Si Lolito Go Jr, 22, ay kilala rin sa bansag na "Bum". Madalas ay makikita siyang gumagala sa marilag na lungsod ng Olongapo suot ang kanyang all-black anti-fashion statement. Naniniwala si Bum na ang tunay na paaralan ay ang lansangan. Dahil dito, wala siyang balak na bumalik sa kolehiyo. Mahilig si Bum sa pelikula; ito ang kanyang inaaral. Partikular siyang naaaliw sa mga likha nina Woody Allen, Hitchcock at Kurosawa. Praning din siya sa musika ni Paganini at panitik ni Ginsberg.
Limang taon siyang nanilbihan bilang SK Chairman sa Olongapo hanggang taong 2007. Natalo siya bilang konsehal matapos tumangging paputulan ang kanyang buhok na hanggang hita. Dinaig siya ng mga kilalang lasenggo at manunugal sa barangay.
Tiwala si Bum na ang panulat ay mabisang sandata ng kabataan laban sa pulitikal na opresyon at karukhaang ispiritwal. Sa ngayon, abala siya sa pakikipaghabulan sa pag-ibig, pagsusulat at pakikibaka. Nailathala na rin ang kanyang mga katha sa Bulatlat, Dalityapi, Sunday Inquirer Magazine, Emanilapoetry at iba pang online at print publications.
Articles:
- Print This Thing On Your Shirts, Perverts., 25 Jun 2008 in Tula
- Kay Daboy na malamang ay lumalaboy sa pagitan ng paraiso’t apoy, 13 Jun 2008 in Tula
- Sapagkat sa Lupa Humahalik ang Anakpawis, 22 May 2008 in Tula
- Prosaic # 5 in G or They Asked Me to Write a Press Release About Tourism in Olongapo and Here’s What I Wrote Instead, 11 Apr 2008 in Tula
- Hindi Raw Sinasadya ng D(iy)os ang Pagkakahawig Nina Kokey at Manong Joe, 07 Feb 2008 in Tula
- Prosaic # 4 in G or Finally, A Year-end Poem, 08 Jan 2008 in Tula
- White Lies, 14 Dec 2007 in Tula
- Go Liar, Go, 07 Dec 2007 in Tula
- Prosaic #1 in A Minor or Let Us Take A Break From Blabbing About Politics, 06 Dec 2007 in Tula
- El Sonate de los Pobres, 26 Nov 2007 in Tula
« Previous |



