Tinig.com » D. Magsalita

Tagalog
Guro ko…

huwag mo na po akong turuan,

ng ingles na wikang ayaw kong matutuhan,

ang lenguwaheng iya’y kinasusuklaman,

nitong aking dila’t,mura kong isipan.

O! ang wikang iya’y gamit ng mayayaman,

ng mga palalo’t,nag dudunong-dunungan.

alalaong baga’y,upang mapagsabihan,

na sila’y marurunong,at may pinag-aralan,

o! ingles na wikang kaysarap daw kung pakinggan,

a! sa aking tainga’y himig ng kataksilan.

Mula pa nu’ng pagkabata’y,tagalog ang pinanimula,

niyo’ng aking nanay,sa pagtuturo ng wika.

gamit ay ABAKADA‘ng luma at sira-sira,

na siyang nag-panday sa baluktot kong dila.

sa aming kapit-bahay,na makain ma’y wala,

sa pakikipagtalastasan’y,tagalog ang s’yang salita.

sa aking kinalakhan’y,iisa ang winiwika,

at hindi nagpipilit,magsalita ng pa-isda,

na kaylaong malansa,lipas na at bilasa.

o bakit nga ba sa ngayo’y,ingles ang pinupunla?

a! iya’y maliwanag na sampal sa’king mukha.

O! aking guro,paumanhin,

kung hindi ko matanggap,

ang ingles na wika’ng hindi ko mapangarap.

sapat na ang sa amin’y,tagalog ang nalalasap;

ang wikang ginagamit naming lahat na mahirap.

kay’sa roon sa ingles,na wika ng mapag-pantas,

pikit-mata kung lumunok,balat-kayo kung gumanap.

Magalit man kayo,kung ayaw kong gamitin,

ang ingles na wika’ng,di ko man lamang masakim,

hanggang sa huling saknong,ay aking ididiin,

tagalog! ang winiwika,ng isang Pilipino’ng magaling.

Ang Pluma ay Aking Dugo
Ang pluma ay aking dugo:

panulat ng isipan kong malikot, mapaglaro.

sa bawat taludtod na aking nabubuo,

sinong may kakayahang dito ay pumugto?

kay ingat kong hinahanay, ang mga salitang may kibo,

inilalagda sa pangarap ko’ng mga dahong ginto.

Ang takbo ng panulat ko’y, malungkot na daigdig.

tinatahak ng diwa ko’y mga damdaming kay pait,

at ang mga may dusa ay pinakalilirip,

sa loob ng silid kong kaylungkot umawit,

na ang katahimika’y naglalagos at umid,

at ang hapis ng bawat titik na nasulat

ay waring umiimik,

sa papel kong nalamukos na’t

muntik nang magka punit-punit.

Ang bukal ng mga diwang

lagi na lamang nalilihim,

inihahayag ng damdamin ko

na lubhang kay lalim.

Sa aking panulat;

ang mga libinga’y kaylimit kong hanapin,

doon sa mga pangarap kong

buntong-hininga ng hangin.

O! Sa di makabuluhang aking kinakatha,

sa imbi na simuno na aking pinapaksa,

ang baliw kong kaisipang

nagpapakadalubhasa,

sa mga parirala’t pangungusap na may tugma,

unti-unting nilalamon ng masidhi kong gunita,

itong hagdan ng buhay kong istoryang patula.

Ang pluma ay aking dugo,

tigmak ng luha sa bawat yugto.

O! Sa isipan kong malikot, mapaglaro,

lumilimbag parin ang sariling diwa,

sa sariwa kong dugo.