muscles to stop the unabated hikes in tuition and other fees, it will certainly bury the confidence, hopes and great faith of the Filipino youth and the nation for a brighter future ahead.

Thank you Mr. Speaker, distinguished colleagues.

Related posts:

On 12-Year Basic Education: Additional Years, More Problems

Vote for the Youth!

30 Lawmakers Unite vs. SUC Budget Cuts

Kabataan para sa Bayang Progresibo
Teksto ng aking talumpati sa kongreso ng Association of Political Science Organizations of the Philippines na ginanap sa University of Makati, Marso 1, 2008.

Iba na raw ang moralidad ng kabataan ngayon. Ayon sa McCann Worldgroup Philippines, tatlo sa bawat sampung kabataan ay naniniwalang hindi mali ang paggamit ng ilegal na droga at pagtataksil sa kasintahan.

Apat sa sampu naman ang nagsasabing walang masama sa pagkuha ng isang bagay na hindi nagbabayad, pagbebenta at pamimili ng ilegal na droga, pagmamaneho ng lasing, suicide, hindi pagbabayad ng buwis, pagtataksil sa asawa, hindi pagpasok ng trabaho o paaralan, hazing, casual sex, paggamit ng dahas sa isang relasyon at pakikipagrelasyon sa taong may asawa.

Lima sa bawat sampu ang may paniniwalang hindi naman mali ang pre-marital sex at sex sa TV. Walo sa bawat sampu ang nagsasabing walang masama sa pagkakaroon ng mga patalastas tungkol sa birth control.

Noong 1992, aabot ng 70 percent ng kabataan ang naniniwalang mali ang abortion. Noong 2000, ito ay bumaba sa 60 percent. Noong 2005, 40 percent na lang ang may negatibong pagtingin sa abortion.

Pinakaliberal daw ang mga kabataan ng Mindanao. Pinakakonserbatibo naman ang mga kabataan ng Luzon.

Nagbabago ang moralidad ng kabataan; paano naman kaya ang aktitud ng kabataan sa pulitika? Saan pumapanig ang kabataan? Pero hindi pa nga kung saan pumapanig ang kabataan ang isyu eh. Ang tanong ng marami, nasaan na ang kabataan? Bakit hindi pumapanig ang kabataan sa mga isyung pampulitika?

Mahalaga ang impormasyon o edukasyon sa pagbabago ng pananaw ng kabataan. Nagiging liberal ang marami dahil tumataas din ang kaalaman ng mga kabataan. Ang mga mito, superstition ng matatanda ay unti-unting naisasantabi.

Pero kung totoo na namamayagpag ngayon ang tinatawag nilang “reality generation,” bakit kakaunti ang may interes sa pulitika? Pwedeng sabihin na informed at educated ang mga kabataan; pero sila ba, kayo ba ay empowered?

Suriin natin ang isyung ito sa isa pang perspektiba.

Malakas ang kultura ng indibidwalismo sa mga kabataan. Halos nawawala ang sense of collective solidarity. Masyadong nagpopokus sa kompetisyon imbes na bayanihan. Nawawasak ang mga panlipunang institusyon na nagbubuklod sa mga indibidwal.

Halimbawa, hiwa-hiwalay ang pamilyang Pilipino dahil ang mga nanay at tatay ay nangingibang-bayan. Karamihan sa mga kabataan ay hindi batid ang kahalagahan ng pag-uunyon. Palibhasa uso ngayon ang mga trabaho sa service sector tulad ng mga call center company na bawal ang pag-uunyon.

Sa paghina ng mga batayang institusyon tulad ng pamilya, unyon at kooperatiba, naaapektuhan din ang pulitikal na pananaw ng mga tao. Wala nang komunidad, mga indibidwal na lamang. Wala ng sama-samang pagkilos, sariling diskarte na lamang ang uso.

Pati ang teknolohiya ay naging kasangkapan para pahinain ang pulitikal na pakikisangkot ng kabataan. Makikinig na lang ako ng mga kanta sa aking ipod. Maglalaro ng portable PlayStation. Mag-i-Internet at pupuntahan ang Friendster. Ika nga nila, ito ay MySpace.

Malaki ang epekto nito sa pulitikal na kamalayan ng kabataan. Bukod sa nahahatak ang mga kabataan na maglaan ng oras sa mga ganitong aktibidad, tinuturuan din nito ang mga tao na pwede ang mapayapang paglahok sa pulitika kahit nasa bahay lamang.

