Tinig.com » Edilberto Larin, Jr.

Panahon Naman ng Pag-alalay sa mga Nagsulat Para sa Bayan
Binasang panimulang pananalita sa “Valuing the Writer’s Creative Mind by Protecting His Rights: A Seminar-Orientation on Intellectual Property Rights” ng Panitikan, Ekspresyon, Nasyonalismo sa Kaisipan at Obra (PenKO) noong November 21, 2007 sa Bulacan State University.

Ang pagiging malikhain ay taglay na ng mga Pilipino sa simula pa lang ng pagbubuo niya bilang mamamayan. Marami nang mga nahukay na historical artifacts na nagpapatunay na ang mga sinaunang Pilipino noon pa man ay may malaking pagpapahalaga na sa masining na paglikha ng mga bagay-bagay. Sa palagay ko’y isa itong katotohanan na sasang-ayunan naman nating lahat.

Partikular nating bigyang pansin ang pagkamalikhain ng mga manunulat sa ating bansa. Unahin na nating banggitin si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang kanyang mga sinulat ay laging nakakonsentra sa mga problemang kasangkot ang Pilipinas at Espanya. Ginamit niya ang kanyang naiibang paraan ng pagsulat sa Florante at Laura upang malusutan ang sobrang paghihigpit ng lupon ng sensura ng mga paring prayle sa mga akdang makabayan. Inakala tuloy ng mga Kastila na ang Florante at Laura ay isang simpleng kasaysayan ng pag-iibigan. Isunod nating tukuyin ang playwriter na si Juan K. Abad sa dulang Tanikalang Ginto. Ang mga tauhan dito ay ginamitan ng mga simbolong pangalan nang hindi mahalata ng mga Amerikano na ang dulang ito ay may temang patungkol sa nasyonalismo. Sa panahon naman ng Hapon, ayon sa tala ng kasaysayan ito ang tinaguriang “Gintong Panahon ng Maikling Kuwento at Dulang Tagalog.” Ang mga manunulat na Pilipino sa wikang Tagalog sa panahong ito ay nabigyang pagkakataong maipakita ang lalim at lawak ng kanilang mga panulat dahil ang paggamit ng Ingles sa panahong iyon ay mahigpit na ipinagbawal ng mga Hapon.

Sa nakaraan, marami ng mga patunay sa pagiging malikhain ng ating lahi at sa kasalukuyan ang pagkamalikhaing ito ay patuloy na nagiging instrumento hindi lamang sa pang-indibidwal na ekspresyon kundi lalo’t higit sa pagtatagni-tagni ng mga nagkakaiba-ibang identidad, damdamin at kamalayan. Ang panulat ng mga manunulat sa kontemporanyong panahon ay hindi na lamang nagmumulat ng mga kaisipan, idinudugtong din nito ang nawawalang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at bayan.

Sa hanay ng mga bagong dugong manunulat (partikular ang mga student-writer sa mga pamantasan) patuloy na nagbubunga ng tagumpay ang bawat patak ng emosyon at idealismo sa kanilang mga panulat at ang bawat retaso ng kaalaman ay napagtatagni-tagni upang maitawid ang kasalukuyan sa kinabukasan.

Maaaring sa mga kabataang manunulat na ito nauna na ang pag-eeksperimento sa pagsusulat bago natutunan ang tradisyunal na pamamaraan, ngunit masasabi pa ring isa pa rin itong aktuwasyon tungo sa kaunlarang pangsining at pagpapalawak ng kaisipan.

Kailangan nating makita nang malinaw ang naging silbi ng pagkamalikhaing ito ng mga manunulat na Pilipino sa kalagayan natin ngayon bilang isang bansa. Ngunit kung iisipin, hindi isang garantiya na ang lahat ng kakayahan na may silbi (gaya ng pagkamalikhain) ay hindi na nga maaaring mawala. At hindi rin maaaring masigurado na ang isang taong may malaking pagpapahalaga sa kanyang kapwa ay hindi na nga niya maiwawala ang pakiramdam na ito habang siya ay nabubuhay pa. Lalo pa nga’t nakikita at nararamdaman niyang ang mga mamamayan o ang bayang kanyang kinakalinga ay hindi naman pala siya tinitingnan.

Marami na at patuloy pang dumarami ang nagsasabi na mahirap maging manunulat sa Pilipinas. Isang katotohanan ito sa sektor ng mga manunulat na Pilipino mula pa noon hanggang ngayon, kahit marami ng nangyaring pagbabago hindi pa rin nabago ang katotohanang ito.

