Tinig.com » Alexandre Imperial

Kamote: Isang Pagtingin sa Nakapagtatakang “Krisis sa Bigas”
Totoong may banta ng krisis.  Maraming sektor at institusyon na ang nagsabi ng mga dahilan.  May mga nakabatay sa haka-haka, may mga naglatag ng siyentipikong paliwanag.  Lahat sila iisa sa pagsasabing meron nga, totoo nga, merong krisis sa bigas sa bansa.

Pero dahil sa kaabalahan sa paglalahad ng mga punto, ng mga kapani-paniwalang punto, ang bawat komentarista o kritiko o may-alam o mga concerned, kasama na ang mga komersyalisadong institusyong pangmidya, ay nagiging mabisang kagamitan ng pamahalaang ito para labusawin ang isyu hinggil sa karapatang-tao, katotohanan, kapayapaan at katarungan.

Totoong may banta ng krisis.  Pero wala namang pakialam dito ang pamahalaan.  Sa totoo nga lang eh, sila ang dahilan ng krisis.  Di nga ba’t programa nila ang liberalisasyon ng agrikultura at pagmimina?  Di nga ba’t pirma nila ang naging dahilan ng pagkakasadlak natin sa kulungan ng mga kapitalistang kung tawagin ay World Trade Organization (WTO), sa bisa ng General Agreement on Tariff and Trades (GATT)?  Di nga ba’t sila ang nagpasa ng dispalinghadong Comprehensive Agrarian Reform Program at Law (CARP/CARL) na naging instrumento ng ilang hidhid na mga panginoong may-lupa para mas lalo pang kontrolin ang mga lupang agrikultural sa bansa?

Di nga ba’t sila ang nagpapatupad ng malawakang kumbersyon sa lupang sakahan patungong lupang industriyal at komersyal?  At ngayong naipwesto na nila ang lahat nilang subdibisyon ay saka sila mananawagan at mag-uutos ng moraturyom sa palit-gamit ng lupa?  Di nga ba’t sila ang pumayag na ikalat dito sa atin ng International Rice Research Institute (IRRI) ang mga klase ng palay na isahan lang ang pakinabang, dahilan para unti-unting maubos ang lokal na klase ng palay sa atin?  Di na ba’t sila ang nagpapasok sa mga kemikal pang-agrikultural dito sa atin, ganundin ang mga pesteng katulad ng golden kuhol at janitor fish, na naging dahilan naman ng malawakang negatibong epekto sa sektor ng agrikultura?

Di ba?

Pero dahil ayaw nilang mapahiya at amining totoo ang mga pagbasa ng uring magsasaka at ibang progresibong sektor ng lipunan, pinatungan nila ang krisis sa produksyon ng palay ng ilang mga panandaliang lunas.  Mga panandaliang lunas na hindi maiiwasang maging tahanan ng komisyon (korapsyon), tulad ng maramihang importasyon ng bigas.  Ilang taon ding napagaan (naitago) ng mga lunas na ito ang suliranin natin sa suplay ng bigas.

Hanggang ngayon.

Ngayong tatlo sa bawat limang Pinoy ang naniniwala sa mga ipinahayag ni Jun Lozada hinggil sa walang habas at malawakang pangungurakot sa bansa.  Ngayong umiinit na ang panawagan ng bawat sektor laban sa nakaupong pamahalaan.  Ngayong napakababa ng pangkalahatang gradong tinanggap ng pamunuan mula sa kanyang mamamayan.

Ngayon ang pinakamagandang tyempo para paputukin ang isang krisis na yayanig sa lahat.

Isang krisis na pagpipistahan ng midya, ng mga komentarista, ng mga kritiko.  Isang krisis na epektibong tatakip sa krisis na hinaharap ng pamahalaang ito: krisis sa katotohanan, at katarungan.

At ngayong bahagya nang nawala sa mga frontpage ang krusada ni Jun Lozada, may maaasahan ba tayong lunas sa “krisis” mula sa pamahalaang siya rin lang gumawa nito?  Anong klaseng lunas ba ang aasahan natin sa pamunuang nais lang habulin ang hoarder ng bigas sa bansa, at hindi ang mga big time na smuggler nito?

Ah.  Oo nga pala.  Kamote.

Bwisit
Maaaring ako lang ang nakaramdam nito noong nakaraang linggo, pero hindi ko mapigilang isiwalat ang aking pagkabwisit.

Una akong nabwisit ng makatsamba si Pacquiao kay Marquez sa third round ng kanilang “Unfinished Business” match.  At that moment, agad kong sinisi si Marquez sa kanyang kapabayaan.  Bakit niya hinayaang makatsamba si Pacquiao? Bakit hindi niya nakita ang bara-barang suntok ni Pacquao? Alam naman niyang malakas manuntok si Pacquiao. Alam naman niyang mabilis ang kamay ni Pacquiao.

