Announcement
Magkahiwalay na ang login details sa main site at sa Forums. Kung ayaw gumana ang iyong password, gamitin ang Lost Password Form o mag-email sa ederic@tinig.com. Salamat!
“Ngayon nga’y muling inililimbag ang Agos, at ngayon ma’y maaaring ituring na napapanahon ang muling pagbulwak nito.”
“Ngunit kung tunay na nagsusulong ng pagbabago ang gobyerno ni Aquino, kailangan niyang lumampas sa tipo ng mga pahayag na kagaya ng pinakawalan niya sa kanyang pampasinayang talumpati. Isang pagkakataon upang gawin ito ang kanyang paghahayag ng kauna-unahan niyang State of the Nation Address (SONA) sa darating na Hulyo 26.”
“Hindi hinihiling o hinihingi ng mga mamamayan na maging sina Superman at Einstein siya. Ang inaasam nila ay magkaroon ng totohanang pagbabago sa kanilang buhay at sa kalagayan ng bansa, at sa kanya nakita ng nakararami sa kanila ang pag-asa para rito. Ang ninanasa nila ay mapamunuan niya ang pagsasagawa ng mga pagbabagong kailangan ng bansa. At hindi kailangang maging sina Superman at Einstein siya upang magawa ito.”
“Sa hanay ng mga dukha isinilang si Ka Bel, at hanggang sa lisanin siya ng huling hininga’y hindi siya tumalikod sa kanila. Buong talino’t lakas niya ang kanyang inialay sa paglilingkod sa nakararaming mamamayang api’t nagdurusa.”
Tila hindi bibitiw sa baril ang mga daliri ni Nonoy kahit na pukpukin ng maso. Buo na ang kanyang kapasyahan: aasintahin niya ang ulo ni M. Villa, ang kanyang pangunahing kalaban sa panguluhan ng bansa, at kakalabitin niya ang gatilyo. Mabaliw-baliw na si Nonoy sa galit dahil may ilang linggo nang halos araw-araw ay laman [...]
“Hindi mamatay-matay ang usapin ng pandaraya sa halalan sa ating bayan. At paano naman ito mamamatay, ay wala pa yatang naitatalang talagang malinis na halalan sa ating kasaysayan?”
Binabasag nila ang katahimikan ng ating mga gabi’t araw sa kanilang panghaharana sa ating mga boto. Ngunit kung bakit nararapat nilang makamit ang matamis na “oo” ng ating mga boto ay hindi matarok nitong isip, sapagkat kahit na kasinlakas ng kulog ang kanilang pag-awit ay wala akong marinig na kanilang inaawit. Higit ko pang nais [...]
Yes, Virginia, there are such things as mermaids and mermen, tikbalang, kapre, witches, fortune-tellers, and magicians. In fact they abound and thrive in this sad republic where to love entertainment as an addict loves opium, LSD or some other mind-bending drug has been the fashion for generation upon generation. And their numbers are growing, it [...]
Naglabas ang isang hukom sa Imus ng mandamyentong nag-uutos na halughugin ang bahay ng isang Mario Condes sa Brgy. Maybangcal, Morong, Rizal. Hindi itinuturo ng mandamyento kung alin sa santambak na bahay sa Brgy. Maybangcal ang kay Mario Condes. Nilusob nila ang bahay ni Dra. Melecia Velmonte – na hindi nakakikilala kay Mario Condes, gaya [...]
Kung ang kulay mo ma’y hindi nakasisilaw, huwag kang tumungo’t magtakip ng mukha. Sapagkat kung makinang man ang lantay na ginto, kumikislap din ang kalawang na tinubog sa ginto.