Matagal ng panahong inaalalayan ng mga manunulat ang ating bansa. Marahil, ito naman ang tamang panahon para sila naman ang ating alalayan.

Gawin Natin Itong Simple
Si JDV wala na sa pagiging speaker — kinana nya si Gloria sa speech nya. Parang may pasasabugin pero wala naman. Yung mga sinabi niya, dati na ring may nagsasabing iba. Ang kaibahan nga lang, ang nagsalita ngayon ay dating kakampi ni Gloria. Muntik na ‘kong mapahanga. Buti na lang naalala kong pulitiko nga pala sya, he he he.

Matagal nang senaryo ang ginagawang paglilipat-lipat ng partido ng mga pulitiko. Yun ay hindi na natin dapat pang pinagkakaabalahan. Sa mga gawain nilang ganito, ang kapakanan ng bansa ang nababalewala. Sa Malakanyang, sa Senado, sa Kongreso, ang labanan ay batay sa dami ng karga mong tae sa katawan kapag humaharap ka sa plenaryo, debate o usapan.

Ang pulitiko ng bayan natin ngayon ay dinadaig pa ang mga artista at modelo sa pagpapasikat. Inaalagaan ang public image hindi para sa reporma ng bansa kundi para sa patuloy na paghahari dito sa lupa. Sarap kurutin sa singit.

Hindi natin dapat iwasan ang patuloy na pag-aakusa sa mga tarantadong nasa posisyon dahil hindi rin naman nila tinitigilan ang pang-aapi nila sa mga tao sa pamamagitan ng napakaraming mga paraan (hindi na yun kailangang isa-isahin — matagal na tayong aral at bantad tungkol sa mga bagay na yan).

Ang usapan at hakbang ay kailangang gawing simple, walang dayaan, walang lihim-lihim, walang ungguy-ungguyan, walang mahuli taya, walang playing safe, walang gaguhan para lahat tayo ay may mapala.

Simulan Na
Hit na hit sa usapan ang tapang ni Senador Antonio Trillanes IV–parang superhero ang dating. Naghuramentado, nagsisigaw ng pagbabago para sa bayan. May nanggugulo raw sa atin. Ayon sa kanya, ang kanyang ginawa ay isang obligasyong moral sa bayan para sa katulad nyang sundalo.

Ang mga anti-Gloria, nagdiwang sandali; akala nila’y ito na ang simula ng pagbagsak ni Tita Glo, pero marami ang napigil ang pag-utot dahil pagkatapos ng ilang oras na tensyon ay sumuko rin sina Trillanes at Lim (Gago ka ba! Ikaw kaya ang sugurin ng higit 2,000 sundalo at tangke!).

Okey, ang sabi sa mga bulung-bulungan ay marami pang susunod na attempt para masabunutan na nang husto si Gloria. Dalawang grupo pa raw ng mga militar ang naghihintay ng tamang timing kung kelan nila ipapakita ang kanila namang paghuhuramentado (Nakakabilib yon, sa totoo lang–kasi isipin naman natin, sa kanila todo-taya na lahat at pag nasilat sila, sila ang yari kay Tita Glo, sabunot bakla ang aabutin nila, ha ha ha!). At sa kaso ng ibang mga militanteng grupo, magkakasa sila ng malawakan at mga pambansang protesta (Okey din yon, dahil iyon naman talaga ang boses ng tao, palayasin ang mga nakaka-high blood na personalidad sa Malakanyang).

Iba’t ibang mga sektor ang patuloy na nag-iisip ng mga plano kung papa’no at ano nga ang maganda. Isip… isip… isip… 1… 2… 3… (Nakakainip-ang tagal-tagal, ang dami ng gustong iutot ang sama ng loob nila sa unfair na gobyernong ito). Kahit na ibang mga pulitiko, mapa-oposisyon, o hindi man (Yung mga nakiki-oposisyon, iyan yung ibang timing ang hinihintay, idol kasi nila si Gloria kaya gusto nila syang palitan he he he!–ang mapikon, BISTO) walang tigil sa kaka-submit ng complaint at impeachment case laban kay, syempre pa Gloria ulit (Yun nga lang numbers game daw yun kaya wala rin, pero okey na rin sila, kasi in a way nalalaman ng bayan ang ilang mga lihim ng administrasyon).