Sunod akong nabwisit nang ma-headbutt ni Pacquiao si Marquez dahilan upang masugatan ang Mehikano sa bandang itaas ng kanyang kilay.  Bagamat accidental headbutt naman yun, nakakabwisit pa rin ang naging epekto nun kay Marquez. Lalo pa’t artista na rito si Pacquiao, di rin maalis sa isip ko ang makulit na tanong di kaya inartehan na naman niya ang headbutt para magmukhang aksidente lang yun?

At nung ilahad na ang desisyon ng mga hurado, mas nabwisit ako sa naging resulta. Bakit si Pacquiao ang nanalo?  Bakit hindi si Marquez e, samantalang si Marquez naman ang mas mahusay sa kanilang dalawa? Si Marquez ang nakapagpatama ng mas marami sa kanilang dalawa.  Napadugo ni Marquez ang kilay ni Pacquiao ng dahil sa suntok, at hindi ng headbutt.

At ngayong siya na ang bagong kampeon, mas bwisit na bwisit ako.

Akalain nyo bang ipagmalaki niya ang kanyang sarili bilang kampeon ng masang Pilipino? Akalain nyo bang ipagyabang ng Malakanyang ang tagumpay ni Pacquiao bilang siya umanong nag-isa sa sambayanang Pilipino? Bwisit!

Totoong malakas manuntok si Pacquiao. Totoong mabilis si Pacquiao. Pero hindi siya magaling na boksingero.  Magaling lang siyang mascot ng pamahalaang ito. Siya ang bayani ng pamahalaan na kayang talunin ang mga kalaban, if the price is right.

Kaya tingnan nyo naman ang mga nagangayupapa sa kanya sa Malakanyang. Katulad din niya. Magagaling.  Mahuhusay. If the price is right.

Sa isang banda, totoo rin na napag-isa ni Pacquiao ang sambayanan. At least, nung araw ng laban niya. Nagkaisa ang sambayanan na panoorin ang kanyang laban. Pero hindi ako sigurado na nagkaisa rin ang sambayanan sa pagdarasal ng kanyang panalo (bagamat mukhang mas marami ang nagdasal sa kanyang pagkapanalo, dahil malamang sa mga pusta).

Basta ang sigurado, hindi nabago ng kanyang panalo ang paninidigan ko laban sa kurakot na pamahalaang ito.

At isa pang sigurado, bwisit na bwisit ako.

Last Warning ng CBCP kay Arroyo
Napakalakas ng Posisyon ng CBCP.

Ang pinakahuling pahayag ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ay naghahatid ng mariing mensahe sa mga buwayang nakatira sa Malakanyang:  Magpaliwanag kayo — or else!

Ang “Seeking the Truth, Restoring Integrity” ay mensahe sa mga pinakamamahal na nilalang ng Diyos.  At kasama sa pinapaabutan ng naturang mensahe ang mga obispo mismong nakaupo sa CBCP at sa Permanent Council.

Himayin natin ang mga nakakabit na mensahe.

1. Nililinaw ng pahayag na ang mga Obispo ay hindi mga lider-politikal.  Sila ay mga pastol na gumagabay ay nagbibigay proteksyon sa atin mula sa mga masasamang elemento ng lipunan, para sa kabutihan ng lahat.

2. Kinikilala ng pahayag na hindi lang ang kaayusang politikal ang batayan ng isang malusog na demokrasya.  Kung babalikan natin ang “Reform Yourselves and Believe in the Gospel! (Mark 1:15)” na pastoral letter ng CBCP noong ika-27 ng Enero, makikita natin ang mariing panawagan ng simbahan para sa pagbabago: pagbabago ng ating mga sarili (pagkilala sa ating naging partisipasyon sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan) patungo sa pagiging matatag na bahagi ng ating pamilya, pamayanan at lipunan.  Patungo sa pagiging malinaw at malinis na konsensya ng lipunan.

3. Kinikilala ng pahayag na lugmok tayo ngayon sa krisis na hatid ng korapsyon, at kawalan ng moralidad ng kasalukuyang pamunuan ng pamahalaan.  Kung babalikan ang “Reform…” makikita natin ang ilinatag na kalagayan ng mga obispo ayon na rin sa mga kaganapan sa pambansang antas at sa mga ulat na nakakalap nila mula sa mga komunidad.

4. Ayon sa ispiritu ng pagiging patas, nais ng CBCP na ungkatin ang buong katotohanan.  Pansin sa mga katagang “the search for truth… must be determined and relentless…” ang mensahe na hindi pa natin nauungkat ang buong katotohanan.  Nais ng CBCP na papagsalitain ang Malakanyang at mga alipores nito upang sila na mismo ang magbigay-linaw sa isipan ng taumbayan.  Sa pamamagitan nito (pagsasalita ng Malakanyang), inaasahan ng CBCP na makakagawa ng malinaw at matibay na desisyon ang taumbayan pag natiris (o hindi natiris) ng mga magiging kasagutan ng Malakanyang ang ilang pagdadalawang-isip ng ilang sektor ng ating lipunan.

