Tinig.com » Felipe Unlayao

Trahedyang Walang Katapusan
Kailan lang ba laksang kaluluwa ang inutas sa Ormok?

At pagtapos naman sa Quezon libong katawan ang naupos

At sa Leyte pa rin ngayon libo ring buhay ang tinapos.

Bukod pa sa hiwa-hiwalay na trahedyang tila umiikot.

Sa bayan nating nilipos ng  sobrang paghihikahos.

Parang sumpang kilabot sa lupang ito na binubusabos.

At ngayo´y ano na ang pakialam nitong mga santo

Sa mga nalibing nang buhay ng mga karaniwang tao?

Sa lahat ng sulok nitong lupa  nating nagtatampo

Silang mga nagmumukhang  banal sa harap ng panloloko

Sa tuwing magaganap ang trahedyang nakapanlulumo.

Mga manhid na walang awang nagsasayaw sa kanilang trono.

Sa tuwing matatapos na maganap itong mga trahedya

Gagawa kunwari ng mga pakulong pampaamo sa madla.

Ipagbabawal kunwari ang sa kalikasan ay pananalanta

Ng mga matalik na kaibigan at kasosyong kapitalista.

Ngunit dahil di mapakali sa laki ng tubo at ganansya,

Sandali lang at babawiing muli sariling mga pakana.

Dahil sa ngalan ng tubo at tayog ng kapangyarihan,

Naging bingi itong mga teynga sa daing ng taong bayan.

Nagiging manhid ang pakiramdam sa tangis ng kalikasan,

Walang pakialam sa mga susunod pang lahi kinabukasan.

Ang mahalaga  sa kanila ay ngayon at gintong makakamal,

Masira man nang todo ang  gubat  bundok at mga dagat nating mahal

Kaya’t ito ngayon ang  nagiging bunga

Sa tuwing may magaganap na ganitong mga trahedya.

Ang kalikasan nati’y todong napipinsala.

Ang taong bayan ang siyang  nagiging biktima

Sa mga kasakimang hindi naman nila ginawa.

Habang nagpipyesta itong mga sakim at buwaya.

Doon sa palasyo iisa ang kumpas ng mga dila.

Kaya nga itong mga trahedya’y walang katapusan,

Mga sakunang walang patid, walang pagkaparam.

Libingang tuwina ay sasama sa ating kasaysayan,

Parang gabi na tuwina ay  bangungot sa ating katauhan.

Habang ang lupang itoy pinamumugaran ng mga gahaman,

Mga sakab sa tubo at hayok sa kapangyarihan.

Si Epoy ay labing taon nang naninirahan sa Vienna at kasapi ng Pinoy in Austrian society for Integrity Reform and social transformation o FINAS FIRST.