Eto ang malupit, pati mga religious, group ginagamit na rin nila ang kanilang kongregasyon at mga pagpupulong (sama na pati fellowship) para tirahin si Gloria (Kawawang Gloria, kaunti na lang ang padrino nya pagdating ng langit, kasi karamihan sa religious leader galit sa kanya he he he, hirap talagang maging pangulo, pati kinabukasan sa langit nadaamay). Ang mga sermon, bible study at kung ano-ano pang spiritual gatherings, ang best example pag gustong ipakita o ipotray ang isang bad image, gobyerno.

Ayan, maraming senaryo ng hakbang patungo raw sa pagbabago, mga personalidad na naghahanap ng katarungan na para raw sa marami. Paulit-ulit na hinaing ng pagkadismaya sa pamahalaan. Totoo naman ang lahat ng iyan, kahit sinong tumingin walang nangyari sa Pilipinas sa lumipas na maraming bilang ng dekada at mga taon.

Simula pa noon, na hindi pa tayo republika–kumbaga sa public vehicle, kolorum–wala pang lisyensya para magpagpag ng kayang gawin (kahit may kaya namang gawin) at hanggang ngayong isa na tayong tunay na bansang nasa loob ng community ng United Nations, wala na tayong tigil sa kakasigaw para sa pagbabago at pagpapalit ng pinuno na mamumuno sa atin. Hindi tayo nauubusan ng mga bayani sa bawat panahon ng pag-aaklas at rebolusyon. Patuloy na may nagsasalita para sa kapakanan ng kanyang kapwa Pilipino. At totoong nakakatuwa at nakakahanga ang pangyayaring ito. Mga totoong Pilipinong nag-isip ng maganda hindi para sa sarili kundi para sa bayan. Pero ganun pa man ang mga kilos na ito sa nakaraan at maging sa kasalukuyan ay humahantong pa rin sa kabiguan ng maraming umasa sa simula… at sa ipinangakong pagbabago.

Ang bawat sigaw, hakbang sa pagbabago at pag-unlad, ang bawat protesta sa kalsada, ang pagpapatalsik sa kasalukuyang rehimen at iba pang mga aktuwasyon para magkaroon ng panibagong simula ay hindi lamang dapat mangako sa umpisa ng isang palsong pag-asa.

Sa mga naghangad, naghahangad at maghahangad na muli tayong magsimula ng bago, gusto ko lang sanang sabihin na matagal na tayong nagsimula,  kaya  panahon na para marating na natin kung anuman ang ating sinimulan.

Kaastigan at Kalayaan
Sa lahat ng nakikinig, nabibingi at nagbibingi-bingihan at sa mga talagang wala ng pag-asang makinig, para sa inyo ito.

Kung anong meron ka, huwag mahiya o matakot na ipaalam sa iba. Dahil ikaw yan; lakas mo yan. Hindi na baleng sabihin ng mas matanda sayo na parang wala kang modo kung makaasta. E, ano paano nila nasiguradong may modo nga sila dahil sa standard values na sinabi ng mga nasa akademya? At sino may sabing ang sinabi ng akademya ang tama at dapat gawin? Yung mas matanda sa ‘tin. Ayoko, ayokong maniwala dyan. Sa tingin ko, nanloloko lang yang mga yan.

Hindi eskuwelahan, hindi simbahan ang puwedeng makapagsabi kung ano at alin ang puwedeng maging itsura ng lipunan at ng tao. Hindi naman absolute truth at walang patunay na puwede ngang absolute truth ang sinasabi ng simbahan at ng akademya. Yon ay pinag-usapan lang nila dati. Pakiramdam nila, ‘yung pinag-usapan nila dati ang dapat pa ring masunod ngayon. At bakit ulit? Sino may sabi sa kanilang gusto namin o nating maging katulad nila? Ha! Neknek nila!

Kaya yung mga cool dyan sige na ilabas nyo na yan. Huwag mag-aalala, walang batas na nagsasabing bawal gumawa ng sariling buhay–walang ganoon.

Kaya sa mga tunay na astig dyan, take note of these reminders mula sa Astig Authoroty of the Philippines. (Hindi naman ito definite standard ng pagka-astig dahil iba’t iba ang paraan ng pagiging tigasin pero maniwala kang makatutulong ‘to sa pagpaparami ng lahi ng mga astig.)

Mabuhay ang mga astig!

1. Huwag matakot tumayo o pumikit sa klase kapag nangangawit o inaantok kapag nagdidiscuss si ganito o ganireng titser.

2. Puwedeng makinig sa guro nang nakatayo o nakapikit; kapag sinita, ikatwirang hindi naman mata ang nakikinig kundi tenga at hindi naman puwit na nakalapat sa upuan ang sumasalo ng laway ng titser kundi yung utak mong nasa loob ng bunbunan.