Bakit ako pupunta ng rali sa Ayala eh pwede naman ako manood ng ANC o makinig sa DZRH? Mapapanood ko pa ang buong programa, may aerial view pa. Malalaman ko pa ang agad na reaksiyon ng ibaâ€™t ibang panig. Pwede ako mag-internet, basahin ang breaking news sa Inquirer. Puntahan ang website ni Pangulong Arroyo o blog ni Manolo Quezon. Bakit pa ako sisigaw sa kalye; gagawa na lang ako ng podcast kung bakit ayaw ko kay Gloria.

Nagiging spectacle na lang ang pulitika para sa marami. Parang sports yan: may mga propesyunal at amateur. Nanonood tayo ng tennis o football; hinahangaan ang mga propesyunal na manlalaro. Hanggang panonood na lang ang ating ginagawa. Hindi tayo nangangahas na maging propesyunal na manlalaro.

Ganun din sa pulitika. Hinahayaan natin ang mga propesyunal na maging dominante sa pulitika. Tayo ay nagkakasya na lamang sa pagiging amateur dahil ayaw natin makisawsaw sa pulitika. Tayo ay may mga pulitikal na opinyon pero ano ang ginagawa natin para baguhin ang uri ng pulitika sa bansa?

Nahaharap ulit sa krisis ang bansa. Ano ang gagawin natin? Kayo ang sasagot niyan. Pero ako ay may pakiusap. Pwede ba, huwag naman natin sobrahan ang paghahanap ng katotohanan. Lahat na lang ng tao at grupo gustong mahanap ang katotohanan.

Ano pa bang katotohanan ang gusto nating makita o marinig? Hindi pa ba sapat ang pag-amin ng pangulo na may anomalya sa NBN-ZTE? Baka naman hanggang ngayon may nagdududa pa rin sa inyo kung sino si Ma’am sa Hello Garci.

May mga ilang mungkahi lang ako. Una, tama ang mga obispo. Kailangan ng communal action. Kailangan ng new brand of people power. Simple lang ang kahulugan nito: sama-samang pagkilos. Basta may tao, basta may adhikain, basta madami ang kumikilos. At sinisimulan na natin ito.

May mga noise barrage sa mga paaralan, prayer rally, unity walk, piket, vigil, zero remittance day, democracy walk, walk-out, teach-in, candle lighting, marathon, boykot, strike, fluvial parade, pagdidikit ng mga stiker, paglaladlad ng mga streamer, at mga malakihang martsa.

Ituloy ang panonood ng ZTE scandal sa you tube, magforward ng mga subersibong text joke, magcontest kung paano lutuin ang Ben’s Burjer, mag-email ng transcript ng mga testimonya ng mga whistleblower sa senado, magdownload ng “she is evil” ringtone, magblog tungkol kay First Gentleman, gumawa ng mga kanta para hikayatin si Sec. Romulo Neri na ibunyag na ang lahat ng kanyang nalalaman, gumawa ng icon sa facebook tungkol sa moderate your greed,” pumirma sa online petition para sa pagbibitiw ni Arroyo, magdasal para sa kapayapaan.

Huwag lang kakalimutan ang sama-samang pagkilos sa lansangan. Taas kamao, kapit-bisig, iisa ang sinisigaw. Yakapin, itaguyod ang people power. Ito ang ating sandata laban sa korupsiyon. Ito ang ating kasangkapan para ipagtanggol ang demokrasya. Huwag tayo matakot sa people power. Walang problema kung mabigo. Wala namang pormula ang totoong people power. Nadedebelop ito sa pagdaan ng panahon.

Mayroon tayong dapat bantayan. Popular ang mensaheng ito: Baguhin muna ang sarili bago ang lipunan. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating mga puso. Tama naman ito. Pero kung lahat ay abala sa kani-kanilang mga sariling buhay, sino ang magtitiyak sa kagalingan ng komunidad? Pansinin din natin na kahit ang mga masasamang lider o diktador ay ganito rin ang kanilang mungkahi.

