D. Magsalita

http://www.dmagsalita.blogspot.com

Si Jonas Buenaventura San Pedro, dala ang sagisag panulat na "D. Magsalita", ay ipinanganak sa bayan ng Malolos Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Angat, Bulacan. Iniukol ng makata, pintor, manunulat, musiko at manggagawa ang kanyang buhay sa pagsusulat. Ang takbuhan ng kanyang panulat ay may impluwensiya ni Dr. Jose Protacio Rizal, ngunit bunga ng kanyang naiibang karanasan bilang obrero, nagkaroon ng ibang kulay at higit na makabuluhan ang paksa ng kanyang mga akda,tulad ng LOLA, Sa Aking Inang Bayan, at Tagalog. Siya ay hindi kilala sa larangan ng pagsulat, sapagka't sining ng pagguhit ang kanyang pinaunlad. Naabot lamang niya ang ika-apat na antas sa sekondarya at hindi nagkapalad na makatungtong sa isang dalubhasaan, kaya sa sariling pag-aaral lamang niya nililinang ang kanyang mga talento.

Articles: