Tinig.com » Chuckberry J. Pascual

Sangandaan
Inilapag ni Ding sa kandungan ang diyaryong katatapos lamang basahin. Hinihintay pa niya ang pagdating ng kapeng ipinatimpla sa katulong na naka-unipormeng asul. Katatapos lamang niyang mag-agahan: isa’t kalahating tasa ng sinangag, apat na hiwa ng kuluntoy pero malutong na bacon, piniritong itlog na buo ang pula. Ilang minuto na lamang ang nalalabi bago siya pumasok sa trabaho. Nasisiguro niyang nakahanda na ang kanyang kulay pilak na kotse sa labas ng bahay.

Makapaghihintay ang lahat, bulong ni Ding sa sarili.

Inilibot niya ang tingin at bumuntung-hininga nang malalim: marahan ang pagkakalatag ng liwanag sa matingkad na luntiang dagat ng damo. Sumasalisol sa hangin ang amoy ng lupang nagising. Kumikiliti sa pandinig ang siyap ng mga abuhing ibon na panay ang paglipat-lipat sa mga mayayabong na punong nangagtayo sa paligid. Panaka-naka, may naririnig na kaluskos na sinusundan ng kahol ng asong puting bigla na lamang sumusulpot–tumatakbo–mula sa likod ng nagkalat na mga palumpong ng halaman.

Kumalansing ang puwit ng tasa ng kape nang ilapag ito ng katulong sa ibabaw ng mesang salamin. Umuusok pa, pero inilapit na ito ni Ding sa bibig. Pinakiramdaman niyang maigi ang pagsayad ng init ng mamahaling kape sa labi, dila at lalamunan.

Hindi pa nananahan ang init ng kape sa sikmura nang mapansin ni Ding ang biglang pagtindi ng liwanag. Ibinaba niya ang tasa at tinakpan ang mga mata pero huli na.

Nagsimula siyang maghabol ng hininga dahil sa paninikip ng lalamunan.

Namula muna ang buong paligid bago unti-unting nagdilim.

Tik.

Upod na upod at walang kakulay-kulay ang mga kuko ng babaeng pumindot sa switch ng ilaw na mamula-mula. Nakasuot siya ng puting blusa at pantalon; balot ang kanyang buhok ng munting lambat na itim. Nakangiti siya.

Napangiti rin si Ana habang nakaupo sa isang malaking silyang malambot ang puwitan at halos nakahiga ang sandalan. Nakikiliti siya sa maligamgam na tubig na nagsimulang humalik sa kanyang mga paa. Bahagya siyang natakot na sipunin; masyado kasing malamig ang kuwarto at nakababad siya lampas ng bukung-bukong.

Mula sa pagkakalublob sa maligamgam na tubig, iniangat ng babaeng upod at walang kulay ang mga kuko ang kaliwang paa ni Ana. Sinimulan nitong kikilin ng malambot na patpat na balot ng papel de liha ang kanyang talampakan.

May isa pang babaeng lumapit, nakasuot rin ng puting blusa at pantalon; may bitbit namang plastik na botelya. Umupo ang babae sa gilid ni Ana at matapos maglagay sa palad ng malagkit na likido, sinimulang hilutin ang mga kamay ng nakaupo.

Hindi nagtagal, nagkaroon ng ikatlong babaeng nakaputing blusa at pantalon. Mukha naman ni Ana ang inatupag nito: pinahiran ng malalagkit na krema, itinapat sa tubong umuusok at saka minasa-masahe.

Habang anim na kamay ang humihimas sa kanya–aba, nararamdaman niya ang unti-unting paglambot ng kanyang mga kalyo sa kamay at paa, at ang mga pisngi, tila nasisiksik–inisip ni Ana kung saan nga ba siya pupunta: sa paborito nilang tagpuan ng nobyo, doon sa dulo ng parke o sa mall? Ngayon nga pala ang simula ng pagpapalabas ng pelikula ng kanyang paboritong artista.

Hindi pa rin nasisiguro ni Ana ang kanyang plano para sa araw na iyon nang maramdaman niya ang pagbigat ng kamay ng babaeng nagmamasahe sa kanyang mukha.

Dahan-dahan naman, sasabihin sana niya pero huli na.

Binali ng ikatlong babae ang leeg ni Ana.

Krik.

Kinagat ni Leon pati ang buto ng piniritong manok. Bakit hindi? Sayang naman kung itatapon lang. Meron namang laman sa loob ang buto, yung pula. Masarap din naman.

Dumampot siya ng isa pang piraso.

Balat pa lang ang nakakain ni Leon sa dinampot na pitso nang yayain siyang maglaro ng higanteng bubuyog na kulay pula. Kumukurap ang mga mata nito pero napagkit ang bibig sa ngiting hindi nakasara. Malambot ang buong katawan at braso.

Nakakatakot.

Pero dahil alam ni Leon na sa pulang bubuyog galing ang pinapangas niyang manok, naisip niyang hindi naman siguro ito masama. Nakakatakot lang ang itsura pero hindi masama.

Iniabot ni Leon ang mamantikang kamay. Hinawakan naman ito ng pulang bubuyog nang walang pag-aalinlangan.

Pinauna pa siyang tumakbo. Ilang mesa na ang nilampasan ni Leon bago ito humabol.

Sa pagsuot sa mga pagitan at pagikot-ikot sa mga puting mesa at pulang silya, ilang beses nawalan ng balanse si Leon: wala ni isang patak ng sarsa o tulo ng softdrink; napakadulas at kintab ng binaldosang sahig.

Nang hingalin, nilingon ni Leon ang kalaro. Nagtaka siya: wala ang pulang bubuyog.

Kakamutin sana niya ang ulo pero hindi na nagawa dahil biglang sumalpok ang mukha sa baldosa. Pagkuwa’y nakita na lamang niyang pabaligtad ang mundo.

Hawak ng pulang bubuyog ang mga paa ni Leon; bitbit siya nito nang patiwarik. Habang iwinawasiwas ang kanyang katawan sa ere, bahagyang nabawasan ang kirot ng paghampas ng mukha sa sahig. Kumintal pa sa isip niya ang magkakasanib na amoy ng pritong manok, patatas, burger at nilusaw na sabong panlaba sa paghugos ng malamig na hangin.

Ibang klase palang makipaglaro ang pulang bubuyog, isip ni Leon.

Bago pa siya makasigaw ng yehey dahil sa pagkalula, humampas na sa pader ang kanyang mukha.