3. Huwag papayag na matapos ang araw na hindi nakapagsalita sa klase.

4. Ang pagsasalita ay kalayaan ng sinuman na kailangan ensayuhin. Kahit hindi masyadong maka-Ingles puwede naman ‘yun. ‘Pag sinita ka, sabihin mong kaya ka nga kamo nagsasalita para mahasa ang Ingles mo. ‘Pag ayaw maniwala sayo, sabihin mo “Ma’am o Sir, hindi naman ako ipinanganak na sinungaling.” Saka tumawa nang ganito: He He He.

5. Huwag laging sunud-sunuran sa utos ng kung sino lang.

6. Hindi lagi lang matanda ang may karapatang mag-utos ng dapat gawin; lahat ng tao puwede. Kahit hindi masyadong katandaan. Walang age limit sa puwedeng makapagbigay ng payo.

7. Huwag basta bayad ng bayad sa mga kaletsehang pinapabayaran sayo.

8. ‘Pag tinanong kung bakit hindi ka nakakabayad, huwag nang masyadong magpaliwanag. Sapat na ang sabihing wala kang pera. Sabay sabing, “Okey!”

9. Huwag matakot umupo sa mga lugar na wala namang upuan.

10. ‘Pag sinita ng sekyu, sabihin mong tumatae ka lang; lilinisin mo naman kamo pagkatapos.

O pa’no mga astig, kita-kits tayo sa mga tambayan natin ha.

Don’t forget, ang astig, cool lang pero hindi masama ang ugali.

Si Edilberto, 27, ay kasalukuyang nagtuturo sa Bulacan State University sa ilalim ng Instituto ng Artes at Letras bilang propesor sa wika at panitikan. Contributor siya sa Liwayway Magazine simula pa noong taong 2004.

Si Ma’am Naman
Mahirap ipaliwanag ang pakiramdam. Kung minsan lalo akong nabobobo. Yun bang sa halip na madagdagan ang alam ko nababawasan pa. Nahahawa na rin yata ako sa pagka-old type at pagkatrapo nung ibang mga titser dito. Ayoko talaga ng ganito. Gusto ko na ngang layasan ang iskuwelahang ito kaya lang napipigilan lang akong gawin. Syempre iniisip ko rin mahirap nang humanap ng ibang mapapasukan. Kung yun ngang iba ilang taon nang tapos hindi mapasok-pasok kasi walang iskuwelahang tumanggap. Hindi dahil sa tanga o mahinang klase kundi dahil sa walang kilalang makapitan kaya kahit magaling at naka-rank na, nalulundagan lagi ang pangalan. Kasi hindi siya pamangkin ni ganito at ganireng malakas sa Division Office.

Kaya dapat sa mga colleges at universities idagdag sa curriculum ng Education ang subject na witchcraft para kung hindi makuha sa ordinaryong proseso ang pag-aaplay, daanin na lang sa kulam. Ha! Ha! Ha! Ngayon hindi na palakasan sa kakilala ang labanan kundi palakasan na sa taglay na kapangyarihang itim. Kung sino ang may pinakamatulis na karayom at may pinakamabisang chaka doll, tanggap!

Ako, narito na sa public school, permanent pa. Sayang naman yung mga pinagdaanan ko makakuha lang ng item. Nagtanga-tangahan, nagmukhang asong sumusunod sa mga screening test na ginagawa ng mga principal at supervisor. Mapansin lang, matandaan lang ang pangalan nagbibitbit ng kung anu-ano kaya gustung-gusto ko mang layasan ang sa palagay ko ay nakakasikil ng utak na trabahong ito, hindi rin naman ako ganun kagago para sayangin ang mga hirap na naranasan ko.

May asawa na ko pero wala pa namang anak kaya hindi ko pa masyadong nararamdaman ang liit ng kita ng isang titser. May mga pagkakataon pa ngang maluwag na maluwag sa pera. Pagka ganon, gala ako sa bayan, kakaing mag-isa sa Jollibbee o-order ng value meal na masarap-sarap nang kaunti. Maglalakad nang mayabang sa daan kasi may kahit papa’nong pera sa bulsa.

Pag napagod papasok sa Internet cafÃ© at magbubukas ng mga website na may picture ng artista. Pagka bagong suweldo unlimited ako kung mag-Internet. Pero pagka walang-wala, nagkakasya na lang sa pa-30-30 minutes okey na yon. Makita ko lang ang picture ni Angel Locsin.