Baguhin ang sarili pero baguhin din ang lipunan. Baguhin ang sarili nating mga gawi at pag-iisip. Pero baguhin din natin ang liderato ng bansa. Sino ang papalit? Tayo ang pipili. Mapag-uusapan ‘yan. Pero sa ngayon, alisin muna natin ang evil at bitch sa Malakanyang: si Gloria Arroyo at wala ng iba pa.

No related posts.

Panic Mode
Napukaw ang aking atensiyon sa artikulong sinulat ni Ethan Zuckerman hinggil sa lektyur na binigay ni Dan Gilbert, isang propesor sa Harvard, ukol sa pagsusuri ng tao sa panganib (risk).

Tanong ni Gilbert, bakit hindi natin natutukoy ang mga malalaking pagbabagong idinudulot ng global warming samantalang kaya namang tukuyin ng ating utak ang ilang kongkretong banta sa ating buhay? May apat na dahilang ibinigay si Gilbert kung bakit hindi tayo nagpa-panic sa global warming. Isa-isahin natin ang mga ito:

Una, walang mukha ang global warming. Interesante ang spekulasyon ni Gilbert: “If a plane were struck by lightning and destroyed the World Trade Center, none of us would remember the year it occurred in. If global warming were trying to kill us, our president would be fighting a war on it, with or without congressional approval.”

Pangalawa, hindi kontra ang global warming sa ating moral framework. Mainam ulit ang halimbawa ni Gilbert: “If climate change were caused by gay sex or eating puppies, people would be massing in the streets.”

Pangatlo, mahusay tumugon ang tao sa banta ng kasalukuyan, hindi ng hinaharap. At pang-apat, sensitibo ang tao sa pagbabago sa liwanag, tunog, presyur at bigat; pero sensitibo sa mga relatibong pagbabago at hindi sa mga absolutong pagbabago. Narito ang dagdag na interpretasyon ni Zuckerman:

“When the rate of change of a stimulus is slow, we barely notice those changes. We’d be up in arms about changes that have happened in the past two generations in impurities of our air, water and food. We only tolerate it because it happened so slowly. The problem in reacting to global warming is not that it’s happening so quickly, but because it’s happening so slowly.”

Magagamit ang ilang argumento ni Gilbert upang maunawaan ang aktitud ng publiko sa Pilipinas hinggil sa iba’t ibang isyung panlipunan.

Halimbawa, bakit hindi maingay ang middle class laban sa extrajudicial killings? Bakit biglang buhos ang galit at pagdadalamhati sa Glorietta blast at Batasan bombing samantalang tahimik naman dati kapag may mga bombang sumasabog sa Mindanao? Bakit tayo nandiri sa ginawang pamimigay ng cash gift sa Malakanyang samantalang noon pa man ay matindi na ang korupsiyon sa pamahalaan?

Bago bumulaga ang mga kaso nina Jonas Burgos, Karen Empeño at Sheryl Cadapan, hindi napapansin ng publiko ang ginagawang lingguhang pagdukot at pagpatay sa mga aktibista sa bansa. Paisa-isa ang mga kaso ng pamamaslang. Kailangan munang umabot sa daan-daan ang pinatay bago kilalanin na may malawak na paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Matagal nang problema ang kahirapan sa Pilipinas pero kinailangan pa ang pagpapakamatay ni Marianette Amper upang makumbinsi’t paaminin ang pamahalaan at mayayaman na malawak na ang diskontento sa lipunan. Binigyang mukha ni Amper ang kahirapan at kawalan ng pag-asa ng kabataan sa kasalukuyan. Ang pagpapakamatay ay kontra sa moral framework ng mga Pilipino.

Natutuwa ang pamahalaan sa perang ipinapadala ng mga migranteng Pilipino sa kanilang pamilya. Subalit hindi ito naaalarma sa pangmatagalang negatibong implikasyon ng pagkawala ng mga manggagawa’t propesyunal sa bansa. Hindi kasi biglaan ang negatibong pagbabagong dinudulot ng brain drain.

Mahalaga ang punto ni Gilbert hinggil sa kahinaan ng tao na kilalanin ang mga absolutong pagbabago sa lipunan. Nabibighani tayo sa mga espesyal at madramang kaso ng pagnanakaw, pagpatay, at masamang pamumuno. Pero hindi natin agad nasisipat ang tinutumbok ng mga kasong ito sa pangkalahatang katangian ng pulitika sa bansa. Hindi natin nauugnay ang mga indibidwal na problema sa struktural na depekto ng partikular na sistemang pulitikal na dominate sa lipunan.