Krak.

Tila sinasaktan ng konduktor ang sarili. Nakangisi, inilalapit pa nito sa kaliwang tenga ni Leon ang mga daliri at isa-isa, halos baliin ang mga daliring pilit na pinapalagutok.

Matapos ang ginawa sa kanya ng higanteng bubuyog na kulay pula, hindi magawang ibalik ng bata ang ngiti ng nagpapasiklab na konduktor. Hinawakan niya ang braso ng katabi at hinila ang manggas nito.

Nagulat si Ana sa biglang paghila ng manggas ng kanyang blusa. Lumingon siya sa kaliwa at nakita ang nakababatang kapatid na si Leon. Nakabalatay ang takot sa mukha nito. Tinitigan niya ng masama ang konduktor na binabali ang sariling mga daliri at sinenyasang maglubay.

Nakangisi pa ring umalis ang konduktor.

Nang amuyin ni Ana ang ulo ng kapatid na humilig sa kanyang braso, napahawak siya sa leeg: bigla itong kumirot. Dumaplis rin sa isip niya ang imahen ng tatlong babaeng nakaputi.

Naguguluhan, napatingin siya sa labas. At nagsisi.

Dagli niyang idinikit ang mukha sa salamin ng bintana para siguruhing tunay ang nakikita at hindi lamang dinadaya ng mata; pinakasilip-silip niya ang kalsada.

Nang makasiguro sa nakikita (o sa kawalan ng nakikita), tuluyang nanghilakbot si Ana. Tumayo siya at hila-hila ang kapatid, lumapit sa konduktor na nagsisigarilyo sa tabi ng driver.

“Saan tayo pupunta? Bakit ang dilim sa labas?”

Napapitlag sa kinauupuan si Ding nang marinig ang mga hiyaw sa harap ng bus. Pamilyar ang boses. Tahimik siyang nagpasalamat dahil mayroon palang ibang pasahero sa loob ng bus. At mas mahalaga: hindi pa siya nababaliw. Kanina pa siya sumisilip sa bintana; talagang naglalakbay sa kawalan ang sinasakyan nilang bus.

Pinahaba niya ang leeg at sinipat ang tumatarang na babae. May kasama itong batang lalaki, mga pitong taon. Nalalapit sa tangkad ng kanyang kapatid na si Leon. Kapareho rin ng gupit sa kanyang kapatid. (Hindi rin nagpapagupit, nagawa pa niyang biruin ang sarili.)

Sandali, ang babae: ang blusang kupas na rosas. Parang nakikilala niya. Ang nakalobong manggas at ang yayat na braso; ang buhok na humahabol sa balikatâ€¦

“Anong wala kayong relo? Anong oras na? Anong biyahe ba ito?”

Si Ana! Ang batang kasama niya–walang duda–si Leon!

Kung umasta ang konduktor ng bus, parang walang babaeng halos mawala sa sarili sa kanyang harapan. Kalmado at kalkulado ang paghitit-buga niya sa sigarilyong nakasalpak sa bibig.

Sa likod ng manipis na ulap na nalikha ng sigarilyo, buong pasensiyang sinagot ng konduktor nang paulit-ulit ang mga paulit-ulit ring tanong ni Ana: “Wala akong pambili ng relo. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko alam kung anong biyahe ito. Hindi ko alam kung bakit madilim sa labas.”

Nagpapapadyak na si Ana at nag-uumpisa nang matakot si Leon sa kapatid nang lumapit si Ding.

Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang babaeng kapatid at yinugyog. “Hoy, Ana! Okey ka lang?”

Natauhan ang yinugyog; napalis ang takot sa mukha ng bata. Halos sabay pa silang nagwika: “Kuya Ding!”  Nagyakapan silang tatlo.

“Bumalik na po tayo sa dulo. Maupo na po tayo. Wala pong sasakay sa amin kapag nakita ng mga nag-aabang na may mga nakatayo,” anang konduktor habang kinakaskas ng suwelas ang sigarilyong itinapon sa sahig.

“Anong pasahero ang sinasabi mo? Kami nga lang ang nakasakay at ni wala ngang makita sa labas,” reklamo ni Ding, bagaman tumalima sa sinabi.

Nang makaupo silang tatlo, nagtanong na si Leon: “Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit kayo nandito?”

Nagtama ang paningin ng dalawang nakatatanda.

Tulad ng konduktor, hindi rin nila alam.

Nag-imbento si Ding. “Pupunta tayo sa bagong bahay.”

“Kaninong bahay?”

“Tange. E di sa atin,” susog ni Ana. Natunugan niya ang pagsisinungaling ng kapatid at nagdesisyong sumakay na lang.

“Wow! Mayaman na tayo?”

“Dati pa! Sinisikreto lang nila Nanay para hindi ka maging tamad,” ani Ding.

At nagpatuloy ang usapan ng magkakapatid.

Sa haba ng biyahe, nagkadugtong-dugtong, nagkapatung-patong hanggang sa nagkasala-salabid ang mga detalye: nariyang sabihin ni Ding na bakal ang mga higanteng tarangkahan ng bahay para lamang biglang kontrahin ni Ana. Anang babae, maliit lamang ang tarangkahan ng bahay at hindi ito gawa sa bakal kundi sa pantay-pantay na tinabas na kahoy–yung nahahawig sa popsicle na ibinebenta nina Aling Nora sa kabilang kanto. Nariyang idagdag pa ni Anang wala silang kotse kundi mga bisikleta lamang dahil malapit ang bagong bahay nila sa lahat: sa palengke, sa paaralan, sa tindahan nina Aling Nora. Aniya, hindi na kailangan ng kotse dahil wala namang marunong magmaneho. Na siyempre pa ay agad namang sinalungat ni Ding na nagmamalaking mahusay siyang magmaneho dahil tinuruan siya ng kabarkada niyang si Rene; ilang beses na niyang naikot ang lugar nila gamit ang jeep na hinihiram nila kay Mang Ato.

Sa pagtatalo ng dalawa, nanatiling nakatutok lamang si Leon. Hindi nagrereklamo kahit hindi makasabad sa pagdadaigan ng ate at kuya sa paglalarawan sa bago nilang bahay at sa isangkatutak pala nilang ari-arian.

Dahil ang totoo, hindi niya alam kung ano itsura ng tarangkahang binabanggit nila o kung gaano kakapal ang gulong ng mamahaling bisikleta o kung gaano kabilis tumakbo ang kotseng gawa ng Hapon.