Kapagka sawa na ko sa mga artista pinupuntahan ko naman ang website ng pukinginang GSIS. Nagbabasa-basa ng mga implementing policy and regulations. Saka tinitingnan kung ano-ano na ang mga naging pagbabago sa magaling na paseguruhan ng mga empleyado ng gobyerno. Yes! We feel secured! Grabe, Sobra, I feel Shit, pag sinasabing insurance system pala ang GSIS. Para kasing marami sa member hindi aware.

Kung bakit ko yun ginagawa dalawang bagay: una talagang mayroon akong feeling na tungkulin kong buririin ang kaletsehan ng GSIS dahil bihira yata sa iskuwelahan namin ang marunong mag-Internet, pangalawa kapagka may tsikahan tungkol sa GSIS ako ang laging bida ang dami kong nasasabi na alam kong nuon lang nila narinig. Mayabang ang feeling pagka ganon. Ha! Ha! Ha! Thank you GSIS naikakadkad ko kayabangan ko.

Matapos kong libangin ang sarili sa Internet at pagpasok-pasok sa mga kung anu-anong tindahan (pero hindi naman ako bumibili puwera na lang kung maganda sales lady–napipilitan akong bumili kahit halagang singkuwenta) namimili naman ako ng grocery para sa bahay. Hindi naman ako ganon kasama iniisip ko ring may dapat paglaanan yung pera ko. Ha! titser yata ako! Nakakatawa talagang maging titser yung taong paminsan-minsan salbahe.

Hindi ko naman buwan-buwang nagagawa yung full time na lakwatsa. May mga pagkakataong nakokonsyensya kong gawin yon. Kasi naiisip ko titser na ko tapos nakikita ng estudyanteng pakalat-kalat pa sa kalsada. Tapos hinahatinggabi sa pag-Iinternet at ang madalas pang binubuksang website pang-artista.

Bakit nga ba ganon? General thinking na ng tao na pagka titser kailangan laging mukhang kagalang-galang, kailangan laging tama ang ginagawa. Panghawakan lagi ang sinasabing highest standard of morality.

Bawal magmura. Bawal umutot sa harap ng ibang tao; kung gagawin man kailangan disimulado–walang tunog.

Parang nung minsan sa department namin, kumakain pa naman kami ng spaghetti kasi may nag-blow-out. Tapos biglang-bigla, sabay-sabay kaming nagtakipan ng ilong. Tahimik bigla, walang kumikibo. Ibig-ibig ko ng sumigaw ng: “Mga buwisit kayo ang baho!” Kaya lang naisip ko baka sila maiskandalo, hindi nga pala sila sanay sa mga taong brutal kung magsalita.

Hanggang sa mawala, walang kumibong may umalingasaw na masamang hangin na galing sa puwit na masama kung tumayming. Nagtayuan lang. Pero alam ko nagpapakiramdaman kaming pare-pareho kung sino sa amin ang nag-almusal ng itlog kaninang umaga sa kantina ni Aling Greta.

Sa ‘kin wala naman sigurong masama na hawakan ang highest standard of morality. Yun e kung kaya mo araw-araw na magpaka-Maria Clara.

At higit pa roon kung Maria Clara ka rin ba sa  bahay n’yo? Baka mamaya mo ikaw pa ang nangungunang nagyayaya ng tong-it sa mga kapitbahay. E baka naman gusto mong kilabutan kung sasabihin mo pa ring titser ka at kailangan kang galangin dahil may highest standard of morality ka.

Simple lang ang punto may mga pagkakataong pakiramdam ko kailangan kong maging matapat sa mga estudyante para mapaihatid sa kanila ang tunay na halaga ng edukasyon.

Naniniwala kasi akong hindi lang sa paraan ng pagsasabi ng maganda o tamang halimbawa matuturuan ang bata. Puwede rin namang the other way around. Pasaway o pajologs na version–sabihin mo ang mga pagkakamali mo sa buhay. Sabihin mong paminsan-minsan okey lang maging gago.