Sensitibo tayo sa isyu ng korupsiyon na kinakasangkutan ng isang pulitiko. Pero bakit hindi natin pinapansin ang pananagutan ng uri ng pulitika na namamayani sa ating bansa?

Sabi ni Gilbert, magaling at mabilis tumugon ang tao sa mga bantang personal, imoral at nagaganap ngayon. Kailangang matutunang pag-aralan ang mga bagay-bagay na kahit hindi personal, kahit hindi imoral, kahit hindi banta sa ngayon, pero kung labag sa interes ng mamamayan, dapat itong tutulan, labanan at pigilang makasakit pa ng ating kapwa.

Kahit hindi popular ang isang adhikain, kahit itinuturing na kahangalan ang isang ideya, pero kung pinaniniwalaan nating magdudulot ng malaking epekto sa komunidad, dapat itong suriin pa nang husto. Hindi ba’t ang global warming ay minamaliit dati bilang pseudo-science? Napakarami pang “hangal na ideya” sa lipunan ang dapat iligtas mula sa masamang pagkakaangkop ng mga nasa kapangyarihan.

Si Mong ay tagapangulo ng Kabataan Partylist. Bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com.

No related posts.

Pagmumuni-muni ng Isang Kandidato
(Talumpating binigkas ni Mong Palatino–unang nominee ng Kabataan Party–sa De La Salle-Greenhills noong Hunyo 27, 2007. Ang teksto ng talumpati ay galing sa kanyang blog.)

Naikot ko ang kalakhan ng ating bansa. Nakilala ko ang maraming tao. Nakausap ko ang maraming kabataan. Marami akong napatunayan. Lubhang nakapakayaman ng ating bansa. Tunay na natatangi ang ating yamang-likas. Napakabuti ng ating mga kababayan. Kaya nakakahinayang at sa kabila ng ating angking yaman, mayorya ng mga Pilipino ay naghihirap.

Kung dito lang tayo maglalagi sa Maynila, maaari nating isipin na napakadumi, mabaho, masikip at wala nang pag-asa ang bansa. Pero higit na makabuluhan, ngunit di pinapansin, ang mga nagaganap sa ating mga probinsiya. Sila ang higit na pinagkakaitan ng biyaya sa ating lipunan.

Maaaring marami sa atin ang problema ay mabigat na trapik, mabagal na Internet connection, ang nakaka-disappoint na Playstation 3; pero marami sa ating mga kababayan ang kanilang iniisip araw-araw, oras-oras, ay kung saan sila maghahanap ng pagkain para sa kanilang mga anak. Habang tayo ay inaaliw nina Ruffa Gutierrez, Gretchen Barreto at Paris Hilton, ang pinagkakaabalahan ng marami sa ating bansa ay paghahanap ng pera para ipambili ng mahal na gamot, upa sa bahay at damit para sa mga bata.

Sa aking paglilibot, nasaksihan ko ang mukha ng kahirapan: kagutuman. Hindi ba’t ito’y lubhang nakakalungkot? Perlas ng silangan pero walang makain ang mga tao. Nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya, at di ba’t ang turo sa atin ay love thy neighbor, pero marami tayong mga kapitbahay na pinagkakaitan natin ng tulong.

Masaya ang marami noong eleksiyon. Lahat ng pulitiko ay namimigay ng pera. Kahit ako, isang hamak na partylist candidate, ay hinihingian ng limos. Ganyan kalala ang kahirapan sa bansa. Ganyan kababa ang pagtingin ng mga tao sa ating mga lider.

Mula Luzon hanggang Mindanao, andaming kuwento ng korupsiyon, pandaraya, karahasan at pang-aabuso. Si Mayor nagpatayo ng palengke pero ibinulsa ang pera. Si Governor nagpatayo ng kalsada pero kalahati lamang ang tapos. Kandidato para sa konsehal pinaslang. Asawa ng kandidato dinukot. Guro sinunog. Mga nawawalang COCs. Hello Garci noon. Hello Bedol ngayon.

Kahit ang militar ay nakialam sa halalan. Nagdeploy ng sundalo sa mga komunidad dito sa Metro Manila. Ginawa nila ito upang takutin ang mga taong sumusuporta sa mga progresibong grupo. Dalawa sa aming pollwatcher sa Camarines Norte ang dinukot, saka pinaslang.