Nagbuka lang siya ng bibig nang mapansin ang pagbilis ng takbo ng bus.

“Nagmamadali lang tayo kasi gabi na,” sabi ni Ding.

“Mabuti na rin para makarating tayo agad sa bagong bahay,” dagdag ni Ana.”Mabalik tayo sa mga kuwarto. Sabi ko nga, yung sa akin ang pinakamalakiâ€””

Lalong bumilis ang takbo ng bus at sabay-sabay silang humampas sa sandalan ng mga upuan.

Natigilan si Ana.

Napapikit si Ding.

Umunan si Leon sa kandungan ng kapatid na babae.

Bigla ang pagdalaw sa alaala ng paslit ng minsang paglalaro sa sementeryo: matapos salisihan ang sepulturero, pumasok siya sa loob ng kabaong na walang laman. Masyadong nagmadali kaya hindi nakalangan ang takip. Nakulong siya sa loob ng kabaong. Halos isang oras ang lumipas bago narinig ng nagkape palang sepulturero ang mga nguyngoy at pagkatok niya mula sa loob ng munting bahay ng patay.

Sinaklot ng takot si Leon dahil nakamukha ng loob ng bus ang loob ng kabaong.

Sasabihin sana niya ito sa mga kapatid pero huli na.

Bam.

Bumagsak ang dingding ng bahay: nalantad ang buong kabahayan sa iba pang nakalantad nang kabahayan.

Panay ang tapik ni Aling Thelma sa mukha ng tatlong anak.

Sinabi na nga ba at tama ang narinig niya sa huntahan nina Choleng: ngayong Linggo sisimulan ang demolisyon. Mabuti na lang at kanina pa siya natapos sa pag-eempake ng mga gamit.

Kung gamit mang matatawag ang mga kupas nilang mga damit, tunog-latang transistor at isang bungkos ng napulot na plastik na kubyertos.

Diyos ko, saan na naman kami mapapadpad? tanong niya sa sarili.

Sa gitna ng mga nakabibinging palahaw, nakayayanig na tunog ng nayuyuping yero at nadudurog na kahoy, hindi maawat ni Aling Thelma ang pagsungaw ng mga luha sa mata habang pinapanood ang mga anak–sina Ding, Ana at Leon–pupungas-pungas pa rin mula sa malalim na pagkahimbing, gamit ang iisang unan.

Si Chuck ay isang Toriphile.

Kumpisal
“Wowowee, sinong ‘di mawiwili?

‘Pagkat sa game na ‘to ay di ka magsisisi.”

- themesong ng Wowowee

Sa simula’t simula, pag-aari iyon ng lahat.  Sa akin, sa ibang tao, pati po kayo Padre, kung nanonood kayo, sa inyo rin.  “Inyo po ang palabas na ito,” laging sinasabi ng paborito kong host.  Kami ang bida.  Kung nanonood kayo, tayo.  Pero lalo na ako.  Ako ang bida.  Dahil ako ang pinakamatinding tagahanga ng palabas.  Kahit nasa trabaho, nanonood ako.  Kahit napapagalitan, nanonood pa rin ako.

Ilang linggo ko ring hinintay ang pagdiriwang ng anibersaryo.  Laksang gabing hindi ako pinatulog ng mga posibilidad.  Hindi basta-basta ang mga papremyo.  Hindi maaaring mapalunan sa mga nagkalat na pipitsuging perya sa telebisyon.  Tunay na para sa amin, para sa akin, ang palabas.

Maraming umagang gumising akong nangangalumata.  Habang naninigarilyo bago pumasok sa trabaho, nilalaro ko sa isip ang kumakaway na reyalidad ng pagkakaroon ng sariling taxing puwedeng ipasada.  Maaari ko nang sagutin ang buwisit kong amo, sa wakas.  Ayoko na!  Tapos magta-taxi na lang ako.

Langit ang mababad sa lamig at musika kahit maghapong plastado ang puwit at ngalay ang mga binti at braso sa pagmamaneho kaysa pagsunod sa mga pabulyaw na utos ng makunat pa sa inuyat kong amo.  Nagsasawa na rin akong harapin at pagtiyagaang kausapin ang panaderong parating pawisan at isupot ang mga minamasa niyang samut-saring tinapay na hindi naman maubos-ubos sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Ay.  Paumanhin, Padre.  Hindi ko sinasadyang gamitin ang pangalan ng Diyos.  Talagang napupuno lang ako sa tuwing naalalang tindero pa rin ako sa panaderya matapos ang pitong taon.

Hindi naman katayugan ang ambisyon ko, Padre.  Taxi.  Taxi lang kapalit ng pagtitinda ng tinapay.  Ano ba naman yung taxi?  Para sa pagiging masugid na tagasubaybay ng palabas, tinatanong kita Padre, ano ba naman yung hangarin kong manalo ng pampasadang kotse?  Ang bahay at lupa, hindi ko na masyadong inasahan.  Kung lulubusin lang ang suwerte, ‘kako.  Basta yung taxi lang ang sa akin.

Sapat na sa akin ang pangungupahan sa bulok na kuwarto sa bulok na dormitoryo.  Mabait naman ang kahera, parang kapamilya na rin ang turing sa akin.  Tuwing alas-dose ng Sabado–ang bukod tanging araw na nakakapanood ako nang hindi nasisigawan dahil sa umaga lang nagtatrabaho sa panaderya–magkatabi kaming nanonood sa palabas na para sa amin, para sa akin.

Hindi ako maramot, Padre.  Alam kong akin ang mga papremyo ng palabas pero handa akong magbigay sa iba.  Mas maraming nangangailangan nang higit pa kaysa akin.  Pero hindi ibig sabihin, hindi na ako nangangailangan.  Mahal ko ang Diyos, Padre.  Pero Siya na rin ang maysabi, hindi ba: ibigay kay Cesar ang kay Cesar.  Kinukuha ko lang kung ano ang sa akin.

Dahil bida ako.

Hindi kontrabida.

Tingnan mo si Panday, halimbawa.  Nag-iisa lang siya pero kinaya niyang paslangin ang lahat ng mga tauhan ni Lizardo at si Lizardo mismo.  Sa disyerto, pinalibutan nilang lahat si Panday; sumuot pa sila sa buhangin bago lumundag at umatake.  Pero hindi rin sila umubra.  Namatay rin isa-isa.

Dahil si Panday ang bida.  Ang bida, hindi namamatay.