5. Pagbubuo ng mga “circles of discernment” sa mga pamayanan.  Pag-uulit lang ito sa malinaw na panawagan ng CBCP sa atin at sa kanilang hanay na rin na “form groups of thinking and praying people — in our schools, seminaries, parishes, mandated organizations, lay movements, social action groups, most especially in basic ecclesial communities…”  Nais ng CBCP na tumbukin natin ang batayang kakulangan sa ating mga buhay pampulitika at panlipunan: ang pagpapasailalim ng “common good” sa “private good”.

6. Communal action.  Malinaw ang panawagan. Sama-samang pagkilos ng Kristyanong komunidad at ng pambansang komunidad.  Ngayon, para matiyak na spiritually-guided ang magiging pagkilos, inuulit-ulit ng CBCP ang panawagan nila hinggil sa “circles of discernment”.  Ito ang kanilang lenggwahe na ang katumbas ay ang pagbubuo ng mga sit-ins, study groups, educational campaigns on the national situation, at iba pang porma ng kampanya na magbibigay kasagutan sa ating mga katanungan at gagabay sa ating magiging desisyon hinggil sa kung anong porma ng pagkilos ang ating tatahakin at panghahawakan.

7. People power with a difference.  Nais ng CBCP na maulit ang tagumpay ng EDSA 1.  Pero nais nilang ibasura ang latak na nabitbit nito (ang mga power players na sumasakay sa mga lehitimong isyu ng bayan, at mga trapong mabilis pa sa kidlat kung magpalit ng maskara).  Kaya nga ang unang hakbang ay ang maingat nilang pangunguna sa magiging desisyon ng taumbayan.  Nais nilang magmula sa grassroots ang pagkilos.  Kaya nga nananawagan sila sa kanilang mga sarili na magtayo sila ng malulusog at politically-matured na mga BEC sa kanilang mga diyosesis at arkdiyosesis.  At malinaw na nagbigay sila ng instruksyon sa mga concerned CBCP commissions hinggil dito. Sa pangmatagalang pananaw, nais ng CBCP na dumating ang panahon na hindi na aasa sa kanila ang mga tao para magdesisyon.  Bagkus ay kikilos ito ng isa ayon sa kanilang kolektibong pananaw, nang may isang boses, isang pninindigan at isang matatag na pamunuang mahigpit na nakaugnay sa grassroots.

Ngayon, sa ganyang batayan, binuo nila at ipinanawagan ang mga sumusunod na punto:

1. Kondenahin ang nagpapatuloy na kultura ng korapsyon mula sa pinakailalim hanggang pinakatuktok ng ating panlipunan at pampulitikang istruktura.  Nais ng CBCP na isabay nating birahin ang lahat ng porma ng pangungurakot na nagaganap sa loob ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa.  Tinukoy nilang ang korapsyon kasi ay isang porma ng pagprioritize ng private good kaysa sa common good, na mariing tinututulan ng panlipunang doktrina ng Simbahan.

2. Huling tsansa sa pamunuan ni Gloria:

A. Pangunahan ang pagbaka sa korapsyon.

B. Baklasin ang E.O. 464 na nagsisilbing tabing sa mga mata at takip sa mga tenga, ang daluyan ng katotohanan sa ating katawan.

C. Payagan ni Gloria ang kanyang mga alipores na magsalita hinggil sa usapin ng NBN-ZTE deal.

3. Apela sa mga sangay ng gobyerno na may kapangyarihang maglunsad at mangasiwa ng mga imbestigasyon, ayon sa interes ng taumbayan at hindi sa kanilang pansarili at pampulitikang interes.

4. Panawagan sa midya na maging positibong balon ng impormasyon sa paghahanap natin sa katotohanan at katarungan, at pagbaka sa korapsyon.

Ang mga mensaheng yaon ay mabigat.  Sa totoo lang, isang buong People Power na ang ipinanawagan ng CBCP sa “Seeking…”  Ang mga ilinatag na panawagan, particular ang ikalawa hanggang ika-apat, ay may invisible na karugtong na or else.  Kapag hindi nagawa ng kasalukuyang pamahalaan ang panawagang iyan, merong or else.  Saan lumalabas ang or else?

Sa kawalan ng panawagan laban sa “Resign Gloria” clamor ng taumbayan.

Ibig sabihin, ini-engganyo tayo ng CBCP na ipagpatuloy, palakasin at palawakin ang kampanya kontra-Gloria.  At habang ginagawa natin ito, binibigyan natin ng tsansa ang pamunuan ni Gloria na ayusin ang sarili nitong problema.

Ganun lang yun kasimple.

Kaya tara na!

Magbasa tayo at isabuhay natin ang Compendium of the Social Doctrine of the Church!

Itayo at palaguin ang mga matatatag at mulat na Basic Ecclesial Communities!

Isulong natin ang Common Good!

Bakahin ang lahat ng porma ng korapsyon!

Resign Gloria!  Now Na!