Marahas, madumi, mabangis ang halalang nagdaan. Hindi nakapagtatakang marami sa mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, ang di aktibong lumahok sa halalan.

Kaso marami sa atin ang hindi nakuhang magalit sa halalang naganap. Ang pandaraya at karahasan ay pambabastos sa esensiya ng demokrasya. Nakakabahala ang pahayag ng ilan na natural lang naman daw ang korupsiyon, pandaraya, karahasan tuwing halalan. Ganito na ba kalabnaw ang ating pagpapahalaga sa ating demokrasya?

Ayaw kong sumali sa korus na pinapalutang sa mas midya na matured na raw ang ating mga botante. Hindi na raw tradisyunal ang eleksiyon. Hindi na raw uubra ang pagtakbo ng mga artista. Oo, may nanalong pari, sundalo at pilay sa eleksiyon. Pero kalakhan pa rin ng mga pulitiko ay mga tradisyunal o warlord. Marami pa ring asawa, anak, kapatid, kamag-anak ng mga magreretirong pulitiko ang nanaig sa halalan. Limang G pa rin ang kailangan para manalo: guns, goons, gold, garci and generals. (isama ang pang-anim, si Gloria).

Tapos na ang halalan. May nanalo, natalo, nandaya at nadaya. Ibig sabihin, tuloy ang buhay sa enchanted kingdom. Tuloy na ang mga demolisyon (lalo na sa Maynila), pagtaas ng presyo ng langis, jueteng at kalakalan sa droga. Masaya na ulit ang mga nangogotong: sa kalsada man yan o sa Commission on Appointments.

Ngayon na ang panahon para maghanda sa halalang 2010. Gawing moderno ang halalan. Palitan ang namumuno sa Comelec. Ipagbawal ang mga dinastiya. Patatagin ang political party system. Higit sa lahat, kailangan natin ng pagpapanibagong-hubog sa kultura, gawi, at praktika sa usaping pampulitika sa bansa.

Sa inyong lahat, mga susunod na lider ng ating bansa, matuto kayo sa mga kamalian namin ngayon. Sanaâ€™y higit ninyong bigyang pansin ang poblema ng ating lipunan.

No related posts.

Urban Facelift
Bukod sa pagdami ng mga banyagang kapihan sa mga sentrong lungsod ng bansa, kapansin-pansin din ang pagsulpot ng mga klinik na pangpaganda ng mukha’t katawan. Para sa isang mahirap na bansa, nakakagulat ang bilang ng mga Pilipinong nais magpaputi, magparetoke ng ilong, magpakinis ng balat at magkaroon ng buhok na mahaba, makinang at may kulay. Para sa isang bansang dominante ng mga Katoliko, isang palaisipan kung bakit maraming tao ang hindi mapalagay sa mukha’t katawang bigay ng Diyos.

Tila lahat ay nais maging flawless ang kutis. Tila lahat gusto maging ‘Imelda’. Kunsabagay, maganda ang mga lola natin, di ba?

Walang masama sa pagiging banidoso ng mga indibidwal. Karapatan ng mga indibidwal kung hindi na sila naniniwalang ‘brown is beautiful’. Plus factor para sa mga kalalakihan ang pagiging metrosexual, lalo na kung ubersexual. Ayon nga kay Doktora Belo, makapangyarihan ang kagandahan.

Pero ang ganitong mentalidad ay nagagamit din sa administrasyon ng mga siyudad. Kailangan daw maging ‘guwapo’ ang Metro Manila kaya itinataboy ang mga panget sa lansangan. Inaalis ang mga bagay na hindi kaaya-aya sa paningin ng sibilisadong komunidad. Tulad ng pagtanggal ng kulugo, nunal at tigyawat sa mukha ng mga tao, tinatanggal din ang maruruming elemento sa mga kalye.

Tinatarget ang mga indibidwal na hindi kinikilala bilang lehitimong miyembro ng lipunang Pilipino dahil sa kanilang kahirapan, relihiyon, edukasyon, etnisidad at kasarian. Inaalisan ng karapatan ang mga Pilipinong hindi kayang umayon sa rekisito ng kumbensiyunal na lipunan. Dahil sa kanilang pagiging ‘iba’, masama at marumi sa pananaw ng dominanteng uri, pinaiigting ang diskriminasyon laban sa kanilang hanay.