Lakas-loob, nagpaalam ako sa among rumepeke na naman ang bibig noong hapon.  Lahat ng masasakit na salitang binitiwan dahil sa kalahating araw ng hindi pagpasok, buong-buo, isinaksak sa lalamunan at saka nilunok, sa ngalan ng pagbabago ng kapalaran.

Hindi pa nabubuhay ang araw nang magpunta ako.  Unang beses ko iyon.  Hindi ko naisip may mauuna pa pala sa akin.  Buong akala ko, maaga na ang dalawang oras matapos ang hatinggabi nang gumising ako para maghanda.

Ganoon na lang ang aking pagkahambal nang mabungaran ang bunganga ng kalyeng namumuwalan sa tao: lahat ay gustong makapanood at makiamot ng papremyo sa palabas na para sa akin.  Popular ang programa, alam ko.  Pero nakakapangilabot ang kapal ng mga katawang nagsisiksikan noong umagang iyon.

Ikaw ang bida, bulong ko sa sarili.  Para sa iyo ang palabas na ito, wala kang dapat ipag-alala. Kahit nagmukhang kilo-kilometro ang layo ng tarangkahan ng pagdarausan ng palabas gayong ilang hakbang lang naman ang tunay na distansiya mula bukana ng kalsada, kung saan ako nakatayo, hindi ko binitiwan ang kapangyarihan ng pagiging bida.

Matiyaga akong nagtanong kung nasaan ang pila kahit halos lahat ay panay ingos ang itinugon.  Walang pakialam sa kapwa, sarili lamang ang iniisip.  Mga bastos ang mga taong ito, isip ko.

Pero nagtiis pa rin ako, Padre.  Nagpasensiya ako sa lahat ng mga bumangga sa akin na hindi nagpaumanhin.  Binata ko ang gutom.  Hindi ko nadukot sa bag ang ibinaon kong tinapay dahil hindi ko halos maigalaw ang aking mga kamay at braso.  Alam ko Padre, hindi lang naman ako ang nahirapan ng ganoon.  At sa aming lahat ang mga papremyo ng palabas.

Dahil kami ang mga bida.

Ako ang bida.

Kampante na sana kaming lahat.  Kahit ba sabihing kilo-kilometro nga ang layo ng tarangkahan mula sa kinatatayuan, pasasaan ba’t aabot pa rin doon.

Bahagya pa lang ang sikat ng araw nang magsimula ang kaguluhan.  Mula sa mga bibig na halos nakadikit na sa aking mga teinga, narinig ko ang nakakakiliting balita: bubuksan na ang tarangkahan.

Inulit ko nang malakas ang balita: “Bubuksan na ang tarangkahan.”

Narinig kong may nag-ulit ng aking mga kataga.  May nag-ulit ng mga kataga ng huling nagsalita.  At may nag-ulit ng mga kataga ng huling nagsalita.  At may nag-ulit pa ng mga kataga ng pinakahuling nagsalita.

Hindi nagtagal, naramdaman ko ang paggalaw ng dagat ng aming mga katawan.  Dagat nga ang tamang salita, Padre.  Nakakatangay ang mga alon.  Hindi na ako kumilos dahil itinutulak ako–hindi nagtagal ay halos ipinaghampasan–ng mga katawang nakapaligid.

Sumisigaw na ang ilan.  Nasasaktan na raw sila.  Sandali lang daw.  Huwag naman daw masyadong magmadali at makakapasok naman kaming lahat.  Pero walang teinga ang dagat, Padre.  Lalo lang lumakas ang puwersang hindi malaman kung saan talaga nagmumula–sa kanan o kaliwa, harap o likod.

Ang layon lang ang sigurado:  marating ang tarangkahan.  Sa anumang paraan.

Iyon na nga yata ang tarangkahan ng langit, Padre.

At dumating ang bagong balita na higit nakakahilakbot kaysa nakakakiliti: may bomba!

Inulit ko nang malakas ang balita: “May bomba!”

Narinig kong may nag-ulit ng aking mga kataga.  May nag-ulit ng mga kataga ng huling nagsalita.  At may nag-ulit ng mga kataga ng huling nagsalita.  At may nag-ulit pa ng mga kataga ng pinakahuling nagsalita.

Hindi na lamang alon ang sumunod kundi daluyong na, Padre.  Dumami ang sumisigaw at lumakas ang mga palahaw.  Kung kanina’y puro pakikiusap ang maririnig, sa pagkakataon na iyon, puro pagmamakaawa na.

Ako ang bida, panay ang bulong ko sa sarili habang pilit na lumalangoy–lumalaban–sa daluyong ng dagat ng mga katawan.  Nasiko, naitulak, nadagukan–ininda kong lahat, makarating lang sa tarangkahan.  Kung mayroon mang bomba, siguradong wala iyon sa loob ng pagdarausan ng palabas.

Ipinagwalang-bahala ko ang mga matatandang babaeng naghandusay sa kalsada, ang kanilang mga mukhang natapak-tapakan, mga pustisong gumulong at halos naging pulbo, ang katawan ng mga paslit na nakaladkad at nabugbog sa sipa.  Ang iba pang mga taong biglang nilampa ng takot sa bomba.

Ligtas ako sa loob ng pagdarausan ng palabas.

Napaibabaw ako sa likod ng ilang patung-patong na katawan ng mga nasubsob nang makita ko ang may kasalanan, Padre: isang lalaking may bigote.  Panay ang hiyaw niya na may bomba, may bomba, tumakbo kayong lahat, habang nangunguna sa pagtakbo papunta ng tarangkahan.

Umakyat ang dugo sa aking mukha, Padre.  Ang mandarayang ito, isip ko.

Napagtanto ko na noong wala namang bomba.  Dahil kung tunay na mayroon, kanina pa sana iyon sumabog.  Nakita ko na rin sa di-kalayuan ang mga nakauniporme.  Pilit nilang pinakakalma ang biglang nag-alburotong dagat ng mga tao.

Gumapang akong paalis sa ibabaw ng katawan ng mga nasubsob at sa gitna ng patuloy na hugos ng mga tao, nagpilit akong lapitan ang lalaking may bigote na sumisigaw kanina.

Binigyan ko siya ng isang matinding suntok sa mukha.  (Humingi naman po ako ng paumanhin, Padre, sa babaeng tinamaan ng aking siko sa mukha nang bumuwelo ako ng bira.)  Pagkatapos ay dinaluhong ko siya at ginagap sa leeg.