Akalain mo minsan naamin ko sa harap ng estudyante na kapagka may namamalimos sa ‘kin sa halip na bigyan ko pinandidirihan ko pa. Inamin ko rin sa kanilang pinakahilig kong trabaho nuong araw ang mangopya ng sagot ng katabi kesa mag-review. Ewan ko, hindi ko rin tantyado kung papa’no o ano naging dating sa kanila ng pagka-honest ko. Pero mula ng gawin ko yun sa kanila parang mas naging magaan para sa kanila ang makipagkomunikasyon sa akin sa labas o sa loob man ng klase yung dating “Good morning, Sir” ay napalitan ng “Hi, Sir” with matching kaway na mala-Sandara Park at ngiting abot hanggang tenga. Ako man nagustuhan ko yung ganung set-up hindi ba yung parang pare-pareho kaming nakatapak sa numero.

Masaya na sana buhay ko sa iskuwelahang ito, kung hindi lang sa ilang mga taong mahilig makialam sa style ng may style. Siguro wala silang style kaya gustong maparis ang iba. Kung makapag-criticize sila ng kapwa, akala mo anong bait. Pagka naman nakakita ng kaunting butas para maberdehan ang utak akala mo kinikiliti ng pitong demonyo. Nakakita lang ng kumakagat ng saging sasabihin pang huwag daw masyadong mangipin baka masaktan. Kita mo lang na kabastusan yon–pasimple pero matindi ang tama.

Madalas pinipilit kong i-inject sa bata yung principle ng pagpapakatotoo. Alam ko kasi kailangang ganon ang set-up para mas maging malalim at praktikal silang dumama sa mga nangyayari sa paligid nila.

Marami sa mga kasamahan ko pagdating ng department pagkatapos na magklase, ang dayalog nila sa ‘kin: “Presyunin mo nga ako yung mga buwisit na bata na yun napagalit na naman ako”. Di kaya naman nakatinghas na lahat ang buhok sa sobrang pagkainis sa mga bata. Hindi raw nakikinig, mukhang abnormal daw kung magsalita.

Kung minsan siguro totoo yung mga sumbong nila na mga buwisit talaga yung estudyante dahil ayaw sumunod sa sinasabi nila. Pero kung minsan din naman siguro kaya ayaw sumunod ng bata dahil hindi sukat sa ugali at henerasyon niya ang gawaing inihanda ng titser para sa kanya. Kaya nagpapakaabnormal na lang kasi pakiramdam nya nagmumukha syang tanga kung gagawin nya ang sinasabi ng titser niya.

Hindi ko naman ibig sabihing titser na nga ang dapat sisihin sa mga kabaliwang ito na nangyayari sa mga paaralan.

Ang titser ay parang sundalo. Siya ang laging nasa battle field. Yung mga general kung talo na ang isang kampo, sila ang huling mga napapatay dahil nandun sila sa secured area. Ganun din sa titser sya na nga ang laging nakasalang sa atake ng chalk, goiter at alipunga (lalo na kung bumabaha sa paaralan) tapos yung mga general natin hindi pa tayo mabigyan ng sapat na sandata sa pakikipaglaban. Sino mang sundalong walang baril at kulang sa bala kahit buo pa bayag niya sa digmaan bibistayin lang din ng bala ang katawan niyang walang silbi.

Ang titser kahit ubod at saksakan pa ng galing at sipag pero wala namang malamon ang pamilya wa epek pa rin. Dahil sa halip na magturo ng 100% hindi na lang niya gagawin, siguradong iisipin na lang niyang sumaydlayn sa pagtitinda ng Avon o espasol. Madadagdagan pa nga naman ang  ga-tinga niyang suweldo.

Saka na rin niya aatupagin ang mga mukhang abnormal niyang estudyante kasi pag hindi siya kumilos baka mga anak naman niya ang maging abnormal sa gutom. Tutal grumadweyt mang matalino o bobo yung estudyante nya pareho pa rin ang suweldong tatanggapin niya.

Papasok na naman ako, babatiin na naman ng mga estudyanteng pa-cute. Ito lang ang konsuwelo mo talaga sa pagtuturo. Hindi lang bumabango pangalan mo nadadagdagan pa ng limang araw na paligo ang kagwapuhan ko kapag estudyante ang tumitingin. Ha! Ha! Ha! Gusto ko lang daanin sa pagtawa ang lahat ng problema kasi baka makamukha ako ni Miss Tapya pag laging nakasimangot. Kawawa naman ako limot na nga sa budget, papangit pa.

Si Edilberto, 26, ay guro sa Filipino sa isang public high school sa Bulacan. Nakapaglathala na siya ng mga maiikling kuwento sa Liwayway Magazine: Pangalawang Magulang, Biyenan, Ang Matandang Bahay, Dura sa Kalsada, Sa Gabi ng Pagtatapos ni Shamae, at Ang Huling Pasko ni Inang Maria.