Pinatitindi ang pagwawalis sa mga maralitang komunidad. Ginigiba ang kanilang mga tirahan dahil may itatayong kalsada, tulay, mall, northrail/southrail at commercial center. Wala silang karapatan dahil hindi naman sila tulad ‘natin’. Pinalalayas din ang mga maliliit na mangangalakal (street vendors kung tawagin at kutyain) sa mga bangketa.

Nililipol ang mga ‘kriminal’ sa pagsugod sa kuta ng mga mahihirap. Tinutugis ang mga ‘terorista’ sa pagsuyod sa komunidad ng mga Muslim.

Kahit ang kakarampot at di sustinidong tulong na binibigay sa mga nasa evacuation center dahil sa bagyo, sunog at iba pang sakuna ay maaaring bunsod din ng motibasyong panatilihing nasa evacuation center ang mga mahihirap at pigilan silang magpakalat-kalat sa kalye at dungisan ang paligid. Nariyan ang takot na kung hindi sila mabigyan ng tulong ay baka kumatok sila sa mga pintuan natin at humingi ng limos.*

Pilit itinatago ang kahiya-hiyang mukha ng kahirapan pero hindi naman inuugat ang mga problema ng bansa.

Gustong linisin ang Metro Manila kaya ipinagbawal ang mga lalaking hindi nagsusuot ng damit sa kalye. Binigyan ng libreng pustiso ang mga bungal na parak. Pararusahan ang mga mababahong traffic enforcer.

Magnanakaw raw ng kuryente’t tubig ang mga iskwater. Parang aso kung umihi sa lansangan ang mga lalaki. Nagtatapon ng basura sa ilog ang mga nakatira sa estero. Hindi nagbabayad ng buwis ang mga manggagawa. Panatikong idinidiin ang mga di kanais-nais na praktika’t gawi ng mahihirap pero hindi pinapansin ang korupsiyon ng mga nasa kapangyarihan. Pinapalaki ang pagkakamali ng maliliit na tao pero pinapalampas ang kabulukan ng burgesya.

Dapat daw maging disiplinado, sundin ang mga batas at igalang ang awtoridad. Pero sino ba ang lumalabag sa batas? Sino ba ang nasa likod ng jueteng, smuggling at pangangalakal ng ilegal na droga? Sino ba ang gumagamit ng batas at iniikutan ang batas para sa kanilang personal na kapakinabangan? Sino ba ang may-ari ng mga malalaking pabrika na bumubuga ng maitim na usok at lumalason sa suplay ng ating tubig? Sino ang nagbigay ng prangkisa sa mga kumpanya upang wasakin ang ating kagubatan at angkinin ang ating yamang mineral?

Nararapat lang linisin ang siyudad. Makatuwirang gawing ‘guwapo’ o ‘maganda’ ang Metro Manila. Pero dapat simulan ang krusadang ito sa tuktok ng pamahalaan at boardroom ng mga malalaking kumpanya. Andun ang mga tunay na marurumi, masasama at kasuklam-suklam na elemento ng lipunan.

* Pagsusuri ito ni Slavoj Zizek. Ayon sa kanya: “Compassion is the way to maintain the proper distance towards a neighbor in trouble…the underlying logic is that we must pay so that our neighbor will remain a neighbor, at a proper distance, and will not come to us…the postmodern ethics of compassion with the victim legitimizes the avoidance, the endless postponement, of the act. All ‘humanitarian’ activity of aiding the victims are there to obfuscate the urgency of the act”.

Tagapangulo ng Kabataan Party-list si Mong Palatino. Pwede siyang sulatan sa mongpalatino@gmail.com o bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com

No related posts.

Super Republika
May isang hukom sa Malabon na naniniwalang may mga dwendeng gumagala sa mundong ito. Dahil dito, pinatalsik siya ng Korte Suprema. Hindi man daw baliw ang hukom, kailangang pangalagaan ang integridad ng Korte.

Ilang buwan bago ang pag-amin ng hukom na nakikisalamuha siya sa mga dwende, nangako si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dadalhin niya ang Pilipinas sa Enchanted Kingdom bago ang taong 2020. Hindi kaya ito ang naging hudyat ng hukom sa Malabon upang ipagbunyi ang pagdating ng mga dwende? Naging mensahero lang kaya siya ng Pangulo?