Wala namang pumigil sa akin.  Walang nakialam sa away namin.  Nagpagulong-gulong kami sa kalsada, sa tulong na rin ng pagsipa at panunuhod ng mga taong hindi ko na nakita ang mga mukha.

Ilang beses sumalo ng suntok ang mukha ko pero hindi pa rin ako bumitiw sa leeg ng lalaking may bigote, Padre.  Sa bawat suntok na pinakawalan niya, yinuyugyog ko siya sa leeg para humampas ang ulo niya sa semento.

Nang hindi siya bumitiw sa pagsabunot, lalo kong hinigpitan ang hawak.

Nalaman kong nalagutan na siya ng hininga nang lumupaypay ang kanyang kanang kamay.  Nalaglag na lang ito basta.  Bumitaw na ako sa mahigpit na pagkakataban sa leeg niya at saka muling nagpatangay sa mga sipa.

Umaalingawngaw na noon ang mga sirena ng pulis.  Napansin ko na rin ang tunog ng elisi ng helicopter na nasa ibabaw lang pala at nakatanghod, habang lahat kami sa baba ay natataranta.

Pinatay ko na ang salarin, gusto kong isigaw sa lahat.  Pinatay ko na ang kontrabida.  Ituloy na natin ang palabas.

Opo, Padre.  Isa ako sa mga nakapasok sa loob.  Isa ako sa mga umasang itutuloy pa rin ang palabas, ang pamimigay ng premyo, sa kabila ng lahat ng nangyari.

Isa rin po ako sa mga hindi sumigaw ng pagsang-ayon nang sabihin ng paborito kong host na hindi muna itutuloy ang palabas dahil sa mga pangyayari noong umaga.

Puro mura ang lumabas sa bibig ko, Padre.  Tinadtad ko ng mura ang paborito kong host, pinaulanan ko ng sumpa ang matangkad na babaeng maputi na kunwari ay nanginginig pa ang boses sa pagsasabing mahal nila kami, na mahal niya ako.  Na ako pa rin ang bida sa palabas nila.

Kung kami talaga ang mga bida, kaming mga naghirap para makapasok sa loob ng pagdarausan ng palabas, lalo na ako, dahil ako ang pumatay sa may kasalanan para lamang matuloy ang palabas, susundin nila ang gusto namin.  Ang gusto ko.

Itinuloy nila dapat ang palabas.

Panay pa rin ang hiyaw ko ng iba’t ibang mura nang papilahin kaming lahat para lumabas.

At isinusumpa ko, Padre–paumanhin po kung sumumpa ako, hindi ko po sinasadya.  Gusto ko lang pong sabihin na totoo itong susunod kong sasabihin: lumingon sa akin ang host ng palabas.  Narinig yata niya ang aking walang habas na pagmumura.

Nang makita ko siya sa telebisyon kinabukasan, doon sa programa ng babaeng maputi na saksakan ng daldal at lalaking kalbong hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi, umiiyak na ang paborito kong host.

Hindi na raw niya kayang ipagpatuloy ang pagiging masaya ng kanyang palabas pagkatapos ng lahat ng nangyari.

At iyon po ang aking kasalanan, Padre.  Sinaktan ko ang damdamin ng paborito kong host.

Si Chuckberry J. Pascual ay 5′9″, 180lbs at fair.

Kantanod
Pagkatapos ilapag ang maliit na kaha de yero sa mesa, biglang napagtanto ni Jess: si Tonton ang salitang naging laman.  Mga kuwento tungkol sa kanya ang binabasa sa klase.  Ang buhay ng mga katulad niya, ang mga paghihirap, pagkaapi at pagtatagumpay nila ang dapat pag-ukulan ng tinta at papel para mabasa ng lahat.  Dahil, ano nga ba ang sinabi ng guro niyang sinabi raw ng isang dakilang Tsino?  Para kanino pa ba ang pagsusulat, kundi para sa mga tulad ni Tonton.

Ilang buwan na ring nagtatrabaho sa JMJ Kitchenette si Tonton, pero ngayon lang ito napansin ni Jess.  Ngayon lang niya napagtuunan ng pansin ang disisais anyos na dishwasher: ang makutim na balat, ang makaliskis na siko, ang mga makalyong kamay na may mga punggok na daliri, ang maiikli ngunit mukhang malakas na mga biyas at ang malalapad na paa na nagbubuga ang mga kuko.

At ngayong magkalapit ang mga mukha nila, saka lang napansin ni Jess ang mga nanlalalim na mata, ang malapad bagamat hindi pangong ilong, at ang maputla at nagbabalat na labi ng dishwasher.  Maagap na nasapo ni Jess ang dumulas na pinggan sa mga kamay ni Tonton.

“Ano ba, sinabi nang huwag papatay-patay!” bulalas ni Mang Jose.  Nagbabalot siya ng lumpia sa mesang katapat ng lababo.  “Pasalamat ka nasalo ni Jess yang pinggan na yan, kung hindi aawasin yan sa suweldo mo.”

“Pasensiya na ho,” sagot ng nakatungong si Tonton.  Dumampot siya ng panibagong pinggan at itinapat ito sa bukas na gripo.

“Pa, hindi naman niya sinadya yon,” sabi ni Jess.

“Oo na, oo na,” sabad ni Aling Mary.  Katabi siya ng kusinerang kasalukuyang nagpiprito ng longganisa.  “Pasensiya ka na at nakalimutan kong dalhin yang kaha.”

“Ayos lang yon, Ma.”

Bago siya umalis, nahuli ni Jess ang ipinukol na tingin ng pagpapasalamat ng dishwasher.  Palihim siyang gumanti ng ngiti.

Ilang metro lang ang layo ng bahay nila Jess sa kitchenette.  Pitong taon pa lang siya nang itayo ito ng Mama at Papa niya.  Ngayo’y nasa kolehiyo na siya, pero nandiyan pa rin ang kitchenette.

Parating sinasabi sa kanya ng ama na marapat lang na siya ang maging tagapagmana nito dahil siya ang nag-iisang anak.  At laging sinasabi ng kanyang ina, nasa personal na pakikialam ng may-ari ang sikreto ng tagumpay ng kitchenette.  Hindi raw dapat ipinauubaya kung kani-kanino ang pagbabalot ng lumpia, ang pagsasangag, ang paglalagay ng utak ng baka sa lugaw o kahit pa ang paglalagay ng vetsin sa menudo.  Hindi man siya ang mismong magluto ng pagkain at magsilbi sa mga kostumer, dapat ay alam ng may-ari ang lahat ng ginagawa sa kanyang kainan.  Dapat, kilala niya at alam ang kilos ng bawat isang tauhan dahil ang konting paglingat ay pagpapabaya.

