Sinong Mabait ang Papatay sa Init?

mainit na ang pulitika, nakikisabay sa init ng panahon, ngayon batuhan ng baho at kontrobersiya silang pare-parehong may hangad sa trono mainit ang mga bibig; sira dito, ganti do’n mainit din ang puso, sa huwad na pagmamahal na natatanaw lamang sa panahong manlilimos ng boto, sa sambayanang binobobo sa sambayanang walang mainom, ngayon walang maipampaligo, [...]

Tula

pumipilantik ang mga daliri nangangapa ng salita hinahalukay sa baul ng utak ang di-mabigkas na damdamin galit, pagmamahal, pagsuyo pagmumuni, hinaing… idinudugtong ang mga letra at isasabog ang nahuling talinghaga… at may mga mata na makaririnig mga taingang nakatatanaw mga ilong na nakadarama mga bibig na lumuluha…

Pluma

palasong tumarak saking utak binigyang saysay mga kamay na nagbibitak sa kalyo taglay mo ang naninigid na init ng disyerto hampas ng hanging habagat halimuyak ng mamasa masang ulop ng Sierra Madre ikaw ngayo’y aking tangan sa bawat paghakbang sa mapuputik na landas isinisigaw nang iyong laway ang apoy sa Bukang-Liwayway ipinipinta natin ang kinabukasan [...]

Yaon Ay Isang Ngiti

LAGANAP na ang dilim na hatid ng gabi. Malaya na sa talim ng silahis ng araw ang bawat sulok ng sinungaling na lungsod. Naghahari sa mga tiwangwang na lansangan ang mga nilalang na buhay na buhay tuwing sasapit ang gabi: mga panggabing dyip, night club, motel, mga bakla, callboy, lagalag, pulubi, puta, holdaper at marami [...]

Sa mga Lansangan na Dati Kong Kilala

Alexander Martin Remollino

Kami ang Masa!

M.J. Rafal