Mukhang sinimulan na ang byahe patungong Enchanted Kingdom nang inanunsiyo ng Pangulo na magbubuo tayo ng limang super region. Sa katunayan, pinatayo’t pinakilala pa sa publiko noong nakaraang State of the Nation Address ang lahat ng tapat na kawal ng kaharian.

Sinasanay na rin ang mga makabagong manggagawa. Ipinagmalaki ni Gng. Arroyo na ang mga umuwing domestic helper mula sa Lebanon ay gagawing supermaids. Sa panahon nga naman ng globalisasyon, kailangang laging angat tayo sa mga kalabang lahi na mayroon ding inaalok na murang paggawa. Bukod sa pagiging masipag, matiisin at kagalingan sa pagsasalita ng carabao English, ang mga yaya natin ay dapat ding maging supermaid.

Mayroon namang inilalakong kumpetisyon ang Department of Education sa mga eskuwelahan. Hinihikayat ang mga estudyante na gumawa ng mga sanaysay o komiks hinggil sa mga Super Pinoy/ Super Pinay. Nais himukin ng DepEd ang mga bata na gamitin ang kanilang imahinasyon upang ilarawan kung ano ang mga katangian ng huwarang mamamayan sa Enchanted Kingdom.

Naghahanda rin ang media sa nalalapit na transpormasyon ng bansa mula sa pagiging Perlas ng Silangan tungo sa Lupain ng Mahika. Dominante ngayon ang mga palabas ukol sa mga superhero, salamangka, kakaibang nilalang at mga mandirigma ng ibang dimensiyon. Kung dati’y mga matatanda lamang ang nagkukuwento sa atin tungkol sa mga kapre, sirena’t maligno, ngayo’y napapanood na ang mga ito sa primetime TV.

Maaaring tama si Rep. Alan Peter Cayetano na may lihim na bank account ang First Family sa Germany. Pero maaaring mabilis na inutos ni Gng. Arroyo sa mga dwende na ilipat ang mga itinatagong ginto sa Gringotts.

Tuluyan nang lumubog ang programang Strong Republic ng pamahalaan. Pinalitan ito ng Super Republika na magiging transisyon bago ang Enchanted Kingdom status sa taong 2020. Susi ang Charter Change upang mabilis maisakatuparan ang pamamayani ni Reyna Arroyo. Mali kung gayon ang Pagbabago — Sigaw ng Bayan. Ang tunay na adhikain ay: Pagbabago para sa Enchanted Kingdom — Sigaw ng mga Dwende.

Mukhang mali ang naging taktika ng oposisyon. Dapat sumangguni ito sa mga albularyo. Dapat bumili sila ng maraming anting-anting.

Dapat idinagdag ding batayan ng impeachment complaint laban kay Gng. Arroyo ang pagkakaroon ng baliw na pag-iisip. Kung naging mahigpit tayo sa hukom na nakakakita ng dwende, hindi ba’t dapat lang na paalisin din natin sa kapangyarihan ang isang peke’t nahihibang na lider na nangangakong dadalhin tayo sa Enchanted Kingdom, lilikha ng super region at magsasanay ng supermaid?

Si Mong Palatino, 26, ay tagapangulo ng Kabataan Party. Pwedeng bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com.

No related posts.

Alien, Alien
Bakit kailangang pag-aralan at tutulan ng bawat Pilipino ang nilalaman ng Sensenbrenner bill o HR 4437 na pinag-uusapan ngayon sa Kongreso ng Amerika?

Dahil ang pinakamalaking konsentrasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nasa Estados Unidos. Katunayan, mahigit 60,000 kababayan natin taun-taon ang umaalis ng Pilipinas upang manirahan sa Amerika.

Ang HR 4437, imbes na pangalagaan ang karapatan ng mga migrante, at kilalanin ang kanilang papel sa paghubog ng lipunang Estados Unidos, ay nais ituring na kriminal ang mga ilegal na migrante pati ang mga kumakanlong sa kanila. Bahagi ito ng pag-ayuda sa ‘gera laban sa terorismo’ ni Bush.