Kaya naman umakyat ang dugo sa ulo ng mga magulang ni Jess nang malamang wala siyang balak pamahalaan ang JMJ Kitchenette.

Isang hapon iyon ng Mayo, kadarating lang niya ng bahay pagkatapos mag-enrol.  Mula sa pagdating ng sulat galing sa unibersidad hanggang sa mismong araw bago ang enrolment, inilihim niya sa mga magulang ang kursong ipinasa niya.  Hindi naman siya inuurirat masyado ng mga ito dahil buo ang tiwala nilang HRM ang kinuha niya.  O kung anumang kursong may kinalaman sa pagpapaunlad ng negosyo ng pamilya.

“Paano na lang ang negosyo natin?” tanong ni Aling Mary habang tutop ang dibdib.  Tila hihimatayin ito sa pagkadismaya.

“Ma, wala naman akong alam diyan, e.”

“Talagang wala kang alam!  Ano ba ang mapapala mo diyan sa kurso mo?  Ano, magsusulat ka ng tula, ng kuwento?  Makakain mo ba yang mga tula at kuwento mo?”  nanggagalaiting tanong ni Mang Jose.

Tinalikuran ni Jess ang ama at dumiretso sa sariling kuwarto.

Ilang linggo rin siyang hindi nakipagkibuan sa mga magulang pagkatapos ng pagtatalong iyon.  Pero kahit matagal na silang nagkabati at pinabayaan na lang siya sa gustong kurso, wala pa ring tigil ang indoktrinasyon sa pagiging isang mahusay na may-ari ng isang kainan.  Hindi pa rin pinapalampas ng mga magulang niya ang anumang pagkakataon para ipaalala ang nagawa ng negosyo sa kasalukuyang estado ng buhay nila.  Ito ang bumubuhay sa kanila, ang tumutustos sa mga luho at pangangailangan nila.  Ito rin ang nagpapaaral kay Jess.

Ang artipisyal na malamig na hangin ang sumalubong kay Jess pagbukas niya ng pinto.  Dinampot niya ang remote control sa ibabaw ng kamang may kumot na tila pelus at matatambok na unang nadadamitan ng mga pundang burdado ng pangalan niya.  Binuksan niya ang 21″ na TV.

Habang nakahiga at nanonood kung paanong sumila ng usa ang isang leon, naisip niyang isang biyaya ang pagkalimot ng Mama niya sa kaha de yero.  At kung tutuusin, biyaya rin pala ang pagkakaroon ng negosyong tulad ng kitchenette.  May pagkakataon siyang makakilala ng mga tulad ni Tonton.  May pagkakataon siyang makatulong.

Kinabukasan, bumalik si Jess sa kitchenette.  Pinagtinginan siya ng mga kostumer dahil panay ang bati ng mga serbidora sa kanya.  Panay rin ang alok ng pagkain at inumin.  Ngiti lang ang sagot niya sa mga pagbati at pag-alok.  Dire-diretso siya sa kusina.

Malaki ang kusina ng JMJ Kitchenette.  May tatlong lababong magkakatabi sa pader na nakaharap sa pinto.  Sa pagitan ng mga lababo at pinto, nakapahalang ang mahabang bahagi ng kahoy na mesang  korteng L na balot ng aluminyo ang ibabaw.  Sa mesang ito ipinapatong ang mga pagkaing ino-order.  Ang mga pagkain ay niluluto sa dalawang kalang de-Shellane at isang kalang de-bomba na nakapatong sa bahagi ng lamesang lumiliko papunta sa lababo.  Ang ref at freezer ay nasa dulong kanan ng kusina.  Ang likuran naman ng pinto ay may sabitan ng mga apron.

Gawa sa puting tiles ang sahig at pader ng buong kusina, kaya nagmumukha itong malaking banyo.  Sa espasyo sa pagitan ng mesang korteng L at ng tatlong lababo palisaw-lisaw sina Aling Mary at Mang Jose.  Dito sila nagmamando sa dalawang kusinera, sa mga labas-masok na serbidora at kay Tonton.  Madalas ring tumulong sa pagluluto at paghahanda ng mga rekado ang mag-asawa.

Nabungaran ni Jess na nagluluto ng dinuguan si Aling Mary.  Si Mang Jose naman ay inaayos ang pila ng mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa: pansit luglog, dalawang tapsilog at isang chicken mami.  Napatingin sa mga lababo si Jess.  Wala si Tonton, pero may mga platong hindi pa nahuhugasan.

“O, napadaan ka.” Si Mang Jose.

“Dito ka ba kakain?” tanong ni Aling Mary.  Mukhang mainit ang ulo nito dahil iisa lang ang kusinerang kasama niya.

“Kumain na ako sa bahay, Ma.”

“E anong ginagawa mo rito?” tanong ni Mang Jose.

“Wala akong magawa sa bahay, e.”  Kumuha si Jess ng maliit na bote ng Coke sa ref, binuksan ito at uminom.  Naupo siya sa monoblock na nasa tabi ng ref.

Biglang pumasok si Tonton.  Pawis na pawis ang dishwasher.  Agad nitong kinuha at isinuot ang apron na nakasabit sa likod ng pinto.

“Anong sabi sa iyo?” tanong ni Aling Mary.

Nasa tapat na ng lababong nasa kanan si Tonton.  “May sakit po yung anak ni Aling Fely.  Dadalhin niya raw po sa ospital.”  Dinampot nito ang malaking bote ng Joy dishwashing liquid at naglagay ng kaunti sa isang plastic na plangganita.  Pagkuwa’y nilagyan ni Tonton ng tubig ang plastic na plangganita at saka ito hinalo gamit ang kamay.  Bumula ang tubig na nasa plangganita.  Inilapag ito ni Tonton sa isang tabi, dumampot ng ispongha, isinawsaw ang ispongha sa mabulang tubig at saka ipinahid sa isang maruming pinggan.

“Ang sabihin mo sa kanya, wala siyang ipampapagamot sa anak niya kung a-absent siya rito.  Wala bang ibang makakapagdala sa ospital?” sabi ni Aling Mary.  Habang nagsasalita, naiwasiwas niya ang sandok na katatapos lang ipanghalo sa dinuguan.  Napatakan tuloy ng itim na sabaw ang sahig.  “Punasan mo nga ito,” utos ni Aling Mary sa katabing kusinera.  Agad namang lumuhod ang babae at pinunasan ang sahig malapit sa paanan ni Aling Mary.

Muling napako ang tingin ni Jess kay Tonton.  Mukhang ilang araw nang hindi nalalabhan ang suot nitong kamiseta at shorts.  Basa ng pawis ang likod ng kamiseta at halata ang pagtututong ng ibang bahagi, partikular sa dulo ng mga manggas.  Ang shorts ay kupas na kupas na maong.  Ang buhok naman ng dishwasher ay matigas na matigas at nakasuklay lahat paitaas, halata ang epekto ng mumurahing gel.

Hindi napigil ni Jess ang pag-apaw ng awa sa dibdib.  Isang pulubi.  Isang pulubi ang dishwasher ng JMJ Kitchenette.  Gustong yakapin ni Jess ang dishwasher.  Gusto niya itong kaibiganin.  Gusto niya itong bigyan ng mga damit at sapatos.  Gusto niya itong bilhan ng mamahaling gel.  At sabon, lotion, deodorant, toothpaste, dental floss, cotton buds, pati nail cutter.  Gusto niyang ampunin at kalingain ang kahabag-habag na nilalang.

Nilapitan ni Jess si Tonton habang inilalagay nito ang mga bagong hugas na pinggan sa paminggalan.

“Ano po yon, ser?” marahang tanong ng dishwasher.

Nagulat si Jess.  Wala siyang naisip isagot kundi, “Kumain ka na ba?”

Si Tonton naman ang mukhang nagulat.  “Ah, opo.  Kanina lang.”

“Uh, anong oras ba tayo magsasara?”

“Alas-diyes po ng gabi.”

“Wala ka bang–”

“Hoy Tonton, ibili mo nga ako ng sigarilyo,” utos ni Mang Jose.

Dali-daling lumapit si Tonton, kinuha ang barya mula sa nag-utos at lumabas ng kusina.

Naiwan si Jess sa tabi ng paminggalan.

Halos hindi pinatulog si Jess ng imahen ni Tonton na nasa harap ng lababo at naghuhugas ng maruruming mga plato.  Naaalala niya ang tila pagod at malungkot na mga mata ng dishwasher, ang katawan nitong batak sa trabaho, ang nanggigitata at mumurahin nitong mga damit.  Halos maluha si Jess sa habag kay Tonton.

Kinaumagahan, bumalik siya sa kitchenette.  Muli, dumiretso siya sa kusina at naupo sa monoblock sa tabi ng ref.  Nasa kaliwang lababo at naghuhugas ng bigas ang kusinerang wala kahapon, si Aling Fely.  Nasa harap ulit ng kanang lababo si Tonton.  Kaldero ang hinuhugasan niya ngayon.

“Ano na naman ang ginagawa mo dito?  Wala ka bang pasok?” tanong ni Mang Jose.  Pinapanood nitong maghiwa ng tokwa ang isa pang kusinera.

“Pa, nung isang linggo pa natapos ang klase.”

“Ah, ganon ba.  O sige, tumulong ka na lang dito.  Kuwentahin mo ito.”  Itinuro ni Mang Jose ang mga magkakapatong na resibong nakaipit sa isang notebook.

“Ako na lang ang gagawa niyan,” sabi ni Aling Mary.  “Pakitingnan mo nga yang tapa kung malambot na.”

Lumapit si Jess sa kalderong pinagpapakuluan ng tapa.  Iniangat nang bahagya ang takip, kumuha ng tinidor at tinusok ang karneng nakababad sa bahagyang umuusok na tubig.  “Medyo matigas pa, Ma.”  Pagkuwa’y pumunta siya sa panggitnang lababo.

“Akin na po,” inaabot ng dishwasher ang tinidor.

“Hindi, ako na lang.  Pahiram ng Joy.”

Nang mahugasan ni Jess ang tinidor, kinuha niya ang ilang pinggang hindi pa nahuhugasan ni Tonton.

“Ser, ako na po ang maghuhugas niyan.”

“Tutulungan na kita.  Wala naman akong magawa, e.”

At gayon nga ang itinakbo ng mga araw habang walang pasok si Jess sa unibersidad: maaga siyang gumigising at gabi nang umuuwi para tumulong sa paghuhugas ng pinggan sa JMJ Kitchenette.  Magkahalong tuwa at kaunting pagtutol ang naging reaksyon nina Aling Mary at Mang Jose.  Natutuwa sila dahil sa wakas ay nagpapakita na ng interes sa negosyo ang nag-iisang anak.  Pero anila, si Jess ang susunod na may-ari ng kitchenette, hindi ang susunod na dishwasher.  Ang dapat niyang pag-ukulan ng panahon ay ang pamamahala sa loob ng kusina, hindi ang paghuhugas ng mga pinagkainan ng mga kostumer.  Napahinuhod lang sila ng nag-iisang anak nang sabihin nitong bahagi ng  “immersion” ang paghuhugas ng pinggan.  Para sa mas epektibong pamamahala sa hinaharap, kinakailangan niyang gawin ang gayong paglubog sa mga aktuwal na gawain sa kusina.

Dahil maghapong magkasama, hindi naging mahirap para kay Jess na makuha ang tiwala ng dishwasher: nagsimula sa pasundot-sundot na pagtatanong at papatak-patak na pagsagot, nang maglaon ay parang tubig na galing sa bukas na gripo ang naging daloy ng usapan ng dishwasher at ng anak ng mga may-ari ng kitchenette.  Para kay Tonton, noon lamang siya nakakita ng taong gustong makinig, kaya hindi na siya nangiming ikuwento ang sariling buhay kay Jess.  Ikinuwento niya ang parating pagbabangayan ng mga magulang, ang madalas na pag-uwi ng ama niyang gulapay dahil sa pagkagumon nito sa alak, at nang hindi na nila matiis ang sitwasyon sa sariling tahanan, silang walong magkakapatid ay pilit na nakisukob sa ibaï¿½t ibang kamag-anak na may-kaya kahit na halos gawin silang katulong ng mga ito; kung paano siyang nakiusap sa kaibigan ni Aling Mary na si Aling Miling na kapitbahay ng Tiya Patring niya (kung saan nakatira siya ngayon, kasama ng isa pang kapatid)  na ipasok siya sa JMJ Kitchenette.