Delikado ito dahil nakita na natin ang brutalidad kung paano pakitunguan ng gobyernong Bush ang mga taong pinaghihinalaang terorista.

Hindi nakapagtataka at nagbunsod ng malawakang protesta ang kontrobersiyal na panukala. Sa pangunguna ng Justice 4 Immigrants (J4I) ay nagkaroon ng mga malalaking demonstrasyon sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos, lalo na sa California.

Bitbit ang mga plakard na may mensaheng “we are not criminals,” pati ang mga estudyante ay naging bahagi ng mga kilos protesta.

Noong  Marso 27, mahigit 100, 000 mag-aaral ang napabalitang lumiban ng kanilang mga klase sa mahigit 40 eskuwelahan sa California. Sa Los Angeles, mahigit 40,000 estudyante mula sa 26 high school ang nagwalk-out at nagmartsa papunta sa city hall.

Noong Marso 28, kahit malakas ang ulan at tangkang paghaharang ng pulis, ay nagrali ang mga mag-aaral ng Carson at Long Beach High School sa South Bay kasama ang mga Fil-Am. Mahigit tatlumpu ang inaresto.

Pati sa Dallas, Texas ay may 4,000 estudyante ang dumagsa sa kalye.

Naitala ang pinakamamalaking rali sa kasaysayan ng Los Angeles, California na ikinukumpara sa freeway sit-down strike noong Vietnam War.

Dahil sa lawak ng protesta, napilitan ang Senado na kilalanin ang sentimyento ng mga migrante at inalis na ang mga kinamumuhiang probisyon sa Sensenbrenner bill tulad ng kriminalisasyon sa mga hindi dokumentadong migrante at sa mga sumusuporta sa kanila.

Gayunpaman, malayung-malayo pa rin ito sa pinapaborang batas para sa mga migrante na magtitiyak sa legalisasyon ng pananatili sa Amerika, pagtatanggol sa karapatan ng manggagawa at pagsasama muli ng mga pamilyang matagal na nagkahiwalay dahil sa visa backlog.

Nag-iiba na ang komposisyon ng lipunang Amerika. Lalong gumuguhit ang impluwensiya, lakas at dami ng mga Amerikanong hindi puti. Hindi naman ito nakakagulat dahil isinilang, yumabong at umunlad   ang Estados Unidos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga migrante mula sa ibang lupain. Kaya dapat tanggapin na ng mga Konserbatibong puwersa sa Amerika na ang kanilang dominasyon ay may hangganan din at dapat yakapin nila nang buung-buo ang mga migranteng hindi nila kakulay.

Idagdag natin ang ating boses upang biguin ang Sensenbrenner bill. Pinapadalhan nga tayo ng mga dolyares ng ating mga pamilya pero mas malaking yaman ang kanilang naiaambag sa bansang Estados Unidos sa pamamagitan ng kanilang lakas-paggawa, dunong at kasanayan.  Hindi mga panukalang tulad ng Sensenbrenner bill ang dapat maging sukli ng gobyernong Amerika sa mga masisipag na migrante.

Ibunyag din natin ang katahimikan ng pamahalaang Gloria Arroyo sa isyung ito. Labing-isang bansa mula sa Latin Amerika ang nagpadala na ng kinatawan sa Washington upang mag-lobby ng mga reporma sa immigration law ng Amerika. Pero itong si Gloria ay sarili lang ang iniintindi kaya Cha-cha ang gustong ibenta sa mga Amerikano imbes na isulong ang interes ng mga Fil-Am.

Dapat matyagan natin ang magiging kahihinatnan ng Sensenbrenner bill dahil kung ito’y makalusot sa Kongreso ng Amerika ay maaaring gayahin ito sa Europa na may negatibong implikasyon sa ating mga kababayan doon.

Ito ang kabayaran ng pagiging pangatlo sa nangungunang bansa na nagluluwas ng tao. Ito ang kapalit ng pagiging paboritong yaya at nurse sa buong mundo.   Ito ang kongkretong patunay na dapat pabilisin na natin ang pagbabago sa pamunuan ng bansa at mga pulisiya sa ekonomiya upang wala ng Pilipinong makikipagsapalaran pa sa ibang lupain.

Si Mong ay tagapangulo ng Kabataan Sectoral Party. Pwedeng bisitahin ang kanyang blog sa www.mongpalatino.motime.com

No related posts.