Sa tuwing nakikinig sa dishwasher, hindi mapigil ni Jess ang kanyang emosyon.   Makailang beses na nagkunwari siyang naipahid ang brasong may sabon sa mata para lang mapagtakpan ang bigla-biglang pagbalong ng luha.  Labis na dinadama ni Jess ang pakikinig sa mga paghihirap na dinanas ni Tonton kaya madalas siyang umuwing mabigat ang loob.  Madalas niyang sisihin ang sarili sa pagiging palalo, sa pagiging mapag-aksaya sa mga materyal na biyayang mayroon siya at hindi man lang namamalayang naroon pala, samantalang may mga katulad ni Tonton na kinakailangan pang maghugas ng pinaglawayan at pinagkainan ng iba para lamang  makabili ng pagkain sa araw-araw.  Naiibsan lamang ang gayong pagsisisi ni Jess sa tuwing binabahaginan niya ang dishwasher ng kung anumang mayroon siya.  Naroong bigyan niya ito ng pinaglumaang damit at sapatos.  Naroong bigyan niya ito ng lotion para sa kamay.  Naroong bigyan niya ito ng gel at facial wash.  At nang minsang maamoy niya ito pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, binigyan pa ito ng deodorant.

Isang araw, nagdesisyong hindi pumasok si Jess.  Naramdaman na kasi niya ang pagkabuo ng kuwentong ilang araw na ring lumalangoy sa isip niya.  Umupo siya sa harap ng computer at nag-umpisang tumipa.

Nasa ikalimang pahina na si Jess nang may marinig siyang pagkatok sa pinto.  Napatingin siya sa orasang nasa monitor: tanghali na pala.  Binuksan niya ang pinto: si Tonton.

ï¿½Ser, ipinapatanong ng mama mo kung papasok ka raw ba ngayon,ï¿½ nakangiting bungad ng dishwasher.

ï¿½Pakisabi, hindi.  May ginagawa kamo ako.ï¿½

ï¿½Ser, may mga naghihintay na plato sa iyo ron.ï¿½

ï¿½Next time na lang.ï¿½  Ngumiti si Jess.  ï¿½Pakisara na yang pinto, sayang ang lamig.ï¿½

Marahang isinara ni Tonton ang pinto.

Makaraan ang ilang araw, bumalik si Jess sa JMJ Kitchenette.

ï¿½Aba, nagbalik ang naligaw na tupa,ï¿½ sabi ni Aling Mary.  Naghihiwa siya ng tokwa.

ï¿½Malapit na ang pasukan, Ma.  Hindi na talaga ako makakatulong dito.ï¿½

ï¿½Yan ang anak mo, Mary.  Masipag talaga,ï¿½ tuya ni Mang Jose.

Hindi na lang pinansin ni Jess ang biro ng mga magulang.  Tiningnan niya si Tonton na nasa kanang lababo.  Nangiti siya nang makitang suot nito ang mga bigay niya.  Naka-dilaw itong poloshirt, cargo shorts na kulay khaki at balat na sandalyas.  Ang buhok nito ay maayos na nakapartida sa kanan, mukhang basa at medyo malambot kaysa dati.

Nang makita ng dishwasher na palapit si Jess, naglagay siya ng mga maruming baso sa panggitnang lababo.

ï¿½Kanina ka pa hinihintay ng mga yan, ser.ï¿½

ï¿½May sorpresa ako sa iyo.ï¿½

ï¿½Ano po, ser?ï¿½

ï¿½Dumaan ka sa bahay mamaya, ibibigay ko sa iyo.ï¿½

Mukhang hindi siya sanay sa aircon, isip ni Jess.  Halata na agad ang pagbabara ng ilong ng dishwasher kahit na ilang sandali pa lang ang inilalagi niya sa malamig na kuwarto.  Hawak na niya ang sorpresa: isang maikling kuwentong isinulat ni Jess.  Tungkol raw sa kanya at sa mga katulad niya ang kuwento.

ï¿½O sige, sa inyo mo na lang basahin yan.  Baka maiyak ka pa rito.  Tingnan mo, nagbabara na ang ilong mo,ï¿½ biro ni Jess.

Nang lumabas ng kuwarto si Tonton, naramdaman niya ang bigla at mahigpit na pagyakap ng alinsangan sa kanyang katawan.  Matagal na niyang kilala ang hangin na ito; ibang-iba ang hangin sa loob ng kuwarto ni Jess.

ï¿½O ano, nabasa mo na?  Nagustuhan mo ba?ï¿½ sabik na tanong ni Jess kinabukasan.

Hindi makasagot si Tonton.  Nagpatuloy lang siya sa paghuhugas ng pinggan.

Kinalabit siya ni Jess.  ï¿½Huy, ano?  Nabasa mo ba?  Napangitan ka siguro?  Ayos lang, sabihin mo.  Hindi naman ako magagalit.ï¿½

Hindi masabi ni Tonton na kahit maghapon at magdamag niyang titigan ang mga papel na ibinigay ni Jess ay hindi niya maiintindihan ang mga nakalagay doon.  Ni hindi nga niya maisulat ang sariling pangalan.  Nakalimutan niya yatang sabihin yon kay Jess.

ï¿½Ang ganda, ser.  Maraming salamat.  Nagustuhan ko yung kuwento,ï¿½ nakayukong sabi ni Tonton.

Nang marinig ang sinabi ng dishwasher, muntik nang humiyaw sa tuwa si Jess, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili.

ï¿½Ser?ï¿½

ï¿½Hmm?ï¿½

ï¿½Pwede nyo ba akong tulungan?  Kahit ngayon lang?  Gusto ko kasing maagang umalis, bibisita sina Tatay kila Tiya Patring.  Kailangan ko lang maghanda.ï¿½

ï¿½Naku Ton, pasensiya ka na.  May gagawin pa ako, e.  Next time na lang, bawi ako sa iyo, ha?ï¿½

ï¿½Ahï¿½o sige po.  Salamat na lang.ï¿½

Gustong sumabog ng dibdib ni Jess nang lumabas siya ng JMJ Kitchenette.  Ito pala ang pakiramdam ng tunay na pakikisangkot, isip niya.  Nagmamadali siyang umuwi, kinikilig sa paghabol sa biglang pagsulpot ng mga bagong ideya para isulat.

Si Chuckberry J. Pascual ay madalas nananaginip na tumutugtog ng bosendorfer.  Anak siya ng lola niya.